You are on page 1of 1

1. Paano nag simula ang Bigas?

Isalaysay sa sariling pangungusap

- Nag simula ang bigas dahil sa bathala na nag anyaya sa mga mangangaso sa piging, at hindi nag
atubili ang mga mangangaso na sumunod sa mga bathala. Isang bathala ang lumapit sa kanila at kumuha
ng kaputol na kawayan. Itinuro ng Bathala ang paraan na dapat gawin para ito ay maging bigas at
tuluyang maisaing, Itinuro din ang pagtatanim at Sumunod ang mga tao para Makita ang proseso.

3. Naniniwala ka ba na ang mga mag sasaka sa panahon natin ngayon ay maituturing na bayani?

-Para sa aking sariling opinion, ako ay naniniwala na maaari nating ituring na bayani ang mga
mag sasaka sa panahon natin ngayon lalo na ngayong pandemya. Ang mga masisipag na mag sasaka ay
hindi nag sasawang anihin ang mga palay upang tayo ay mabigyan ng bigas na makakain sa pang araw-
araw.

4. Ano ang mahalagang kaisipan/mensahe ang iyong natutuhan sa binasang Alamat ng Bigas?

-Ang pinaka tumatak sa akin na mensahe tungkol sa aking alamat na binasa ay hindi ka dapat
makuntento sa isang bagay lang na nalalaman mo, bagkus galugarin mo pa ang ibang mga bagay upang
may matuklasan ka pang panibagong ideya na magagamit mo sa pang araw-araw.

5. Para sa iyo, paano mo mapalaganap ang alamat sa katulad mong kabataan?

-Eto ang kadalasang tanong ng mga matatanda, kung paano mo nga ba maipapalaganap ang mga
alamat na iyong binasa. Ngunit para sa akin ito ay aking mapapalaganap sa pamamagitan ng aking pag
sasalaysay nitong alamat na ito sa aking mga kakilala o kaibigan.

You might also like