You are on page 1of 3

Ang mga sinaunang Pilipino noon ay may sariling sining at panitikan bago pa man

dumating ang mga kastila. Ito ay ang mga panitikang pasalin dila o oral.  Ang pasalin
dila ito ay paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. May mga
panitikan ringnasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis
nabato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo(archeologists)
sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira itong mga prayle nang dumating
sila sa bansa sa paniniwalang ang mga itoay gawa ng demonyo.

Narito naman ang mga anyo ng panitikan sa panahon ng katutubo

Alamat -  Nagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig ito


rin ay Tumatalakay ito sa katutubong kultura, kaugalian, at kapaligiran. Halimbawa
nito ang alamat ng pinya.

Epiko - Tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao


laban sa mga kaaway ito din ay Nagtataglay ng kahiwagaan, kagilas-gilas,
kababalaghan na halos di na kapanipaniwala.

Kwentong bayan - ito ay kwento o sanaysay na ang paksa ay ang pag uugali ng isang
tao sa isang bayan.

Bugtong - Pahulaan o patuunan na binibigkas nang patula. Nilalaman nito ang pag-
uugali, kaisipan at mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay 

Salawikain - Matalinhagang pahayag na may kahulugang nakatago . Gamit ng


matatanda upang mangaral 

Awiting bayan - Naglalaman ng pangaral na ginagamit ng matatanda sa


pagpapaliwanag sa mg kabataan . Nagpapahayag ng damdamin, pamumuhay,
karanasan, paniniwala at kaugalian ng mga taong naninirahan sa isang lugar.

Dumako naman tayo sa panahon ng kastila.

Ang pangunahing dahilan ay ang pagpapalaganap ng pananampalatayang


Kristiyanismo o Katolisismo. Ang ikalawang dahilan ay pagpapayaman. Ito rin ang
dahilan kung bakit ang mga ibang bansa sa kanluran ay nananalakay ng mga bansa sa
Asya at sa Aprika. Ang ikatlong dahilan ay pagpapalakas ng kapangyarihan.

Sa kanilang pagdating may dala silang 3gs ito ay ang God Glory at Gold na
sumasailalim sa kanilang dahilan sa pananakop sa ating bansa.

Nahahati sa ang paniikan sa panahon na ito. Una ang Panitikang Pamaksang


Pananampalataya at Kabutihang-asal.
Karamihan sa mga manunulat kanilang pinapaksa ay pananampalataya at karaniwan
sa wikang ingles ito nakasulat. May mga unang aklat, newsletter at pahayan na
nailimbag sa panahon na ito. Doctrina Christian ang unang aklat, unang newsletter ay
ang Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. At
ang unang pahayagan naman ay ang Del Superior Govierno.

Mga akdang panrelihiyon:

Doctrina Christiana - auna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noon 1593, sa


pamamagitan ng silograpiko. Aklat ito nina Padre Juan de Placencia at padre
Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ng mga dasal,
sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal, pangungumpisal at
katesismo. -May 87 pahina lamang.

NUESTRA SENORA DEL ROSARIO - ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito
ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng
Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.

BARLAAN AT JOSAPHAT - ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Ito’ay isang salaysay


sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja mula sa Griyego. Ito ang
kauna-unahang nobelang Tagalogkahit saling-wika lamang.

PASYON - aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa ito tuwing


Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat (4) na bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at ang
bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang
Padre Mariano Pilapil (1814) Gaspar Aquino de Belen (1704); Aniceto dela Merced
(1856); at Don Luis de Guian (1750 ). -Isinaalang-alang na pinakapopular ang Version
de Pilapil na may 8 pantig sa bawat taludtod, at 5 taludtod sa bawat saknong.

URBANA AT FELISA -aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng


Klasikong Tuluyan sa Tagalog”.Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na
sina Urbana at Felisa. nauukol sa kabutihang- asal.

MGA DULANG PANRELIHIYON

PANUNULUYAN - Dulang tinatanghal sa lansangan 

DALIT - ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng
Maria.

SCRUZAN - ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng


Flores de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna
Elena, ang ina ni Constantino.

SENAKULO • isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong


Hesuskristo. • Kadalasan ginaganap sa lansangan o sa bakuran ng simbahan.

SALUBONG • Pagtatanghal ng pagtatagpo ng muling nabuhay na Panginoong Hesus


at ni Maria.
SARSUWELA • isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may
tatlong (3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig,
paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pa.

DUPLO • larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa


patay. • Isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay. • Pagalingan ito sa pagbigkas
at pagdebate, pero kailangan may tugma / sa paraang patula. • Gumagamit ng mga
biro, kasabihan, salawikain at taludtod galing sa banal na kasulatan

DUNG-AW • binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong


asawa, magulang at anak.

Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso

Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop


ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at
nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila
at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.

nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa


pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga
Kastila sa mga Pilipino;

You might also like