You are on page 1of 2

RIZAL

GAWAIN 2

RUSSBERGH M. JUSTINIANI

BSED-1C

Pagsulat ng sanaysay ayon sa talakayan

1. Paghambihingin at ipag kontras ang panahon noon at panahon ng ika 19 dantaon at sa


kasalukuyan.
2. Batay sa iyong pagbabasas at talakayan sa klase, ano ang masasabi mo sa panahon ng
ika-19 dantaon.
3. Ipaliwanag ang kasamaan ng mga espanyol sa Filpinas?
4. Sa iyong palagay, may nangyari bang pang-aapi ngayon sa mga filipinpo? Ipaliwanag.

Sa paglipas ng maraming mga taon ay marami na ang pagbabagong naganap sa


bansang Pilipinas sa panahon noon, panahon ng ika-19 at panahon sa kasalukuyan.
Malaki ang nabago sa kultura ng ating mga ninuno mula ng tayo ay sakupin at
alisputahin ng mga dayuhang mananakop, ang uri ng pamumuhay, pilosopiya,
kaalaman at karunungan ay umuunlad sa bawat panahong nagdaan.

Ang mga pangyayari ngayon sa kasalukuyan ay bunga ng mga kaganapan sa


nakaraan kung kaya’t ang nakaraan at kasalukayan ay konektado sa isat-isa. Ang
panahon ngayon ay nagkaroon ng malaking pag usbong sa kaunlaran, ang estado at uri
ng pamumuhay sa makabagong panahon ay mayroong malaking pagkakaiba kumpara
sa mga nagdaang siglo. Ang estilo at disenyo ng pananamit,pagsasalita at pagkilos at
klase at mga uri ng pagkain ay iilan lamang sa mga halimbawa ng malaking
pagbabago at pagkakaiba ng nasabing mga panahon, Ang pamumuhay sa kasalukuyan
ay mas napapadali maging ang kaalaman sa agham ay umunlad at makabagong
teknolohiya ay lumalago at lumalaganap . Malaki ang kontribusyon ng mga nagdaang
taon sa pagpapaunlad ng ating sarili, kasanayan, kaalaman at pagpapaunlad ng bansa
sapagkat kung wala ito ay hindi natin matatamasa ang mga bagay na ating natatamasa
ngayon. Masasabing mahirap at masalimuot nag buhay noong unang panahon
sapagkat ang kaalaman sa medisina ay hindi sapat upang malunasan ang mga
karamdaman at sakit nong unang panahon. Ang kultura ng noong panahon at ika-19
dantaon ay kinikikila at hindi nakakalimutan na sa kasamaang palad ay unti-unti nang
naglalaho at nakakalimutan ngayon, halimbawa nang pagmamano sa mga nakakatanda
noon ay tila bang isang responsibilidad at karapat-dapat gawin ng mga kabataan sa
mga mas nakakatanda, sa kabilang banda naman anmg kasalukuyang panahon naman
ay iilan nalang ang gumagawa nito.

Isang napakahalaga at hindi malilimutang parte ng ating kasaysayan ang panahong


ito ang ika-19 dantaon, masasabi kong Malaki ang kontribusyon nito sa
pagkakakilanalan sa atin bilang mga Pilipino. Hindi na lingid sa ating kaalaman na
tayo ay sinakop, nagdusa sa loob ng 333 taon sa ilalim ng pamumuno ng mga kastila,
ngunit sa kabila ng pang-aabuso at pang- aalispusta sa ating pagka Filipino ay
nagbunga naman ito ng magaganda at mabubuting bagay. Ang mga mananakop na
espanyol ang nagdala at nagpalaganap ng relehiyong Kristiyanismo sa ating bansa,
nagturo at nagmulat sa atin sa edukasyon at nagturo sa atin patungkol sa sinaunang
teknolohiya na sa makatuwid, ang mga mananakop na ito ang nag dala at nagpamulat
sa maunlad na sibilisasyon. Hindi maayos na pamumuno, diskriminasyon sa mga
Pilipino, pang gagahasa, pagkamkam ng mga lupain at ari-arian sa mga Filipino,
pagpaslang sa mga inosente at higit sa lahat, ang isa mga imoportanteng nagaanap ay
ang pag bubuklod ng mga Pilipino upang magka-isa sa pagpapatalsik sa mga kastila.
Nagkaroon ng digmaan, maraming bayaning Pilipino ang nag buwis ng kanilang buhay
upang makalaya tayo sa kadenang nakagapos sa ating katawan.

Ang lubos na kasamaan ng mga Kastila ang isa mga naging rason ng pag aalab ng
puso ng mga Pilipino at nag bukas ng kanilang pag ka nasiyonalismo. Lubhang naging
malupit at naging sakim ang mga kastila lalo’t higit pag dating sa pamumuno at
pamamalakad, marami ang kolonyal na opisyales ang hindi nagging patas , mandaraya
at magnanakaw. Ilan sa kanila ay pumatay ng mga inosenteng tao, nagpayaman lamang
at walang alam sa pamumuno at ang isa pa ang nag utos na ipabitay si Jose Rizal.
Tiananggalan at nawalan ng karapatan ang mga Pilipino [human rights denied to
Filipino] na kung saan ang kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, asosasyon at ibang
karapatang pantao ay hindi natin natamasa. Dahil sa walang maayos na pamumuno ay
hindi rin nagkarooon ng kaayusan pag dating sa batas at hustisya kung saan walang
pantay at patas para sa Pilipino. Nakaranas angb Pilipino ng diskriminasyon ,
sapilitang pag tatrabaho at pagbabayad ng hindi makatarungang buwis, ang
pagkamakam ng mga masasamang prayle sa mga ari-arian ng mga Pilipino mga lupain
na nagging dahilan upang magkaroon ang mga ito ng hacienda, at higit sa lahat ay ang
pagpapatupad ng guardia civil kung saan marami ang ginahasa, inosenteng pinaslang at
pagkawala ng mga kagamitan, hayop at lupain ng mga Pilipino.

Ang Pilipino sa kasalukuyang panahon ay nakakararanas pa rin ng pang-aapi ngunit


hindi ganon karami at kalala hindi katulad noong panahon ng mga kastila sapagkat
mayroon ng mga batas na pumuprotekta sa karapatang pantao nito. Liban riyan ay
hindi lamang mga Pilipino ang nakararanas ngp pang-aapi kahit sino ay maaring
makaranas nito ano man ang iyong pagkakakilanlan, etnisidad o estado sa buhay.
Mahalagang matutunan nating I respeto ang ibang tao at igalang sila upang sa huli ay
manaig ang kapayaan at pagmamahalan.

You might also like