You are on page 1of 3

DANIELLE ANNE C.

TERNIDA
BA-Broadcasting 2-3
Intelektwalisasyon sa Wikang Filipino
Prof. Cesar Caparas

PAGBUO NG REPLEKSYON AT KONKLUSYON

“Gusto kong tingnan dito ang intelektuwalisasyon bilang isang kondisyon o kalagayan na

nagpapakita na o nabibigyang pagkakataon ang wika na umunlad at magamit sa iba’t ibang

domain o mapaggagamitan nito, hindi lang sa pang-araw-araw na komunikasyon. Kung gayon,

hindi lang dapat na makikinabang dito ang mga nasa unibersidad kundi pati ang karaniwang

mamamayan.” (Pamela Constantino)

Di lingid sa ating kaalaman ang limitadong paggamit ng wikang Filipino sa mga malawakang

diskurso gaya ng ekonomiks, teknolohiya, agham, at pagsasaliksik. Ang limitasyong ito ang siyang

humahadlang sa pag unlad ng ating kaalaman at kahusayan sa mga diskursong makapagdaragdag sa

progreso ng bansa. Kalakip ng pambansang kaunlaran ang pag unlad sa bawat sangay ng ating buhay at

pagka-Pilipino, maging ng ating wika na siyang sumisimbolo at repleksyon ng ating kultura. Ang ating

pambansang wika ang siyang magiging tulay upang mas mapagyabong ang pamumuhay ng bawat Pilipino,

maging ng ating bansa. Sa pamamagitan nito mas mauunawaan natin na ang wika ang makakapagugnay

satin sa kaunlaran. Kagaya na lamang ng bansang Japan, ang kanilang paggamit sa wikang pambansa ang

siyang naging susi upang maipagyabong ang kanilang teknolohiya at agham. Hindi lamang ito nalilimitahan

sa aspeto ng kaalaman sa paggamit ng wikang pambansa sa mga asignaturang may koneksyon dito maging

sa pang araw-araw na pakikipagkomunikasyon sa impormal na pamamaraan. Kagaya ng ibang mauunlad

na bansa, dapat pa natin itong palawigin at gamitin sa iba’t ibang talakayan, tulad ng usaping pang

ekonomiya, talakayan sa paaralan,maging sa mga pambansang diskurso sa pamahalaan.

1
DANIELLE ANNE C. TERNIDA
BA-Broadcasting 2-3
Intelektwalisasyon sa Wikang Filipino
Prof. Cesar Caparas

Ang intelektuwalisasyon ang siyang magbibigay sa atin ng kakayahan na isaalang alang ang

pagtuturo para sa ikauunlad ng ating edukasyon sa lahat ng larangan, maging sa medisina, pagaaral ng

batas, engineering, teknolohya, agham at iba pa. Ang intelektuwalisasyon sa wikang Filipino ay isang

malawakang implementasyon at masusing proseso patungo sa progresibong bansa na kung saan ay

maaapektuhan ang iba’t ibang sektor, gaya ng edukasyon, pang-ekonomiya, at pampulitika.

Ang wikang Ingles ay naisabatas na isa ito sa opisyal na wika sa ating bansa, nagdulot ito ng

malawakang epekto mula sa pagtuturo sa bawat asignatura, hanggang sa pambansang pakikipagtalakayan.

Bagamat nagsilbi itong kalamangan dahil sa paghubog ng paaralan sa ating kakayahang

makipagkomunikasyon sa ibang dayuhan, nakaligtaan natin ang kahalagahan ng pagiging intelektuwalisado

sa wikang Filipino. Noong sakupin ng mga Amerikano ang ating bansa, bitbit ang kanilang sistema sa

edukasyon, naging batayan natin ito upang magkaroon ng sistema ng edukasyon sa ating bansa, karamihan

sa mga asignatura at akda ay naisusulat at nailimbag sa wikang ingles, ginamit din ang wikang ito bilang

midyum sa pagtuturo.

Karamihan sa mga larangan ng matematika at siyensya ay ginagamitan ng wikang ingles na kung

saan ay naging dahilan ng pagbagal sa pagunlad ng mga Pilipino sa mga larangang ito. Sa kabilang banda,

dahil na rin sa mga suliraning pang ekonomiya ng bansa at oportunidad na dala ng pagiging maalam at

bihasa sa wikang ingles, nagamit ito ng mga Pilipino sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Ang wika ay may malaking parteng ginagampanan sa patuloy na pagunlad ng ating bansa. Kaya

mas pinahalagahan ito ngayon at pinaglalaban na hindi tanggalin sa curriculum na pangkolehiyo bilang

pagkakaisa sa pagsulong ng wikang Filipino patungo sa intelektuwalsadong bansa.

2
DANIELLE ANNE C. TERNIDA
BA-Broadcasting 2-3
Intelektwalisasyon sa Wikang Filipino
Prof. Cesar Caparas

“Kung nais nating maging intelektwalisado ang ating wika, kailangang ito ay iangat sa

antas ng diwang malay.” Dapat ginagamit sa “mga kaisipang bunga ng maingat at matimbang na

pag-iisip o pagmumuni muni,” Pati na “sa mga larangang intelektwal tulad ng pagtuturo sa antas

tersiyaryo at eskuwelahang gradwado, sa pagsulat ng mga akda sa pilosopiya, agham at

teknolohiya.”

Ang pagiging intelektwalisado ng isang bansa ay nagsisimula sa mga mamamayan na siyang

magiging daan sa pagunlad, makatutulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagpapahalaga sa

wika, paggamit nito sa mga malawakang talakayan at pagsasanay na mahasa ang paggamit sa wikang ito

sa iba’t ibang larangan. Ang pagkakaroon ng isahang layunin na mapaunlad ang wika ang magsisilbing

daan upang mapaunlad ang ating bansa.

You might also like