You are on page 1of 22

Pangalan____________________________________ 

Petsa ______________________    Grade __________ 
 
Panghalip Panao 
1. Ako ay si Francisco.  
2. Ako ay anim na taong gulang. 
3. Si Reyna ang nanay ko. Siya ang aking ina.  
4. Ikaw ay maliligo na.  
5. Atin ang mga aklat sa mesa. 
6. Tayo ay mga bata.  
7. Kami ay magkapatid.  
8. Kayo ay magka‐klase. 
9. Akin ang papel.  
10. Kanila ang mga papel 
11. Binasa namin ang kwento.  
12. Linisin natin ang silid‐aralan.  
13. Linisin ninyo ang silid‐aralan.  
14. Salamat sa lahat ng tulong ninyo. 
15. Pakibigay sa kanya ang mga papel. 
 

 
Pagsasanay sa Filipino
Pangalan Petsa Marka
20

Panghalip na Panao
Panuto: Bilugan ang lahat ng panghalip na panao sa bawat pangungusap.

1. Inalok ako ni Melissa na umupo sa tabi niya.


2. Nagpapatulong siya sa paggawa ng takdang-aralin natin.
3. Binasa namin nang sabay ang kwento sa aklat ko sa Filipino.
4. Natuwa sa amin si Ginang Amelia dahil nagtutulungan kami.
5. Pinahiram ni Paul sa akin ang bagong lapis niya.
6. Kanila ang mga papel at lapis dito.
7. Pakibigay sa kanya ang mga papel.
8. Atin ang mga aklat sa mesa.
9. Alagaan natin nang mabuti ang mga kagamitan sa silid-aralan.
10. Handa ka na bang tulungan kami sa paglinis?
11. Tayo ang bahala sa pagwawalis ng dumi sa sahig.
12. Sila ang mag-aayos ng mga silya at mga bag.
13. Inyo ba ang mga bag sa sahig?
14. Kayo naman ang magbubura ng pisara.
15. Ikaw ang magliligpit ng mga aklat.
16. Huwag ninyo kalimutan na punasan ang mesa ng guro.
17. Nagawa mo ba ang tungkulin mo?
18. Natapos ba nila ang gawain?
19. Inayos naming mabuti ang silid-aralan.
20. Salamat sa lahat ng tulong ninyo.

Talâ: panghalip - pronoun, panghalip na panao - personal pronoun


c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com
Pagsasanay sa Filipino
Pangalan Petsa Marka
20

Mga sagot sa Panghalip na Panao


Panuto: Bilugan ang lahat ng panghalip na panao sa bawat pangungusap.

1. ako, niya
2. siya, natin
3. namin, ko
4. amin, kami
5. akin, niya
6. Kanila
7. kanya
8. Atin
9. natin
10. ka, kami
11. Tayo
12. Sila
13. Inyo
14. Kayo
15. Ikaw
16. ninyo
17. mo, mo
18. nila
19. naming
20. ninyo

Talâ: panghalip - pronoun, panghalip na panao - personal pronoun


c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com
Pagsasanay sa Filipino

c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

Pangalan Petsa Marka


20

Pagbigay ng tamang panghalip na panao


Talâ: panghalip - pronoun, panghalip na panao - personal pronoun

Panuto: Tukuyin ang panghalip na panao na maaaring pamalit sa mga salitang pinili sa
bawat pangungusap. Isulat ang panghalip sa itaas o sa ibaba ng mga salita.

z }| {
1. Sina Andres at Amalia ay naghahanda ng maganda at malaking pagdiriwang para sa
anibersaryo ng kanilang mga magulang.

z }| {
2. Tutulong ako at ang kapatid ko na si Manuel sa paglinis ng kanilang bahay at baku-
ran.

z }| {
3. “ Si Ariel ang magdadala ng inumin at yelo para sa salu-salo,” sabi ni Ariel.

z }| {
4. Si Marco ang mag-aayos ng mga mesa at upuan.

z }| {
5. Ang mga kaibigan mo at ikaw ay matutuwa sa mga mang-aawit na darating mamaya.

z }| {
6. Sina Tito Joaquin at Kuya Jet ang susundo sa ibang mga panauhin.

z }| {
7. Ikaw, si Amalia, at ako ay maghahanda ng mga palamuti na magpapaganda sa okasyon.

z }| {
8. “Tito Joaquin! Kuya Jet! Aalis na ba si Tito Joaquin at Kuya Jet ? Maaari ba akong
sumabay sa inyo?” tanong ni Ariel sa dalawa.

z }| {
9. “Magandang hapon po. Cristina Torres po ang pangalan ko. Si Cristina Torres po
ang magdadala ng keyk na ipinagawa ninyo,” sabi ni Cristina.

z }| {
10. Nakikita mo ba ang babae na kausap ni Tito Joaquin? Ang babae ang may-ari ng
bakeshop na pinuntahan natin.

1
z }| {
11. “Andres, puntahan mo si Tito Joaquin. Si Andres ang hinahanap niya para tumang-
gap ng keyk,” sabi ni Jet kay Andres.

12. “Ako at ang mga kasama ko po ang magtututog ngayong gabi. Saan po
ako at ang mga kasama ko pupuwesto?” tanong ni Jay kay Amalia.
| {z }

z }| {
13. “ Ikaw at ang mga kasama mo ay uupo sa entablado. Nakahanda na ang mga upuan
ninyo roon,” sagot ni Amalia kay Jay.

z }| {
14. Dumating na ang mga serbidor, dala ang mga pagkain. Pakihatid ang mga serbidor
sa kusina namin.

z }| {
15. Tanungin mo si Jay kung nakuha niya ang listahan ng mga awit. Si Jay kasi ang
bahala sa musika.

z }| {
16. “Amalia, si Amalia na ang sumalubong kina Tatay at Nanay,” sabi ni Andres kay
Amalia.

z }| {
17. “Mas mainam kung ikaw at ako ang sasalubong at babati sa kanila,” sagot ni Amalia
kay Andres.

18. “Handa na ba ang lahat? Pauwi na ang mga magulang ninyo. Tiyak na magugulat at
masisiyahan ang Tatay at Nanay ninyo ,” sabi ni Tito Joaquin.
| {z }

z }| {
19. “Manuel, Ariel, Marco, salamat sa lahat ng tulong ninyo. Si Manuel, Ariel, at Marco
ay mga tunay na kaibigan,” pasalamat ni Andres sa tatlong lalaki.

z }| {
20. Lubos na nasiyahan ang mga magulang nina Andres at Amalia. Ang mga magulang
ay nagpasalamat sa mga kaibigan at kapamilya na tumulong at dumalo sa okasyong
ito.

2
Pagsasanay sa Filipino

c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

Pangalan Petsa Marka


20

Mga sagot sa Pagbigay ng tamang panghalip na panao


Talâ: panghalip - pronoun, panghalip na panao - personal pronoun

Panuto: Tukuyin ang panghalip na panao na maaaring pamalit sa mga salitang pinili sa
bawat pangungusap. Isulat ang panghalip sa itaas o sa ibaba ng mga salita.

1. Sila ay naghahanda ng maganda at malaking pagdiriwang para sa anibersaryo ng


kanilang mga magulang.

2. Tutulong kami sa paglinis ng kanilang bahay at bakuran.

3. “Ako ang magdadala ng inumin at yelo para sa salu-salo,” sabi ni Ariel.

4. Siya ang mag-aayos ng mga mesa at upuan.

5. Kayo ay matutuwa sa mga mang-aawit na darating mamaya.

6. Sila ang susundo sa ibang mga panauhin.

7. Tayo ay maghahanda ng mga palamuti na magpapaganda sa okasyon.

8. “Tito Joaquin! Kuya Jet! Aalis na ba kayo? Maaari ba akong sumabay sa inyo?”
tanong ni Ariel sa dalawa.

9. “Magandang hapon po. Cristina Torres po ang pangalan ko. Ako po ang magdadala
ng keyk na ipinagawa ninyo,” sabi ni Cristina.

10. Nakikita mo ba ang babae na kausap ni Tito Joaquin? Siya ang may-ari ng bakeshop
na pinuntahan natin.

11. “Andres, puntahan mo si Tito Joaquin. Ikaw ang hinahanap niya para tumanggap ng
keyk,” sabi ni Jet kay Andres.

12. “Ako at ang mga kasama ko po ang magtututog ngayong gabi. Saan po kami pupuwesto?”
tanong ni Jay kay Amalia.

13. “Kayo ay uupo sa entablado. Nakahanda na ang mga upuan ninyo roon,” sagot ni
Amalia kay Jay.

14. Dumating na ang mga serbidor, dala ang mga pagkain. Pakihatid sila sa kusina namin.

15. Tanungin mo si Jay kung nakuha niya ang listahan ng mga awit. Siya kasi ang bahala
sa musika.

1
16. “Amalia, ikaw na ang sumalubong kina Tatay at Nanay,” sabi ni Andres kay Amalia.

17. “Mas mainam kung tayo ang sasalubong at babati sa kanila,” sagot ni Amalia kay
Andres.

18. “Handa na ba ang lahat? Pauwi na ang mga magulang ninyo. Tiyak na magugulat at
masisiyahan sila,” sabi ni Tito Joaquin.

19. “Manuel, Ariel, Marco, salamat sa lahat ng tulong ninyo. Kayo ay mga tunay na
kaibigan,” pasalamat ni Andres sa tatlong lalaki.

20. Lubos na nasiyahan ang mga magulang nina Andres at Amalia. Sila ay nagpasalamat
sa mga kaibigan at kapamilya na tumulong at dumalo sa okasyong ito.

2
Pagsasanay sa Filipino

c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

Pangalan Petsa Marka


20

Pagkilala sa panghalip na pamatlig

Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig sa bawat bilang.

1. Nakikita mo ba sa mapa ang Lungsod ng Tagaytay? Diyan tayo pupunta sa Sabado.

2. Akin ang itim na backpack. Ito ang dadalhin ko sa biyahe.

3. May puting sasakyan na dumating. Iyon ba ang sasakyan natin?

4. Ang puting van ang gagamitin natin. Bagong ayos ang makina nito.

5. Dito ka umupo sa tabi ko para magkausap tayo.

6. Huwag kayong mag-alala. Parating na kami riyan.

7. Nauna na sila sa hotel. Magkita na lang daw tayo roon.

8. Bababa na tayo ng van. Iwan mo rito ang bag mo.

9. Ngayon lang ako nakarating sa Tagaytay. Malamig pala rito.

10. Ang bulkan ay ang Bulkang Taal. Iyon ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.

11. Kunan natin ng ritrato ang bulkan. Kamera mo ba iyan?

12. Doon tayo tumayo para maganda ang ritrato na makuha mo.

13. Itatago ko na ang kamera. Mahina na ang baterya nito.

14. Sa Wena’s tayo pumunta. Kilala ko ang may-ari niyon.

15. Mayroong kasaba keyk na binebenta riyan.

16. Dito namin binili ang mga pasalubong.

17. May strawberry cheesecake sila. Nakatikim na ako niyan.

18. Masarap ang blueberry cheesecake na natikman ko. Ano nga ba ang mga sangkap
niyon?

19. Ang ibang sangkap niyan ay mula sa ibang lalawigan.

20. Bumili ako ng masarap na buko pie. Tiyak na magugustuhan ito ng mga anak ko.
Pagsasanay sa Filipino

c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

Pangalan Petsa Marka


20

Mga sagot sa Pagkilala sa panghalip na pamatlig

Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig sa bawat bilang.

1. Nakikita mo ba sa mapa ang Lungsod ng Tagaytay? Diyan tayo pupunta sa Sabado.

2. Akin ang itim na backpack. Ito ang dadalhin ko sa biyahe.

3. May puting sasakyan na dumating. Iyon ba ang sasakyan natin?

4. Ang puting van ang gagamitin natin. Bagong ayos ang makina nito.

5. Dito ka umupo sa tabi ko para magkausap tayo.

6. Huwag kayong mag-alala. Parating na kami riyan.

7. Nauna na sila sa hotel. Magkita na lang daw tayo roon.

8. Bababa na tayo ng van. Iwan mo rito ang bag mo.

9. Ngayon lang ako nakarating sa Tagaytay. Malamig pala rito.

10. Ang bulkan ay ang Bulkang Taal. Iyon ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.

11. Kunan natin ng ritrato ang bulkan. Kamera mo ba iyan?

12. Doon tayo tumayo para maganda ang ritrato na makuha mo.

13. Itatago ko na ang kamera. Mahina na ang baterya nito.

14. Sa Wena’s tayo pumunta. Kilala ko ang may-ari niyon.

15. Mayroong kasaba keyk na binebenta riyan.

16. Dito namin binili ang mga pasalubong.

17. May strawberry cheesecake sila. Nakatikim na ako niyan.

18. Masarap ang blueberry cheesecake na natikman ko. Ano nga ba ang mga sangkap
niyon?

19. Ang ibang sangkap niyan ay mula sa ibang lalawigan.

20. Bumili ako ng masarap na buko pie. Tiyak na magugustuhan ito ng mga anak ko.
Aralin sa Filipino

c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

Aralin sa Panghalip na Pamatlig


Ang panghalip (pronoun) ay salitang ginagamit bilang pamalit o panghalili sa pangngalan
(noun). Ang panghalip na pamatlig (demonstrative pronoun) ay panghalip na ginagamit
sa pagtukoy sa isang tao, hayop, bagay, pook, pangyayari at iba pang pangngalan.
Ang mga panghalip na pamatlig ay naiiba batay sa kalayuan ng tinutukoy na pangngalan
sa taong nagsasalita at sa taong (o mga taong) kinakausap. Kapag ang pangngalan na
tinutukoy ng panghalip ay malapit sa, hinahawakan o isinusuot ng taong nagsasalita, ang
mga panghalip na pamatlig na ginagamit ay ito, nito, at dito o rito.
Kapag ang pangngalan na tinutukoy ng panghalip ay malapit sa, hinahawakan o isinusuot
ng taong kinakausap, ang mga panghalip na pamatlig na ginagamit ay iyan, niyan, at diyan
o riyan. Kapag ang pangngalan na tinutukoy ng panghalip ay malayo sa taong nagsasalita
at sa taong kinakausap, ang mga panghalip na pamatlig na ginagamit ay iyon, niyon, at
doon o roon.

Ito, iyan, at iyon

Ang mga panghalip na pamatlig na ito, iyan, at iyon ay ginagamit bilang pamalit sa mga
pangngalan (nouns) o mga pariralang pangngalan (noun phrases) na nagsisimula sa ang, si, o
sina. Kung maramihan ang pangngalan (plural noun), ang pangngalan lang ang pinapalitan
ng panghalip. Madalas gamitin ang ito, iyan, at iyon bilang pantukoy sa mga bagay at hindi
tao.

Ang aklat ay may higit sa isang daang pahina.


Ito ay may higit sa isang daang pahina.

Ang mga aklat ay galing sa silid-aklatan.


Ang mga ito ay galing sa silid-aklatan.

Ang kumot ay tinatago sa kabinet.


Iyan ay tinatago sa kabinet.

Ang mga kumot ay regalo ni Lola.


Ang mga iyan ay regalo ni Lola.

Nakasampay sa labas ang tuwalya.


Nakasampay sa labas iyon.

Nakasampay sa labas ang mga tuwalya.


Nakasampay sa labas ang mga iyon.

1
Ang mga panghalip na pamatlig na ito, iyan, at iyon ay ginagamit din bilang panturo sa
anumang bagay, tao man o hindi. Kapag ito ang gamit sa mga panghalip na ito, inilalagay
ito sa simula ng pangungusap upang magbigyan diin ang pagturo.

Ito si Diana. Ito ang mga kapatid niya.

Si Tom Cruise ang paborito kong aktor.


Iyan ang paborito kong aktor.

Si Miguel ang kaibigan ni Rachel.


Iyon ang kaibigan ni Rachel.

Sina Nelly, Martha, at Dindo ang mga kaklase niya.


Iyon ang mga kaklase niya.

Kailangan din tandaan na ang pagkakaiba ng mga panghalip na pamatlig na ito, iyan at iyon
ay ang kalayuan ng tinutukoy na pangngalan sa taong nagsasalita at sa taong kinakausap.

Kinaroroonan ng pangngalan Panghalip na pamatlig Salin sa Inggles


malapit sa nagsasalita ito this (near me)
malapit sa kinakausap iyan that (near you)
malayo sa nag-uusap iyon that over there (far from us)

Sa mga susunod na halimbawa, ipapakita muna ang pariralang pinapalitan ng panghalip na


pamatlig.

[1] Pumipili ng damit na susuotin para sa salu-salo si Danica. Hinihingi niya ang opinyon
ng kanyang ate.
Danica (may hawak na blusa): Ate, bagay ba ang blusang ito sa palda na suot ko ngayon?
Danica (may hawak na blusa): Ate, bagay ba ito sa palda na suot ko ngayon?

Dahil hawak ni Danica ang blusa, ang panghalip na pamatlig na ito ang ginamit niya bilang
pamalit sa pariralang ang blusang ito.

Ate Daisy: Oo, bagay ang blusang iyan sa palda mo.


Ate Daisy: Oo, bagay iyan sa palda mo.

Dahil malapit ang blusa sa kinakausap ni Ate Daisy (si Danica), ang panghalip na pamatlig
na iyan ang ginamit niya bilang pamalit sa pariralang ang blusa iyan.

Ate Daisy: Bakit hindi mo isuot ang bagong pantalon mo na itim? Mas babagay ang bagong
pantalon mo na itim sa blusa mo.
Ate Daisy: Bakit hindi mo isuot ang bagong pantalon mo na itim? Mas babagay iyon sa blusa
mo.

2
Dahil malayo sa kanilang dalawa ang pantalon na itim, ginamit ang pamatlig na iyon bilang
pamalit sa pariralang ang bagong pantalon na itim.

[2] Hinahanap ni Gabriel ang kanyang aklat sa sala. Tinutulungan siya ng tatay niya.
Tatay (may hawak na aklat): Gabriel, ang aklat na ito ba ang hinahanap mo?
Tatay (may hawak na aklat): Gabriel, ito ba ang hinahanap mo?

Dahil hawak ng tatay ang aklat, ang panghalip na pamatlig na ito ang ginamit niya bilang
pamalit sa pariralang ang aklat na ito.

Gabriel: Hindi po iyan ang aklat na hinahanap ko, Tatay.


Gabriel: Hindi po iyan, Tatay.

Dahil ang aklat ay hawak ng kinakausap ni Gabriel (si Tatay), ang panghalip na pamatlig
na iyan ang ginamit niya bilang pamalit sa pariralang iyan ang aklat na hinahanap ko.

Tatay: Hindi kaya naiwan mo ang aklat sa paaralan?


Tatay: Hindi kaya naiwan mo iyon sa paaralan?

Dahil hindi matiyak kung nasaan ang aklat at inaakala ng tatay na malayo ito sa kanila,
ang panghalip na pamatlig na iyon ang ginamit bilang pamalit sa pariralang ang aklat.

Nito, niyan, at niyon

Ang mga panghalip na pamatlig na nito, niyan, at niyon ay ginagamit bilang pamalit sa
mga pangngalan (nouns) o mga pariralang pangngalan (noun phrases) na nagsisimula sa ng.

Uminom ako ng gamot. Nagbebenta sila ng Milo. Kakain kami ng keyk.


Uminom ako nito. Nagbebenta sila niyan. Kakain kami niyon.

Gumagawa kami ng basket. Bumili siya ng pagkain. Manonood kayo ng sine.


Gumagawa kami nito. Bumili siya niyan. Manonood kayo niyon.

Ang mga panghalip na pamatlig na nito, niyan at niyon ay ginagamit kapag ang pandiwa
ay may actor-focus (ang kilos ay ginagawa ng tao o bagay). Hindi lahat ng pandiwa na may
actor-focus ay magagamitan ng nito, niyan, at niyon. Ang pandiwa na may object-focus ay
ang kilos na ginagawa sa tao o bagay.

3
Sinasabi natin ito... pero hindi ito... na dapat ay ganito...
(pandiwa ay may actor-focus) (pandiwa ay may object-focus)
! Uminom ako nito. % Ininom ko nito. ! Ininom ko ito.
! Nagbebenta sila niyan. % Binebenta nila niyan. ! Binebenta nila iyan.
! Kakain kami niyon. % Kinain namin niyon. ! Kinain namin iyon.
! Gumagawa kami nito. % Ginagawa namin nito. ! Ginagawa namin ito.
! Bumili siya niyan. % Binili niya niyan. ! Binili niya iyan.
! Manonood kayo niyon. % Papanoorin ninyo niyon. ! Papanoorin ninyo iyon.
Kailangan din tandaan na ang pagkakaiba ng mga panghalip na pamatlig na nito, niyan
at niyon ay ang kalayuan ng tinutukoy na pangngalan sa taong nagsasalita at sa taong
kinakausap.

Kinaroroonan ng pangngalan Panghalip na pamatlig Salin sa Inggles


malapit sa nagsasalita nito this/of this (near me)
malapit sa kinakausap niyan that/of that (near you)
malayo sa nag-uusap niyon that/of that (far from us)

Inalis ko ang takip ng kutson.


Inalis ko ang takip nito/niyan/niyon.

Nawawala ang remote control ng telebisyon.


Nawawala ang remote control nito/niyan/niyon.

Kukunin ni Boyet ang susi ng kandado.


Kukunin ni Boyet ang susi nito/niyan/niyon.

May isa pang gamit ang mga panghalip na nito, niyan, at niyon. Ang mga ito ay ginagamit
sa pagsasaad ng pag-aari. Sa Inggles, ang katumbas nito ay ang possessive pronoun na its.

Hindi na gumagana ang cellphone na ito. Palitan mo na ang baterya nito.


[Replace the battery of this cellphone./Replace its battery.]

Ang panghalip na nito ay ginamit bilang pamalit sa pariralang ng cellphone.


Palitan mo na ang baterya ng cellphone.
Palitan mo na ang baterya nito.

4
Nakabili ng mahabang tela si Maria. Ang haba niyan ay limang metro.
[Maria bought a long piece of cloth. The length of that is five meters./Its length is five meters.]

Ang panghalip na niyan ay ginamit bilang pamalit sa pariralang ng tela.


Ang haba ng tela ay limang metro.
Ang haba niyan ay limang metro.

Luma na ang bahay na iyon. Ang mga bintana niyon ay sira-sira na.
[That house is old. The windows of that house are dilapidated./Its windows are dilapidated.]

Ang panghalip na niyon ay ginamit bilang pamalit sa pariralang ng bahay.


Ang mga bintana ng bahay ay sira-sira na.
Ang mga bintana niyon ay sira-sira na.

Dito/rito, diyan/riyan, at doon/roon

Ang mga panghalip na pamatlig na dito, diyan, at diyon ay ginagamit bilang pamalit sa
mga pangngalan (nouns) na hindi tao o mga parirala na nagsisimula sa sa. Ang mga ito
ay ginagamit bilang pantukoy sa isang pook, dako, o panig na malapit o malayo sa taong
nagsasalita at taong kinakausap.

Sa Jollibee kami kumain. Nag-aaral si Manuel sa Angelicum.


Dito kami kumain. Nag-aaral si Manuel diyan.

Iiwan niya ang bag sa kuwarto. Ako ay ipinanganak sa Lungsod ng Cebu.


Iiwan niya ang bag doon. Ako ay ipinanganak doon.

Ang titik d sa dito, diyan, o doon ay pinapalitan ng titik r kapag ito ay ginagamit sa gitna
o hulihan ng pangungusap at pagkatapos ng salitang nagtatapos sa patinig (vowel ).

Wala pa rito si Jenny. Kanina ko pa nga siya hinihintay dito.


Dito tayo magkita bukas kasi sanay na ako rito.

Daraan diyan si Mike para sunduin ka. Maghintay ka riyan sa labas ng gate.
Diyan ba tayo kakain? Sawa na ako riyan!

Galing na ako roon. Nagkita pa nga kami ni Raul doon.


Doon ka pumasok. Iniwan ko roon ang susi mo.

5
Ang pagkakaiba ng dito/rito, diyan/riyan at doon/roon ay ang kalayuan ng tinutukoy na
pook, dako, o panig sa taong nagsasalita at sa taong kinakausap.

Kinaroroonan ng pook, dako, o panig Panghalip na pamatlig Salin sa Inggles


malapit sa nagsasalita dito/rito here (near me)
malapit sa kinakausap diyan/riyan there (near you)
malayo sa nag-uusap doon/roon over there (far from us)

Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa.


[1] Sina Andres at Edgar ay nasa hintayan ng dyip.
Andres: Dito ka maghintay ng dyip pauwi. Tumitigil dito ang mga dyip na biyaheng Taft
Avenue.
Dahil tinutukoy ni Andres ang pook kung nasaan siya naroon, ang ginamit niyang panghalip
ay dito.

[2] Pumili ng upuan si Amalia sa mesa. Lumapit sa kanya si Camille.


Camille: Diyan ka ba uupo, Amalia? Tatabi ako sa iyo.
Dahil malapit kay Amalia (ang kinakausap) ang dako na tinutukoy ni Camille, ang ginamit
niyang panghalip ay diyan.

[3] Magkasama sina Danilo at Carmela. Nakikita nila ang simbahan sa malayo.
Danilo: Doon kami nagsisimba tuwing Linggo.
Dahil malayo ang simbahan sa kapuwa nagsasalita (Danilo) at kinakausap (Carmela), ang
ginamit na panghalip ay doon.

6
Aralin sa Filipino

c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

Panghalip na Pananong
Pambungad
Ano ang mga salita na ginagamit mo sa pagtatanong? Marahil ang sagot mo ay ang mga
salitang ano, sino, saan, kailan, bakit, at paano. Baka maisipan mo pa ang mga salitang
gaano, nasaan, kanino, alin, at ilan.

Ang mga salitang ito ay ginagamit nga sa pagtatanong. Sa Inggles, ang mga salitang ito
ay tinatawag na interrogative words, nguni’t ilan lang dito ang maituturing mga panghalip
na pananong o interrogative pronouns. Sa katotohanan, may pang-uring pananong
(interrogative adjective), pang-abay na pananong (interrogative adverb), at pandiwang
pananong (interrogative verb).

Paano natin malalaman kung ang salitang pananong ay panghalip na pananong? Dalawang
bagay ang dapat natin malaman.

• Ang salita ba ay ginagamit sa simula o malapit sa simula ng pangungusap na patanong?

• Ang salita ba ay ginagamit bilang pamalit o panghalili sa pangngalan (noun), pari-


ralang pangngalan (noun phrase), o kapuwa panghalip (another pronoun)?

Kung oo ang sagot sa dalawang tanong sa itaas, ang salita ay maituturing isang panghalip
na pananong.

Ang mga panghalip na pananong sa araling ito ay ang sumusunod: sino, sinu-sino, ano,
anu-ano, kanino, nino, at alin.

Hindi kasama sa araling ito ang mga salitang pananong na saan, nasaan, kailan, bakit,
paano, at gaano dahil ito ay mga pang-abay na pananong o interrogative adverbs. Ang ilan,
pang-ilan, at kumusta ay mga pang-uring pananong o interrogative adjectives.

Sino at Sinu-sino
Ang sino (who) ay isang panghalip na ginagamit sa pagtatanong upang maitukoy ang isang
tao o pangalan ng isang tao. Dahil ang salitang sino ay isang panghalip, ito ay ginagamit
bilang pamalit sa mga pariralang pangngalan (noun phrases) kung saan ang pangngalan
(pangngalang pantangi o pangngalang pambalana) ay tumutukoy sa isang tao. Ang mga
pariralang pangngalan na pinapalitan ng sino ay nagsisimula sa si o ang.

1
Ipinapakita sa mga halimbawa sa ibaba ang pariralang pangngalan na pinapalitan ng pang-
halip na pananong na sino.

Sino ang tatay mo?


Si Ginoong Manuel Gonzalez ang tatay ko./Ang tatay ko ay si Ginoong Manuel Gonzalez.

Sino ang batang umiiyak?


Si Mica ang batang umiiyak./Ang batang umiiyak ay si Mica.

Sino ang tutulong sa atin sa paggawa ng proyekto?


Ang kaibigan ni Adel ang tutulong sa atin sa paggawa ng proyekto./
Ang tutulong sa atin sa paggawa ng proyekto ay ang kaibigan ni Adel.

Sino ang susundo sa iyo bukas?


Ang kuya ko ang susundo sa akin bukas./Ang susundo sa akin bukas ay ang kuya ko.

Sino ang nagbigay sa iyo ng gamot?


Ang doktor ang nagbigay sa akin ng gamot./Ang nagbigay sa akin ng gamot ay ang doktor.

Ang sinu-sino (who are) ay isang panghalip na ginagamit sa pagtatanong upang maitukoy
ang mga pangalan ng higit sa isang tao. Dahil ang sinu-sino ay isang panghalip, ito ay
ginagamit bilang pamalit sa mga pariralang pangngalan (noun phrases) kung saan ang mga
pangngalan (pangngalang pantangi o pangngalang pambalana) ay tumutukoy sa higit sa
isang tao. Ang mga pariralang pangngalan na pinapalitan ng sinu-sino ay nagsisimula sa
sina o ang mga.

Ipinapakita sa mga halimbawa sa ibaba ang pariralang pangngalan na pinapalitan ng pang-


halip na pananong na sinu-sino.

Sinu-sino ang mga kapatid mo?


Sina Samuel, Salud, at Sabrina ang mga kapatid ko./
Ang mga kapatid ko ay sina Samuel, Salud, at Sabrina.

Sinu-sino ang mga dadalo sa salu-salo?


Ang mga kaibigan ko ang mga dadalo sa salu-salo./
Ang mga dadalo sa salu-salo ay ang mga kaibigan ko.

2
Sinu-sino ang mga tumingin sa pasyente?
Ang doktor at ang nars ang mga tumingin sa pasyente./
Ang mga tumingin sa pasyente ay ang doktor at ang nars.

Maaari rin gamitin bilang panghalili sa panghalip na panao ang mga panghalip na sino at
sinu-sino.

Sino ang pinsan mo?


Siya ang pinsan ko./Pinsan ko siya.

Sinu-sino ang mga kalaro ni Justin?


Sila ang mga kalaro ni Justin./Ang mga kalaro ni Justin ay sila.

Ano at Anu-ano
Ang ano (what) ay isang panghalip na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa isang bagay o
pangngalan na hindi tao. Dahil ang ano ay isang panghalip, ito ay ginagamit bilang pamalit
sa mga pariralang pangngalan (noun phrases) kung saan ang pangngalan (pangngalang pan-
tangi o pangngalang pambalana) ay hindi tao at iisa lang. Ang mga pariralang pangngalan
na pinapalitan ng ano ay nagsisimula sa ang.

Ipinapakita sa mga halimbawa sa ibaba ang pariralang pangngalan na pinapalitan ng pang-


halip na pananong na ano.

Ano ang pinakamalaking hayop na nakatira sa lupa?


Ang elepante ang pinakamalaking hayop na nakatira sa lupa./
Ang pinakamalaking hayop na nakatira sa lupa ay ang elepante.

Ano ang kapital ng Ilocos Sur?


Ang Lungsod ng Vigan ang kapital ng Ilocos Sur./
Ang kapital ng Ilocos Sur ay ang Lungsod ng Vigan.

Ano ang ipinagdiriwang tuwing ika-30 ng Nobyembre?


Ang Araw ni Bonifacio ang ipinagdiriwang tuwing ika-30 ng Nobyembre./
Ang ipinagdiriwang tuwing ika-30 ng Nobyembre ay ang Araw ni Bonifacio.

3
Ang anu-ano (what are) ay isang panghalip na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa anu-
mang pangngalan na humihigit sa isa at hindi tao. Dahil ang anu-ano ay isang panghalip,
ito ay ginagamit bilang pamalit sa mga pariralang pangngalan (noun phrases) kung saan
ang mga pangngalan (pangngalang pantangi o pangngalang pambalana) ay hindi tao at hu-
mihigit sa isa. Ang mga pariralang pangngalan na pinapalitan ng anu-ano ay may serye ng
mga pangngalan o nagsisimula sa ang mga.

Ipinapakita sa mga halimbawa sa ibaba ang pariralang pangngalan na pinapalitan ng pang-


halip na pananong na anu-ano.

Anu-ano ang mga hayop na nakatira sa Aprika?


Ang leon, elepante, dyirap, at sebra ang mga hayop na nakatira sa Aprika./
Ang mga hayop na nakatira sa Aprika ay ang leon, elepante, dyirap, at sebra.

Anu-ano ang mga gamit na naimpake mo na?


Ang mga damit at mga sapatos ang mga gamit na naimpake ko na./
Ang mga gamit na naimpake ko na ay ang mga damit at mga sapatos.

Maaari rin gamitin bilang panghalili sa mga panghalip na pamatlig na ito, iyan, at iyon ang
panghalip na ano. Ang anu-ano naman ay ginagamit bilang panghalili sa ang mga ito, o
ang mga iyan, at ang mga iyon.

Ano ang kakainin mo?


Ito ang kakainin ko./Ang kakainin ko ay ito.

Anu-ano ang dadalhin mo?


Ang mga ito ang dadalhin ko./Dadalhin ko ang mga ito.

Kanino at Nino
Ang kanino (whose) ay isang panghalip na ginagamit sa pagtatanong kung sino ang may-ari
ng isang bagay. Minsan ay ginagamit din ang panghalip na kani-kanino kung higit sa isang
tao ang nagmamay-ari ng higit sa isang bagay.

Dahil ang kanino ay isang panghalip, ito ay ginagamit bilang pamalit sa mga pariralang
pangngalan (noun phrases) kung saan ang pangngalan ay isang tao lamang. Ang mga
pariralang pangngalan na pinapalitan ng kanino ay nagsisimula sa kay. Ang kani-kanino
naman ay ginagamit bilang pamalit sa pariralang pangngalan na nagsisimula sa kina (pinaik-
ling kanila).

4
Ipinapakita sa mga halimbawa sa ibaba ang pariralang pangngalan na pinapalitan ng pang-
halip na pananong na kanino o kani-kanino.

Kanino ang aklat na ito?


Kay Editha ang aklat na iyan./Ang aklat na iyan ay kay Editha.

Kani-kanino ang mga bag?


Kina Jet, Jake, at Jason ang mga bag./Ang mga bag ay kina Jet, Jake, at Jason.

Ang salitang kanino ay maaari rin gamitin bilang panghalili sa panghalip na panao na
nagsasaad ng pag-aangkin (o pagmamay-ari) ng isang bagay tulad ng akin, iyo, atin, amin,
kaniya, at kanila.

Kanino ang pitaka?


Akin ang pitaka./Ang pitaka ay akin.

Minsan ang panghalip na kanino ay katumbas ng to whom, for whom, o from whom.

Kanino inalok ang posisyon sa kompanya?


Kay Tony inalok ang posisyon sa kompanya./Inalok ang posisyon sa kompany kay Tony./
Sa kaniya inalok ang posisyon sa kompanya./Inalok sa kanya ang posisyon sa kompanya.

Kanino ka magpapaalam?
Kay Tatay ako magpapaalam./Magpapaalam ako kay Tatay./
Sa kaniya ako magpapaalam./Magpapaalam ako sa kanya.

Kanino sila hihingi ng paumanhin?


Kay Ginang Gomez sila hihingi ng paumanhin./Hihingi sila ng paumanhin kay Ginang Gomez./
Sa kaniya sila hihingi ng paumanhin./Hihingi sila ng paumanhin sa kaniya.

Kanino galing ang mga bulaklak?


Kay Eduardo galing ang mga bulaklak./Ang mga bulaklak ay galing kay Eduardo.

Ang nino (whose) ay isang panghalip na ginagamit sa pagtatanong kung sino ang may-ari
ng isang bagay. Ginagamit ito sa gitna ng pangungusap at hindi sa simula ng pangungusap
na patanong tulad ng kanino. Ang nino ay ginagamit bilang panghalili sa pariralang
pangngalan na nagsisimula sa ni.

5
Ang salitang nino ay maaari rin gamitin bilang panghalili sa panghalip na panao na nagsasaad
ng pag-aangkin (o pagmamay-ari) ng isang bagay tulad ng ko, mo, at niya.

Singsing nino ang hawak mo?


Singsing ni Sarah ang hawak ko./Hawak ko ang singsing ni Sarah.
Singsing niya ang hawak ko./Hawak ko ang singsing niya.

Sasakyan nino ang nakaparada sa labas?


Sasakyan ko ang nakaparada sa labas./Nakaparada sa labas ang sasakyan ko.

Alin
Ang salitang alin (which/which one) ay isang panghalip na ginagamit sa pagtatanong upang
maitukoy ang isang bagay mula sa isang pangkat ng mga bagay. Minsan ay ginagamit din
ang panghalip na alin-alin (which ones) kung higit sa isang bagay ang tinatanong.

Dahil ang alin ay isang panghalip, ito ay ginagamit bilang pamalit sa mga pariralang pang-
ngalan (noun phrases) kung saan ang pangngalan ay isang bagay lamang. Ang mga pari-
ralang pangngalan na pinapalitan ng alin ay nagsisimula sa ang.

Tulad ng salitang ano, ang alin ay maaari rin gamitin bilang pamalit sa mga panghalip na
pamatlig na ito, iyan, at iyon.

Ipinapakita sa mga halimbawa sa ibaba ang pariralang pangngalan o panghalip na pamatlig


na pinapalitan ng salitang alin.

Alin ang gusto mong bilhin, ang pantalon o ang palda?


Ang palda ang gusto kong bilhin./Ang gusto kong bilhin ay ang palda.
Ito ang gusto kong bilhin./Ang gusto kong bilhin ay ito.

Alin ang pinili ni Gabby, ang kuting o ang tuta?


Ang tuta ang pinili ni Gabby./Ang pinili ni Gabby ay ang tuta.
Iyan ang pinili ni Gabby./Ang pinili ni Gabby ay iyan.

You might also like