You are on page 1of 1

Ang Pagsubok sa Buhay

Ano ba talaga ang ating misyon sa mundong ito? Eto ang lagi kong tanong sa aking
sarili, sa kadahilanang ang ating buhay ay maraming pagsubok na kinakaharap bago natin
makamit ang ating kasiyahan. Pero sabi nga nila hindi ito buhay kung wala tayong hirap na
dadanasin. Kung kaya’t sa buhay ko’y nalaman kong lumaban ng lumaban at hindi sumuko sa
pangarap kahit may mga balakid sa daan.

Hindi man tayo pareparehas ng pagsubok sa buhay kelangan nating tumayo para sa
kinabukasan at sumugal ulit sa ating mga pangarap. Kung tayo ay napapagod sa ating
paglalakbay matuto tayong magpahinga at manatiling matatag. Walang tao sa mundo ang
naging matagumpay ng walang hinaharap na pagsubok. Ito ang panitikan ng aking buhay ang
hindi sumuko at tuluyang lumaban.

You might also like