You are on page 1of 2

VILLANUEVA, RHOJEAN GAWAIN BLG.

1
BS PSYCHOLOGY CAS-06-201A Ms. Jacqueline Velasco

1. Ano ang tinawag na “mga wika ng Filipinas”?

- Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong


daigdig. Maliban sa pambansang wikang Filipino, kasama nang mahigit sa
sandaang katutubong wika. Ang Pilipinas ay nahahati sa kapuluan at iba’t
ibang rehiyon, Isa ito sa mga pangunahing kadahilanan kung bakit tayo ay
may mga yunik na dayalekto. Ang katutubong wika ay ang wika na iyong
kinagisnan simula ng ikaw ay ipanganak karaniwan din itong tinatawag na
inang wika o unang wika ng isang tao o bansa.

2. Bakit may tinatawag na mga “pangunahing wika” ng Filipinas?

- Lahat tayo ay may kinagisnang wika at pinanganak sa iba’t ibang lugar.


Sa dami ng rehiyon sa Pilipinas ay madami din ang iba’t ibang wika at
dayalekto. May pangunahing wika ang Pilipinas dahil na ay may malaking
bilang ng nagsasalita nito at pangalawa dahil may mahalagang tungkulin
ito sa atin at sa buong bansa.

3. Ano ang tinatawag na “wikang opisyal”?

- Sa una pa lang iba’t ibang banyaga ang sumakop sa Pilipinas at dahil doon
marami silang kultura na nakuha natin at hanggang ngayon ay atin pa ring
nagagamit ngunit hindi maalis sa atin kung anong meron tayo at kung ano
ang sariling atin kung kaya’t may wikang opisyal tayo kahit na sinakop tayo ng
mga banyaga. Ako ay lubos na natuwa dahil pinaglaban ng Pilipinas na
gawing wikang opisyal ang ‘Pilipino’ imbes na wikang Ingles o Espanyol.

4. Ano ang tinatawag na “wikang panturo”?

- Dahil nga mga amerikano ang nauna sa ating magpakilala ng mga


eskwelahan ang wikang naging panturo ay Ingles ngunit sa paglipas ng
panahon at pinaglaban ng Pilipinas ang sariling atin kung kaya’t ang wikang
panturo natin Pilipino. Upang maintindihan ng bawat isa sa atin ang mga
dapat alamin at paglawigin ang ating kaalaman.

5. Bakit may “wikang pambansa”?

- Sa aking pananaw, madami pading bansa ang hindi umaalis sa wika ng mga
nanakop sakanila siguro dahil ito na ang nakasanayan nilang gamitin para
magkaintindihan sila o kaya nahirapan sila baguhin ang wikang pambansa
nila dahil panibagong simula nanaman para isang bansa. Mabuti at hindi
ganon ang ating bansa, nilaban natin na mapalitan ang ating wikang
pambansa ito narin ang simbolo na tayo ay malaya. Hindi natin kinulong ang
ating sarili sa wikang ingles o espangyol nilaban natin ang orihinal na wika
natin.
6. Bakit Tagalog ang nahirang na batayan ng Wikang Pambansang Filipinas?

- Tagalog ang itinanghal na wikang pambansa ng Pilipinas dahil ito ang


rekomendado ng Committee on Official Language dahil ito ay binatay sa
mungkahi na eksperto na si Najeeb Saleeby na nagsasabi na bago pa lang
mag 1907 ay Tagalog na ang pinaka ginagamit na lenggahawe natin.
Madaming wika ang Pilipinas pero para sa akin Tagalog ang ating wikang
pambansa dahil ito ay nagsimula sa atin. Oo nga’t may iba pa tayong
katutubong wika ngunit ang iba sa mga wika natin ay may bahid na banyaga
katulad na lang ng wika ng mga taga Zamboanga ang chavacano na may
halong espanyol.

7. Bakit hindi Ingles ang naging wikang pambansa natin?

- Ayon sa aking nabasa, hindi naisulong ang wikang ingles bilang


pambansang wika ay dahil malaki ang gagastusin ng Estados Unidos kung
nais nila itong gawin bukod pa dito ay marami ang titigil na estudyanteng
pilipino sa pag aaral dahil hindi sila marunong ng wika na iyon at ang tingin
nila sa mga amerikano ay masama dahil nga sinakop tayo nito. Sinuportahan
din ni Ginoong Saleeby ang pag tutol sa wikang ingles na maging wikang
pambansa, ito ay ginawan nya ng libro na pinamagatang "The language of
Education of the Philippine Islands" noong 1924.

8. Bakit hindi bumuo ng wikang pambansa sa pamamagitan ng halò-halòng


mga wikang katutubosa Filipinas?

- Ayon nga sa nabasa ko ito ay magandang panukala ngunit hindi posible.


Maganda at nag organisa sila ng ganitong proyekto upang subukan ngunit
base sa nabasa ko, hindi ito naging matagumpay at walang masyadong
gumamit dahil ito ay pag sasama ng iba’t ibang wika at isa pa ito ay artipisyal
lamang. Para sa akin din kung pag sasama-samahin ang mga wika sa
Pilipinas ay mahihirapan tayong magka intindihan dahil iba’t ibang lugar
tayong may kinagisnan. At huli mawawala ang kultura o pagkapuro ng ating
mga wika.

9. Bakit tinawag na wikang Filipino ang wikang Pilipino?

- Una sa lahat, tama lang na palitan ang ‘Filipino’ sa ‘Pilipino’ dahil wala
tayong letrang F sa abakada at ang titik na yan ay hindi naman nagmula sa
atin. Kung kaya para sa akin kung hindi ito pinalitan ay para na ding sinasabi
natin na okay lang na tangkilikin ang hindi atin.

10. Sumulong ba ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa?


- Oo dahil kung ibabatay sa pagdami ng gumagamit ng wikang Filipino ay
malaki ang isinulong ng pagpapalaganap sa Wikang Pambansa. Sa
mga pambansang senso mulang 1939 hanggang 1980 ay dumami
ang nagsasalita ng Wikang Pambansa mulang 4,068,565 hanggang
12,019,193,ng kabuuang populasyonng Pilipinas.Bunga ito ng epektibong
pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan. Ngunit bunga rin ito ng patuloy
at dumadaming paglabas ng mga babasahín na nakasulat sa wikang Filipino.

You might also like