You are on page 1of 12

MALNUTRISYON

Panimula (Kabanata I)

Ang nutrisyon ay isang mahalagang paksa na dapat tugunan ng pamahala

an sa panahong ito. Ito ay ang pagkakaroon ng sapat na pagkain na maaa

ring makapagbigay ng mineral o nutrisyon sa isang tao upang sila ay magk

roon ng maayos ng kalusugan upang hindi dapuan agad ng ano mang sakit

. Kaya ang mga masisikip o over populated, at malalayong lugar ay isa sa

may pinakamaraming kaso ng malnutrisyon na mayroon sa bansa. Ang pa

mahalaan ay gumagawa ng iba‟t ibang hakbang upang ang malnutrisyon a

y matugunan o maibsan kahit papano. Isa dito ay ang feeding program na

ang layunin ay ang maabot ang mga malalayong lugar na kadalasan ay ka

pos sa mga pagkain dahil na din sa kakulangan ng hanapbuhay. Ang layun

in ng pagsasaliksik na ito ay upang malaman ang posibilidad ng pagpapa-

onti ng mga taong may malnutrisyon lalong lalo na sa kabataan. Aalamin di

n ng pagsasaliksik na ito kung papano magkakaroon ng maayos na kalusu

gan kahit na sa mga murang pagkain lamang tulad ng gulay na maaring m

abili ng mga mahihirap na tao.


MALNUTRISYON

Paglalahad ng Suliranin

Sa panahon ngayon ang malnutrisyon ay isa sa mga paksa na humadalang

sa mga kabataan na magkaroon ng maayos na edukasyon dahil sa kakula

ngan ng lakas at ang di maayos at mabagal na pagbabago ng kanilang isip

an. Maraming bata ang napagiiwanan dahil sa kakulangan ng nutrisyon at

ang iba pa nga ay nagdudulot ng maagang kamatayan sakanila. Ang mga t

anong na nais masagot ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

 Ano ano ang mga dahilan ng malnutrisyon sa bansa?

 Bakit nga ba hindi basta bastang matugunan ng pamahalaan


suliranin tungkol sa paksang ito?

 Ano ano ang mga mura ngunit epektibong paraan upang magkaroon
ng maganda at maayos na kasulusan?

 Ano ano ang magiging epekto sa isang tao ang pagkakaroon ng


malnutrisyon?

 Ano ang magiging epekto sa isang tao na may malnutrisyon?


MALNUTRISYON

Layunin

Ang layunin ng pananliksik na ito ay malaman ang kahalagahan ng pagkak

aroon ng magandang kalusugan upang magkaroon din ng maayos na eduk

syon lalong lalo na sa mga kabataan ngayon. At upang ipabatid sa bawat

indibidwal ang halaga ng pakakaroon ng magandang kalusugan.

Layunin din nito ang mga sumusunod:

 Maibsan o mapigilan ang tuluyang pag laganap ng malnutrisyon.

 Alamin ang mga pamamaraang upang matugunan ang suliranin sa


pagkakarooon ng malnutrisyon.

 Malaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang


kalusugan.

 Malaman ang epekto ng malnutrisyon sa pagaaaral ng isang


indibidwal.
MALNUTRISYON

 Mapaganda ang mga kalusugan ng mga taong may malnutrisyon sa


mura at epektibong paraan.

 Layunin din nito na makapagpamulat sa gobyerno tungkol sa


suliranin na ito upang kanilang tugunan.
MALNUTRISYON

MGA KAUGNAY NA LITERATURA (KABANATA II)

Sa unang kabanata ay aming inihandog ang mga katanungan na nais din


naming mismong mabigyan ng kasagutan. Dito sa kabanatang ito ay amin
nang ilalahathala ang mga nakalap na sagot sa bawat katanungan.

 Ano ano ang magiging epekto sa isang tao ang pagkakaroon ng


malnutrisyon?

Ang taong may malnutrisyon ay maaaring makaramdam kaagad ng


pagod, pag ka wala ng gana sa pagkain, maaaring magkaroon ng
anemya o kakulangan sa dugo.

Iba naman ang sa mga kabataan. Maaari silang mahuli sa paglaki,


magkaroon ng hindi normal na timbang, malaking tiyan, payat na
braso at binti, kahinaan sa paglalakad at pagiisip, pagiging matamlay
at malungkutin. Maaaring mamaga ang kanilang mga mukha pati na
ang paa at kamay na kadalasan ay may kasamang sugat at pasa.
Pag kalagas ng buhok at mawala ang kintab nito, at panunuyo ng
mata o mismong pagkabulag.
MALNUTRISYON

 Ano ano ang mga mura ngunit epektibong paraan upang magkaroon
ng maganda at maayos na kalusugan?

Isang paktor na nakakaapekto sa pagkakaroon ng maayos na


kalusugan ang isang bata kapag ito ay nakakakain ng malinis na
pagkain. Hindi kailangang mahal ang kakainin para maging
masustansya ito. Halimbawa, Ma-berdeng gulay tulad ng repolyo,
pechay, kangkong, malunggay, talbos ng kamote, at ampalaya – Ang
gulay ay sagana sa bitamina, minerals at plant chemicals. May fiber,
potassium, folate at iron pa. Ang gulay ay makatutulong sa pag-iwas
sa sakit sa puso, mataas ang cholesterol, diabetes, sakit sa tiyan, at
kanser. At Isda tulad ng sardinas, tilapia, galunggong at dilis - May
Omega-3 ang isda na tumutulong sa pag-iwas sa atake sa puso,
istrok, at nagpapababa din ng kolesterol. Mas masustansya ang isda
kaysa sa karneng baboy o baka.

 Ano ano ang dahilan ng malnutrisyon sa bansa?

Ang pangunahing rason kung bakit nagkakaroon ng malnutrisyon ay


ang kahirapan. At ang may pinakamataas na bilang na pangunahing
tinatamaan ng malnutrisyon ay ang mga mahihirap na pamilya. Hindi
lamang dito sa Maynila ngunit pati sa ibang liblib na lugar na hindi
nagkakakuha ng sapat at maayos na pagkain dahil na mismo sa
kakulangan ng pera at kaalaman sa pagkakaroon o paghahanda ng
mura ngunit masustansyang pagkain.

Isang kadahilanan pa ay ang hindi pagtugon ng gobyerno sa


pangangailangan ng mga tao patungkol sa kakulangan ng pagkain
dahil sila mismo ay nagsasawalang bahala. At imbis na mapunta sa
mga “feeding program” para sa mga kabataang may malnutrisyon
ang perang kanilang inilalaan ay kanilang kinukulimbat at ibinubulsa.
MALNUTRISYON

 Bakit nga ba hindi basta bastang matugunan ng pamahalaan ang


suliranin tungkol sa paksang ito?

Hindi basta bastang matutugunan ng pamahalaan ang problemang


ito dahil sa kakulangan ng badyet na nakalaan para sa pagtugon sa
mga taong may malnutrisyon. Mahirap ding abutin ang mga taong
nasa liblib na lugar tulad ng mga probinsya.

Hindi na rin natin maisasantabi ang mga taong nasa katungkulan na


nagpapalaganap ng korapsyon na silang mismong nakikinabang sa
pera. Ang pera sanang nakalaan para sa pang gastong na ilalaan
para sa mga taong mayroon ng problemang ito.

Ang kakulangan din mismo ng produksyon sa pagkain ang problema


ng pamahalaan. Ang mga produkto o pagkain na patuloy na
tumataas ang presyo ay kanila din mismong hindi makontrol kaya
ang pagtugon sa mga taong may malnutrisyon ay isa pading
palaisipan kung papano matutugunan bagama‟t may mga proyekto
sila ay hindi parin ito sapat.
MALNUTRISYON
LAGOM (KABANATA III)

EPEKTO NG MALNUTRISYON

Ang taong may malnutrisyon ay makakaramdam ng panghihina, siya ay


maaaring maging sobrang payat, malaki ang tiyan, maging mahina sa
pisikal na aspeto pati na din sa pagiisip. Maaaring mabagal ang kanyang
paglaki pati na ang pagbabago sa iba‟t ibang parte ng katawan ng isang
taong may malnutrisyon. Dahil ito sa kakulangan ng mga nutrients at
minerals na kinakailangan ng ating katawan upang maging matiwasay at
maganda ang paglaki ng isang tao.

MGA MURANG PARAAN PARA MAGKAROON NG MAAYOS NA


KALUSUGAN

Malaking bagay para sa isang tao ang makakain ng wasto sa araw araw
upang makakuha ng mga nutrients na kinakailangan ng katawan. Hindi ito
kailangang maging mahal para masabing masustansya. Halimbawa, and
dilis, galunggong, at sardinas ay mga isdang mura ngunit masustansyang
pagkain dahil nakakapagbigay padin ito ng sapat na bitamina. Pati na ang
pagkain ng mga gulay katulad ng, kangkong, talbos ng kamote, ampalaya,
pechay, at malunggay na maaaring makuha sa mga tanim sa bakuran.

DAHILAN NG „DI PAGKASUGPO SA MALNUTRISYON

Ang kahirapan ang isang malaking paktor na nakakaapekto sa


pagkakaroon ng malnutrisyon sa bansa. Sa kadahilanang hindi sapat ang
pera upang ipang gastos na pambili ng mahal na preso ng pangkain. Isa
pang paktor ay ang hindi maayos na pamamalakad ng pamahalaan na
nagdudulot ng kakulangan ng produksyon ng pagkain kaya ito
nagkakaroon ng mahal na presyo na hindi kayang bilhin ng mga mahihirap.
MALNUTRISYON
KONKLUSYON (KABANATA IV)

Pagkatapos ng mahabang pagbabasa patungkol sa malnutrisyon,


nagkaroon na kaming mga mananaliksik ng kaalaman tungkol sa paksang
ito. Kaming mga mananaliksik ay patuloy padding maghahanap ng mga
kasagutan sa suliraning “Malnutrisyon”. At iba sa mga natuklasan naming
ay:

 Ang pangunahing nagkakaroon at lubos na naapektuhan ng


malnutrisyon ay ang mga kabataan.

 Ang kahirapan naman ang isa sa mga pangunahing dahilan ng


pagkakaroon ng malnutrisyon sa bansa.

 Hindi isang biro ang suliranin ng bansa patungkol sa malnutrisyon


dahil napakahirap padin nitong tugunan.

 Isa lamang ang malnutrisyon sa mga suliraning nagpapatunay na ang


bansa ay hindi pa ganoon kaunlad at madami pa itong dapat isaayos
para masabi na nagkakaroon na ng tunay na pagbabago.

 Ang mga nasa liblib na lugar tulad ng probinsya ang may


pinakamahirap na kaso ng malnutrisyon dahil sa layo nito ay hindi
sila basta bastang naaabutan ng tulong ng pamahalaan.

 Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan para sa mga


kabataan upang sila ay magkaroon ng maayos at magandang
hinaharap.
MALNUTRISYON

 May mga simple, mura ngunit masustansyang mga pagkain na


pupwede nating ihanda na maaaring magdulot ng maayos na
kalusugan ang mga kabataan upang maiwasan nila ang pagkakaroon
ng malnutrisyon.
MALNUTRISYON

REKOMENDASYON (KABANATA IV)

Sa mga may pakielam upang basahin ito at sa may mga pakielam na


alamin ang suliranin tungkol sa “Malnutrisyon”, sana lahat tayo ay
magtulong tulong upang gumawa ng hakbang na makatulong sa mga
kapatid nating may ganitong karamdaman kahit sa mga simpleng
paraan lamang.

Para sa mga magulang, nawa‟y ang gating mga anak ay ating


aalagaang mabuti, pakainin ng wasto, huwag papabayaan dahil lahat
ng bata dito sa mundo ay may karapatang lumaki ng maayos.

Para sa kabataan, sana ay mamulat kayo na hindi basta basta ang


pagkakaroon ng malnutrisyon kaya tayo mismo ay huwag
magpabaya saating mga sarili.

Para sa mga guro, ituro natin sa mga magulang ang mga iba pang
paraan ng paghahanda ng mga pagkain sa murang halaga ngunit
masusustansyang mga pagkain na makakapagiwas sa ating mga
anak sa nasabing karamdaman.

Para sa iba pang nais magsaliksik, sana ang iba pang tao ay
gumawa ng hakbang upang alamin ang tamang paraan ng pagtugon
sa suliraning ito upang sa takdang panahon ay wala nang kabataan
ang nagdurusa sa karamdamang ito.
MALNUTRISYON

BIBLIYOGRAPIYA (KABANATA IV)

http://www.mataba-ako.com/kaalaman/wastong-
nutrisyon

http://health.wikipilipinas.org/index.php/Mga_Sakit_na_
Sanhi_ng_Di-wastong_Pagkain

You might also like