You are on page 1of 16

1

FEEDBACK

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro

(Ando & Cueto)

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Lesson Plan Heading Baitang 8 Ikalawang Markahan

EsP8P-IIc-6.2
Kasanayang Nasusuri ang kanyang mga pakikipagkaibigan batay sa
Pampagkatuto tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle
DLC (No. &
Statement)

Value Clarification Approach


Dulog o
Approach

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan


Panlahat na na:
Layunin
(Objectives) C- Pangkabatiran: Matukoy ang pagkakaiba ng tatlong uri
DLC ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle;
EsP8P-IIc-6.2
Nasusuri ang kanyang mga A- Pandamdamin: Makapagpasya na ang pagkakaibigan na
pakikipagkaibigan batay sa
tatlong uri ng
nakaayon sa kabutihan ay ang pinakamataas na uri ng
pakikipagkaibigan ayon kay pakikipagkaibigan; at
Aristotle
B- Saykomotor: Makabuo ng sariling listahan ng mga
(Ando & Cueto)
paraan upang maging mabuting kaibigan.

PAKSA Ang Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle


(TOPIC)
EsP8P-IIc-6.2
Nasusuri ang kanyang mga
pakikipagkaibigan batay sa
tatlong uri ng
2

pakikipagkaibigan ayon kay


Aristotle

Inaasahang Kabutihan
Pagpapahalaga Moral na Dimensyon
(Value to be
developed) A- Pandamdamin: Makapagpasya na ang pagkakaibigan na
nakaayon sa kabutihan ay ang pinakamataas na uri ng
EsP8P-IIc-6.2
Nasusuri ang kanyang mga pakikipagkaibigan; at
pakikipagkaibigan batay sa
tatlong uri ng
pakikipagkaibigan ayon kay
Aristotle

A- Pandamdamin:
Makapagpasya na ang
pagkakaibigan na nakaayon
sa kabutihan ay ang
pinakamataas na uri ng
pakikipagkaibigan; at

Ang pagkakaibigan ay likas sa tao dahil siya ay isang


Konsepto ng panlipunang nilalang. Kung kaya’t ang pagganap ng mga
Pagpapahalaga paraan upang maging mabuting kaibigan ay siyang
makatutulong sa kaniyang pakikipagkapwa.

1. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8. 2013. pp.


137-165.
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-
grade-8-edukasyon-sa-pagpapakatao-learner-module
SANGGUNIAN pp. 150-151
(APA 7th Edition 2. Friendship (Stanford Encyclopedia of Philosophy).
format) (2021, July 30). Stanford Encyclopedia of
(References) Philosophy. Retrieved November 10, 2021, from
EsP8P-IIc-6.2 https://plato.stanford.edu/entries/friendship/
Nasusuri ang kanyang mga 3. Granada, N. (2013, July 8). K to 12 - Grade 8
pakikipagkaibigan batay sa Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
tatlong uri ng
pakikipagkaibigan ayon kay [Slides]. Slide Share.
Aristotle https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-
grade-8-edukasyon-sa-pagpapakatao-learner-module
(Cueto) pp. 150-151
4. Lickerman, A. (2013, December 15). The True
Meaning of Friendship. Psychology Today.
Retrieved December 3, 2021, from
https://www.psychologytoday.com/us/blog/happiness
-in-world/201312/the-true-meaning-friendship
3

5. Tang, I. (2018, June 18). 3 Kinds of Friends You


Meet In Life - Ian Tang. Medium. Retrieved
November 10, 2021, from
https://medium.com/@iantang/3-kinds-of-friends-
you-meet-in-life-6b03c8383a85
6. Valeria, O. (2021, November 15). 3 Types of
Friendship, According to Aristotle. Exploring Your
Mind. Retrieved December 3, 2021,from
https://exploringyourmind.com/3-types-of-
friendship-aristotle/

● Laptop
● PowerPoint Presentation-
● Classroomscreen
○ Home link: https://classroomscreen.com/app
● Jamboard link-
○ Home link: https://jamboard.google.com/
○ Activity Link:
https://jamboard.google.com/d/1gPZtEjGjT6p
mDkFJzVEpvRMkgSJy6jlOO5h_tNEsyO4/vi
ewer?f=0
MGA ● Bible.com-
KAGAMITAN ○ Home Link: https://www.bible.com/tl
(Materials) ○ Closing Activity
EsP8P-IIc-6.2 Link:https://www.bible.com/tl/verse-of-the-
Nasusuri ang kanyang mga day/PRO.18.24/40044?version=399
pakikipagkaibigan batay sa
tatlong uri ng
● Jotform-
pakikipagkaibigan ayon kay ○ Home link: https://www.jotform.com/
Aristotle ○ Quiz link:
https://form.jotform.com/213356700057046
(Cueto) ● Google Slides
○ Home link:
https://docs.google.com/presentation/
○ Activity link:
https://docs.google.com/presentation/d/1BClz
BIfvKws13qOfl0V-
pAzBjKLhaPrV4K5LZPow0LE/edit?usp=sha
ring
● StoryJumper-
○ Home link: https://www.storyjumper.com/

PANLINANG NA Technology
GAWAIN Dulog: Value Inculcation Integration
(Motivation)
EsP8P-IIc-6.2 Pamamaraan/Strategy: Modelling Youtube:
4

Nasusuri ang kanyang mga https://www.yo


pakikipagkaibigan batay sa
tatlong uri ng utube.com/wat
pakikipagkaibigan ayon kay Panuto: Magpaparinig ang guro ng isang ch?v=j7Ua8O
Aristotle bahagi ng awitin mula sa “Awit ng WOfvU
Barkada” ng Itchyworms. Pakinggan mula
(Ando)
1:00 hanggang 2:00 ang awitin. PowerPoint:
Pagkatapos, sasagutin ng klase ang mga https://docs.go
sumusunod na katanungan. ogle.com/prese
ntation/d/1B6Y
Link ng Awitin: 19IGKHcVA3
https://www.youtube.com/watch?v=j7Ua8 LmRCL1GOG
OWOfvU ZFNEWAmrP
YaG-
1. Tungkol saan ang napanood na VhnVD3lM/ed
video? it?usp=sharing
2. Kung ikaw ang pinag-aalayan ng Tignan ang
awiting napakinggan, ano ang pahina 3.
mararamdaman mo?
3. Para sayo, ano ang kahulugan ng Note: This
pakikipagkaibigan? portion will be
presented via
Powerpoint
Presentation.
For checking
purposes, the
file is
converted to
pdf.

Technology
Dulog: Value Clarification Approach Integration
PANGUNAHING Pamamaraan/Strategy: Degree of
GAWAIN Agreement and Disagreement Jamboard link:
(Activity) https://jamboar
EsP8P-IIc-6.2 Panuto: Magbibigay ang guro ng mga
Nasusuri ang kanyang mga d.google.com/d
pakikipagkaibigan batay sa sitwasyon na sumasalamin sa iba’t-ibang uri /1gPZtEjGjT6p
tatlong uri ng ng pakikipagkaibigan. Lalagyan ng tsek ng mDkFJzVEpv
pakikipagkaibigan ayon kay klase ang hanay na batay sa lebel ng
Aristotle RMkgSJy6jlO
kanilang pagsang-ayon o di pagsang-ayon. O5h_tNEsyO4/
(Ando) viewer?f=0
Mga Pahayag Lu S N D L
5

bo a e i u
s n ut S b
na g- ra a os
su a l n n
m y g- a PowerPoint
as o a di Presentation:
an n y su https://docs.go
g- o m ogle.com/prese
ay n as ntation/d/1B6Y
on a 19IGKHcVA3
n LmRCL1GOG
g- ZFNEWAmrP
a YaG-
y VhnVD3lM/ed
o it?usp=sharing
n
Tignan ang
Tinutulungan ko pahina 7-8.
ang aking kaibigan
sa asignaturang
Ingles dahil
tinutulungan niya
rin ako sa
asignaturang
Agham.

Malapit ako sa
aking kaibigan dahil
pareho kami ng
hilig at interes

Nahihirapan akong
lumapit sa aking
kaibigan kapag siya
ay tinutukso ng
ibang mag-aaral.

Kahit na may
kapansanan ang
aking kaibigan, nais
ko pa rin siyang
maging kaibigan.

Ang aking kaibigan


ay palagi lang
sumasama sa akin
6

kapag may bago


akong gadget.

Parehas namin
layunin ng aking
kaibigan na
makapagtapos ng
may karangalan sa
high school.

1. Ano-ano sa mga pahayag ang Technology


nagpapakita ng mababaw na Integration
pakikipagkaibigan? (C)
2. Anong mga pahayag ang nagpakita Classroomscre
ng malalim at mabuting en Link:
pagkakaibigan? (C ) https://classroo
3. Mula sa mga pahayag na ipinakita mscreen.com/a
ng iyong guro, paano mo pp
mailalarawan ang iyong sarili
MGA bilang isang kaibigan? (A) Panuto: Gamit
KATANUNGAN 4. Mula sa iyong sagot sa aytem 3, sa ang ‘Random
(Analysis) tingin mo ba ito ay mabuting name selector’
C-A-B pagkakaibigan? Patunayan. (A) ng
EsP8P-IIc-6.2
Nasusuri ang kanyang mga
5. Paano ka magiging isang mabuting ClassroomScre
pakikipagkaibigan batay sa kaibigan? Magbigay ng mga en,
tatlong uri ng konkretong paraan at kilos na magtatawag
pakikipagkaibigan ayon kay
Aristotle
nagpapakita ng kabutihan sa mula sa klase
pakikipagkaibigan. (B) ang guro upang
(Ando) 6. Mula sa iyong sagot sa aytem 5, sagutin ang
paano mo maisasabuhay ang mga
pagiging isang mabuting kaibigan? pamprosesong
(B) tanong.
7

Balangkas ( Outline) Technology


1. Kahulugan ng Pakikipagkaibigan Integration
2. Ang Tatlong Uri ng
Pakikipagkaibigan ayon kay Canva-
Aristotle https://www.ca
a. Pakikipagkaibigang nakabatay nva.com/desig
sa pangangailangan n/DAExa3CK
i. Halimbawa QmQ/1RZNnV
a. Pakikipagkaibigang nakabatay kxL8M44mlX
sa pansariling kasiyahan wmnJwg/view
i. Halimbawa ?utm_content=
b. Pakikipagkaibigan na nakabatay DAExa3CKQ
sa kabutihan mQ&utm_cam
ii. Halimbawa paign=designs
hare&utm_me
Nilalaman (Content) dium=link&ut
Ano ang pakikipagkaibigan? Ang m_source=shar
pakikipagkaibigan ay nabubuo sa ebutton
pamamagitan ng malalim na ugnayan ng
PAGTATALAKAY dalawa o mahigit pang tao na hindi
(Abstraction) nakabatay sa kanilang mga katangian kundi
EsP8P-IIc-6.2 sa mas malalim na aspekto ng kanilang
Nasusuri ang kanyang mga
pakikipagkaibigan batay sa pagkatao. Ayon kay Dr. Lickerman (2013),
tatlong uri ng ang pakikipagkaibigan ay ang matibay na
pakikipagkaibigan ayon kay ugnayan ng mga taong may magkaparis na
Aristotle
paninindigan. Itinulad niya ang relasyon na
(Cueto) ito sa isang Japanese term na “kenzoku” na
ang ibig sabihin ay “pamilya”.

Mayroong tatlong uri ng pakikipagkaibigan


ayon kay Aristotle:
● Pakikipagkaibigang nakabatay sa
pangangailangan
● Pakikipagkaibigang nakabatay sa
pansariling kasiyahan
● Pakikipagkaibigan na nakabatay sa
kabutihan

Pakikipagkaibigang nakabatay sa
pangangailangan.
“Kaibigan kita dahil kailangan kita.”

Ang pakikipagkaibigan na ito ay nakabatay


sa personal na interes ng magkaibigan.
Kinakaibigan ng isang tao ang isang tao
dahil may kailangan siya rito. Ayon kay
8

Dr. Valeria (2021), ang mga taong nasa


ganitong uri ng pakikipagkaibigan ay
madalas na nagpapaikot ng mga tao upang
maabot ang pansariling naisin.Ito ang
pinakamababaw na uri ng
pakikipagkaibigan dahil ito ay kulang ng
kabutihan, katarungan, pagmamahal, at
pagpapahalaga.
Halimbawa:
● Si Niana ay kinaibigan lamang ni
Shela upang makakopya lamang ng
mga sagot sa kanilang takdang-
aralin.

Pakikipagkaibigang nakabatay sa
pansariling kasiyahan.
“Kaibigan kita dahil masaya kang
kasama.”

Ang pakikipagkaibigang ito ay nabubuo sa


pagitan ng isa o mahigit pang tao na
masaya kasama o kausap. Nabubuo ang
pagkakaibigan sa bahaging ito dahil
mayroong taglay ang isang tao na gusto mo
at nakapagpapasaya sa iyo. Maaring
mayroon kayong pagkakapareho sa mga
hilig at interes.Hindi tumatagal ang
ganitong uri pagkakaibigan dahil hindi
handa ang magkakaibigan na tanggapin
ang pagkatao ng isa’t isa. Sa madaling sabi,
ang isang tao na may ganitong uri ng
pakikipagkaibigan ay nais lamang
magkaroon ng “masayang karanasan”.
Halimbawa:
● Naging magkaibigan sila Toni at
Albert dahil kapwa sila mahilig
maglaro ng basketball. Ngunit nang
malaman ni Toni na si Albert ay
nagkaroon na ng kapansanan, hindi
niya na ito binisita pa.

Pakikipagkaibigan na nakabatay sa
kabutihan
“Kaibigan kita maging sino ka man.”
9

Ang pagkakaibigan na ito ay nabubuo


batay sa pagkagusto (admiration) at
paggalang sa isa’t isa. Ang
pakikipagkaibigan na ito ay tumatagal at
mas may kabuluhan. Nabubuo ang
ganitong pakikipagkaibigan kapag naging
kapansin-pansin ang pagkakatulad ng mga
pagpapahalaga at layunin at pagkakapareho
ng pananaw at layunin sa buhay. Ito ang
pinakadakilang uri ng pakikipagkaibigan
ayon kay Aristotle dahil hangad nito ang
kabutihan para sa kaibigan.

Halimbawa:
● Kahit na mahirap lamang si Elay,
hindi iyon naging hadlang kay
Rosalyn upang ipagpatuloy ang
kanilang pagkakaibigan. Kapwa
nila tinutulungan ang isa’t isa sa
panahon ng pangangailangan.

Sintesis ng Talakayan

PAGLALAPAT Technology
(Application) Dulog: Value Clarification Approach Integration

EsP8P-IIc-6.2 Pamamaraan/Strategy: In-depth self- Google slides:


Nasusuri ang kanyang mga analysis exercise https://docs.go
pakikipagkaibigan batay sa
tatlong uri ng ogle.com/prese
pakikipagkaibigan ayon kay Panuto: Matapos matukoy ng mga mag- ntation/d/1BCl
Aristotle aaral na ang pagkakaibigang nakabatay sa zBIfvKws13q
kabutihan ang pinakamataas na uri ng Ofl0V-
B- Saykomotor: Makabuo
ng sariling listahan ng mga pagkakaibigan, sila ay bubuo ng isang pAzBjKLhaPr
paraan upang maging talahanayan na naglalaman ng limang (5) V4K5LZPow0
mabuting kaibigan. sariling hakbang kung paano magiging LE/edit?fbclid
(Cueto) =IwAR0rg6ei
10

isang mabuting kaibigan at paano ito HaZdkgW8Iwz


mailalapat sa kanilang buhay. A8piC6L4kYv
YRl_ileC7IBsp
Halimbawa: SkshD1TDDS
H0oghI#slide=
Mga sariling Paglalapat sa id.p
hakbang upang kanilang
maging mabuting pakikipagkaibiga
kaibigan n

1. Pagiging Hindi paghingi


matulungin ng anumang
kapalit sa
pagbibigay ng
tulong.

2.

3.

PAGSUSULIT Technology
(Evaluation/ Test I. Multiple Choice Integration
Assessment)
EsP8P-IIc-6.2 Jotform:
11

Nasusuri ang kanyang mga Panuto: Basahin nang mabuti ang mga https://form.jot
pakikipagkaibigan batay sa
tatlong uri ng pangungusap. Bilugan ang titik ng pinaka- form.com/2133
pakikipagkaibigan ayon kay angkop na sagot. 56700057046
Aristotle
1. Ano ang batayan na pundasyon ng
(Ando & Cueto)
pinakamataas na uri ng
pagkakaibigan ayon kay Aristotle?
a. Konsensiya
b. Kabutihan
c. Tiwala
d. Kooperasyon
2. Anong uri ng pagkakaibigan ang
nabubuo dahil sa kasiyahan ng isa o
higit pang mga tao dahil
karaniwang magkasama sa mga
gawain tulad ng magkakalaro sa
basketbol?
a. Pagkakaibigang nakabatay
sa pangangailangan.
b. Pagkakaibigang nakabatay
sa pansariling kasiyahan.
c. Pagkakaibigan na nakabatay
sa kabutihan.
d. Pagkakaibigan na nakabatay
sa damdamin
3. Ayon kay Aristotle, ang
pagkakaibigan na nakabatay sa
kabutihan ay nabubuo batay sa
________ at _________. Ano ang
mga salitang bubuo sa
pangungusap?
a. Pagtitiwala at pagrespeto
b. Pagiging bukas at pag
unawa
c. Pagiging totoo at
pagtanggap
d. Pagkagusto at paggalang
4. Ano ang pinakamababang uri ng
pakikipagkaibigan ayon kay
Aristotle?
a. Pagkakaibigang nakabatay
sa pangangailangan.
b. Pagkakaibigang nakabatay
sa pansariling kasiyahan.
c. Pagkakaibigan na nakabatay
sa kabutihan.
12

d. Pagkakaibigan na nakabatay
sa damdamin
5. Ano ang pinakamataas na uri ng
pagkakaibigan ayon kay Aristotle?
a. Pagkakaibigang nakabatay
sa pangangailangan.
b. Pagkakaibigang nakabatay
sa pansariling kasiyahan.
c. Pagkakaibigan na nakabatay
sa kabutihan.
d. Pagkakaibigan na nakabatay
sa damdamin

Test II.
Panuto: Suriin anong uri ng pagkakaibigan
ang ipinakikita sa mga sumusunod na
sitwasyon. Isulat sa patlang kung
pangangailangan, pansariling
kasiyahan, o kabutihan ang naging
batayan ng pagkakaibigan.

___ 1. Sa loob ng walong taon, si Patricia


at Stephanie ay naging matalik na
magkaibigan. Lagi nila sinusuportahan ang
isa’t-isa. Nagtutulungan sila at hindi
humihingi ng anumang kapalit.

___ 2. Si Jim ay isang drummer at madalas


sila may kasiyahan ng kanyang mga ka-
banda. Ngunit, paglipas ng ang isang taon,
naglaho na ang pagkakaibigan.

___ 3. Si Jad at Azrael at nagsimula


maging magkaibigan noong kolehiyo.
Masaya sila dahil sabay silang lumago
dahil sa pagkakaibigang binuo. Ngayon,
kahit mayroon ng pamilya ang dalawa,
hindi huminto ang kanilang pagkakaibigan.

___ 4. Pinipili ni Kelly ang kanyang mga


kaibigan, isa sa mga ito si Jade na laging
andiyan kapag kailangan niya ng tulong sa
gawain sa paaralan. Isang araw, nang
tanggihan ni Jade ang pakiusap ni Kelly na
gawin ang kanyang takdang aralin, hindi
niya na ito pinansin.
13

___ 5. Si Ben ay nagpapakita lamang ng


mabuting katangian kay Miguel tuwing
nangangailangan ng tulong pampinansyal.

Test III.

Panuto: Sa loob ng tatlo hanggang limang


pangungusap, sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

1. Ano-ano ang mga uri ng


pagkakaibigan ayon kay Aristotle?
Ipaliwanag.
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipapakita ang pagiging isang
mabuting kaibigan?

Mga Kasagutan:
Test I.
1. B.
2. B.
3. D.
4. A.
5. C.

Test II.
1. Kabutihan
2. Pansariling Kasiyahan
3. Kabutihan
4. Pangangailangan
5. Pangangailangan

Test III.
1. Ayon kay Aristotle, mayroong
tatlong uri ng pakikipagkaibigan.
Ito ay ang Pagkakaibigang
nakabatay sa pangangailangan,
pagkakaibigang nakabatay sa
pansariling kasiyahan, at
pagkakaibigan na nakabatay sa
kabutihan. Ang pagkakaibigang
nakabatay sa pangangailangan ay
madalas iniuugnay sa linyang
“kaibigan kita dahil kailangan kita”,
ito ay isang mababaw na uri ng
14

pagkakaibigan dahil kulang ito ng


kabutihan, pagpapahalaga at
pagmamahal. Ang pagkakaibigang
nakabatay sa pansariling kasiyahan
naman ay nabubuo sa dalawa o
higit na tao na madalas magkasama
sa parehong gawain na may
masayang pagsasama. Ito ay mas
mataas na uri kaysa sa naunang
nabanggit, ngunit maari din
maglaho kung mayroong hindi
nagustuhan o nawalan na ang
kasiyahan na binibigay nito. Sa
tatlong uri ng pagkakaibigan, ang
pinaka mataas ay ang
pagkakaibigang nakabatay sa
kabutihan. Ito ay nagsisimula sa
maagang yugto at hindi madaling
mabuo. Ang ganitong
pagkakaibigan ay bunga ng
pagkagusto (admiration) at
paggalang.
2. Ang pundasyon ng mabuting
pagkakaibigan ay kabutihan. Bilang
isang mag-aaral, maipapakita ko
ang kabutihan sa kaibigan ng may
paggalang at pagkagusto. Hindi ako
babase sa pansariling
pangangailangan at kasiyahan, sa
halip pahahalagahan ko ang ako
mga kamag-aral. Ang pagbuo ng
mabuting pagkakaibigan ay may
kasamang pagtulong sa paglago ng
bawat isa. Matututo akong makinig
at magbigay ng tulong ng walang
hinihinging kapalit.

TAKDANG- Panuto: Gagawa ang mga mag-aaral ng Technology


ARALIN malikhaing talaarawan sa loob ng isang Integration
(Assignment) linggo gamit ang story jumper. Ito ay dapat
EsP8P-IIc-6.2 na maglaman ng kanilang mga repleksyon StoryJumper:
Nasusuri ang kanyang mga
pakikipagkaibigan batay sa tungkol sa kahalagahan at positibong https://www.st
tatlong uri ng kalalabasan ng pakikipagkaibigan na oryjumper.com
pakikipagkaibigan ayon kay nakabatay sa kabutihan. /book/read/120
Aristotle
15

(First layer- Ando, scond Halimbawa ng talaarawan gamit ang story 517242/61afc7
layer- Cueto) jumper: 1ee47d8

Pamantayan sa Paggawa ng Malikhaing


Talaarawan

Technology
Pagtatapos na Approach: Value Inculcation Integration
Gawain
Strategy: Modeling Bible.com-
(Closing Activity)
EsP8P-IIc-6.2 https://www.bi
Nasusuri ang kanyang mga Panuto: Ang guro ay magpapakita ng isang ble.com/tl/vers
pakikipagkaibigan batay sa bersikulo mula sa aklat ng Kawikaan ng e-of-the-
tatlong uri ng Bibliya na may kaugnayan sa talakayan.
pakikipagkaibigan ayon kay day/PRO.18.24
Aristotlepakikipagkaibigan /40044?version
ayon kay Aristotle “May pagkakaibigang madaling lumamig,
=399
ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid.”
(First layer- Ando, scond
layer- Cueto)
Kawikaan 18:24
16

You might also like