You are on page 1of 4

Abon, Yvon Jane Liane P.

G10 Euclid AP Q2 Modyul 1 W1-W2

Ikalawang Markahan Modyul 1: Globalisasyon

SUBUKIN
Gawain 1: Paunang Pagtataya
1. A
2. D
3. B
4. B
5. A
6. C
7. A
8. A
9. B
10. B
11. B
12. D
13. A
14. D
15. C

Balikan
Pamprosesong mga tanong:
1. Ano ang masasabi mo ukol sa globalisasyon base sa larawan?
- Base sa larawan na aking nakita, ang pagtaas ng buwis at mababang sahod ng manggagawa ang
dahilan ng pagproportesta ng mga mangagawa dahil hindi na nila kayang bilhin ang kanilang mga
pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya. Gumagamit sila ng makabagong teknolohiya para
iparating sa mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing.

2. Masasabi mo bang ang globalisasyon ay isang isyung panlipunan?


- Oo, masasabi ko itong isyung panlipunan dahil ang globalisasyon ay may koneksyon sa iba’t-ibang
bansa tungkol sa aspekto ng ekonomiya, politika, kultura, at kapaligiran.

3. Nakakaapekto ba ang mga isyung ipinakita ng larawan sa kaunlaran ng bansa? Ipaliwanag.


- Oo, dahil ang mga manggagawa ang siyang bumubuhay nang ekonomiya sa isang bansa. Dapat
balanse at patas ang gobyerno sa pagpapasahod at pagsingil ng buwis.
Pagyamanin 1
Gawain 1: Balangkas ng Kaalaman
BALANGKAS NG KAALAMAN
Pananaw Mahalagang Detalye Susing Salita
1.  Ang globalisasyon ay Nagkakaroon ng pagtangkilik ng Malakas na kalakalan
nagbigay ng kabuhayan sa produkto sa ibang bansa, kaya’t
mamayang pilipino, at nakakakuha tayo ng imported
napagkasundo ang mga na produkto sa kanila at dahilan
impormasyon pangkalakalan sa rin ng pag-usbong o kaunlaran
pagitan ng bansa. sa ating bansa na magkaroon ng
trabaho ang mga mamayanang
pilipino.
2. Social Mas magiging malapit ang mga Mas magiging malapit
tao sa kanilang mga mahal sa
buhay at maging sa mga kultura
ng mga banyaga. Mawawala rin
ang pagkatakot ng ilan sa mga
ibang lahi.
3. Dahil sa globalisasyon ay Nagdulot din ito ng problema sa Pag-usbong
nagbago ang pamumuhay ng paghina at pagbagsak ng lokal
mamayang pilipino. na namumuhunan.
4. Politikal Magkakaroon ng pagkakaisa Pag-kakaisa
ang bawat bansa dahil sa
malalim na ugnayan. Maiiwasan
din ang pagsiklab ng mga
madudugong digmaan.
5. Nagkaroon ng makabagong Umunlad ang ating makabagong Teknolohiya
teknolohiya. teknolohiya at na
impluwensiyahan rin tayo sa
paggamit nito dahil sa
globalisasyon.
Sagutin ang mga Tanong:
1. Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang globalisasyon.
- Para sa aking pagpapakahulugan, ang globalisasyon ay ito ang daan na nagpapalawak sa pakikipag-
ugnayan ng ibang bansa sa buong daigdig. Napapasali narin dito ang mga iba’t-ibang gawain katulad
nalang ng pang-ekonomiya, pang-teknolohiya, at kultural. Isa rin ito na nagiging proseso sa
pagpapalitan ng produkto, serbisyo, teknolohiya, at kaisipan ng tao.
2. Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon? Naniniwala ka ba dito? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
- Sinasabing matagal na ang globalisasyon ay dahil sa pinaniniwalaan na posibleng pinag-ugatan nito
ay ang pagbubukas ng suez canal. Kaya’t ito ang nagbigay daan sa pagpapalitan mula sa isang
kontinente papunta sa ibang kontinente ang mga kalakal, at naniniwala ako dito dahil hindi natin
magagawang makipag-ugnayan sa karatig kontinente at hindi rin natin malalaman na ipakilala ang
kulturang mga europa na siyang isa sa nagpabago ng pamumuhay natin.
3. Sa mga nabanggit na pananaw tungkol sa Globalisasyon, alin sa mga ito ang sa iyong palagay ay
mas makatotohanan? Pangatwiranan.
- Sa aking palagay ang ikatlong pananaw ang mas makatotohanan, dahil nangyayari ito sa
kasalukuyan na mas tinatangkilikan natin ang mga gawa ng ibang bansa kompara sa mga lokal na
produkto. Kaya’t humihina o bumabagsak ang mga namumuhunan sa lokal sa kakulangan ng
suporta at pagbili ng kanilang produkto.

Gawain 2: Produkto, Suriin ko.


PRODUKTO TATAK KOMPANYANG
GUMAWA NG
PRODUKTO
1. Laptop Acer Hongqi Corporation Ltd. Acer
Inc.
2. Cellphone Oppo Guangdong Oppo Mobile
Telecommunications Corp., Ltd
3. Ballpen Faber Castell The A.W. Faber Company
4. Glue Elmers Newell Rubbermaid Inc.
5. Sapatos World Balance CHG Global Inc.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Paano lumaganap ang mga produktong ito sa iba’t ibang panig ng daigdig?
- Dahil sa globalisasyon na kung saan dito ang mga produkto o kakalakalan na nagpapalitan mula sa
iba’t-ibang bansa at ikinakalat sa iba’t-ibang lugar upang makilala ito at mas mapabuti ang negosyo.
Kasabay sa tulong ng suez canal na mas mapapadali at napaiksi ang pagahahatid ng mga produkto sa
panig ng mundo.
2. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produktong ito sa atin? Pangatwiranan.
- Oo, dahil isa sa pangangailan ko sa panahon ng pandemya at ang bawat produkto nito ay
makakatulong sa ating buhay, kaya’t dapat natin ito tangkilikin at ingatan upang sa gayon ay mas
mapapadali itong produkto sa buhay natin.

Pagyamanin 2
Gawain 3: Tuklas-Kaalaman
1. Mga iba pang halimbawa ng mga multinational at transnational companies ay BDO, Coca-cola,
Nestle, Shell, Costco Inc.
2. Mga ka kompetensya nilang negosyo sa pilipinas ay Jollibee, BPI, San Miguel Corporation, Semirara
mining and power corporation, Puregold Price Club Inc.
3. Ang mabuting epekto ng MNCs at TNCs ay maraming nagbubukas ng iba’t-ibang trabaho sa mga
mamamayanang Pilipino. Sa hindi magandang epekto nito ay ang kompetensiya sa mga kompanyang
pag-aari ng pilipino, kaya’t marami rin nagsarang kompanya dahil nalugi sila sa kanilang negosyo.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Paano nakatutulong ang mga multinational, transnational corporations at outsourcing sa pag-
unlad ng bansa? Patunayan ang sagot.
- Oo, nakakatulong ang mga ito sa ating bansa at sa mga manggagawang pilipino dahil nakakalikha rin
ito ng mga trabaho sa loob at labas ng bansa at nakakadagdag din ng kita na nanggaling sa mga
investment ng mga multinational, transnational corporations at outsourcing na naipatayong pasilidad
sa ating bansa.
2. Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng outsourcing at multinational at transnational
corporation sa ating bansa?
- Nagdulot ito ng pagtaas ng ekonomiya sa ating bansa dahil sa mga buwis na kanilang binabayaran,
at bumababa din ang mga taong unemployed sa ating kapwa pilipino dahil sa nagbukas ng maraming
trabaho.
3. Sa kabuuan, nakabubuti o nakasasama ba ang mga pagbabagong nabanggit? Pangatwiranan.
- Sa kabuuan nito ay nakakabuti ang pagbabagong na nabanggit, dahil nakakatulong na paunlarin ang
ating serbisyo o ekonomiya sa bansa at matutulungan narin ang mga mamayanan na mabigyan sila ng
trabaho.

Isaisip
• Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
• May tatlong anyo ng globalisasyon. Kinabibilangan ito ng:  Globalisasyong Ekonomiko,
Globalisasyong Teknolohikal at sosyo-kultural, Globalisasyong Politikal
• Ang globalisasyon ay ang pinakamalaking pangyayari sa ekonomiya sa ating kapanahunan.
Nakikita ang kahalagahan nito sa kultura, ekonomiya, lipunan, pulitika.

• Ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang pagkawala ng pambansang


identity dahil sa patuloy na migrasyon ng mga tao at paghalo-halo ng mga tradisyon at kultura. Maari
rin ang pagbaba o humihina ang pagsuporta sa mga produktong lokal na namumuhunan dahil mas
tinatangkilik ang mga gawa ng ibang bansa.

Gawain B: Bukas na Liham


B. Para sa mga OFW

Mga minamahal na OFW, Enero 17, 2022

Tinuturing namin kayong mukha ng globalisasyon, dahil kayo ang ini-export ng bansa na para kumita
ng dolyar. Kaya’t nasasabi namin kayo ang bagong bayani dahil sa pagsasakripisyo niyong mag ibang
bansa, para kumita at mabigyan ng magandang kinabukasan ang inyong pamilya at nakakatulong din
kayo para mapa-unlad ang ating ekonomiya dahil sa pinapadala niyong remittance. Naipapakilala niyo
rin ang mga ugaling pilipino na pinupuri ng ibang bansa dahil sa pagiging masipag, matulungin, at
bukod diyan napapasali narin ang pagkilala ng ating kultura at tradisyon. Dahil sa globalisasyon, ay
nagkakaroon ng pagkakataon ang mga may magagandang negosyo na maipakilala sa ibang panig ng
mundo at tangkilikin ang produkto na gawang pilipino sa ibang bansa.

Nagmamahal,
Yvon Abon

You might also like