You are on page 1of 5

WIKA 1 – MODYUL 1

❖ Wika ​- sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog na ginagamit ng mga tao
sa loob ng isang komunidad para sa komunikasyon. (Consuelo Paz)
- Malikhain, sistematiko, at patuloy na nagbabago
- May gramatika (sistema/pamantayan)
❖ Unang Wika/Bernakular​ – kinalakihang wika
❖ Ikalawang Wika​ – wikang natutunan matapos ang unang wika
❖ 8​ ​pangunahing wika (wikang rehiyonal): ​Bikol, Ilokano, Hiligaynon,
Kapampangan, Pangasinense, Sebuwano, Tagalog, at Waray
❖ Lingua franca​ – wikang komon na sinasalita ng mga taong may magkaibang
katutubo o unang wika
❖ Wikang Opisyal ​ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan
ng pamahalaan.
- wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalò na sa
anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng
gobyerno.
❖ Wikang Panturo ​- wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon.
- Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at
ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.
❖ Wikang Pantulong - ​wika na ginagamit para sa higit na pagkakaintindihan ng
dalawa o mahigit pang nag-uusap
- napakahalaga ang paggamit ng wikang pantulong para sa higit na epektibong
pagtuturo sa mga pook na ikalawang wika lámang ang wikang panturo
❖ Wikang Pambansa​ – sagisag ng isang bansa
- nagmimithing mabilis magkaunawaan at sibulan ng damdamin ng pagkakaisa
ang mga mamamayan na may iba-ibang wikang katutubo
❖ “Linggo ng Wika” ​- Marso 27-Abril 2 nalipat sa Agosto 13-19
❖ “​Buwan ng Wikang Pambansa​” tuwing Agosto 1–31
❖ Manuel Quezon ​- ama ng wikang pambansa

Baryasyon at Varayti ng Wika


❖ Varayti ng Wika​ – maliit na grupo ng pormal o makabuluhang katangian na
nag-uugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal
❖ Dalawang uri:
➢ Varayting Permanente
■ Idyolek​ – personal na kakanyahan ng tagapagsalita
- varayti ng wikang ginagamit ng indibidwal
■ Sosyolek – ​bunga ng interaksyon ng mga nagsasalita
■ Dayalekto​ – varayting batay sa espasyo, panahon, katayuang
panlipunan
- naglalarawan ng mga sangkap ng gramar at bokabularyo
● Diyalekto heograpiko
● Diyalektong temporal
● Diyalektong sosyal
➢ Varayting Pansamantala
■ Register ​– malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng
tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag
- pagbabago ng wika depende sa pagkakataon o audience
■ Estilo​ – bilang at katangian ng addressee at ng relasyon ng performer
■ Mode​ – midyum na ginagamit sa pagsasalita/pagsusulat

❖ Punto​ – aspekto ng pagbigkas na nagpapakilala sa indibidwal na tagapagsalita


kung saan man siya galing
❖ Ang varayting nadevelop bilang Wikang Istandard ay karaniwang dayalek na
prestihiyoso sa lipunan

Di-Berbal na Komunikasyon
❖ Kinesika​ – body language
❖ Proksemika​ – may espasyo; pagkakaayos
❖ Kronemika​ – oras
❖ Haptiks​ – pandama gamit ang kamay
❖ Bokaliks​ – paraan ng pagsasalita
❖ Aykoniks​ – simbolo, icons
❖ Olpaktoriks ​– amoy
❖ Kulay
❖ Iba pang di-berbal na komunikasyon​: ayos ng mga bagay, pananamit,
katahimikan

MODYUL 2
Kasaysayan ng Wikang Filipino

Wikang Pambansa

Pre-kolonyal ​- walang konsepto ng wikang pambansa, wikang panturo, at wikang opisyal.


- Wikang katutubo ng bawat rehiyon lamang ang ginagamit
- Maraming wika ang Pilipinas dahil isa itong arkipelago

Panahon ng kolonyalismo/Espanyol ​- walang wikang pambansa na ipinatupad


Bernakular​ - unang wika o katutubong wika
- Mga prayle ang natuto ng mga wikang katutubo
- Hindi tinuruan ng wikang espanyol ang mga pilipino

Panahon ng mga Amerikano ​- tinangkang Ingles ang gawing lingua franca ngunit hindi
nagtagumpay dahil hindi ito ang wikang nakagisnan
- Magastos magpadala ng native english speakers sa Pilipinas
- Laganap ang paggamit ng wikang katutubo
- Tagalog - bulacan, quezon, cavite, batangas, laguna, at northern mindoro
- Iloko
- Kapampangan
- Pangasinense
- Cebuano - mindanao region
- Ilonggo - iloilo, romblon, romblon, capiz, panay
- Waray
- Bikolano
Kilusan sa panahon ng Komonwelt (1935-1945) ​- hinayaan ng mga Amerikano na
gumawa tayo ng sariling organisasyon na magsusulong ng ating wikang pambansa
1935 Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksyon 3 ​- ang kongreso ay gagawa ng hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng wikang pambansa batay sa mga wikang
katutubo. Hanggang wala pang itinatakda, wikang Ingles at Espanyol ang gagamitin bilang
wikang panturo at wikang opisyal
Batas komonwealth 1984 - ​pagsasaliksik para sa wikang pambansa, at ang basehan ay
tagalog dahil sa mga illustrado
Kautusang tagapgpaganap bilang 184 - ​pagpapatibay ng balarila ng wikang pambansa -
Lope K. Santos
Batas komonwealth blg 570 ​ - Filipino ang wikang opisyal

Surian ng Wikang Pambansa (1935) ​- pananaliksik, gabay, at alituntunin ng magiging


batayan sa wikang pambansa

Jaime C. De Veyra (1937) -​ Tagalog ang batayan ng wikang pambansa na idineklara ni


Manuel Quezon sapagkat: mayamang panitikin na hindi mahirap hanapin at maraming
malawak na talakayang nakasulat tungkol dito

Panahon ng Hapon​ - pagpapaunlad ng wikang pambansa

Pangalawang Republika​ - wikang pambansa bilang wikang opisyal (Hulyo 4,1940)


- Pagsalin ng pambansang awit Kastila>Ingles>Tagalog
Kilusan ng Panahon ng Republika (1946-1970) ​- inilunsad sa mga paaralan ang
pagtuturo ng Wikang pambansa
Unang Isyu:
Jose E. Romero (Agosto 13, 1959) -​ Pilipino bilang wikang pambansa; Kautusang
Pangkagawaran blg 7
Ikalawang Isyu:
Hindi payag and mga taga-Cebu na Tagalog ang Wikang Pambansa

Saligang Batas 1973 - ​Pilipino at Ingles


1987 Konstitusyon ​- Filipino ang wikang pambansa

Kahalagahan ng pagsama ng ibang wikang katutubo sa wikang pambansa


● Mother tongue
● Kultura ng mga Pilipino
● May mga panitikan na nakasaad sa ibang wikang katutubo
● May mga konsepto na nakasaad sa wikang katutubo na hindi kayang isalin sa ibang
wika
● Paghiram ng mga termino sa ibang wikang katutubo ay makatutulong sa atin

Wikang Opisyal
- Gamit sa opisyal na talastasan ng pamahalaan (Virgilio Almario)
- Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado
- Filipino at Ingles

Pre-colonial​ - sariling wikang katutubo


Panahon ng Kastila ​- Espanyol
Saligang Batas ng Biak na Bato (1896) -​ Tagalog ang magiging wikang opisyal ng
Pilipinas
Panahon ng Amerikano ​- Ingles at Espanyol
Panahon ng Hapon ​- Tagalog
1946: ​Ingles, Espanyol at Tagalog (hindi naipatupad nang maayos)
Batas Komonwelt Blg 570 (Hulyo 4, 1946)​ - wikang pambansa bilang wikang opisyal
Rafael Salas (Marso 27,1968) ​- Pilipino ang wikang opisyal.
1973 Konstitusyon ​- hanggang walang nakatakda, Ingles at Pilipino
1987 Konstitusyon ​- Filipino at Ingles ang wikang opisyal para:
● Maunawaan ng mga mamamayan ang mga pinag-uusapan ng mga lider ng bansa
● Madaling maintindihan ang mga batas
● Maaaring lumahok sa mga pambansang talakayan
Kautusang Tagapagpaganap blg 335
● Filipino ang gagamitin sa lahat ng opisyal na transaksyon.
● Magtalaga ng tauhan na magpapatupad nito.
● Isalin sa Filipino ang lahat ng gusali, opisina at mga palatandaan.
● Isalin sa Filipino ang mga panunumpa.
● Maging bahagi sa pagsasanay sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisina,
komunikasyon, at korespondiya.
Isyung kinakaharap:
● Hinihiling ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga
dokumento ng gobyerno.
● Kahirapang isalin ang mga opisyal na terminolohiya.

Wikang Panturo
- Filipino at Ingles

Panahon ng mga Kastila​ - wikang katutubo


- Wikang Espanyol ay hindi itinuturo maliban sa mga mayayaman na gustong matuto
- Tagalog ang ginamit ng mga Katipunero
Panahon ng mga Amerikano ​- monolinggwal:Ingles
Komonwelt ​- wikang pambansa bilang wikang panturo
- Ingles at Tagalog
- Gamitin ang Ingles, Espanyol, Tagalog at mga katutubong wika sa panimulang antas
Pebrero 27, 1973 -​ bilinggwal na edukasyon
- Pilipino at Ingles sa unang antas
Juan Manuel (Hunyo 21, 1978) -​ Filipino bilang wikang panturo
1987 Konstitusyon ​- Filipino at Ingles para:
● Mabilis ang pagkatuto
● Maitaas ang antas ng literasi ng mga Pilipino
● Malinang ang kaisipang siyentipiko at teknikal tungo sa pagpapahalagang Filipino

Hadlang:
> Monolinggwal ang pilipinas
> ang ingles ang wikang panturo

You might also like