You are on page 1of 3

Pagsasaling-wika: Pumili ng isang artikulo sa mga sumusunod na nasa ibaba.

Isalin ito sa
wikang Filipino gamit ang Lubhang Malayang Pagsasalin.

PAGKAKAROON NG MAAYOS NA KALIGIRAN NG PAGKATUTO NG MGA


KABATAAN

Sa malaking pagsusuri ng mga mag-aaral sa Timog-Silangang Asya, nabigyang-diin ang


positibong epekto ng kanilang mapagkukunan ng kaalaman at pagkatuto sa tahanan man o sa
paaralan. Ang pagkakaroon ng tubig at kuryente sa kanilang mga tahanan, at ang layo ng
kanilang nilalakad papunta sa kani-kanilang eskwelahan ay nagbunga ng malaking salik sa
pagkatuto.

Bahagi ng programa ng South East Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) noong 2019 ang
pagsasagawa ng pagtataya sa kasanayan ng pagsulat, pagbasa at sa matematika ng mga mag-
aaral sa ika-5 baitang sa bansang Cambodia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Vietnam at
Pilipinas. Naipakita sa pagtatayang ito na malaking epekto ang tahanan na siyang pinagmulan ng
kasanayan sa pagsulat, pagbasa at matematika sa epektibong pagkatuto ng mga bata.

Kasama ng SEA-PLM 2019 ang Southeast Asian Ministers of Education Organization


(SEAMEO) at ang UNICEF kasabay nito ang pagbibigay suporta ng Australian Council for
Educational Research (ACER) sa pagsasagawa ng programa.

Ayon sa natuklasang pagsusuri sa Discover na sinulat ni Jacqueline Cheng, mananaliksik ng


Programa ng Pagsusuri sa Edukasyon at Pag-unlad sa ilalim ng ACER, at Jeanine Spink,
Direktor sa pananaliksik ng nasabing programa, kung ang isang mag-aaral ay may sapat na
materyales sa pagsulat at pagbasa sa kanilang tahanan, ito ay magbibigay ng malaking
oportunidad na mas mahasa pa at malinang ang kanilang kasanayan sa pagbasa at pagsulat
mapalabas man ng paaralan.

Sa pagpasok sa eskwelahan, nagagampanan at nailalabas ng mga mag-aaral ang masusing


pundasyon ng kanilang kasanayan. Binibigyang diin dito ang kahalagahan ng pagbuo ng isang
kaligiran sa paaralan na kasingtulad ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan na
nakatuon sa pagbuo ng panloob na pundasyong kasanayan sa wika, bokabularyo at
komunikasyon.

‘…ang estratehiyang nagpapaunlad ng pakikipagtalastasan sa magulang at ang pagbibigay ng


praktikal na solusyon sa pagganyak at pagsuporta sa pagkatuto ng kanilang anak ay maaring
magkaroon ng makabuluhang epekto.’

Ang nakalap na impormasyon sa pagtataya ay sa pamamagitan ng talatanungan na patungkol sa


mga mag-aaral, magulang at sa komunidad, paaralan, mga guro at mga namumuno sa paaralan,
at ang kaligiran sa silid-aralan. (UNICEF at SEAMEO, 2020)

Ayon sa ulat ng Discover, isang-katlo sa mga gurong nasiyasat ang nagsasabing ang mga
hadlang sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay ang gutom, kulang sa tulog at mahinang
pangangatawan. ‘Ang ganitong sitwasyon sa isang bansa ay partikular na nakakaalarma – halos
85 porsyento ng mga gurong nagsasabing ang kanilang mga estudyante ay hindi malulusog’.

Binibigyang diin ang kahalagahan ng kalidad ng pagtuturo, sinasabi ng mga mananaliksik ng


ACER na isang-kapat sa mga guro ang hindi dumaan sa paunang pagsasanay sa batayan ng
pagtuturo ng pagbasa, pagsulat at matematika, at hindi tataas sa kalahati ang nakapagsanay sa
kung papaano mabibigyan ng suporta ang pangangailangan ng kanilang mag-aaral. Ang
pagkahuli at kawalan ng guro ay problema ng mga mag-aaral sa iba pang bansa.
PAGTATASA: PASULAT NA GAWAIN

Panuto: Bumuo ng isang artikulo na naglalahad ng iyong sariling kaisipan at pag-unawa base sa
napili mong babasahin (Book Review) na nasa ibaba. Maaring salungat o kampi ang iyong
kaisipan at gumagamit ng mga dagdag na referensya upang maging mas matibay pa ang iyong
isasagawang pagsusulat ng artikulo.

DETALYE NG AKLAT:

Pamagat: Bigwas sa Neoliberalismo, Alternatibo sa Kapitalismo: Adbokasing Pangwika at


Sosyalistang Programa sa Nobelang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
May-akda: David Michael M. San Juan
Linggwahe : Tagalog/Filipino, (May salin sa wikang Ingles)
Anyo o Estilo : Journal/Artikulo
Petsa: Agosto 2017

Napakalawak nang artikulo ngunit magandang basahin. Inilahad ang isyung panlipunan
maging ang usapin ng sosyalismo na maiuugnay sa nobelang Ibong Mandaragit na sinulat ni
Amado V. Hernandez. Nailahad din dito ang tungkol sa pagsulat ng nasabing nobela.
Binibigyang diin din rito ang sosyalismo ang naghahapag ng malinaw na solusyon sa
kasalukuyang krisis.
Nababatid ko na noon pa lang, sa panahon ng pananakop, hindi na pantay ang pagtingin
ng mga dayuhan sa atin. Hindi rin pantay ang trato sa mayaman at sa mahirap. Mas
makapangyarihan at mas maraming nagagawa ang taong may gintong kutsara kaysa sa taong
dukha.
Kahit naman sa kasalukuyan. Malaya na nga tayo ngunit ang takbo ng pamamahala ng
gobyerno ay hindi parin tumatagpo sa ating inaasahan. Marami pa ring namamantala at mapang-
abuso. Ang mahihirap ay naghihirap pa rin. Mga pangakong napapako na mukhang hindi na
maisasakatuparan.
Ngunit hindi ko batid ang iba pang isyu, nababalitaan ko man ay hindi ko pa rin
maunawaan ang puno’t dulo nito.
Kaya nagustuhan ko ang artikulong ito dahil ipinapamulat nito sa mga mambabasa na,
higit na ang mga kabataan katulad ko na gumising sa kamalayan at matuto tayong makiealam sa
mga napapanahong isyu. Kaya binigyan ko ang artikulo na ito ng grading 4.8/5.0

You might also like