You are on page 1of 7

PHINMA Union College of Laguna

Sta. Cruz, Laguna


S.Y. 2021-2022

Masusing Banghay Aralin


sa
Filipino - 10
(Noli Me Tangere)

Inihanda ni:

G. ELMER JUAREZ DELATORRE


BSED – Filipino
018-2000

Inihanda kay:

BB. CHERLYN PASCUAL


Gurong Tagapayo

4 P’s Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10


(Noli Me Tangere)

I. Layunin:
Sa oras ng talakayan, inaasahang mga mga mag-aaral ay;
a. makapagbibigay ng malinaw na pagpapakahulugan sa mga salitang di-pamilyar;
b. makakapagpahayag ng sariling opinyon tungkol sa pagkakaiba ng mga
kababaihan noon sa kasalukuyang panahon;
c. malayang naisisiwalat ang tunay na damdamin ng kwentong binasa;

II. Paksang Aralin:


A. Paksa : Noli Me Tangere(KABANATA V- Pangarap sa Gabing Madilim) ni
Dr. Jose P. Rizal
B. Sangguniin : Noli Me Tangere
C. Kagamitan : Biswal eyds, kompyuter, at telebisyon.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating ay Ama namin. . . Amen!


manalangin muna tayo. ________,
pangunahan mo ang panalangin.

2. Pagbati
Magandang Hapon po G. Dela Torre!
Magandang Hapon sa inyong lahat.

3. Kaayusan

Bago kayo maupo pakitignan ang


inyong paligid, pulutin ang kalat at
itapon sa basurahan. Ayusin ang inyong
upuan at maaari na kayong magsi-upo.

4. Pagtatala ng Liban
Wala po G. Dela Torre.
_______ may liban ba ngayong araw na
ito?

B. Pagbabalik Aral
Tungkol po sa erehe at pilibustero
Tungkol saan ang tinalakay natin
kahapon?
Ang erehe ay isang tao na hindi sumusunod o
Sino ang makapagbibigay ng kahulugan sumasalungat sa utos ng simbahan.
ng erehe at pilibustero? Ang pilibustero naman ay isang rebelde na
nanghihikayat sa iba na sumali sa rebolusyon.
Tama!
(Ang sagot ay depende sa sagot ng bata.)
Batay sa ika-4 na kabanata, ano ang
isiniwalat ni Tinyente Guevarra tungkol
sa ama ni Crisostomo Ibarra?

(Ang sagot ay depende sa sagot ng bata.)


Sa kabila ng mga paratang kay Don
Rafael, sya ba ay napawalang sala? Ano
ang nangyari kay Don Rafael?

Magaling!
(Ang sagot ay depende sa sagot ng bata.)
Sa inyong palagay, ano ang
naramdaman ni Ibarra sa kanyang
natuklasan tungkol sa sinapit ng
kanyang ama?

Bago natin talakayin ang susunod na


kabanata may inihanda akong
pampasiglang panimula.

C. Pagganyak: Jak ‘en Poy


Mga Hakbang:

 Hatiin sa dalawang grupo ang


klase.
 Pipili ng tig-isang lider ang
dalawang grupo upang maglaro
ng jak en poy.(kakantahin ang
jack ‘en poy)
“jak ‘en poy holli holli hoy!
sinong matalo syang unggoy!”
 Kung sino ang unang
makatatlong puntos ay syang
unang bubunot ng kard na may
nakasulat na tanong at sasagutin
 Kapag mali ang sagot ay
maaaring ipagpatuloy ng
kabilang grupo.
 Kapag nagkamali ulit ang
kabilang grupo ay maaaring
ituloy pa ng kabilang grupo
hanggang sa tumama ang sagot.

Opo!

Kung sino ang may pinakamaramimg


puntos na grupo ay siyang magwawagi. Pangarap

Handa na ba kayo?
Unang Kard b. Gabi
Kung ang nightmare ay bangungot, ano
naman ang dream?

Ikalawang Kard
Makikita ang mga bituin kapag dis oras
ng ______?
Madilim
a. Umaga
b. Gabi
c. Hapon

Ikatlong Kard
Kung babaligtarin mo ang salitang
milidam, anong salita ito? “PANGARAP SA GABING MADILIM”

Sino ang makapagbibigay ng kabuuang


diwa ng mga salita upang mahulaan ang
ating tatalakayin?

Maaring magdagdag ng mga salitang


pang-ugnay.

Magaling!

Bago natin talakayin ang kabanata ay


may mga ibinukod akong salita na hindi
pamilyar sa inyo. Upang maunawaan
nyo ang mga ito ay may inihanda akong
gawain.

1. Paghahawan ng Sagabal

Bago natin basahin ay, bibigyang kahulugan


muna natin ang mga talasalitaan sa kwento, - PISIIGAN
upang mas maintindihan niyong mabuti. - ANATNIB
- OREKISUM
Panuto: Buuin ang mga letra para makuha ang - OHULAM
kasingkahulugan ng mga salita at gamitin ito sa - NAHUTNEWKAK
pangungusap.
1. Nagmuni-muni si Ana habang nakahiga
1. nagmumuni-muni sa kama.
2. durungawan 2. Sumilip sa durunguwan ang bata para
3. orchestra makita ang prosisyon.
4. marangya 3. Nagsimula na ang orchestra kaninang
5. kadaupang-palad umaga.
4. Marangya ang naganap na pagdiriwang
ng kaarawan ni Robert.
5. Libang na libang si Jona habang
kadaupang-palad si May.
D. Paglalahad

1. Pagtatalakay

Ipapabasa ang kwento upang Opo.


maunawaan ang nangyari sa Kabanata
5.

(Babasahin ng mga mag-aaral ang kwento nang (Ang sagot ay depende sa sagot ng bata.)
tahimik)
(Ang sagot ay depende sa sagot ng bata.)
Naunawaan nyo ba ang kwentong
inyong binasa?
(Ang sagot ay depende sa sagot ng bata.)
Katanungan:
Paano inilarawan si Maria Clara sa
kwento?

Ano ang naramdaman ni Padre Salvi


nung nasilayan nya si Maria clara?

Ano ang gumugulo sa isipan ni Ibarra


sa gabing iyon?

Magaling!

Mukang naiintindihan nyo na ang


pangyayari sa kwento kung kaya’t may
inihanada akong pangkatang gawain
para sa inyo.

E. Paglalahat
 Hatiing muli sa dalawang grupo
ang klase.
 Pumili ng isang lider bawat
grupo upang gampanan ang
presentasyon ng bawat grupo.
 Bibigyan ng tig-3 minuto lamang
upang magawa ng aktibiti at tig-
3 minuto para sa presentasyon Unang Grupo
ng mga gawain. Maria Clara noong unang panahon.

Para sa unang grupo ilarawan si Maria


Clara noong unang panahon at para
naman sa ikalawang grupo ilarawan si
Maria Clara sa kasalukuyan. Gamitin
ang Semantic Web sa paglalarawan.

Unang Grupo
Panuto: Ilarawan si Maria Clara noong
unang panahon. Gamitin ang Semantic
Web sa paglalarawan.

Maria Clara

Ikalawang Grupo
Maria Clara sa kasalukuyan

Ikalawang Grupo
Panuto: Ilarawan si Maria Clara sa
kasalukuyan. Gamitin ang Semantic
Web sa paglalarawan.

Maria Clara

(Ang sagot ay depende sa sagot ng bata.)

A. Paglalapat
Panuto: Sagutin at ipaliwanag. (Ang sagot ay depende sa sagot ng bata.)

1) Ipagpalagay natin na ikaw si Maria


Clara, ano ang mas pipiliin mong
henerasyon, noon o ngayon? Bakit?
(Ang sagot ay depende sa sagot ng bata.)
2) Kung ikaw si Ibarra, paano mo
tatangapin kapag nalaman mo na isa sa
iyong mahal sa buhay ay katulad ng
sinapit ni Don Rafael?

3) Ano ang tinutukoy ng kwento na


“Pangarap sa Gabing Madilim”?

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap, kung hindi
wasto ang ipinapahayag salungguhitan at isulat ang tamang sagot.

1) Si Donya Vivian ang matyagang nag-aayos ng buhok ni Maria Clara.


2) Tanaw na tanaw ni Ibarra ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago.
3) Pumunta ng Maynila si Ibarra at nanuluyan sa Lala Fonda.
4) Madaling nakatulog si Padre Salvi dahil sa antok at pagod.
5) Nagmuni-muni si Ibarra sa kanyang silid dahil sa sinapit ng kanyang ama.
6) Mahilig si Padre Damaso sa mga magagndang dilag.
7) Naririnig ni Ibarra ang kasayahan at kalansingan ang mga pinggan at kubyertos
pati ang tuotog ng orkestra.
8) Dumating ang nag-iisang anak ni Kapitan Tyago na si Maria Claro.
9) Lihim ang paghanga ni Padre Salvi kay Maria Clara.
10) Marangya ang kasuotan ni Maria Clara at napapalamutian ng alahas na
diyamante at tanso.

Sagot:
1) Si Donya Vivian ang matyagang nag-aayos ng buhok ni Maria Clara. (Donya Victorina)
2) TAMA
3) Pumunta ng Maynila si Ibarra at nanuluyan sa Lala Fonda. (Fonda de Lala)
4) Madaling nakatulog si Padre Salvi dahil sa antok at pagod. (Ibarra/Crisostomo Ibarra)
5) TAMA
6) Mahilig si Padre Damaso sa mga magagndang dilag. (Padre Salvi)
7) TAMA
8) Dumating ang anak nag-iisang anak ni Kapitan Tyago na si Maria Lourdes. (Maria Clara)
9) TAMA
10) Marangya ang kasuotan ni Maria Clara at napapalamutian ng alahas na diyamante at
tanso. (ginto)

IV. Takdang-aralin:
Basahin ang tungkol sa ika-6 na kabanata ng Noli Me Tangere.

You might also like