You are on page 1of 3

Filipino Skit

Intro
Jorens: (Tagline) Edukasyon aksyon! Inuuna ang solusyon, nag-
uulat ng nagbabagang impormasyon.

Studio
Jorens: Hulyo 27, 2021; narito ang nagbabagang balita hatid sa
inyo ng Edukasyon aksyon! Mula sa huling SONA ni Presidente
Rodrigo Roa Duterte, pangakong kalidad na edukasyon, inilahad.
Ang balitang iyan, ihahatid sa atin maya maya lamang ni Bernard
Borganio. Sa kabilang banda, pahayag ni PRRD, pinag-usapan sa
social media. Iyan at ilan pang mga nagbabagang balita iuulat ng
Edukasyon aksyon!
*transition*
Jorens: Sa kabila ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19,
kalidad na edukasyon ipinangako ng pangulo sa katatapos lang na
State of the Nation Address, pahayag ng pangulo; iba balita
sa’tin ni Bernard Borganio.
*field*
Borgy: Magandang hapon, Jorens ilang nga sa pangako ng pangulo
ngayong pandemya ang kalidad na edukasyon, na pinalawak ng
pangulo kani-kanina lang sa SONA. Sinabi niya na kahit hindi pa
rin umuusad ang face-to-face classes sa bansa, nananatili daw na
determinado ang palasyo sa paghahatid ng dekalidad at accessible
na edukasyon para sa lahat. Sisiguraduhin din daw ng kaniyang
kampo na magiging mas madali ang pag-aaral, sa kabila ng mga
balakid. Usapang balakid nga, kontrobersya ngayon ang usapin sa
maayos na edukasyon sa ilang rural areas sa bansa. Narito ang
daing ng ilan sa kanila:
*Parang interview* *transition*
Arwen: (Estudyante sa pampublikong paaralan) Wala pong maayos na
module. Minsan sira, lukot — minsan basa. Nagtitiis na nga lang
po kami dito sa bahay, kahit minsan ‘di na kita yung mga letra na
naka-print. Nakakalungkot kaya sana maaksyunan na ng pamahalaan.
Borgy: Ayon nga sa huling datos ng Unicef, umabot na sa 2.8
milyong mga bata ang walang access sa eskwelahan, at patuloy pa
nga ang pagtaas ngayong pandemya. Lumalabas na 78 percent lamang
ang mga estudyanteng nakakapagtapos ng basic education dito sa
bansa. Ngunit hanggang ngayon, hati ang opinyon ng madla, may
ilan sa kanila na naiisip na mas maganda ang online kaysa sa
traditional face-to-face classes, narito ang isa sa kanila.
Hatchie: (Estudyanteng nag-o-online class) Maganda naman po yung
online classes kasi nakakagawa pa ako ng mga project dahil na sa
bahay nga lang, ‘di tulad ng dati, nasasayang yung oras sa pag
commute. Masasabi ko lang po ay sana mabigyan ng suporta iyong
mga batang walang kakayahan na matuto sa gitna ng pandemya.
Borgy: Kung makikita nga natin ano, hati talaga ang hinain ng
bawat isa, pero iisa lamang ang hangad ng lahat, magkaroon ng
pantay na oportunidad para sa lahat. Mula sa Edukasyon, aksyon!
nag-uulat, Bernard Borganio.
*sa studio*
Jorens: Nako, matagal na talaga natin isyu ang usaping ‘yan, sa
katunayan nga ang nasabing aksyong gagawin nga ng pangulo ay
nakatanggap ng iba’t-ibang opinyon, ang balitang ‘yan tinutukan
ni Gabb Mendoza.
*transition* *field*
Gabb: Nakatanggap nga ng iba’t-bang reaksyon mula sa social media
at mismong mga guro, ang naging pag siguro sa atin ng pangulo
noong kaniyang SONA. Ilan sa kanila ang naghayag ng saloobin
patungkol sa pagiging totoo ng kaniyang naging pahayag. Ilan sa
mga guro ay si Keita, na nagtuturo sa isang pampublikong
paaralan, narito ang kaniyang reaksyon.
*transition*
Keita: Unang una maraming salamat sa pagpapanatii ng suporta para
sa aming mga guro nitong pandemya. Ngunit ang tulong na ito ay
tila kulang para sa kailangan ng bawat estudyante sa mga
paaralan. Sana mapalitan ang mga basang module ng mga
digitalized na kagamitan tulad ng mga tablet, nang saganon ay
magkaroon ng mas mabilisang access ang aking mga estudyante sa
mga learning tools. Nakikita ko kasi na nahihirapan ang ilan sa
kanila, sa mga module na kanilang natatanggap.
*transition*
Gabb: At ngayon nga sa twitter, trending ang
#AcademicHealthBreak, na dinadaing nga mga nahihirapang mga
estudyante sa gitna ng pandemya. Ayan lamang para sa nagbabagang
balita, ako si Gabb, nag-uulat mula sa Batasan Hills, Quezon
City, balik sa’yo Jorens.
*Transition*
Jorens: Iba’t-ibang daing, mula sa iba’t-ibang tao, na may hangad
na mas pantay na tulong. Hindi talaga maikakaila na tila may
kulang sa tulong na natatanggap natin, gayunman, tayo'y
magpasalamat sa kung anong mayroon tayo, hanggang dito na lang
muna, magbabalik ang ‘Edukayon, askyon!’ maya-maya lamang.

—END—

You might also like