You are on page 1of 23

10

Araling Panlipunan
:

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap
ng mga Panganib na Dulot ng mga Suliraning
Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City


SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Imelda F. Gamboa
Mga Editor: Renmin Etabag, Joy A. Rullan
Mga Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon, Ariel F. Sabla-on,
Ursula Jane C. Lupisan
Tagaguhit: Mary Grace N. Prologo
Tagalapat: Luna Lou D. Beatingo
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

ii
10
Araling Panlipunan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod City.

iii
Paunang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy

Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga


mag-aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na
maaring gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa


iyong pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang
inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul
na ito. Ang gawain ay mula sa topikong mga paghahandang nararapat gawin sa
harap ng mga panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

. Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin
Ko, Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:

Bahagi ng modyul kung saan


Aalamin Ko
ipinapakilala ang learning competency
na dapat matutuhan sa araling ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang
Susuriin Ko pagsasanay na nagsisilbing pre-test at
balik-aral sa nakaraang leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat
Pag-aaralan Ko mong matutunan.

Napapaloob dito ang ibat iba at


Gagawin Ko karagdagang gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na


Tatandaan Ko maging gabay para magawa at
masagutan ang mga pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga
Isasabuhay Ko natutunang aralin upang matamo ang
pamantayan sa pagganap.
Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng
Susubukin Ko pagsusulit na angkop sa aralin.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

iv
Ikaapat Araling Panlipunan 10
na
Linggo Unang Markahan-Modyul 3

Pamantayan sa Pagkatuto:

● Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na


dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

Aalamin Ko

Ang pagiging handa sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran ay


mahalaga dahil sa kasalukuyan, itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga
bansang may mataas na posibilidad na makaranas ng iba’t ibang kalamidad
at suliraning pangkapaligiran.

Sa araling ito, pagtutuunan mo ng pansin ang mga paghahandang


nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran. Bilang isang mag-aaral, suriin mo kung paano ka
makatutulong sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

1
Susuriin Ko

Panuto: Suriin mo at sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin.

1. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa


Pilipinas?
A. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura
B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan
D. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan

2. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng pagiging resilient ng mga


mamamayan?
A. Bumuo si Lito ng DRRM plan kasama ang mga NGO at mga pangkaraniwang
mamamayan
B. Nakipagpulong si Mayor Bing sa mga kapitan ng bawat barangay upang
magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa panahon ng kalamidad.
C. Nakipagtulungan si Blessy, lider ng samahan ng mga kababaihan sa mga
kawani ng pamahalaang pambarangay sa pagsasagawa ng hazard
assessment.
D. Nabuo ni Marites ang DRRM Plan ng kanilang barangay sa pakikipagtulungan
ng business sector at NGO.

3. Kung sakaling magkakaroon ng kalamidad sa inyong lugar, ano ang una mong
gagawin?
A. Manatili sa bahay at maghintay na may dumating na tulong.
B. Manood/ making ng balita tungkol sa paparating na kalamidad
C. Siguraduhing may nakahandang pagkain at gamot.
D. Magplano kung saan lilikas at sumunod sa otoridad kung sakaling iuutos ang
paglikas.

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng pagkakaroon ng isang


mahusay na disaster management?
A. Ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong
nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng
mga risk na maaari nilang maranasan.
B. Magiging matagumpay ang disaster management kung magtutulungan ang
pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga mamamayan, NGO,
at business sectors.
C. Mahalaga ang aktibong partipasyon ng mga mamamayan upang magamit
ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng DRRM plan.
D. Sa panahon ng mga kalamidad at sakuna, huwag lumabas ng bahay at
hintayin ang tulong na darating mula sa pamahalaan.

2
5. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa mga paghahandang
nararapat gawin sa pagharap ng panganib na dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran?
A. Kasama ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malaking suliranin ang mga isyung pangkapaligiran kung kaya’t kailangang
pagtulungan itong harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang
sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Makatutulong sa turismo ng ating bansa kung mawawala ang mga suliraning
pangkapaligiran nito.

6. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng sakit ng maraming tao sa isang komunidad


tulad ng sakit na COVID-19?
A. Influx B. Black Death C. Epidemic D. Pandemic

7. Alin sa sumusunod ang hindi anthropogenic hazard?


A. Leakage of toxic waste
B. Digmaan
C. Pagkatuyot ng Lupa
D. Polusyon sa kapaligiran

8. Ang mga sumusunod ay kabilang sa pamamahala sa Disaster Management


maliban sa ___________________.
A. Pamahalaan C. Mamamayan
B. Business Organizations at NGO’s D. Dayuhan

9. Aling pangkat ang mas higit na vulnerable kung sakaling magkakaroon ng mga
sakuna at kalamidad?
A. Kalalakihan, mga batang lalaki, mga matatanda
B. Kalalakihan, Kababaihan, mga batang lalaki
C. Kababaihan, mga bata, mga matatanda
D. LGBT, kalalakihan, kababaihan

10. Ang maiitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay isang
halimbawa ng:
A. Risk C. Natural Hazard
B. Disaster D. Anthropogenic Hazard

3
Balik-aralan Ko

Panuto: Sagutin ang katanungan na nasa loob ng kahon:

Paano nauugnay ang mga suliranin sa Solid Waste Management at


pagkaubos ng likas na yaman sa Climate Change?

Pag-aaralan Ko3

Ang Disaster Management

Ang Disaster Management ay ang pag-oorganisa at pamamahala ng mga


resources at ang pagbibigay ng mga responsibilidad sa mamamayan sa panahon
bago dumating, habang nangyayari, at pagkatapos ng sakuna at kalamidad. Ang
pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa
pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management.

Hindi lamang ang pagtugon matapos ang isang kalamidad ang


kinapapalooban ng disaster management, kabilang din dito ang mga gawain
upang lubusang makabangon mula sa kalamidad at maibalik ang normal na daloy
ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang alam mo ang


pagkakaiba ng mga ginagamit na termino o konsepto. Ang sumusunod na
kahulugan ay isinalin sa Filipino mula sa Disaster Risk Management System
Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama (2008).

4
1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng
gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala
sa buhay, ari-arian, at kalikasan.

1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard


– ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng
mga gawain ng tao. Ang maitim na usok na
ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan gaya
ng ipinakikita sa larawan ay ilan sa mga
halimbawa ng anthropogenic hazard
lrmds.deped.gov.ph/detail1327
EASE Module, Integrated Science

1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga


hazard na dulot ng kalikasan. Ilan
sa halimbawa nito ay ang bagyo,
lindol, tsunami, thunderstorms,
storm surge at landslide.
lrmds.deped.gov.ph/detail10978
Landslide sa St. Bernard Leyte, 2006

2. Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na


nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-
ekonomiya. Maaaring ang disaster ay
natural gaya ng bagyo, lindol at pagputok
lrmds.deped.gov.ph/detail11065 ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan
Tsunami at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding
resulta ng hazard, vulnerability at kawalan
ng kapasidad ng isang pamayanan na
harapin ang mga hazard.

3. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao,


lugar, at imprastruktura na may mataas
na posibilidad na maapektuhan ng mga
hazard. Ang pagiging vulnerable ay
kadalasang naiimpluwensiyahan ng
kalagayang heograpikal at antas ng
Larawang kuha ni Nove P. Macayan kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable
ang mga bahay na gawa sa hindi
matibay na materyales.

5
4. Risk – ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao,
ari-arian at buhay dulot ng pagtama ng isang
kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng
pamayanan ang kadalasang may mataas na risk
dahil wala silang kapasidad na harapin ang
panganib na dulot ng hazard o kalamidad.
Bulkang Kanla-on
Larawang kuha ni Imelda F. Gamboa

5. Resilience–ang pagiging resilient ng isang komunidad


ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan
na harapin ang mga epekto na dulot ng
kalamidad. Ang pagiging resilient ay
maaaring istruktural, ibig sabihin ay
isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali
upang maging matibay. Maaari ring ito ay
makita sa mga mamamayan, halimbawa
Larawang kuha ni Imelda F. Gamboa
ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
hazard ay maaaring makatulong upang sila
ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad.

Mga Konseptong Nakapaloob sa Disaster Management

1. Carter (1992) - ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng


pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol. Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat
magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon,
at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna,
kalamidad at hazard. Malinaw na sinasabi dito na hindi lamang
nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang pagbabalangkas ng disaster
management plan. Kabilang din dito ang mga mamamayan at ang
pampribado at pampublikong sektor.

2. Ondiz at Rodito (2009) - ang disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain
na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng
sakuna, kalamidad at hazard. Nakapaloob din dito ang mga
plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang
maiwasan, makaagapay sa mga suliranin at makabangon mula
sa epekto ng kalamidad, sakuna at hazard.

6
Maging Maalam, Maging Ligtas!

TAMANG KAALAMAN AY KAHANDAAN


Paghahanda sa Bagyo, Baha, Lindol, Tsunami, Landslide, Pagputok ng Bulkan
at Sunog

Mga Dapat Tandaan

• Alamin ang mga panganib at warning system sa inyong komunidad. Siguraduhing


alam ito ng buong pamilya.
• Suriin ang bahay at kumpunihin ang mga sira at mahihinang bahagi nito.
• Mahalaga na ang bawat plano sa paghahanda at paglikas ay alam ng bawat
miyembro ng pamilya at kasambahay.
• Ituro sa mga kapamilya kung saan at kung paano ang pagpatay sa supply ng
kuryente, gas at tubig.
• Makilahok sa mga emergency drills at iba pang gawaing paghahanda sa inyong
komunidad, paaralan o opisina.
• Kapag may abiso ng awtoridad, agad na lumikas dala ang emergency kit.

Kahandaan sa LINDOL at TSUNAMI

• Siguraduhing matibay ang bahay at ligtas ang pagkakakabit


ng mga nakabitin at mabibigat na kasangkapan.
• Huwag magpatong ng mga babasaging bagay sa ibabaw ng cabinet.
• Alamin ang mg emergency exit at ang pinakamadaling daan patungo dito.
• Kapag lumilindol, gawin ang DUCK, COVER and HOLD TECHNIQUE:
yumuko, magtago sa ilalim ng matibay na mesa, at humawak sa mga paa nito.
• Umiwas sa mga bagay na madaling mabasag, mabibigat at maaaring bumagsak.
• Tulungan sa paglikas ang mga bata, matatanda, may kapansanan at ang mga
buntis.
• Kapag nasa labas, lumayo sa mga poste, pader at mga gusali. Huwag tumawid ng
tulay, overpass at flyover.
• Kapag nagmamaneho, igilid at ihinto muna ang sasakyan.
• Kung nakatira malapit sa dagat, mabilis na lumikas dala ang emergency kit kung
mayroong panganib ng tsunami.
• Pagkatapos ng lindol, lumabas mula sa bahay o gusali at magpunta sa isang open
area.
• Huwag muna bumalik sa bahay o gusali dahil sa panganib ng aftershock.
• Kapag ligtas ng bumalik sa bahay, suriing mabuti ang linya ng tubig at kuryente.
Kung may nakitang sira, isara ito mula sa main switch at ipaalam sa kinauukulan.

7
Kahandaan sa BAGYO at BAHA
• Mag-imbak ng ready-to-eat na pagkain gaya ng tinapay, biskwit at de lata.
Magipon din ng maiinom na tubig na maaaring tumagal hanggang tatlong araw.
• Tiyaking may sapat na kasuotan at ihanda ang emergency survival kit.
• Pagsama-samahin ang mga importanteng dokumento at ilagay sa lalagyang hindi
kayang pasukin ng tubig. Magtabi ng sapat na pera.
• Siguraduhing puno ang baterya ng cellphone at ihanda ang mga flashlight,
radyong de baterya at pito.
• Ilikas ang mga alagang hayop sa ligtas na lugar at anihin na ang mga gulay at
prutas na maaari nang anihin.
• Huwag nang pumalaot upang mangisda o maglakbay dahil sa panganib ng storm
surge.
• Makinig sa radio at makibalita upang malaman ang kalagayan ng panahon.
• Lumikas dala ang emergency survival kit kung pinayuhan ng kinauukulan. Bago
ito gawin, isara ang mga bintana, ikandado ang mga aparador, pintuan at gate, at
patayin ang main switch ng kuryente.
• Siguraduhing nakalagay sa mataas na lugar ang mga mahahalagang bagay tulad
ng appliances para hindi ito abutin ng baha.
• Huwag tumawid ng ilog lalo na kung ito’y lagpas-tuhod na. Mag-ingat din sa mga
ligaw na hayop tulad ng ahas na maaaring inanod ng tubig baha.
• Kapag lumipas na ang bagyo, suriin ang bahay para malaman kung may nasira
rito.
• Ipaalam sa kinauukulan kung may mga nasirang kable o poste ng kuryente.
• Tiyaking walang outlet o kable ng kuryente na nakababad sa tubig bago buksan
ang main switch ng kuryente.
• Itapon ang mga naimbak na tubig-ulan mula sa mga paso, lata at gulong upang
hindi ito pamahayan ng lamok.

Kahandaan sa PAGPUTOK ng BULKAN

• Bago pa man magkaroon ng aktibidad ang bulkan, alamin ang sistema ng


pagbibigay babala at emergency plans sa inyong komunidad lalo na ang ligtas na
daan kapag kailangang lumikas.
• Kung may pagbabadya ng pagputok ng bulkan, making sa mga ulat at payo ng
mga kinauukulan.
• Kapag pumutok na ang bulkan, gawing mahinahon ang paglikas dala ang
emergency kit at face mask.
• Tiyaking nakasara ang mga pinto at bintana ng bahay.
• Takpan ang ilong at bibig ng dust mask o basang panyo.
• Iwasang dumaan sa mg ilog o sapa dahil maaaring daluyan ito ng lahar.
• Kapag huminto na ang pagsabog, hintayin ang anunsyo ng awtoridad na ligtas ng
bumalik sa mga tahanan.

8
Kahandaan sa LANDSLIDE

• Huwag magtayo ng bahay sa mga lugar na matatarik, malapit sa paanan ng


bundok, may malambot na lupa, at dati ng nagkaroon ng mga pagguho.
• Sa oras ng malakas na pag-ulan o bagyo, maging alerto at obserbahan ang inyong
kapaligiran sa mga sinyales ng landslide: pagbitak ng lupa, pagtabingi ng mga
puno o poste, pagkukulay ng putik ng ilog at mga bitak sa dingding, sahig o
kalsada.
• Kung nakatira malapit sa estero o ilog, maging alerto sa posibilidad ng biglaang
pagtaas ng tubig. Ang biglang pagbaba mula sa normal na level ng tubig ay
maaring sinyales ng pagbara sa may itaas na bahagi ng ilog dahil sa landslide at
posibleng pagkakaroon ng flashflood o debris flow.
• Lumisan kung kinakailangan at gawin ito sa lalong madaling panahon dala dala
ang inyong emergency survival kit.
• Pagkatapos ng landslide, hintayin ang abiso ng mga lokal na opisyal na ligtas
nang bumalik sa inyong lugar.

Kahandaan sa SUNOG

• Ipasuri ang mga linya ng kuryente upang


matiyak na ito ay ligtas.
• Maghanda ng fire extinguisher sa bahay
at alamin ang paggamit nito.
• Itagong mabuti ang mga posporo, lighter,
at anumang kemikal na maaaring pagmulan ng sunog.
Ilagay ang mga ito sa lugar na hindi maabot ng bata at malayo sa kalan.
• Panatilihing malinis ang kalan at huwag maglagay ng mga gamit
sa ibabaw nito. Tiyaking walang leak ang LPG.
• Huwag iiwanan ang niluluto.
• Tanggalin sa saksakan ang mga appliances pagkatapos gamitin.
• Iwasan ang pag-overload ng mga saksakan at huwag gumamit ng sirang kurdon.
• Ilayo ang kandila sa mga bagay na madaling masunog
• Kung nagkaroon ng sunog, lumabas agad ng bahay kasama ang pamilya.
• Kung ang usok ay makapal na, gumapang palabas ng silid upang iwasang
makalanghap ng usok.
• Kapag nadapuan ng apoy, gawin ang STOP, DROP and ROLL. Tumigil sa
pagtakbo, dumapa sa sahig, takpan ang mukha at magpagulong-gulong.
• Magpagamot kaagad kung nagtamo ng sugat, paso o nakalanghap ng maraming
usok.
• Pagkatapos ng sunog, huwag bumalik sa loob ng bahay hangga’t walang abiso ng
bumbero.

9
Emergency Kit

Mahalaga na mayroong nakahandang mga kagamitan na maaaring dalhin lalo na kung


kinakailangang lumikas ng pamilya sa oras ng disaster.

First Aid Kit, kasama Inuming tubig


ang mga panglunas sa saradong
sa lagnat, LBM, lalagyan at mag-ipon
sugat at iba pa sa mga balde o
drum

Flashlight, kandila, Mga kailangan ng


posporo, baterya at sanggol, matatanda
silbato at may kapansanan

Pagkaing hindi
Radyo at baterya madaling masira,
medaling ihain at
sapat para sa
tatlong araw

Kumot, malinis na Magdala ng extra na


damit, kapote, botas, pera tulad ng barya
tisyu at mga sanitary
supplies

Lubid, lumang
diyaryo at matibay
na lalagyan ng mga
mahahalagang
bagay

Source: NDRRMC Practice: Tamang Kaalaman ay Kahandaan

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/11240

10
Gagawin Ko - A

Pangalan___________________________________ Baitang _____________


Paaralan ___________________________________ Iskor _______________

Panuto: Suriin ang mga larawan na may kinalaman sa Disaster Management at


tukuyin kung anong ideya ang ipinakikita ng mga ito. Isulat sa sagutang
papel ang inyong mga kasagutan.

Larawang kuha ni Imelda F. Gamboa


lrmds.deped.gov.ph/detail11065
Tsunami
1. ____________________ 2. ____________________

Larawang kuha ni Nove P. Macayan Larawang kuha ni Imelda F. Gamboa


3._____________________ 4._____________________

Larawang kuha ni Nove P. Macayan Larawang kuha ni Winnie C. Sison


5.____________________ 6. ___________________

11
Batay sa iyong pamayanan, punan ang kahon sa mga naranasang kalamidad.

Anthropogenic
or Natural
Human-induced 1. Hazard 1.
Hazard
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5 5.

2. Bakit marami pa ring mga taong mas pinipiling manirahan sa mga lugar na
mapanganib lalo na kung may kalamidad?

3. Paano mo maipapakita ang pagiging resilient sa panahon ng kalamidad?

Panganib 1: ________ Panganib 2:_________. Panganib 3:__________

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

4 4. 4.

12
Gagawin Ko - B
Pangalan___________________________________ Baitang _____________
Paaralan ___________________________________ Iskor _______________

Disaster Management, Mahalaga ba?

Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa


pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management. Hindi lamang ang
pagtugon matapos ang isang kalamidad ang kinapapalooban ng disaster
management, kabilang din dito ang mga gawain upang lubusang makabangon mula
sa kalamidad at maibalik ang normal na daloy ng pamumuhay ng mga tao sa isang
lugar.

Pumili ng isang banta sa buhay at ari-arian sa inyong lugar. Maaring ito ay


Anthropogenic/Human-Induced Hazard o Natural Hazard. Punan ang talahanayan
upang maisakatuparan ang konsepto ng Disaster Management na nabanggit sa
itaas. Isaalang-alang ang mga naka-italized na salita.

DISASTER MANAGEMENT: MGA GAGAWIN


BAGO DUMATING ANG SA PANAHON NG PAGKATAPOS NG
SAKUNA SAKUNA SAKUNA

EPEKTO NG PAGTUTULUNGAN NG KOMUNIDAD SA PANAHON NG KRISIS

Napagtanto ko na sa gitna ng bawat krisis na kinakaharap ng tao …

13
Gagawin Ko - C
Pangalan___________________________________ Baitang _____________
Paaralan ___________________________________ Iskor _______________

Panuto: Basahin ang sumusunod na situwasyon. Tukuyin kung anong konsepto na


may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management ang
inilalarawan. Gamiting batayan sa pagsagot ang nasa loob ng kahon.

NH – Natural Hazard D - Disaster AH – Anthropogenic Hazard


V – Vulnerability R – Resilience RK - Risk

_____1. Maagang umuwi ng bahay si Ram mula sa kanilang paaralan dahil


sa paparating na malakas na bagyo.
_____2. Nangangamba si Ana na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa
at dalawang taong gulang na anak dahil sa maruming tubig baha sa
kanilang lugar.
_____3. Isa ang pamilya ni Pinky sa mga nakaligtas mula sa pinsalang dulot
ng malakas na lindol na tumama sa kanilang pamayanan.
_____4. Ipinasara ni Sec. Renmin ang isang establisimyento dahil pinadadaan
nito sa ilog ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa ng
produkto.
_____5. Nakipagpulong si Mayor Bing sa mga kinatawan ng bawat barangay
upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa panahon ng
kalamidad.

Tatandaan Ko
Ang Disaster Management ay ang pag-oorganisa at pamamahala ng mga resources at
ang pagbibigay ng mga responsibilidad sa mamamayan sa panahon bago dumating,
habang nangyayari, at pagkatapos ng sakuna at kalamidad.
May iba’t ibang termino o konsepto na ginagamit sa pag-aaral ng disaster management:
Hazard (natural hazard, anthropogenic hazard), Disaster, Vulnerability, Risk at Resilience
Kabilang sa Disaster Management ang iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at
magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang
komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard.
Hindi lamang nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang paghahanda ng disaster
management plan, kabilang din dito ang mga mamamayan, pampribado at pampublikong
sektor.

Para sa aking pamilya, kailangan naming maging handa sa lahat ng pagkakataon upang
maging ligtas sa mga panganib na maaaring idulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

14
Isasabuhay Ko
Pangalan___________________________________ Baitang _____________
Paaralan ___________________________________ Iskor _______________

A. KAYANG-KAYA PAG SAMA-SAMA!


Dahil sa isang malakas na lindol nahiwalay ang barangay nina Dante mula sa
kanilang munisipalidad. Walang komunikasyon at transportasyon, maging ang
suplay ng kuryente. Limitado lamang ang suplay ng pagkain sa bawat pamilya.
Karamihan sa mga mamamayan ay nagsumikap na makabangon habang
naghihintay ng tulong mula sa pamahalaan at mga NGO’s.
Kung kayo ang nasa katayuan nina Dante, paano ninyo haharapin ang
ganitong kalagayan? Kumpletuhin ang Problem-Solution Organizer. Isulat sa papel
ang mga sagot.

PROBLEMA SOLUSYON

B. Subukan mong magmasid sa inyong lugar, ano-ano ang mga nakikita mong
gawain ng mga tao na nagpalala sa sitwasyon o nakatulong na mabigyan ng
solusyon ang problemang dulot ng kalamidad? Halimbawa: COVID-19.
Sumulat ng sanaysay gamit ang rubrik bilang gabay. Isulat sa papel.

15
RUBRIK PARA SA SANAYSAY

Papaunlad Nakuhang
Pamantayan Mahusay (3) Katamtaman (2)
(1) Puntos
Paglalahad ng Mahusay na inilahad Nailalahad ang May papaunlad
Paksa ang paksa sa paksa sa na kasanayan
pamamagitan ng may katamtamang sa pagsulat ng
pagkamalikhain sa pamamaraan ng sanaysay
pagsulat nito pagsulat ng may
pagtatangka sa
pagiging malikhain
nito
Nilalaman Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang
nilalaman ayon sa nilalaman ayon sa nilalaman ayon
ideya na tumutugon ideya na tumutugon sa ibang ideya
sa isyung tinalakay sa bahagi ng isyung na tumutugon
tinalaky sa isyung
tinalakay
Konklusyon Naisuma ang Katamtamang Papaunlad ang
sanaysay ayon sa naisuma ang pagkakasuma
tiyak na mensahe ng sanysay ayon sa ng sanaysay
isyung tinalakay mensahe ng isyung
tinalakay
Kabuuang Puntos na Nakuha

Susubukin Ko

I. Panuto: Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpuno sa mga patlang.


Hanapin sa loob ng kahon sa ibaba ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

organisasyon handa makatugon pamahalaan makabangon


mamamayan pamumuhay pagpaplano lugar disaster management

Ang (1) _________________ ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa


sa pamamahala ng (2)________________, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi,
pamumuno at pagkontrol. Kabilang din dito ang iba’t ibang (3)______________ na
dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging (4)______________,
(5)_______________ at (6)_________________ang isang komunidad mula sa
epekto ng sakuna, kalamidad at hazard. Hindi lamang nakasalalay sa kamay ng
(7)_______________ ang pagbabalangkas ng disaster management plan. Kabilang
din dito ang mga (8)______________ at ang pampribado at pampublikong sektor na
siyang magtutulungan upang lubusang makabangon mula sa kalamidad at maibalik
ang normal na daloy ng (9)________________ ng mga tao sa isang (10)_________.

16
II. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan at isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa
Pilipinas?
A. Kapayapaan, Kabuhayan at Kultura
B. Kabuhayan, Kalakalan at Kalusugan
C. Kalakalan, Kapayapaan at Kalikasan
D. Kalusugan, Kabuhayan at Kalikasan

2. Alin sa sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng pagiging resilient ng mga


mamamayan?
A. Bumuo si Lito ng DRRM plan kasama ang mga NGO at mga
pangkaraniwang mamamayan
B. Nakipagpulong si Mayor Bing sa mga kapitan ng bawat barangay upang
magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa panahon ng kalamidad.
C. Nakipagtulungan si Blessy, lider ng samahan ng mga kababaihan sa mga
kawani ng pamahalaang pambarangay sa pagsasagawa ng hazard
assessment.
D. Nabuo ni Marites ang DRRM Plan ng kanilang barangay sa
pakikipagtulungan ng business sector at NGO.

3. Kung sakaling magkakaroon ng kalamidad sa inyong lugar, ano ang una mong
gagawin?
A. Manatili sa bahay at maghintay na may dumating na tulong.
B. Manood/ making ng balita tungkol sa paparating na kalamidad
C. Siguraduhing may nakahandang pagkain at gamot.
D. Magplano kung saan lilikas at sumunod sa otoridad kung saklaing iuutos ang
paglikas.

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng pagkakaroon ng isang


mahusay na disaster management?
A. Ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong
nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng
mga risk na maaari nilang maranasan.
B. Magiging matagumpay ang disaster management kung magtutulungan ang
pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga mamamayan,
NGO, at business sectors.
C. Mahalaga ang aktibong partipasyon ng mga mamamayan upang magamit
ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng DRRM plan.
D. Sa panahon ng mga kalamidad at sakuna, huwag lumabas ng bahay at
hintayin ang tulong na darating mula sa pamahalaan.

17
5. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa mga paghahandang
nararapat gawin sa pagharap ng panganib na dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran?
A. Kasama ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malaking suliranin ang mga isyung pangkapaligiran kung kaya’t
kailangang pagtulungan itong harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t
ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Makatutulong sa turismo ng ating bansa kung mawawala ang mga
suliraning pangkapaligiran nito.
6. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng sakit ng maraming tao sa isang komunidad
tulad ng sakit na COVID-19?
A. Influx B. Black Death C. Epidemic D. Pandemic
7. Alin sa sumusunod ang hindi Anthropogenic hazard?
A. Leakage of toxic waste
B. Digmaan
C. Pagkatuyot ng Lupa
D. Polusyon sa kapaligiran
8. Ang pamamahala sa Disaster Management ay kinasasangkutan ng:
A. Pamahalaan
B. Mamamayan
C. Business Oragnizations at NGO’s
D. Dayuhan
9. Aling pangkat ang mas higit na vulnerable kung sakaling magkakaroon ng mga
sakuna at kalamidad?
A. Kalalakihan, mga batang lalaki, mga matatanda
B. Kalalakihan, Kababaihan, mga batang lalaki
C. Kababaihan, mga bata, mga matatanda
D. LGBT, Kalalakihan, Kababaihan
10. Ang maiitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay isang
halimbawa ng:
A. Risk
B. Natural Hazard
C. Disaster
D. Anthropogenic Hazard

Sanggunian
Patnubay ng Guro sa Araling Panlipunan 10.
Kontemporaryong Isyu
pahina 90-92
Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10.
Kontemporaryong Isyu
pahina 82-89

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

You might also like