You are on page 1of 4

Abon, Yvon Jane Liane P.

G10 Euclid AP Q2 Modyul 4 W7-W8

Ikalawang Markahan Module 4 : Saloobin Tungkol sa Epekto ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon

Gawain 2: Talasalitaan
1. Migrasyon
- Ang pag-alis ng isang tao o pangkat ng mga tao mula sa kanilang nakagisnang lugar na tinitirahan
patungo sa panibagong lugar.
2. Overseas Filipino Workers (OFW)
- Ang mga Pilipinong manggagawa na nagtatrabaho sa ibang bansa.
3. Brawn Drain
- Ang pangyayari kung saan ang mga malalakas na manggagawa o atleta mula sa mga mahihirap na
bansa ay pinipiling tumira na lamang sa mga mayayamang mga bansa upang masuportahan ang
kanilang mga hilig o gawain.
4. House Husband
- Ang lalaking naiiwan sa loob ng tahanan upang gampanan ang tungkulin ng isang ina.
5. Brain Drain
- Ang pangyayari kung saan ang mga propesyonal at mga siyentipiko ng isang mahirap na bansa ay
nagma-migrate patungo sa mas mayayamang mga bansa.

Suriin (pahina7):

Pamprosesong mga Tanong:

1. Katanggap-tanggap ba bilang kalakarang pang-ekonomiya ang globalisasyon. Bakit oo/hindi?

- Oo, dahil nakakatulong na umangat ang ating ekonomiya sa bansa at mabigyan ng opportunidad na
makapagtrabaho ang ibang mamamayan sa ibang bansa para makapag-ambag na maitaas ang
kanilang pamantayan ng pamumuhay. Bukod dito, nakakapagbawas rin ng matinding kahirapan sa
ating mundo.

2. Ano ang epekto ng globalisasyon sa ekonomiya ng isang bansa lalo na sa mga karaniwang
manggagawa?
- Negatibo ang magiging epekto nito, dahil hindi nagiging patas sa agwat ng mayayaman at mahihirap
na ekonomiya ng isang bansa. Kaya’t ang mga karaniwang manggagawa ay mas pinipiling magtrabaho
sa ibang bansa dahil sa agwat ng sahod at paglaganap ng teknolohiya sa pagitan ng umuunlad na
ekonomiya sa isang bansa na pinagtratrabuhan.

3. Kailangan ba na gumawa ang ating pamahalaan ng mga pamamaraan upang di masyadong


maramdaman ang masamang epekto ng globalisasyon sa mga karaniwang mamamayan. Bakit
oo/hindi?
- Oo, dahil madaming problema sa ating bansa katulad ng kapos sa pagkain, madaming tao na
naghihirap dahil sa kakulangan na makahanap ng bakanteng trabaho, kakulangan sa kagamitan, at
hirap rin makahanap ng pagkakakitaan. Kaya’t kailangan natin itong masolusyonan dahil
nakakaapekto ang globalisasyon sa mga karaniwang mamamayan kapag ang ating ekonomiya ay
bumababa. Sa epekto nito ay mas napipilitan ang mga tao na umalis sa bansa nila na kinabibilang para
makapunta sa mayayaman na bansa.

Gawain 4: Pagsusuri sa Kaso

Pamprosesong mga Tanong:

1. Punan ang dayagram sa ibaba ng mga alternatibong solusyon sa lahat ng mga suliraning
nakaakibat sa artikulo. Sundin lamang ang format.

SULIRANIN: Pang-aabuso sa mga OFW


SOLUSYON: Magkaroon ng kasunduan sa dalawang panig ng bansa o sa iba pang bansa. Upang
maiwasan ang pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga OFW.
SULIRANIN: Pinagsasamantalahan ang mga manggagawang kababaihan
SOLUSYON: Bigyan sila ng proteksiyon at parusahan ang mga namamantala.

2. Bakit kinailangan ng mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya ang mga manggagawa mula Timog at
Timog-Silangang Asya?

- Dahil kakaonti ang naninirahan sa mga bansang timog-kanlurang asya, kaya’t lubos na
nangangailangan sila na maghanap na sapat na manggagawa upang matustusan ang pangangailangan
nila. Gano’on din ang timog-silangang asya na bansa, na nangangailangan rin na makahanap ng ilang
mamamayan na trabaho. Kaya’t ito dalawang panig ay magkatugma na nasasagot ang kanilang
pangangailangan ng bawat bansa para sa ikauunlad nila sa bawat panig.

3. Bakit sa taong 1985 ay kinailangan ang mga babaeng manggagawa sa Timog-Kanlurang Asya?

- Dahil tumataas ang demand para sa mga domestic worker, nars, mga sales staff, at iba pang sektor
ng serbisyo.

4. Mayroon bang diskriminasiyong nararanasan ang mga manggagawang Asyano kung ihahambing
sa mga propesyonal mula sa Europa at Hilagang Amerika? Ipaliwanag ang sagot.

- Meron nangyayaring diskriminasiyong nararanasan ang mga manggagawa, katulad nalang pagkuha
ng mga propesyunal na trabaho ng mga manggagawa dahil mas pinipili ang mga taga-europe at taga-
north amerika dahil sa mataas na kalidad ng edukasyon sa kanilang bansa kaysa sa mga taga-asyano.
Tingin rin nila sa mga asyano na pangalawa sa kagalingan ng propesyonal sa ginagawang trabaho.

5. Ano ang masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled workers’ ng isang bansa?

- Epekto nito ay magaganap ang brain drain at ang mga skill workers na ito ay magagamit sa ibang
bansa at hindi ang bansang pinagmulan ng mga skilled workers. Ang matitira nalang sa mga bansang
pinagmulan ay hindi na kagalingan na manggagawa.

6. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga manggagawa ay ninanais pa rin ng mga
ito na magtrabaho sa Kanlurang Asya? Ipaliwanag ang iyong sagot.

- Dahilan sa kahirapan ng buhay at gusto na bigyan ng magandang pamumuhay o kinabukasan ng


kanilang pamilya.
7. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong nararanasan ng mga manggagawa sa
ibang bansa?

- Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bukas na ugnayan sa ating mga kawani na siyang namamahala


sa ating mga manggagawa sa ibang bansa.

Gawain 6: Isulat mo na iyan!

Si Irma Edloy ay isang OFW na biktima ng pang-gagahasa at abuso sa kanyang amo, dahil sa pagiging
malupit sa kanya ay namatay siya nung atakihin sa puso sa sobrang takot sa kanyang amo. Itong
pangyayari na naranasan ang ating kababayan na OFW ay isa sa mga suliranin na kalakip ng
globalisasyon. Maraming kababayan natin na nagtratrabaho sa ibang bansa para makipagsapalaran sa
paghahanap-buhay upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya at makaalis sa
kahirapan na pamumuhay. Kaya’t naging epekto nito ng migrasyon sa globalisasyon, dahil marami sa
ating kababayan nag-iibang bansa para sa malaking pasahod at maraming oportunidad na makakuha
ng trabaho, kahit alam nila na maraming peligro na kakaharapin sa pag-alis ng ibang bansa. Bilang
isang mamamayan Pilipino na nagmamalasakit sa aking kababayan, aking imumungkahi sa gobyerno
na dapat bago papuntahin sa ibang bansa ang ating mga kababayan para magtrabaho ay magkaroon
ng “Memorandum of Agreement” ang dalawang bansa nagsasaad ang kaligtasan ng ating kababayan.
Bigyan na nararapat na sahod at sundin ang nasa kontrata na pinirmahan, bigyan ng seguridad o
insurance, at karapatan na makausap lagi ang pamilya.

Gawain 8: Handog Ko sa mga Migranteng Pilipino

Ginagamit ang tabak para sa pagpapakita ng katapangan. Maihahalintulad ko ito sa mga OFW dahil
pagpapakita ng katapangan ng kalooban na harapin ang mga mahihirap na trabaho para mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Kapag sila ay nagtagumpay parang tabak kapag itinaas
sa araw ay nagniningning ito, sumisimbolo ito sa mga OFW ng tagumpay sa buhay na maraming
nalagpasan na pagsubok at naabot ang kaniyang pangarap.

You might also like