You are on page 1of 3

Magandang araw sa lahat.

Ako nga pala si Jella Mae Ycalina, nagmula sa University of Cebu-


Banilad at nasa pangalawang taon na sa kasalukuyan. Ang piyesang ito ay buong puso kong
ibabahagi sa inyo para magbigay pag asa na kahit gaano man kadilim ang daang kasalukuyan
nilalakaran, liwanag parin ang sasalubong sa kadulu-duluhan. Ang pamagat ng piyesang ito,
Liwanag sa Gitna ng Simula at Wakas.

“LIWANAG SA GITNA NG SIMULA AT WAKAS”

Minsan mo na bang naisip kung bakit bilog ang mundo?

O naniniwala ka ba na bilog nga ito na hindi bumabase sa paniniwalang pang siyentipiko?

Ni minsan ba’y hindi ka nagtaka kung bakit sa tuwing naglalakad ka sa daanan ay sinusundan ka
ng buwan at araw sa kalangitan?

Hinihiling na sa iyong pagtigil ay magagawa mong pahintuin ang paggalaw ng dalawang espada
ng orasan sa inyong dingding

Kahit ba ang maniwala na lahat ng iyong hihilingin sa saktong oras ng 11:11 ay nagawa mo na
rin?

O kahit yung maghanap ng bulalakaw sa kalangitang punong-puno ng mga bituwin dahil nga
sabi nila, tutuparin nito lahat ng iyong gugustuhin

Minsan ka na rin bang naniwala na magkakatotoo ang mga ninanais mo kung mag-aalalay ka ng
barya sa isang wishing well?

Sa mundong punong-puno ng katanungan at nakakapaniwalang pangitain

Alin nga ba ang kailangang pagtuonan ng pansin?

Mundong pabilog kung umikot, takbo ng oras minsan pa nga’y nakakabagot

Sa madilim na kalyeng nilalakaran

Oo nga naman at susundan ka talaga sa araw at buwan kung iyong titingnan


Kahit anong bilang mo pa sa iyong nilalakaran, paatras o paabante, oras ay hinding hindi mo
mapipigilan o maibabalik man lang

Dahil kung tutuusin, sa palabas lang uso ang pause or rewind button,

Sa totoong buhay, ang tanging meron lamang ay continuation.

Hindi maaaring hihilingin mo lang sa 11:11 ang pagkawala ng pandemya

O umasa sa bulalakaw na sana’y hindi na matuloy pa ang paparating na sakuna

Hindi mo naman kasi mapipigilan ang mga delubyong dadating dahil kung mamarapatin

Wala kang kailangang gawin kundi ang maghanda at ito ay salubungin

Walang paniniwala ang makakasagip o pangitain ang magigiit

Gugulantang man ang mundo, bawat sulok ng kapaligiran man ay magugulo

Lahat naman kasi tayo ay naranasan nang madapa

Minsan nang nasaktan, napabayaan at lumuha

Pinagkaitan ng pagkakataon at sinubok ng panahon

Ngunit sa kabila ng lahat ay maaayos at maaayos ito sa ngalan ng paniniwala, pananampalataya


at bagong simula

Hindi maaaring ang lugmok ay mananatiling lugmok dahil kahit madilim ay may pag-asa parin
na kakatok

Hindi kasya sa oras ang sumuko sa laban

Meron ka pang pangarap na ipaglalaban

Kaibigan na kahit anong mangyari ay iyong makakapitan at masasandalan

Pamilyang kailanman hindi ka pinabayaan


Sabi nga naman nila, sa bawat simula at wakas mo lamang matatamasa ang buhay na masaya

Kaya’t habang nandito ka pa sa pabilog kung umikot na mundo, wala kang ibang magagawa
kundi sumabay na lamang sa agos nito

Ang tanging maibibigay lamang nito sayo ay ang pagkakataong magpatuloy sa buhay na hindi
kailanman magiging perpekto.

You might also like