You are on page 1of 3

Abon, Yvon Jane Liane P.

G10 Euclid Filipino Q2 W5

MARTES- PAKSA: Nobela mula sa Cuba- Ang Matanda at Ang Dagat

Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan


1. Ito ay uri ng sibat, may tatlong matutulis na dulo na ginagamit sa panghuhuli ng malalaking
uri ng isda.
- SALAPANG
2. Ito ay panghuli ng isda na may isang pisi at kawil sa dulo na madalas nilalagyan ng uod o
anomang pagkain para sa isda.
- PAMANSING
3. Nangangahulugan itong pinakamalalang kamalasan sa kanilang lugar.
- SALAO
4. Isang uri ng isdang may malaki at mahabang katawan at may tusok na nguso at palikpik.
- MARLIN
5. Ito ay nangangahulugang nanghina.
- NANLUMO
6. Tumutukoy ito sa nagsasalita sa kuwento at sa paraan ng kaniyang pagkukuwento.
- PUNTO DE VISTA
7. Ito ay larawang binubuo ng isang akdang pampanitikan.
- IMAHE
8. Ito ay paglalaban ng dalawang panig na maaaring sa pagitan ng tao o kaisipan.
- TUNGALIAN
9. Ito ang salpukan ng dalawang naglalabang panig.
- KASUKDULAN
10. Tumutukoy ito sa mga tauhan sa isang akda.
- KARAKTER

Gawain 3: Pagsusuri sa Akda


1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa nobela.
- Ang matanda mangingisda na si Santiago ay kilala siya sa kanyang bayan bilang “salao”, na ang ibig
sabihin ay pinakamalalang kamalasan. Siya ang nakahuli ng isang malaking marlin at pumatay ng mga
mababangis na pating gamit ang kanyang salapang. Prinotektahan ang kanyang sarili gamit niya ang
salapang, ngunit habang niya nilalabanan itong mabangis na hayop sa dagat ay kinain rin itong pating
sa kanyang isdang nahuli. Si Manolin ay isang batang lalaki na tapat at tagapaglingkod ni Santiago, at
siya rin ang pinakamalapit na kaibigan ni Santiago.

2. Bakit kaya tutol ang magulang ni Manolin na sumama siyang makipangisda kay Santiago?
- Gusto ng kanyang magulang na hindi siya mapahamak o mahawa sa kamalasan ni Santiago na
kumakalat sa mga sinasabi ng kayang bayan, kaya’t mas ginusto ng kanyang magulang na sumama na
lang daw si Manolin sa mga matatagumpay na mangingisda.

3. Maglahad ng patunay na di pa rin sumuko si Santiago sa mga panganib na hinarap niya sa


kaniyang paghuli sa marlin.
- Ipinakita niya ang pagpapahalaga at kahabagan sa kanyang kalaban na kahit siya’y nagkasugat-sugat
siya sa hirap at sakit, at itunuring parin niya itong bilang kapatid.

4. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Ang Matanda at ang Dagat” ang nobela? Anong
positibong epekto ang naidulot ng dagat kay Santiago?
- Ang positibong epekto naidulot sa kwento nito ay ang pagharap ni Santiago sa pagkakagawa ng
paraan na malampasan itong pagsubok sa kanyang buhay at hindi sumuko sa anumang problema o
hamon ng kanyang hinaharap. Sa aking palagay, si Santiago ay sumisimbolo ng buhay natin at ang
dagat ay simbolo ng problema o hamon na nangyayari sa buhay. Kaya’t sa tingin ko itong simbolo na
nakalagay diyan ang dahilan kung bakit pinamagatang itong nobela na kaugnay itong simbolo sa
nangyari sa kuwnto, at ang pangunahing tema nito ay tagumpay at huwag sumoko na malampasan
nitong hamon o problema sa buhay.

5. Ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na inilarawan sa nobela? Nangyayari


ba ito sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan?
- Inilarawan ng karahasan nangyari sa nobela sa pamamagitan ng pagmamalupit, pagtrato, at pag-
aabuso. Oo, patuloy parin itong nangyayari sa dahilan ng pagiging mapagmataas ang mga tao at
mapanghusga.

Gawain 4: Unawain Mo!


1. Bakit pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo?
- Nagulat sila sa ginawang pagpatay nito na si Kabesang Tano na ang nagmamay-ari ng lupa sa
kanyang sinasaka. Kilala rin si Tata Selo sa kanyang lugar bilang isang mabait na tao, kaya’t naging
mabilis na kumalat ang usapan at pinagkaguluhan narin sa nangyari sa pagpatay ni Tata Selo sa
Kabesa.
2. Ano-anong kalagayan ng mga magsasaka ang ipinakita sa kuwento?
- Ipinakita nito sa nangyari ay mahal ang kanilang trabaho at mapursigidong tao sa buhay, para lang
ang kanilang anak ay mapakain, ma-alagaan, at makapagtapos sa pag-aaral. Ito ang ipinapakita sa
kwento ng “Tata Selo”.
3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang pagkakakulong ni Tata Selo?
- Sa aking palagay, ang pagkulong sa ginawa ni Tata Selo ay makatuwiran. Dahil si Kabesang Tano ay
wala naman ginawang masama o kapahamakan na nangyari kay Tata Selo at sa kanyang anak. May
kakayahan rin si Kabesang Tano sa gustong niyang mangyari sa lupa dahil nabili niya ang lupang pinag-
aarian ni Tata Selo, at si Tata Selo rin ang nagdesisyon na gawin ang pagsanla at pagembargo sa
kanyang lupang pag-aari. Kaya’t ang bawat masamang ginawa o aksiyon ni Tata Selo ay may
kapanagutan.
HUWEBES- PAKSA: MGA PAHAYAG NG PAGSANG-AYON AT PAGTANGGI SA PANUNURING
PAMPANITIKAN

Gawain 4: Pananaw Ko, Ibabahagi Ko


Teorya Patunay

Realismo Ipinakita sa kuwento nito kung papaano nabuhay ang matandang mangingisda sa
dinaranas niya na sinasabihan siyang “salao” sa kanyang bayan. Ang ipinapatunayan
sa kuwento nito ay hindi sa lahat ng oras ay swerte tayo sapagkat ay marahil na
nagtatago ito katulad ng ipinalamas ni Santiago sa nobela, kaya’t hindi siya nawalan
ng pag-asa o sumoko lamang upang magpursigidong pumalaot at makahuli ng isda.
Humanismo Isang mabuting mangingisda si Santiago dahil sa ipinakita niyang pagiging matapang
na harapin ang hamon at kung paano siyang mabuhay mag-isa. Hindi rin siya sumoko
nung kinalaban niya ang mga pating na pumapalipot sa kanya at nakayanan rin niya
mailigtas ang kaniyang sarili.
Naturalismo Inihanda ni Santiago ang kanyang kagamitan at pati narin ang kanyang bangka para sa
pangingisda.

Eksistensiyalismo Napagdesisyon ng matanda na maglayag sa malayong bahagi ng dagat, upang


mapatunayan niya na kaya niyang lumaban at may tiwala siya na dapat niyang gawin
ito para mawakasan ang kaniyang kamalasan na sinasabi ng mga tao.

You might also like