You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education

THIRD QUARTER
FIRST SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 1

Pangalan: ___________________________________ Baitang &Pangkat: _______ Iskor ______


Paarlan: _______________________________________ Guro: ____________________________
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang kwento.

Sa Aming Paaralan

Maraming makukulay na bulaklak at matataas na sa


aming paaralan. Mabait at gutong may ngiti sa labi ang iyong
masasalubong. Bawat bata ay gustong matuto at nakikinig
nang mabuti sa mga lektura ng guro. Sa aming paaralan, kami
ay nagtutulungan.

1. Tungkol saan ang tinutukoy sa kwento?


a. Bahay-pagamutan
b. Paaralan
c. Palengke
d. Palaruan

2. Sino-sino ang mga makikita sa paaralan ayon sa kwento?


a. Doktor at Nars
b. Pari at Madre
c. Pulis at Bumbero
d. Guro at Mag-aaral

3. Ano ang ginagawa ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan?


a. Nakikinig sa lektura ng guro
b. Naghahabulan sa loob ng paaralan
c. Nakikipag laro sa kapwa mag-aaral
d. Nakikipagkwentohan sa kamag-aral
Ang Mababang Paaralan ng New Lambunao

Mahal ko ang aking paaralan dahil ito ay tahimik, maluwang,


malinis at mapayapa. Ang Mababang Paaralan ng New Lambunao
ay matatagpuan sa barangay New Lambunao, Tantangan, South
Cotabato. Napapaligiran ito ng mga taniman at magagandang
tanawin.

4. Ano ang pangalan ng paaralan na nabanggit sa kwento?


a. Mababang Paaralan ng New Pangasinan
b. Mababang Paaralan ng San Jose
c. Mababang Paaralan ng New Lambunao
d. Mababang Paaralan ng Santo Domingo

5. Anong bayan ang kinabibilangan ng Mababang Paaralan ng New


Lambunao?
a. Bayan ng Tacurong
b. Bayan ng Tampakan
c. Bayan ng Tupi
d. Bayan ng Tantangan

6. Paano mo maipagmamalaki sa iba ang iyong paaralan?


a. Ipagmamalaki ko na ang aking paaralan ay magulo at
maingay.
b. Ipagmamalaki ko na ang aking paaralan ay payapa at
maganda.
c. Hindi ko ipagmamalaki ang aking paaralan dahil wala akong
pakialam.
d. Hindi ko ipagmamalaki ang aking paaralan dahil ako ay
nahihiya.

7. Bakit mahalaga sa batang katulad mo ang magkaroon ng maayos


at payapang paaralan?
a. Dahil dito ako nag-aaral
b. Dahil dito hinuhubog ang aking kaalaman
c. Dahil dito linilinang ang aking talento
d. Lahat ng mga nabanggit

8. Paano ka makakatulong na mapa-unlad ang iyong paaralan?


a. Pitasin ang mga bulaklak sa loob ng paaralan
b. Itapon ang mga basura kahit saang parte ng paaralan
c. Lamahok sa mga programa sa pagpapaganda ng paaralan
d. Hahayaan ang mga guro sa pagpapaganda ng paaralan
9. Ang Paaralan ang tumatayong pangalawang tahanan ng mga
mag-aaral. Ano ang iyong inaasahang makikit rito?
a. Malinis, payapa at magandang paaralan.
b. Nagkakaisa ang mga guro at magulang.
c. Nagtutulungan sa pag pagpapaunlad ng paaralan.
d. Lahat ng mga nabanggit
10. Bakit mahalaga sa isang bata ang mag-aral?
a. Para palagi akong may baon.
b. Para ako ay makipaglaro sa aking mga kaibigan.
c. Para magkaroon ako ng maraming kaibigan.
d. Para matuto akong magbasa, magsulat at magbilang.
Answer Key
1. b
2. d
3. a
4. c
5. d
6. b
7. d
8. c
9. d
10. d

You might also like