You are on page 1of 4

LIGAO COMMUNITY COLLEGE

GUILID, LIGAO CITY

SY 2018-2019

Ikalawang Semestre

PHOTOESSAY
tungkol sa
Kahirapan
IPINASA NI: JAY AR M. RENEGADO
BSED I FILIPINO

IPINASA KAY: MS. SHEENA MAE CALMANTE


INSTRUKTOR
KAHIRAPAN SA PILIPINAS

Noong 2012, umangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent. Tuwang-tuwa si President
Noynoy Aquino sa pag-angat na ito. Ipinagmalaki niya ito. Ang pag-angat ng ekonomiya ay
dahil raw umano sa “maayos na pamamahala” ng kasalukuyang pamahalaan.

Ang nakapagtataka, sa kabila ng umaangat na ekonomiya, bakit marami pa rin ang


naghihirap at nagugutom. Bakit marami pa rin ang walang trabaho? Bakit marami pa ring mga
palaboy?

Isa sa mga itinuturing na dahilan ng kahirapan sa Pilipinas ay ang maling gawain ng mga
namumuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa
pagpapaunlad ng buhay ng mga
mahihirap ay ginagamit ng mga
pulitiko para sa sarili nilang
interes. Sapat ang sweldo ng mga
namumuno ng ating bansa, ang
totoo ay sobra-sobra pa ito para
bumuhay ng isang pamilya, pero
patuloy pa rin sila sa maling
gawain nila. Dahil sa maling
gawain ng mga pulitiko, mga
simpleng mamamayan ang
naaapektuhan, dahil mas pinipili
nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado,
isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno.
Masalimuot ang usaping kahirapan sa ating bansa. Kung tatanungin natin ang mga
mayayaman ang tiyak na sasabihin nila’y “marami kasi sa atin ang tamad”. At hindi naman natin
sila masisisi sa ganitong pananaw dahil umagang-umaga pa lamang nakikipag-inuman na ang
ibang mga kalalakihan sa barangay, walang kusang magbanat ng buto, at naghahangad na
lamang ng biglaang kita na parang “instant coffee”. Ang iba sa halip na maghanap ng
kapakipakinabang na trabaho ay nagbabakasakali sa sugal, at habang natatalo ay lalong
nagpipilit na makabawi hanggang sa malulong sa sugal at magkabaon-baon sa utang na lalong
nagpapalugmok sa kahirapan. Ang lalong nagpapabigat sa ganitong problema, wala na ngang
trabaho, ayaw magbanat ng buto, saksakan pa ng bisyo – sugal, alak o droga. Kaya paano nga
naman aasenso?

Bakit nga ba marami sa atin ang tamad, batugan, ayaw magbanat ng buto, pero nangangarap
ng masarap na buhay? Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala
silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga
Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at
manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang
piso sa isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, itinuturing
na isa sa pinakadahilan ng kahirapan.

Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan
ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay
malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na
nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita
natin.

Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng


magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero
may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero
mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakakapag-aral, at
ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno.

Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan
ng bansa natin.

Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang
antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa
ikauunlad nating lahat.
Kaya kailangang magbago ng pananaw sa buhay ang mga tao. Hindi swerte-swerte lamang
ang buhay. Kailangang maunawaan natin na may mga balangkas o istruktura sa lipunan na
siyang dahilan ng patuloy na pagkakalugmok ng mga tao sa kahirapan. Kung nabuwag na ang
oligarchy maaari tayong magsama-sama upang magtayo ng bagong uri ng pamahalaan na tunay
na para sa tao na tutugon sa kanilang mga karapatan at pangangailangan bilang mga mamamayan
ng bansa, at hindi pamahalaan para sa interes ng iilan lang na naghaharing uri.

You might also like