You are on page 1of 4

MUNICIPALITY OF GEN. E.

AGUINALDO
BAILEN ELEMENTARY SCHOOL

Talahanayan ng Ispisipikasyon
( Ikalawang Markahang Sumatibong Pagsusulit)
Edukasyon sa Pagpapakatao IV

MELC Blg. Ng Bahagdan Blg. Ng Kinalalagyan


Pamantayan sa Pagkatuto Araw ng Aytem
Pagtuturo

KABUUAN 53 100% 50
Inihanda ni:

CATHERINE B. VARIAS
Binigyang Pansin: Guro

CAROLYN R. BUENAVENTURA
Punongguro
MUNICIPALITY OF GEN. E. AGUINALDO
BAILEN ELEMENTARY SCHOOL

( Ikalawang Marakahang Sumatibong Pagsusulit)


Edukasyon sa Pagpapakatao IV

Unang Linggo at Ikalawang Linggo


Pagiging Mahinahon at Mapagpakumbaba
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap .Pillin ang titik (A) kung ito ay tumutukoy sa
pagiging mahinahon at mapagpakumbaba at titik (B) kung hindi.

1. Maipapakita ng pagiging mahinahon sa damdamin at kilos sa tuwing


nakikipag-ugnayan sa kapwa.
2. Upang maipakita ang pagkamahinahon pipiliin ang mga salitang di-nakakasakit ng damdamin ng iba
3. Pagsagot-sagot sa magulang sa tuwing pinapangaralan.
4. Isang magandang panimula upang maituwid pagkakamali ay ang pagtanggap dito.
5. Ang mga batang marunong humarap sa kanilang pagkakamali ay makakakuha ng respeto at tiwala mula
sa kanilang kapwa.
6. Maging mapagpakumbaba sa mga kapaki-pakinabang na puna ng iyong kapwa.
7. Maging bukas ang pag-iisip sa iyong nagawang pagkakamali at tanggapin ng maluwag sa kalooban ang
puna ng iyong kapwa.
8. Hindi ako ang humihingi ng paumahin sa aking kapatid kapag mayroon hindi pagkakaunawaan.
9. Agad kong pinatatawad ang taong humihingi ng paumanhin sinasadya man o hindi.
10. Matiyagang ako naghihintay ng aking pagkakataon upang makagamit ng cellphone ng aking kapatid.
Ikatlo, Ika-apat at Ikalimang Linggo
Pagsasabuhay ng Pagiging Bukas-Palad
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod ng tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot.

11. Aling sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagsasabuhay ng pagiging bukas -palad?
a.
Nagbibigay ng pagkain sa mga batang nakakalat sa kalsada,+.
b.
Nagbibigay pugay sa mga frontliners sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocol
c.
Pinagagaan ang kalooban ng kaibigang dumaranas ng pagsubok
d.
Pagmamataas sa kabila ng pandemyang nararanasan ng bansa.
12. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi tumutukoy sa “Ang lahat ng tao ay may pangangailangan”.
a. Walang sinuman ay mayroong perpektong buhay at hindi na nangangailangan ng tulong.
b. Ayon sa kasabihan ng matatanda, “walang mayaman na hindi nangangailangan ng tulong at wala
namang mahirap na hindi kayang magbigay ng tulong.”
c. Kinakailangan natin ang bawat isa lalo na sa panahon ng sakuna.
d. Ang mga may kayang tao ay maaaring hindi tumulong sa iba.
13. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagiging bukas-palad sa mga taong naapektuhan ng
pandemyang dulot ng COVID-19?
a. Suportahan ang mga taong naging positibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga
mensaheng makapagpapalakas ng kanilang kalooban,
b. Magsawalang bahala kung nalaman mong ang iyong kapitbahay ay naakpektuhan ng COVID-19.
c. Magpadala ng tulong sa mga naapektuhan
d. Patatagin ang kalooban ng iyong kapatid na dumaranas ng pagsubok dulot ng pandemya.
14. Ang sumusunod ay kahulugan ng pagiging bukas-palad maliban sa isa.
a. ang pagbibigay ng bukal sa kalooban.
b. pagbibigay ng tulong sa kapwa nangangailangan na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
c. pagbibigay ng anumang abot kaya na may galak at saya.
d. Sapilitang pagtulong sa kapwa at naghihintay ng kapalit
15. Maaari ipakita ang pagiging bukas-palad sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa isa.
a. munting gawa ng kabutihan (small acts of kindness)
b. pagtulong sa kapwa kung sasabihin ng magulang
c. pagbabahagi sa pulubi ng pagkain nakalaan para sayo.
d. pagbahagi ng mga sariling damit sa mga naapektuhan ng bagyo at baha.
e.

Panuto: Piliin ang titik (A) tsek, kung ang mga gawaing nabanggit ay makabuluhang pangyayari na
nagpapakita ng pang-unawa/patugon sa kalagayan/pangangailangan ng kapwa at piliin ang titik (B)
ekis kung hindi.
16. Nag-aabot ng túlong kapag may nanghihingi lalo sa mga nasalanta ng
bagyo atbaha.
17. Nagdadalawang-isip sa pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa.
18. Dinadamayan at pinagagaan ang loob ng kaibigan kong nasalanta ang
bahay sa baha.
19. Hinihikayat ko ang aking nanay magbigay ng aking mga sariling damit sa
mga nasunugan.
20. Nagiging sensitibo ako sa pangangailangan ng kaibigan kong naapektuhan
ng COVID-19.
21. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi nasusukat sa laki o halaga na iyong maibibigay.
22. Kailanagn ang malinis na intensiyon sa pagkakaloob ng tulong at di naghahangad ng anumang
kapalit.
23. Tutulong sa lang kapwa upang mapansin ng iba na ikaw ay nagmamalaskit rin sa iba.
24. Tinitingnan lang ang nagsasakripisyo upang tulungan ang mga apektado ng pandemya.
25. Humingi ng tulong sa magulang upang makatulong sa mga nangangailangan.

Ika-anim, Ikapito at Ikawalong Linggo


Pagpapakita ng Paggalang sa Kapwa
Panuto:Piliin ang titik (A) TAMA kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang sa kapwa
at piliin ang titik (B) MALI kung hindi wasto.

26. Gumawa ng ingay na gayong alam mo na oras ng pamamahinga ng iyong lola


27. Laksan ang volume ng telebisyon habang nag-aaral ang iyong kapatid
28. Makinig kapag may nagsasalita/nagpapaliwanag
29. Paggamit ng pasilidad ng paaralan (tulad ng palikuran, silid-aralan, palaruan) nang
may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
30. Pagpapanatiling tahimik,malinis at kaaya-ayang kapaligiran
Panuto: Punan ng wastong sagot ang bawat patlang. Piliin ang titik ng tamang sa sagot sa kahon.

31. a. pamilya b. pagpapahinga c. kapwa-tao d. respetuhin


32. a. kapwa-tao b. karapatan c. respetuhin d. pagpapahinga
33. a. karapatan b. pagpapahinga c. respetuhin d. napakahalaga
34. a. kapwa-tao b. karapatan c. respetuhin d. pagpapahinga
35. a. napakahalaga b. pamilya c. pagpapahinga d. respetuhin
36. a. pamilya b. pagpapahinga c. napakahalaga d. respetuhin
37. a. magalang b. pagpapahinga c. kapwa-tao d. respetuhin
38. a. magalang b. pamilya c. kapwa-tao d. matatanda
39. a. masayahin b. pinagpala c. pinagdamutan d. nirespeto
40. a. salita b. gawa d. kapwa-tao d. kanino man

Sa 31. _____________ unang natututuhan ng bata ang paggalang sa 32.


_______________. Ito ay isang malaking pakinabang sa bayan sapagkat kung
marunong ang isang tao na 33. ______________ ang 34. ___________ ng iba, mas
magiging mapayapa ang ating lipunan at maiiwasan ang hidwaan.
Ayon sa UNESCO – Article 24, ang 35. _______________________ (right to
rest) ay isang uri ng karapatang pantao na dapat isaalang-alang.
Ang sabi ni Hesukristo sa kanyang mga alagad, “Gawin mo sa iyong
kapwa, ang ibig mong gawin nila sa iyo.” Ang paggalang at respeto ay
36.________________. Dito nagsisimula ang magandang ugnayan. Ang batang tulad
mo ay inaasahan na maging 37. ______________ sa lahat ng oras lalo na sa 38.
_______________. Ika nga, “ang magalang na bata ay 39. ____________”. Pinagpapala
ang mga magagalang sapagkat sila ay igagalang rin. Ngunit ang totoong paggalang
ay hindi lamang sa salita ipinapakita kundi sa 40. ___________ rin.

You might also like