You are on page 1of 1

Panuto para sa CBI (Filipino 11)

I. Ang mga naitalagang gawain para sa inyong CBI ay ang weeks 6-7 nang inyong LAS
ito ay ang kasaysayan ng wika sa iba’t ibang panahon at mga batas na ipinatupad.
II. Basahin muna ang bawat panahon sa week 6 at mga batas naman sa week 7.
III. Sa bawat panahon, magbigay pa ng mga karagdagang impormasyon na naka pokus
sa WIKA noong panahon na iyon at magdagdag ng mga karagdagang kaalaman o
trivia (2-3).
IV. Ang gagamitin sa pagbuo ng proyektong ito ay kailangang nasa wikang Filipino.
V. Para sa karagdagang puntos, magbigay ng mga halimbawa ng mga salita na maaaring
nauso, nalikha o nanggaling mismo noong panahon na iyon na kapag sinabi ay
naiintindihan ng mga Pilipino. (2-3)
Hal. Sa panahon ng Kastila: Mesa—mesa o lamesa ( la mesa) pa rin ngayon sa
Filipino at patuloy natin na ginagamit.
VI. Ang mga gagamiting larawang sa background ng bawat slides ay may kaugnayan sa
panahon na nabanggit o maaaring pinakasikat na kaganapan noong panahon na
iyon.
VII. Maipasa sa itinakdang araw.
VIII. Ilagay lahat ng mga sangguniang kinuhanan ng mga impormasyon (aklat, internet,
panayam o mga journal)
IX. Ang mga kukunin na batas ay kailangan angkop sa mismong panahon na
pinangyarihan (1-2)
X. Minimum sa tatlong (3) slides at maximum ang limang (5) slides sa bawat panahon.

Bilang isang mamamayang Pilipino, nilalayon ng proyektong ito na maging maigi ang
kaalaman sa wikang Pambansa at lumalim ang karunungan sa pinagdaanan nito mula sa iba’t
ibang dayuhan na sumakop sa ating bansa. Tandaan na hindi tayo magkakaroon ng kalayaan
sa pagsasalita ng ating sariling wika kung hindi pinaglaban at dumaan sa butas ng karayom
ang ating mga bayani at mga ninunong Pilipino.

Nawa’y mas lumawak pa ang kaalaman sa paggamit ng wikang pambansa at lalo na sa


pinanggalingan, pinagdaanan hanggang sa naging malaya ito.

Ngayon pa lamang, nagagalak ko na kayong binabati dahil alam kong mapagtatagumpayan


ninyo ito!

Bb. Irish Dale D. Salazar

You might also like