You are on page 1of 1

Di naman masama ang mangarap

Ngunit di rin madaling pangarap ay malasap


Kailangan mo humantong sa walang sawang pag hihirap
Ngunit di ibig sabihin nitoy ilugmok iyong sarili sa walang Sawang pagpapahirap
Di mo kasalanan
Di mo kasalanang ikaw ay napagiiwanan
Napapraning sa tuwing di mo mahiling lahat ng pangangailangan
Sapagkat hindi kaya, ang syang sambit ng iyong katawan
Hindi mo kaya, sambit ng iyong kaisipan
Pero gaano man kadalas ang pangarap mo hadlangan
Matuto ka paring lumaban
Sapagkat bandang huli’y sarili mo parin ang iyong sandigan
Maliban sa iyong mga pamilya’t kaibigan
May mga pagkakataong sarili mo lang ang iyong sasandalan
Sapagkat mayroong mga tahimik na laban
Na di mo kaya kahit kanino ipagkatiwala
Dahil pakiramdam mo sayo’y walang maniniwala
Sapagkat ikaw lamang ang nakakakita
Ng mga multo
Multong hindi mula sa kwentong pambata
Ngunit mga multo na nagsasabing
“Bata hindi mo ito kaya”
Ngunit wag mawalan ng pag-asa
Dito nag sisimula
Ang kwento ng bawat dakila
Gawin ang buong makakaya malalampasan mo ito
Matutong magpahinga kahit nahihirapan
Hindi mo pasan ang mundo
Matalo man ay hindi pa wakas
Indikasyon na nagsisimula palang ang laban
Ibigay mo ang lahat ng iyong itinataglay
Haraping ang bawat problemang halos walang humpay
Lumaban ka bata hanggang sa ang siklo ng buhay
Ay maitama mo ayon sa iyong tagumpay.

You might also like