You are on page 1of 6

DETAILED LESSON PLAN

PROCESS-ORIENTED PERFORMANCE TASK

I. LAYUNIN Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa demand


II. PAKSANG-
ARALIN AT Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
KAGAMITAN AP9MYK-IIa-2
A. Paksa
B. Kagamitan PowerPoint Presentation, Laptop, LCD Projector, Picture Flashcard
C. Sanggunian Ekonomiks: (Batayang Aklat) IV. 2000.pp. 159-160 CG. pahina 194
IV.
PAMAMARAA
N
A. Paunang Guro: Magsitayo ang lahat. Simulan natin ang araw na ito sa
Gawain pamamagitan ng isang maikling panalangin. Hailey, maari mo bang
pangunahan ang pagdarasal
(Ang mga mag-aaral ay magsisitayo upang simulan ang panalangin)
Lahat: Amen.
Guro: Magandang umaga 9- Gold
Mag-aaral: Magandang umaga rin po Binibining Quijano. Welcome to
9- Gold. Mabuhay!
Guro: Bago kayo magsiupo, pakipulot ang mga kalat na nakikita sa
inyong paligid. Matapos pulutin ang mga kalat, mangyari na ayusin
ang inyong mga upuan. Pakitago ang mga bagay na walang
kinalaman sa ating asignatura.
( Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng kalat at aayusin ang kanilang
mga upuan.)
Guro: Orlando, mayroon bang lumiban sa klase ngayon?
Orlando: Wala po ma'am. Lahat po ay naririto
Guro: Magaling! Sana laging ganito walang lumiban sa klase upang
lahat ay may matutunan sa araw araw nating talakayan.
Bigyan ang inyong mga sarili ng Hooray Clap!
Mag-aaral: (Gagawin ang naturang estilo ng pagpapalakpak)
Guro: Ngayon, nais kong ipasa ninyo sa harapan ang inyong
takdang-aralin na binigay ko noong nakaraang pagkikita.

Meron pala kayong bagong kaklase siya ay si Mina Garcia. Sige hija
magpakilala ka.

(Nagpakilala si Mina)

Nais kong maging mabait kayo kay Mina at ituring ninyo ng bagong
kapatid dito sa loob ng silid aralan. Kasi tayong lahat dito ay
magpamilya. Ito ang inyong pangalawang tahanan. Malinaw ba yon?
Lahat: Opo ma’am.
Guro: Sige Mina maaari ka ng umupo.
B. Balik-aral Bago tayo dumako sa ating aralin, ay magkakaroon muna tayo ng
balik-aral
Guro: Arsenia, ano nga ba ang tinalakay nating paksa noong
nakaraang pagkikita?
Arsenia: Ma'am ang isang tinalakay po natin ay ang kahulugan ng
demand.
Guro: Tama! Nida ano nga ba ang demand?
Nida: Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba't ibang alternatibong
presyo sa isang takdang panahon.
Guro: Mahusay! Bukod sa demand, ano pa ang ating tinalakay?
Mag-aaral: Ang batas ng demand po ma'am.
Guro: Magaling! Salamat. Ano nga ba ang batas ng demand? Rody?
(Hindi nakasagot si Rody)
Rody bakit hindi ka makasagot? Meron ka naman nung nakaraang
talakayan natin ah. Kasi hindi ka nakikinig. Lagi ka nalang wala sa
sarili mo at parang ang lalim lage ng iniisip mo. Mamaya pagkatapos
ng klase ay kakausapin kita. Baka may maitulong ako. Okay?
Rody: Okay po.
Guro: Sige. Sinong gustong tumulong kay Rody? Oh sige ikaw
Dadoy.
Dadoy: Ang batas ng demand po ay nagsasaad na kapag ang presyo
ng isang produkto ay tumaas, ang demand sa produktong ito ay
bumababa at kapag bumaba ang presyo ng isang produkto, tumataas
naman amg demand ng nasabing produkto.
Guro: Tama! Mahusay! Samakatuwid ang batas ng demand ay
malinaw na naglalarawan ng negatibo, di-tuwiran o hindi direktang
relasyon ng presyo sa dami ng demand.
Tunay na marami kayong natutunan sa ating nakaraang talakayan.
Ako ay humahanga sa ipinakita ninyong galing. Mahusay 9- Gold.
Bigyan ang inyong mga sarili ng Good Job Clap.
Mag-aaral: (Gagawin ang naturang estilo ng pagpapalakpak)
C. Pagganyak Guro: Ngayon ay tumingin kayong lahat sa harapan.
(Magpapakita ng mga larawan ng pangunahing okasyon o
selebrasyon)

Sabihin ninyo kung anong uri ng selebrasyon ang ipinapakita sa


larawan.
Mag-aaral: Bagong Taon, Araw ng mga Puso, Araw ng mga Patay
Guro: Mahusay! Sa mga ganitong uri ng okasyon ano ang nagiging
demand ng mga mamimili?
Gina: Sa araw ng mga puso ay mga bulaklak, tsokolate at mga lobo.
Sa araw ng mga patay naman po ay kandila at mga bulaklak at sa
baong taon ay mga paputok katulad ng fireworks at mga ibat iang
klase ng pagkain para sa handaan.
Guro: Magaling! Bigyan si Gina ng Very Good Clap
(Gagawin ang naturang estilo ng pagpapalakpak)

D. Gawain Guro: Ngayon gusto kong hatiin ang klase sa limang pangkat.
Magbilang ng isa hanggang lima at pumunta sa kani-kanilang grupo.
Mag-aaral: (Nagbilang ng isa hanggang lima at pumunta sa kani-
kanilang grupo)
Guro: Ang lahat ba ay nasa kani-kanilang pangkat na kinabibilangan?
Mag-aaral: Opo ma'am.
Guro: Mabuti naman kung ganon. Ang gawain na ito ag tinatawag na
"Lights, Camera, Action."
Making kayong mabuti, bawat pangkat ay gagawa ng komersyal ng
isang napiling produkto na nababatay sa mga salik na nakaaapekto sa
demand. Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang paghandaan ang
inyong presentasyon.

(Nagpupulong-pulong ang mga mag-aaral kung anong komersyal ang


epresenta sa klase at paano ito gagawain)

Basahin ang rubrics na maging pamantayan sa pamamarka sa iyong


gagawing presentasyon.

RUBRIKS PARA SA PRESENTASYON


PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NATAMONG
PUNTOS
NILALAMAN Naipakita at 21-25
(Content) naipaliwanag
nang mahusay
ang napiling
produkto na
nababatay sa
mga salik na
nakaaapekto sa
demand
KAANGKUPAN NG Maliwanag at 16-20
KONSEPTO angkop ang
(Relevance) mensahe sa
paglalarawan ng
konsepto
PAGKAMAPANLIKHA Orihinal ang 11-15
(Originality) ideyang ginamit
KABUUANG Malinis at maayos 6-10
PRESENTASYON ang kabuuang
(Overall) larawan
PAGKAMALIKHAIN Ang mga 1-5
(Creativity) simbolismong
ginamit ay
nakatulong ng
lubos upang
maipahayag ang
mensahe at
konsepto ng
produkto

Guro: Base sa inyong ginawang komersyal, bakit mahalaga na


malaman ang mga salik na nakaaapekto sa demand?sige ikaw Aira.
Aira: Importante na malaman ang iba't-ibang salik upang malaman ng
mga indibidwal ang mga posibleng dahilan ng pagbabago sa presyo
ng bilihin sa pamilihan na kanyang magagamit sa pang araw-araw na
pamumuhay.
Guro: Tama si Aira. Mahusay!

E. Guro: Mayroon na ba kayong ideya kung ano ang ating aralin sa araw
Paghahalaw na ito?
Kareen: Ma'am, Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand po.
Guro: Tama! Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay patungkol sa
mga Salik na Nakaaapekto sa Demand.
Ngayon ay aalamin na natin kung anu-ano nga ba ang mga Salik na
Nakaaapekto sa Demand.
(Nagpapakita ng larawan ng mga okasyon)
Guro: Aillen, sa iyong palagay, bakit isa sa mga salik na nakaaapekto
sa demand ang Okasyon?
Aillen: Dahil likas sa mga Pilipino ang ipagdiwang ang iba't-ibang
okasyon na dumarating. Bunga nito ay tumataas ang demand sa mga
produkto na naaayon sa okasyong ipinagdiriwang.
Guro: Magaling!
Pangalawang salik ay ang populasyon. Junjun, bakit nga ba ito
nakaaapekto sa demand?
Junjun: Dahil po ang populasyon ay potential market ng isang bansa.
Ibigsabihin po ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng
bilang ng mga konsyumer syang nagtatakda ng demand at kapag
marami ang kumukonsumo ng mga produkto ay tumataas ang
demand sa iba't-ibang produkto.
Guro: Magaling, Magaling, Magaling. Bigyan natin ng Wow Clap si
Junjun.
(Gagawin ang naturang estilo ng pagpapalakpak)
Guro: Ang pangatlong salik ay ang ekspektasyon. Bakit nga ba isa rin
sa mga salik ang ekspektasyon?
Joana: Dahil po sa mga pangyayari tulad ng kalamidad, kaguluhan o
kakulangan sa pagkain ay nagkakaroon ng panic buying ang mga
konsyumer sa mga pamilihan. Ito ay dahil sa ekspekulasyon ng
konsyumer na maaaring maapektuhan ang kabuhayan ng bansa o
tumaas ang presyo ng mga bilihin. Bunga nito ay ang pagtaas ng
presyo dahil sa pagtaas ng demand sa bilihin.
Guro: Tama! Bigyan natin ng Korik-korik Clap si Joana.
(Gagawin ang naturang estilo ng pagpapalakpak)
Pang-apat na salik ay ang Panlasa/Kagustuhan. Bakit nga ba isa rin
sa mga salik ang Panlasa/Kagustuhan?
Alfred: Dahil po ang pagkasawa sa isang produkto ay isang dahilan
kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa demand ng konsyumer.
Guro: Tama! Dito pumapasok ang Prinsipyo ng Diminishing Utility at
Marginal Utility. Ang presyo ng ibang produkto ay mayroong tinatawag
na:
a. Substitute Goods- produktong maaaring magkaroon ng
alternatibo.
b. Complementary Goods- mga produktong kapag sabay na
ginagamit.
Ang huling salik ay ang Kita. Alam niyo ba na mayroong dalawang
klase ng good na naaayon sa Kita?
Ito ay ang
1. Normal goods- tumataas an demand para sa isang podukto
kapag tumaas ang kita ng isang tao.
2. Inferior goods- ito ang mga produktong bumababa ang kita
kapag tumataas an kita ng isang tao

Ang galing nyo naman 9-Gold. Kaya kayong lahat na sumagot ay


binigyan ko ng karagdagang puntos.
Mayroon ba kayong katanungan ukol sa aralin natin ngayon?
Mag-aaral: Wala po ma'am.
Guro: Mabuti naman kung ganon.
F. Paglalapat Guro: Batay sa ating pinag-aralan, bakit ang mga salik ay
nakaaapekto sa pagtaas at pagbaba ng demand sa pamilihan lalong
lalo na ang presyo?
Aillen: Dahil po sa pagbabago ng dami ng bilihin ng konsyumer.
Guro: Tama! Bigyan si Aillen ng Wow Clap
(Gagawin ang naturang estilo ng pagpapalakpak)

IV. Pagtataya Guro: Kumuha kayo ng kalahating papel at magkakaroon tayo ng


pagsusulit.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Prinsipyo na nagpapaliwanag ng unti-unting pagkasawa sa
pagkunsumo ng isang uri ng produkto.
a. Complementary Goods
b. Diminishing Marginal Utility
c. Inferior Goods
d. Populasyon
2. Produkto na hindi tumataas ang demand sa mga ito kahit
tumaas ang Kita ng tao.
a. Complementary Goods
b.Diminishing Marginal Utility
c. Inferior Goods
d.Populasyon
3. Ito ay nagsisilbing potential marketing ng bansa.
a. Complementary Goods
b. Diminishing Marginal Utility
c. Inferior Goods
d. Populasyon
4. Produkto na magkasabay na kinukonsumo
a. Complementary Goods
b. Diminishing Marginal Utility
c. Inferior Goods
d. Populasyon
5. Mga produkto na dati ng kinukonsumo
a. Complementary Goods
b. Diminishing Marginal Utility
c. Inferior Goods
d. Populasyon

V. TAKDANG- Guro: Ang lahat ba ay tapos na? ipasa ang inyong papel dito sa
ARALIN harapan at kopyahin ang inyong takdang aralin.

Panuto: Sa isang buong papel, isulat at iranggo ang mga saalik na


higit na nakaapekto sa pagbabago ng demand mo sa produkto. Isulat
ang 1 bilang higit na nakaaapekto 2…3… hanggang 10 sa di gaanong
nakaaapekto sa iyo.

____1. Allowance
____2. Presyo ng substitute goods
____3. Nagkakaroon ng espekulasyon
____4. Sumusunod sa kagustuhan ng barkada
____5. Sumasabay sa dami ng bumili ng produkto
____6. Mahilig magbigay ng regalo
____7. Binibili ang produktong nakasanayang gamitin
____8. Gustong kumonsumo ng produktong may ka komplementaryo
____9. Kalidad ng produkto ang prayoridad
____10. Pinagkakasya ang kita

Meron pala akong e aanunsiyo sa inyo. Malapit na ang ating


Intramurals. At magkakaroon ng ibat ibang paligsahan. Meron sa
sports, sa cheerdance, playground demonstrations. Ano mang
paligsahang sasalihan ninyo ay magkakaroon kayo ng karagdagang
puntos sa lahat ng asignatura at malaki ang puntos lalo na’t nanalo
kayo sa paligsahang inyong sinalihan. Kaya pagbutihan ninyo. Okay
ba sa inyo yon?

Mag-aaral: Okay po ma’am.

Guro: Mabuti kung ganon. Yon lamang sa araw na ito. Salamat sa


inyong presensya. Maari na kayong umuwi.

Mag-aaral: Paalam Binibining Quijano. Salamat po!

You might also like