Pambansa

You might also like

You are on page 1of 1

Filipino bilang wikang

Pambansa
Ang wikang pambansa ay ang wika ng pagkakakilanlan ng isang bansa.
Ito ang wika ng pulitika, kultural at ng mga lipunan. Sa pangkalahatan,
ito ay nililinang upang maging wika ng pambansang pagkakaisa at
tungkulin nitong magsilbing pagkakakilanlan ng mga mamamayan nito.
Sa isang bansang multilingual na tulad ng Pilipinas, ang pamahalaan ay
nagdedeklara ng isang partikular na wika upang maging wikang
pambansa dala na rin ng mga dahilang pulitikal. Madalas gamitin ang
islogang nagsasabing “isang bansa, isang wika”.
Kung kaya’t maraming mga bansa ang nagsususog na magkaroon ng
wikangsisimbolo sa kanilang pagkakaisa at pagiging isang bansa. Ang
malaking tanong ngayon ay paano ba pinipili ang isang wikang
pambansa? Sa iisang bansang mayroon lamang iisang dominanteng
grupo, ang pagpili ay hindi gayon kahirap di tulad ng isang bansang
maraming wika. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ang bilang ng
gumagamit ang isinasaalang-alang. Mahalagang faktor rin ang
kapangyarihang pulitikal. Kaya nga at maraming pag-aayaw sa wikang
Filipino dahil inaakala ng ilan na ito ay batay lamang sa Tagalog na
pinaniniwalaan nilang wika lamang ng mga Pilipinong nasa ilang bahagi
ng bansa.
Pinanggalingan:
https://www.academia.edu/14529942/Ang_Wikang_Filipino_Bilang_Wi
kang_Pambansa

You might also like