Detailed Lesson Plan Gole Bsed4e

You might also like

You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

BILIRAN PROVINCE STATE UNIVERSITY


ISO 9001:2015 CERTIFIED

SCHOOL OF TEACHER EDUCATION

ProfEd-ExL2 Field Study 2


1st SEM. S.Y. 2021-2022

February 15, 2022

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Ekonomiks) 9

I. LAYUNIN:
Mailapat ng mga mag-aaral ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan (AP9MKE-Ia- 1).

II. PAKSANG-ARALIN AT KAGAMITAN


A. Paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
B. Sanggunian: Ekonomiks (Modyul Para sa mga Mag-aaral) 10. 2015. pp. 12-20
C. CG: Pahina 185
A. Kagamitan: Power Point Presentation at Aklat

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal

“Inaanyayahan ko ang lahat na magsitayo


para sa panalangin.”
(Tumayo ang lahat)
“Red, maaari mo bang pangunahan ang
pagdarasal?”
Red: “Opo binibini”

Lahat: “Panginoon, maraming salamat po


sa ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay matuto.
Buksan niyo po ang aming isipan upang
maipasok namin ang mga ituturo at
nawa’y maunawaan naming ang mga
aralin na makakatulong sa amin na
“Pakiayos muna ang inyong mga upuan magtagumpay sa buhay na ito. Amen.”
at pakipulot na rin ang mga basura sa
inyong harapan.”

“Salamat!”
(Isinaayos ang mga upuan at pinulot ang
mga basura)

2. Pagbati

“Magandang umaga sa inyong lahat!”

Lahat: “Magandang umaga po binibini!”


“Maaari na kayong umupo.” (Nagsitayuan ang lahat)

3. Pagtatala ng mga Liban sa Klase

“Sino-sino ba ang mga lumiban sa klase


sa araw na ito?”

Blue: “Wala po Binibini.”


“Mabuti naman kung walang lumiban ng
klase sa araw na ito.”

4. Pagkolekta ng Takdang-Aralin

“Sa aking pagkakatanda ay mayroon


akong ibinigay na takdang-aralin noong
nakaraang klase natin. Renee, maaari mo
bang kolektahin ang mga asignatura ng Blue:“Masusunod po Binibini.”
iyong kapwa kamag-aral?”

(Inilapag sa lamesa ang nakolektang


“Maraming salamat!” takdang-aralin)

B. Balik-Aralin

“Bago magsimula ang ating mga gawain


at aralin sa araw na ito, nais ko munang
magbalik tanaw sa ating nakaraang
aralin.”

“Mayroon bang makapagbabahagi ng


ating nakaraang aralin?” Yellow: “Ako po Binibini.”

“Sige Yellow, ano ba ang pinag-aralan


natin noong nakaraan?”
Yellow: “Tinalakay po nating noong
nakaraang araw ang tungkol sa konsepto
ng demand.”

“Mahusay. Tinalakay natin ang konsepto


ng demand at supply. Pink, ano nga ba
ang demand? (Hindi nakasagot)

“Green, maaari mo bang tulungan si


Pink?” Green: “Ang demand po ay naglalarawan
sa dami ng produkto o serbisyo na nais at
kayang bilhin ng isang tao o mamimili na
may kaukulang presyo sa isang takdang
panahon.”

“Magaling. Lahat ba ay naintindihan na


ang konsepto ng demand?”

Lahat: “Opo binibini.”


“Mahusay!”
C. Pagganyak

“At ngayon, bago magsimula ang ating


aralin, nais ko munang tumingin ang lahat
sa powerpoint presentation.”

“Aayusin niyo ang mga ginulong letra sa


puzzle box upang maibigay ang mga
hinihinging kasagutan sa mga gabay na
tanong. Ang mga gabay na tanong ay
nasa inyong aklat sa pahina 84. Bibigyan
ko kayo ng limang minuto para
masagutan ang lahat.”

(Makalipas ang 5 minuto)

“Orange, ano ang sagot sa bilang isa?”


Orange: “Opportunity Cost po Binibini.”

“Tama! Ito ay tumutukoy sa halaga ng


bagay o ng best alternative na handang
ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.”

“Black, ano ang sagot sa pangalawang


bilang?” Black: “Ekonomiks po.”

“Ekonomiks. Mahusay! Brown, ano


naman ang sagot sa pangatlong bilang?”
Brown: “Incentives po Binibini.”

“Tama!”

(Tumawag pa ng dalawang mag-aaral.)


D.Gawain

(Magkakaroon ng video at powerpoint


presentation at magbibigay ng ilang
katanungan)

E. Pagsusuri

(Magtatanong sa mga mag-aaral)

"So, sino ang makapagbabahagi ng


kahulugan ng ekonomiks sa klase?"
Violet: "Ako po binibini."

"Sige, Violet."

Violet: "Ang salitang ekonomiks po ay


nagmula sa salitang oikonomia na ang
ibig sabihin ay pamamahala ng
sambahayan."
"Mahusay Violet! Sino pa ang
makapagbabahagi?"

Red: "Para po sa akin, ang ekonomiks po


ay nakatuon sa pagtugon sa hamong
dulot ng kakapusan sa pinagkukunang-
yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao."
"Magaling Re! Sa palagay ko ay lubos
niyo nang naunawaan ang kahulugan ng
ekonomiks."

“Base sa ipinakitang video, masasabi


niyo ba kung ano ang kahalagahan ng
ekonomiks?”

Blue: “Mahalaga po ang ekonomiks


sapagkat makatutulong ito sa mabuting
pamamahala at pagbuo ng matalinong
desisyon."
“Mahusay Blue!”

“Mayroon pa bang makapagbabahagi?”

White: “Napansin ko po na malaki ang


maitutulong ng ekonomiks bilang isang
mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan."

“Tama White. Ang video na ipinakita ko


ay tumutukoy sa iba’t ibang kahalagahan
ng ekonomiks bilang isang mag-aaral at
kasapi ng pamilya at lipunan.”

“Ngayon, bilang isang mag-aaral, bakit sa


tingin niyo dapat matutuhan niyo ang
ekonomiks?"
Yellow: "Dapat pong pag-aralan ng mga
mag-aaral na kagaya ko ang ekonomiks
sapagkat marami po itong naibibigay na
benepisyo."
"Gaya ng ano, Yellow?"

Yellow: "Sa pag-aaral ng ekonomiks,


maaaring maging higit na matalino,
mapanuri at mapagtanong sa mga
nangyayari sa kapiligiran. Malaki rin ang
maitutulong nito sa pagdedesisyon para
sa kinabukasan."

“Tama! May maidadagdag ka ba Green?"

Green: "Wala na po.”


“Ikaw Pink, may maidadagdag ka pa ba?”

Pink: "Mahalaga po ang ekonomiks sa


aming mag-aaral sapagkat natututo po
kami na gumawa ng matalinong
desisyon."
“Mahusay! Mayroon ba kayong hindi
naintindihan?"

"Mahusay kung wala na. So, base sa (Walang sumagot)


inyong mga sagot, at tiyak akong lubos
niyo nang naunawaan ang kahulugan at
kahalagahan ng ekonomiks. Mahusay
ang inyong ipanakita ngayon class.
Bigyan ang inyong mga sarili nga 'Very
Good Clap'.

(Sabay-sabay na nag-very good clap ang


lahat)

F. Paghahalaw

(Nagpakita ng larawan gamit ang


powerpoint presentation)

“Ano ang unang pumapasok sa iyong


isipan sa tuwing nakikita niyo ang salitang
ekonomiks”
Orange: "Pangangailangan at
kagustuhan po"

"Mahusay! Ano pa?"

Green: "Pera?"
"Okay."

"Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang


Griyego na oikonomia, ang oikos ay
nangangahulugang bahay, nomos na
pamamahala. Sa madaling salita, ito ay
isang sangay ng Agham Panlipunang na
nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang- yaman."

"May mga tanong pa ba kayo tungkol sa


kahulugan ng ekonomiks?" (Walang sumagot)

"Base sa kahulugan, ano sa tingin niyo


ang kahalagahan nito. Bakit kailangan
itong pag-aralan?" Black: "Mahalagang pag-aralan ang
ekonomiks sapagkat makakatulong po ito
sa ating tamang pagdedesisyon."

Brown: "Makakatulong po ang ekonomiks


"Tama Brown! May maidadagdag ka ba para matugunan natin ang ating mga
Tanya?" pangangailangan at mga kagustuhan."

"Tama kayong dalawa. Mahalaga ang


pag-aaral ng ekonomiks sapagkat
makatutulong ito sa mabuting
pamamahala at matalinong desisyon.
Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang
mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan."
(Nagpakita ulit ng larawan)
Brown: "Tungkol po 'yan sa mga
napapanahong isyo na may kinalaman sa
“Ano naman ang napansin niyo sa ekonomiks."
larawang ito?”

Violet: “Napansin ko po sa larawan na


may mga batas at programa ng ating
“Ikaw Violet, ano ang napansin mo?” bansa na tungkol sa ekonomiks”

“Tama si Brown at Violet. Bilang bahagi


ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman
sa ekonomiks upang maunawaan ang
mga napapanahong isyu na may
kinalaman sa mahahalagang usaping
ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding
maunawaan ang mga batas at
programang ipinatutupad ng pamahalaan
na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng
ekonomiya."
Red: "Inilalarawan po diyan ang
kahalagahan ng ekonomiks sa pamilya."
(Nagpakita ulit ng larawan)

"Ano naman ang mapapansin niyo sa


larawang ito?"

"Tama si Red! Ang ekonomiks ay


nakakatulong din hindi lamang sa
lipunan, kundi pati na rin sa inyong
pamilya. Ang inyong kaalaman sa Lahat: "Ahh!"
ekonomiks ay makatutulong upang
makapagbigay ka ng makatwirang
opinyon tungkol sa mahahalagang
pagdedesisyon ng iyong pamilya."
Lahat: "Opo, binibini!"

“Nakuha niyo ba ang kahalagahan ng


ekonomiks bilang kasapi ng pamilya at
lipunan?" (Sabay-sabay na nagsalita ang mga mag-
aaral)

“Mabuti kung ganoon. Ngayon, ano


naman ang iyong napansin sa pangatlong
larawan?” Blue: "Napansin ko po na may mag-aaral
sa larawan. Siguro po ay tungkol iyan sa
kahalagahan ng ekonomiks sa mga mag-
aaral."

“Isa isa lang. Sige ikaw Blue.”

White: "Natutulungan po ako nito sa


matalinong pagdedesisyon."
“Tama Blue. Bilang isang mag-aaral, ano-
ano ba ang naitutulong sa inyo ng Yellow: "Nagiging mapanuri at
kaalaman niyo sa ekonomiks?" mapagtanong po kami sa mga
nangyayari sa kapaligiran."

"Mahusay kung ganoon. Ano pa?" Pink: "Nahuhubog po ang aming pag-
unawa, ugali at gawi sa pamamaraang
makatutulong sa aming pagdedesisyon
sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa
"Mahusay. Sino pa? hinaharap."

"Magaling class! Tila'y naintindihan niyo


na ng lubusan ang kahalagahan at
kahulugan ng ekonomiks at masaya ako
na naisasabuhay niyo na ang mga
naitalakay natin sa araw na ito."
Lahat: "Wala na po."

"May nais ba kayong linawin tungkol sa


aralin natin ngayon? May mga
katanungan pa ba?"
G. Paglalapat

“At dahil naintindihan niyo na ang


kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks,
nais kung buksan at basahin ninyo ang
inyong aklat sa pahina 18. Matapos
niyong basahin, ay gagawa kayo ng
repleksiyon ukol sa inyong nabasa.
Nasa pahina 19 ang rubrik para sa
repleksiyon na iyong gagawin."
(Nagsimulang magbasa ang lahat)

(Makalipas ang 15 minuto)

"Sino pa ang nagsusulat?" (Walang sumagot)

"Kung tapos na ang lahat, maaari niyo na


itong ipasa."

IV. PAGTATAYA

“At dahil mayroon pa tayong 15 minuto,


kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel at
tayo ay magkakaroon ng 5 bilang na
pagtataya. Huwag kayong mag-alala
sapagkat multiple choice lamang ito. Nais
ko lang makita kung naintindihan na ba
ng lahat ang aralin." (Kumuha ng papel ang lahat)

(Inilahad ang mga tanong gamit ang


powerpoint presentation)

(Makalipas ang 10 minuto)

“Pakitaas ang ballpen kung kayo ay tapos


na.” (Lahat ay nagtaas ng ballpen)

“Kung tapos na ang lahat, pakipasa ng


inyong papel sa unahan.”
(Ipinasa ang papel)

(Kinolekta ang papel)

"Maliban sa quiz natin ngayon, ay


gagawa din kayo ng Video Clip
Presentation (2-4 minuto) tungkol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks
sa pang-araw- araw na buhay bilang:
Group 1: Bilang estudyante
Group 2: Bilang kasapi ng pamilya
Group 3: Bilang kasapi ng lipunan
"Since ito'y pangkatang gawain, paano ba
natin hahatiin ang klase?" Orange: "Mainam po siguro ma'am kung
ikaw na ang maghahati sa klase."

"Paano kaya kung magbunutan na lang


tayo?" Black: "Mas mainam po 'yan binibini!"

"Sang-ayon ba ang lahat?" (Sabay-sabay na tumango ang lahat.)

(Nahati na ang klase sa tatlong grupo)

"Since, may mga kagrupo na kayo, may


nais pa ba kayong itanong?" Brown: "Kailan po ba ito ipapasa?"

"Mas mainam kung maipapasa niyo ito sa


March 8, 2022. Mayroon kayong isang
buong buwan para matapos ito. Tama na Lahat: "Sakto na po!"
ba ang tatlong linggo?”

"Mamaya ko na rin ibibigay sa inyong


lider ang rubrik para dito."
V. TAKDANG- ARALIN

“Para naman sa inyong takdang-aralin


na ipapasa sa susunod na linggo,
gagawa kayo ng poster na nagpapakita
ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang-
araw-araw na pamumuhay. Ito ay
pangkatang gawain, malaya kayong
pumili ng iyong kasapi basta dapat ay
lima lang kayo sa isang grupo. Narito rin
ang rubriks bilang inyong gabay sa
paggawa." Violet: “Saan po ba ito ilalagay binibini?”

"Ilagay niyo ito sa sa illustration board at


1/8 ang sukat. At pwede kayong gumamit
ng color pencils, oil pastel o kahit
pintura."
Lahat: “Wala na po!”

“Wala na bang katanungan?”

“Kung ganoon ay maaari na tapos na ang


ating klase sa araw na ito. Pero bago
lumabas ang lahat, maaari niyo bang
ayusin ang inyong mga upuan at (Inayos ang mga upuan at pinulot ang
pakipulot na rin ng mga basura sa inyong mga basura)
harapan?”

Lahat: “Paalam at salamat din po


“Paalam mga mag-aaral at salamat sa Binibini.”
pakikinig.”

VI. MGA PUNA


VII. REPLEKSIYON

Inihanda ni:
LENDEN JOY T. GOLE
BSEd IV- E

Ipinasa kay:

MARIA MORENA E. DE LA PEÑA, PhD


Instructor

MGA RUBRIKS SA PAGMAMARKA

RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON

NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN NANGANGAILANG


(4 PUNTOS) (3 PUNTOS) (2 PUNTOS) AN NG
PAGPAPABUTI
(1 PUNTOS)
 Maliwanag  Maliwanag  Hindi  Hindi
at kumpleto subalit may gaanong maliwanag at
ang kulang sa maliwanag marami ang
pagbuod ng detalye sa at kulang sa kulang sa mga
araling paksa o ilang detalye sa
tinalakay. araling detalye sa paksa o
tinalakay. paksa o araling
 Orginasado araling tinalakay.
ang mga  Organisado tinalakay.
paksa at ang paksa  Hindi
maayos ang subalit hindi  Hindi organisado
presentasyo maayos ang masyadong ang paksa at
n. presentasyo organisado presentasyon.
n. ang paksa
 Walang at  Napakarami at
pagkakamal  Halos presentasyo nakagugulo
i sa walang n. ang
estruktura pagkakamal pagkakamali
ng i sa  Maraming sa estruktura
pangungusa estruktura pagkakamal ng mga
p at gamit ng mga i sa pangungusap
ng mga pangungusa estruktura at gamit ng
salita. p at gamit ng mga mga salita.
ng mga pangungusa
 Walang salita. p at gamit  Napakarami at
pagkakamal ng mga nakagugulo
i sa mga  Halos salita. ang
bantas, walang pagkakamali
kapitalisasy pagkakamal  Maraming sa mga
on at i sa mga pagkakamal bantas,
pagbabayba bantas, i sa mga kapitalisasyon
y. kapitalisasy bantas, at
on at kapitalisasy pagbabaybay.
pagbabayba on at
y. pagbabayba
y.
PUNTOS:

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG VIDEO

MAGALING KATAMTAMAN NANGANGAILANGAN


(30 PUNTOS) (20 PUNTOS) NG PAGSISIKAP
(10 PUNTOS)
Nakapagpakita ng higit sa  Nakapagpakita ng  Nakapagpakita ng
tatlong kahalagahan sa tatlong kahalagahan kulang sa tatlong
pag-aaral ng ekonomiks. sa pag-aaral ng kahalagahan sa
ekonomiks. pag-aaral ng
Maliwanag at naunawaan
ekonomiks.
ang pagkakabigkas at  Di-gaanong
pagkakasulat ng mga maliwanag ang  Hindi maliwanag
salita. pagkakabigkas at ang pagkakabigkas
pagkakasulat ng at pagkakasulat ng
Makatotohanan at
magagamit ang mga salita. mga salita.
impormasyon sa pang-
araw-araw na  Di-gaanong  Hindi
pamumuhay. makatotohanan at makatotohanan at
hindi gaanong hindi magagamit sa
Nakasunod sa tamang magagamit sa pang-araw-araw na
oras. pang-araw-araw na pamumuhay.
pamumuhay.
Ang likha ay orihinal.  Lumagpas ng higit
 Lumagpas ng isang sa isang minuto.
minuto.
 Ang hindi orihinal at
 Ang likha ay orihinal kulang sa
subalit kulang sa kaayusan.
kaayusan.

PUNTOS:

RUBRIK NG PAGMAMARKA (POSTER)

NAPAKAGALING MAGALING MAY KAKULANGAN


(15 PUNTOS) (10 PUNTOS) (5 PUNTOS)
o o o
 Ang nabuong poster  Ang nabuong poster  Ang nabuong poster
ay nakapagbibigay ay nakapagbibigay ay kulang ng
ng kumpleto, ng wastong impormasyon
wastos at impormasyon tungkol sa
mahalagang tungkol sa kahalagahan ng
impormasyon kahalagahan ng ekonomiks.
tungkol sa ekonomiks.
kahalagahan ng  May kakulangan
ekonomiks.  Malikhain at ang elemento ng
magaling ang disenyo ng poster.
 Nagpakita ng elemento ng
malikhain at disenyo ng poster.  Kapansin-pansin
napakagaling na ang maraming dumi
disenyo ng poster.  Hindi gaanong at hindi maayos ang
malinis at maayos kabuuang larawan.
 Malinis at maayos ang kabuuang
ang kabuuang larawan.  Halos lahat at
larawan. kinopya sa internet.
 May mga parteng
 Orihinal ang kinopya sa internet.
ideyang ginamit sa
paggawa ng poster.

PUNTOS:

You might also like