You are on page 1of 5

FILIPINO(SARILING LINANGAN KIT 6)

SUBUKIN NATIN

1. MALI

2. TAMA

3. TAMA

4. TAMA

5. TAMA

GAWIN NATIN

A.

7 a. Budget

3 b. Petsa

8 c. Paano mapakinabangan ng pamayanan

1 d. Pamagat

4 e. Pagpapahayag ng Suliranin

2 f. Nagpapadala

6 g. Plano na Dapat Gawin

5 h. Layunin

B.

1. Pagpapahayag ng Suliranin
2. Plano na Dapat Gawin
3. Paano mapakinabangan ng pamayanan
4. Petsa
5. Plano na Dapat Gawin
6. Nagpapadala
7. Budget
8. Plano na Dapat Gawin
9. Pamagat
10. Layunin

SANAYIN NATIN

Pamagat ng Panukala:

Panukalang Proyekto para sa Pagpapaayos ng aming kalsada.

Nagpapadala:

Dan O. Gomez

Purok 2, Barangay San Miguel

Tagum City

Petsa:

Ika - 24 ng Mayo, 2000

Pagpapahayag ng Suliranin:

Ang panukalang ito ay humihiling ng inyong tulong sa pag-aayos ng kalsada upang maging mas
mabilis at mas ligtas ang transportasyon ng mga tao at ng mga kalakal.

Layunin:

Nilalayon ng panukalang ito na mapaayos ang aming kalsada upang maging maayos ang takbo
ng transportasyon maging ang daloy ng trapiko.

Plano na Dapat Gawin:

A. Panukala para sa isang Poso.

B. Ang kabuuang halaga na aming hiniling para sa pagpapagawa ng mga pangunahing kalsada
sa aming barangay ay P 250,000.00 sa loob ng dalawang buwan.

C. Humigit-kumulang limang buwan

Budget:

Kinalkulang Budget (130,000.00)

Paano Mapakinabangan ng Pamayanan:


Ang paglagay ng palaruan para sa mga bata ay kapakipakinabang sa lahat ng mga bata sa
pamayanan. Mabibigyan sila ng pagkakataong makapaglaro sa labas ng bahay nang ligtas at
malaya.

SURIIN NATIN

1. D
2. G
3. A
4. H
5. B
6. C
7. J
8. E
9. F
10. I

PAYABUNGIN NATIN

Panukalang Proyekto para sa Pagpapatayo ng mga 'Waiting Shed' sa Barangay Ma-a

Jianna Bel D. Cordova

Purok 34, Barangay Ma-a

Talomo District 1, Davao City

Ika-12 ng Hunyo, 2022

Haba ng panahong gugugulin: Humigit-kumulang anim (6) na buwan

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN:

Ito ay isang panukala para sa pagpapatayo ng mga 'Waiting Shed' para sa publiko lalo na sa mga
nakatira sa ating Barangay. Ito ay isang maliit na istraktura na karamihan ay itinayo sa kahabaan
ng mga kalsada na nagsisilbing waiting area.
Araw-araw, iba't ibang pasahero ang naghihintay, nakatayo at nakaupo lang sa kahit saang gilid o
sulok ng ating komunidad para lang makakita ng masasakyan o mapansin ng drayber ng
sasakyan. Sa kasamaang palad, ang ilang mga tao ay maaaring masagasaan dahil sa hindi
paghihintay sa tama at ligtas na lugar. Upang maiwasan ang ganitong suliranin, kailangan nating
pagtuunan ng pansin at gumawa ng agarang aksyon para sa kapakanan ng mga pasahero at sa
ating lahat, bata man o matanda.

LAYUNIN:

Ang panukalang ito ay naglalayong mabigyan ng kaligtasan, kanlungan, at komportableng


waiting area para sa mga pasahero o mga nakatira sa ating barangay habang naghihintay ng
masasakyan, gaya ng mga jeepney, tricycle, o iba pang pampublikong sasakyan.

PLANO NA DAPAT GAWIN:

A. Paghahanda at pag-aaproba ng badyet;

B. Pagsasagawa ng sarbey sa buong barangay;

C. Pagsasagawa ng pagpupulong sa mga miyembro ng lokal na opisyal ng barangay Ma-a


hinggil sa pagpapatupad ng proyektong ito;

D. Pag-recruit at pagpili ng mga inhinyero at kontratista na nakatalaga sa pagbuo ng proyekto;

E. Paghahanap ng mga trabahador na kinakailangan para sa pagpapatayo ng 'Waiting Shed' sa


nasabing barangay;

F. Pagbubuo at pagtatayo ng 'Waiting Shed';

G. At panghuli, pormal na pagsusuri at pagsasagawa ng inspeksyon kung ang proyektong ito ay


matagumpay na naisakatuparan nang maayos at matibay.

BADYET:
PAANO MAPAPAKINABANGAN NG PAMAYANAN:

Mahirap sumakay lalo na kung walang tiyak na lugar na pwedeng puntahan ng lahat at
maghintay ng masasakyan. Kaya, dahil sa proyektong ito, ang mga sumusunod ay mahahalagang
kontribusyon o mapapakinabangan ng ating pamayanan:

• Dahil walang 'Waiting Shed' sa ating barangay, ito ay magsisilbing waiting area kung saan
malayang pumunta ang lahat at maghintay ng masasakyan;

• Ito ay magsisilbing "shelter" o kanlungan na kung saan maproprotektahan tayo sa ulan o sikat
ng araw;

• Ito rin ay magsisilbing isang lugar na kung saan tayo ay ligtas sa disgrasya o kapahamakan;

• At panghuli, hindi na mahihirapang sumakay o maghanap ng masasakyan sapagkat dito na rin


maghihintay ang mga drayber o di kaya'y alam na nila kung saan naghihintay ang mga pasahero
at madali lang nila tayong mapapansin at makikita.

You might also like