You are on page 1of 6

ARALIN #4 QUIZ #4

Magsaliksik sa Internet tungkol sa ilang pangyayari sa iba’t ibang panig


ng mundo. Magdownload ng mga 10 larawan kaugnay ng napiling
pangyayari. Lagyan ng deskripyon ang mga ito na naglalahad ng
pagpapahalaga (values) na ipinapakita sa bawat larawan. Ilagay sa
Microsoft Word ang gawa at ipasa.

1. Ang larawan sa ay nagpapakita ng isang estudyante na huminto sa gitna


ng pag-ambon habang inaawit ang Lupang Hinirang gayon din ang mga
constraction worker na itinigil ang kanilang ginagawa para lang awitin
ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Ang larawan ay nagpapakita ng
paggalang sa ating pambansang awit at watawat.
2. Ang larawan ay nagpapakita ng isang guro na nagtuturo sa kanyang
mga estudyante kahit na ang kanyang silid-aralan ay gawa lamang sa
“bamboo at nipa hut.” Hindi ito nakahadlang sa kanyang pagtuturo sa
kanyang mga estudyante kahit na kulang siya sa gamit sa pagtuturo.
Nagpapakita ito ng pagpapahalaga sa edukasyon ng bawat isa. Na kahit
hindi maayos ang silid-aralan ay patuloy parin siya sa paghahatid ng
kaalaman sa mga bata.

3. Ang larawan ay nagpapakita ng pagreponde at paglikas ng mga


awtoridad sa mga taong na standed sa kanilang mga bahay ng dahil sa
baha dulot ng malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyo. Ito ay nagpapakita
ng pagpapahalaga sa buhay ng bawat tao na kabila ng delikadong
sitawasyon ay hindi sila nagpatinag. Sinuong nila ang malakas na ulan
para lamang maligtas ang mga taong nangagailangan ng tulong sa gitana
ng malakas na hagupit ng bagyo.
4. Ang larawan ay nagpapakita ng pagtulong ng isang doctor sa mga taong
nangangailangan ng tulong sa kanilang kalusugan. Na kahit na walang
bayad ay libreng ibinibigay and kanilang serbisyo matulungan lamang ang
maraming taong kailanhan ang kanyang tulong Nagpapakita ito sa
pagpapahalaga sa kalusugan ng bawat tao.

5. Ang larawan ay nagpapakita ng pagmano ng isang lalaki sa isang


matanda na nakita niya sa kaniyang paglalakad sa. Hindi siya
nagdalawang isip na magmano bilang pagbibigay ng galang sa matanda.
Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa paggalang sa matanda.
6. Ang larawan ay nagpapakikita ng pagprotesta ng ilang grupo ng mga
tao para sa kapayapaan ng ng bawat isa at madinig and kanilang mga
hinaing. Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapayapaan ng ating
bansa.

7. Ang larawan ay nagpapakita ng pagdiriwang kultura ng ibat ibang


lugar at pagpapahalaga sa kultura nating mga Pilipino.
8. Ang larawan ay nagpapakita ng paglilinis ng mga estudyanteng Boy’s
Scout at Girl Scout sa isang Coastal Areas. Ito ay nagpapakita lamang
ng isang pagpapahalaga sa ating kapaligiran na kailnagan nating
panatilihing malinis para sa ikabubui ng lahat.

9. Ang larawan ay nagpapakita ng mga sundalong ginagawa ang kanilang


tungkulin kahit sa gabi para lamang mapanatili ang kaligtasan ng bawat
tao laban sa mga may masasamang hangrin sa bayan. Ito ay nagpapakita
ng pagpapahalaga sa kaligtasan ng bawat Pilipino.
10. Ang larawan ay nagpapakita ng isang batang lalaki na hirap
makapaglakad dahil sa kaniyang luslos, tumigil muna sa pag-aaral. At
humingi nang tulong para makapagpagamot na siya nang sa gayo’y
makapasok na siya sa paaralan.Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pag-aaaral na sa kabila ng kaniyang sitwasyon ay pangarap niya paring
makapag-aral.

You might also like