You are on page 1of 3

Abon, Yvon Jane Liane P.

G10 Euclid AP Q2 Modyul 3 W5-W6

Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon

Gawain 2. Picture, Picture!

Sa aking pag-kakaunawa nitong larawan ay ang mga OFW na nagdesisyon na lisanin ang bansang
Pilipinas para maka-pagtrabaho sa ibang bansa, ay may kapalit ng makakuha ng malaking sahod at
matugunan o masustentuhan ang kanilang mga pamilya para sa maginhawang pamumuhay. Sa
gawain nito ay isa sa mga dahilan ng migrasyon na may’roon mas magandang buhay sa ibang lugar at
opportunidad.

Gawain 4: Kwento ng Inspirasyon

1. Batay sa teksto, alin sa mga dahilan ng migrasyon ang nag-udyok kay Martin Ramos na
pumunta sa Saudi Arabia? Pangatwiranan.

- Makahanap ng magandang opportunidad at trabaho na nais din niya na makaahon mula sa


kahirapan, dahil sa sinabi niya na siya ay isang kagaya niya na OFW.

2. Ano-ano ang mga katangiang taglay ni Martin Ramos na nagdala sa kanya sa tagumpay?
Ipaliwanag ang bawat isa.

- Sa pagiging masipag at matiyaga, dahil sa pinagsikapan niya magtrabaho para lang maka pag-ipon ng
pera sa ipapatayo niyang negosyo. Pagiging matalino, dahil sa kanyang natutuhan mula sa kalakalan
na nasabing negosyo. At matulungin, dahil tinitunlungan niya ang kapwa niyang OFW upang
magtagumpay na kagaya niya.

3. Ano ang pangunahing aral na mapupulot sa teksto na may kinalaman sa pamamalagi ng mga
Pilipino sa ibang bansa? Ipaliwanag ang sagot.

- Ang pangunahing aral na mapupulot dito na may kinalaman sa mga mamamayanang Pilipino at sa
ibang bansa, ay ang tumulong sa ating kapwa at tratuhin din sila ng normal na tao. Dahil may
pagkakataon na mahina sila sa mga pinagdadaanan nilang pang-aabuso o hindi nasisiyahan sa
makabagong kapaligiran na pinag-tratrabuhan nila sa ibang bansa.

Gawain 7: Tayong Dalawa

Pangunahing Tanong sa Aralin: Ano ang pangunahing dahilan na mag-uudyok sa iyo na iwan ang
Pilipinas at tumungo sa ibang bansa?

 Aking Kasagutan (Sagot ng Mag-aaral)

- Para sa akin, ay kung may mag-alok na scholarship na makapag-aral sa ibang bansa ay kaya ko itong
iwan ang bansa na tinitirhan ko. Dahil nakakatulong na mas lalong madadagdagan at magabayan ang
aking kaalaman para lang makahanap ng maayos na trabaho kapag ako’y naka pagtapos sa pag-aaral.

 Kapareha (Sagot ng Kapareha)


- Sa tingin ng aking kapareha ay nais niyang makapagtrabaho sa ibang bansa at kumita ng dolyar para
sa magandang kinabukasan niya. Ang ayaw kasi niya dito ay mababa ang kita at kulang sa bakanteng
trabaho na pinagkukunan, kaya’t napipilitan ang ibang tao tumungo sa ibang bansa.

 Pinagsamang Ideya (Sagot ng Magkapareha)

- Ang pangunahing dahilan namin ay maraming opportunidad sa ibang bansa at mas lalong
magiginhawa ang aming pamumuhay.

 (Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang kanilang bagong kasagutan)

- Ang aming bagong kasagutan ay dahilan sa maraming opportunidad sa ibang bansa ay ni nais rin
namin na manirahan sa ibang bansa.

 (Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang kanilang pinal na sagot)

- Ang aming pinal sa kasagutan ay dahil sa maraming opportunidad sa ibang bansa ay ni nais naming
manirahan sa ibang bansa, at magawa namin ang ambisyon sa buhay para makamit ang aming
maginhawang pamumuhay.

Gawain 9: Bayani sa Amin!

Ang aking naka panayam ay ang kapatid ni mama na isang OFW na nagtratrabaho sa Canada, at ang
aking tinanong ang mga sumusunod:

1. Ano ang nag-udyok po sa inyo na nag-abroad?

- Ako’y nag ibang bansa para sa pamilya ko na maibigay ang kanilang magandang kinabukasan. Nasa
mahirap rin ang aming kalagayan dahil sa mababang pasahod na ang nagiging resulta ay hindi rin
nagiging sapat maibili ang aming pangangailanagan, at hirap rin na makahanap ng bakante trabaho
dito sa ating bansa. Kaya’t sa problemang kinakaharap ko na nasabi ko ay napilitan ko narin
magtrabaho sa abroad.

2. Ano ang naging advantage at disadvantage sa pagtratrabaho ng ibang bansa?

- Ang advantage sa pagtratrabaho ng ibang bansa ay mas malaki ang pasahod at maraming
opportunidad dito na makahanap ng trabaho, dahil dito ay naibibigay ko ang sapat na
pangangailangan sa aking pamilya. Ang disadvantage naman ay mahihiwalay ako sa aking pamilya at
hindi basta’t-basta makakauwi dahil may kontrata sa aking pinagtratrabuhan, kaya’t isang beses ako
umuuwi kada dalawang taon.

3. Naisipan mo narin bang manirahan sa ibang bansa?

- Hindi, dahil maayos naman ang paninirahan ko sa Pilipinas at ang problema lang sa kinakahrap ko sa
aking pamilya ay mababang pasahod at mababang opportunidad na makapagtrabaho dito. Pero kung
magulo ang bansa na tinitirhan ko ay di na ako magdadalawang isip na umalis dito at tumira at
magtrabaho sa ibang bansa.

You might also like