You are on page 1of 2

PASKO SA PINAS

ROSCHELLE:
Nadarama ko na ang lamig ng hangin
Naririnig ko pa ang maliliit na tinig

JOAN:
May dalang tansang pinagsama-sama't ginawang
tambourine
Ang mga parol ng bawat tahana'y nagniningning

AL:
Ibang mukha ng saya
Himig ng Pasko'y nadarama ko na

CHORUS
ALL:
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas

FRANZ:
May simpleng regalo na si ninong at si ninang
Para sa inaanak na nag-aabang

DANIEL:
Ang buong pamilya ay magkakasama sa paggawa ng
Christmas tree
Ayan na ang barkada ikaw ay niyaya para magsimbang
gabi

GISELLE:
Ibang mukha ng saya
Himig ng Pasko'y nadarama ko na
CHORUS
LADIES:
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas

GENTLEMEN:
Ang kaligayahan nati'y walang kupas

LADIES:
Di alintana kung walang pera

GENTLEMEN:
Basta't tayo'y magkakasama

ALL:
Ibang-ibang talaga

ALL:
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas

You might also like