You are on page 1of 2

PANALANGIN NG PAGSAMO SA DIYOS PARA SA BIYAYA NG

MAGANDANG BILANG NG MGA MAG-AARAL


(ika-16 ng Hulyo hanggang ika-15 ng Agosto tuwing ika-3 ng hapon)

Mapagpala at Mapagmahal na Ama,


kami ay dumudulog sa iyo taglay ang matibay na pananalig.
Dama namin ang hirap ng buhay ngayong panahon ng pandemya.
Itinataas namin ang aming mga Katolikong Paaralan
sa Diyosesis ng Pasig.
Basbasan mo po kami at huwag mo po kaming pababayaan.

Sa muling pagbubukas ng taong pampaaralan,


gabayan at tulungan mo po kaming lahat.
Pagkalooban mo po ng biyaya ang mga magulang
upang kanilang isipin at piliin ang pagpapaaral ng kanilang mga anak
sa mga Katolikong paaralan ng aming diyosesis
at gayundin ang mga mag-aaral.
Huwag mo pong hayaang masadlak sa dusa ang aming paaralan,
ang mga guro at mga naglilingkod sa paaralan.
Patuloy mo po kaming pagkalooban ng kalakasan, kalusugan at
kaligtasan, upang patuloy kaming makapaglingkod sa iyo sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng may kalidad na Katolikong Edukasyon
at paghuhubog, higit ngayong panahon ng krisis.
Kami’y umaasa na iyong diringgin ang aming mga panalangin.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo,
na nabubuhay at naghaharing kasama mo
at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

O Maria, aming Ina, tulungan mo po kaming iyong mga anak!


Ama Namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
1
PRAYER OF SUPPLICATION TO GOD TO INCREASE ENROLLMENT
(from July 16 to August 15 every 3 in the afternoon)

Gracious and loving Father, we come to you with great faith.


We have been struggling during this time of pandemic.
We lift up to you all our Catholic Schools in the Diocese of Pasig.
Bless us all and do not forsake us.

As we start the new academic year,


we ask your guidance and help.
Grant all the parents the blessings
that they may consider and choose to send their children
to our Catholic Schools of the Diocese.
Bless and guide also our students.
Do not allow us to fall into despair;
our school, our teachers and our personnel.
Grant us strength, good health and protection
so that we can continue to fulfil our mission
of providing quality Catholic education during this pandemic.

We put our and trust and hope that you will listen to our prayers.
We ask this, through our Lord Jesus Christ, your Son,
who lives and reigns with you in the unity of the Holy Spirit,
One God, forever and ever.
Amen.

O Mary, our Mother, help us your children!


Our Father...
Hail Mary...
Glory be...

You might also like