You are on page 1of 12

BUOD: ROMEO AT JULIET

Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay nakikipagsayaw ay nakita


siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan. Nabihag ng angking kagandahan ni Juliet ang
puso ni Romeo.

Si Romeo naman ay hindi napigilan ang sarili at nilapitan si Juliet at hinagkan ang kamay nito at
mula noon ay palihim na nagpupunta na si Romeo sa tahanan ng mga Capulet para makita ang
sinisintang dalaga na nabighani at napaibig na rin si Juliet sa taglay na katangian ng binata.
Nagpasya ang magkasintahan na magpakasal sa kabila ng pagkakaalit ng kani-kanilang pamilya.

Ipinagkasundo ng mga magulang si Juliet na magpakasal at makaangasawa ng ibang lalaki dahil


sa ganitong kadahilanan naisipan ni Juliet na magkunwaring patay para makatakas sa kanyang
pamilya subalit ito ay hindi nakarating sa kaalaman ni Romeo na dahil sa labis na kalungkutan sa
inaakalang kamatayan ng kanyang minamahal ay kinausap niya ang isang butikaryo para sa
isang lason na kikitil din sa kanyang buhay. Kaya naman sa muling pagmulat ng mata ni Juliet at
nakita ang walang buhay na si Romeo ay kinuha ang isang balaraw at tinarak sa kanyang dibdib
at tuluyan na ring binawian ng buhay.
TULA: Ang pagmamahalan ng Pamilya

Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos na gumawa ng buhay.

Si mama at papa naming nagbibigay ng magandang buhay at umaalay.

Nagsasakripisyo samin nang ginhawa’y maialay.

Mula pagka-silang hanggang sa kami’y magkamalay.

Ang aking Ina ay ilaw, takbuhan namin

Kapag nadidiliman dahil sa kalungkutan.

Sa lahat ng katanungan,

Siya ang nagbibigay kasagutan

Ang aking Ama’y haligi,

Tagapagtanggol,sumusuporta at humahalili

Kapag kami’y mahina at inaapi

Lakas niya’y bukod tangi

Sina ate at kuya ay ang aking kaibigan

Kakwentuhan at kasama sa kalokohan

Kahit pag minsan ay nagkakaasaran

Alam kong hindi ako pababayaan kailanman


Saan man tumingin ang mga mata

Saan man mapadpad ang mga paa

Lagging nariyan sina mama at papa

Nariyan lage sina ate at kuya

Paggabay ay handa nilang ibigay

Pagmamahal ng lubos ay handa ko sa kanila na ialay

Buo rin ang kamilang loob na aking makakamtan

Ang pinakapangarap kong inaasam-asam.


Posisyong papel: Internet dapat limitahan sa mga mag-aaral ang paggamit

Bilang isang mag-aaral saisang maayang kapaligiran. Na kung saan magiging epektibo ang
paraan ng pagkatuto. Alinsunod madaling paglawak at pagbabago ng teknolohiya, hindi
maipagkakaila na ito ay lubos na makakatulong sa pagkuha ng mga makabagong impormasyon.
Mula sa lumang konsepto na nasa libro nagbabago ito sa mga kagamitang mas makapagpapadali
ng pagkalap ng impormasyon sa isang click. Isa ang internet sa pangunahing dahilan ukol dito.
Kasabay sa aking nalalaman, ang mag-aaral na walang personal na gadget upang makapag-
internet ay magsisilbing hadlang sa epektibong pagturo sa panahon ngayon. Hindi natin
maitatanggi na lubos na makakatulong and internet sa pagkalap ng nilalaman ngunit aking lubos
na isusulong ang paglimita nito sa mag-aaral. Ang dahilan kung bakit dapat limitahan ang
paggamit ng internet ay upang magkaroon ng patas at sabaysabay na pagkatuto at mas lalong
mapupukaw ang pansariling kaalaman at hindi binabase sa internet. Ang internet ang dahilan
kung bakit tinatamad ang mga estudyante sa pagbuo ng sariling konsepto. Ang pagkakaroon ng
hindi limitadong paggamit ng internet ang nagdudulot ng pangongopya ng ideya sa ibang awtor.
Mas pinagtutuonan din nila ang halaga ng mga ideya sa internet kaysa sa kanilang sariling
kaalaman at kakayahan. Ang paglimita ng internet sa mga mag-aaral ang makakatulong upang
makapaglikha at makabuo ng bagong epektibo na mga lider na may paniniwala sa sarili at hindi
theoretical based na katakinuhan. Hindi man tayo makagawa n makabagong Einstein, Hawking,
Galileo at iba pa ngunit sa maigig pagaaral at paniniwala sa sariling ideya makakabuo tayo na
mas magandang konsepto na walang internet. Ang paglimita ng internet ay makakatulong sa mga
mag-aaral upang maging dynamic at sistematiko sa pagbuo at pagtuklas ng kakayahan upang
panatilihin ang kapayapaan upang panatilihin ang kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Repleksibong sanaysay: Aral o Kopya

Ang pandaraya sa paaralan ay isang bukas na sekreto. Kahit sinong estudyante ay ginagawa ito
lalo na kung nahihirpan at wala ng ibang pagpipilian pa. halos lahat ay ginagawa ito ngunit hindi
napag-uusapan dahil ang mga estudyante ang gumagawa nito. Ang “Bad Genius ay pelikula sa
Thailand kung saan tinatalakay ang isyu ng pandaraya sa loob ng paaralan. Kwento ito ni Lynn
na isang napakatalinong estudyante sa Senior High School kung saan tinulungan niya ang
kanyang mga kaibigan sa pagpapakopya kapalit ng bayad. Minsan kahit may mga patakaran ay
hindi natin maiiwasang lumabag kahit alam nating masama ito. Kumakapit tayo sa patalim para
lang umangat pero kung magkakaroon tayo ng kumpyansa na gawin ang mga bagay na hindi
natin kaya o kung saan tayo mahina ay maaaring magkaroon tayo ng pag-asang matutunan ito.
Sa pelikula ay pinapakita ang kanilang estratehiya sa pandaraya sa mga test para lang makakuha
ng mataas na marka. Bilang estudyante ay gusto din nating makitang proud ang ating mga
magulang para masabi din nilang magaling tayo. Ngunit ano ba ang silbi ng exam kung
mapupunta tayo sa pandaraya? Sinusukat ng exam kung hanggang saan ang alam natin, hindi
para gawin tayong masama at gumawa ng mga bagay na hindi makakabuti sa atin. Kung
bumagsak man tayo ay senyales ito na mahina pa ako sa parteng ito at ditto ko pa kailangang
pag-igihan. Hindi ginawa ang exam para pahinaan tayo ng loob at sumuko na. kung ang
pandaraya ay patuloy na mangyayari sa loob ng paaralan ay hindi malayong ito din ang gawin
natin sa labas ng paaralan. Ang nakasanayan ay mahirap ng baguhin.

Ipinapakita sa pelikula kung paano nangyri ang pandaraya sa loob ng paaralan, ang pandaraya na
hindi maiiwasan, ang paglabag ng mga may katungkulan at kung paano napapagalaw ng pera
ang tao. Kung uutusin lahatito ay nangyayari sa reyalidad, kung kaya’t mahalagang maging
edukado at magkaroon ng sariling pagsisikap para mapabuti ang sarili. Edukasyon ang
lumilinang sa bawat indibidwal upang ihanda tayo sa paglabas sa totoong mundo. Kahit wala
tayong pagpipilian kailangan nating maging matatag at lumaban kaysa umangat sa maling paraan
at hubugin ng actong konsensya.
Talumpati: Ang Ambisyon

Bago ko maisulat ang aking talumpati tungkol sa ambisyon, kailangan kong tanungin muna ang
aking sarili kung ano ng aba talaga ang ambisyon. Ano ang dahilan kung bakit ang mga tao ay
nagiging ambisyoso, at ano ang mga pakinabang at mga disbentaha ng pagging ambisyonng tao?

Sa una, dapat kog aminin na medyo mahirap maunawaan ito. Ngunit natagpuan ko ang
kahulugan nito sa isang grupo ng mga tao- ang mga taong mapangarap, karaniwang tinatawag a
ingles na dreamers. Kapag iniisip ko ang mga ambisyosong tao, sila ang mga tao na umaasa na
balang araw ang mga pangarap nila ay makakamit nila ito. Na ang mga daan patungo sa kanilang
pangarap sa isa-isang magpapantay. Kailangan lang nilang magtiwala sa kanilang sariling
kakayahan. Ayon sa mga taong mapangarap, nangagagaling sa lob ang lakas. Hindi dahil sa
pinanganak ka sa apeyidong makakatulong sa iyo.

Oo walang masama na ipinanganak ka sa masalaping pamila, pero wala ding masama maging
isang ordinaryong Juan. Nasa iyo lang kung paano mo ito dadalhin sa iyong paglaki. Sa
pamamgitan ng aking sariling mga karanasan sa pakikpaghalubilo sa mg ambisyosong tao (at
pagiging isa din sa kanila) natuklasan ko na ang ambisyon ay maaaring maging sanhi ng stress at
kalungkotan. Maaaring maging rason ito na makalimutan mo ang mga bagay na may malaking
kahalagahan din sa iyong buhay. Kaya minsan ang pagkilala sa mga ambisyoson tao ay isa silang
makasariling nilalang. Kailangan lang maunawaan ng akin kagayang taong mapangarap, ay lahat
ng tao sa mndo ay mayroong kanya-kanyang sariling pangarap, walang taong gustong nasa ilalim
habang buhay. Matututayong rumespeto ng kanya-kaniyang mga layunin sa buhay. Imbes na
maghilaan pababa. Bakit hindi tayo mag- bayanihan, hawak kmay sap ag-angat ng kapwa nating
Pilipino- ang ating kapwa tao.
Lakbay sanaysay: Probinsyang Iloilo

Kada bakasyon, palagi kaming bumibisita a probinsya ng Iloilo kasama ang aking Ina. 3 oras ang
biyahe papuntang Bacolod, at 45 min./ 2 oras ang aabotin papuntang Iloilo , ngunit nakadepende
kasi yan sa barkong sinasakyan, may mabilis tumakbo at may mahina naman. Kahit malayo at
mahaba ang biyahe ay sulit parin dahil sa magagandang tanawin at makikita mo talaga doon ang
kagandahan ng kalikasan. Hindi lang mga puno at kakahuyan pati narin ang kulay asul na
karagatan na kahit saan ka lumingon ay makikita mo parin ito.

Sa pagdating naman sa probinsya, agad-agad kaming pumunta sa isang plaza kung saaa
hinihintay kami ng aking Tita at Tito na nakatira din doon. Iba talaga ang saya kpag nakatira din
doon. Iba talaga ang saya kapag Nakita mo na ang pamilya mong malayo. Pagkatapos ng araw na
iyon ay pumunta kami sa simbahan upang magsimba at magpasalamat sa Panginoon para sa mga
biyaya na kanyang binigay sa amin. Ibang-iba ang “vibe” sa probinsyaat syudad kase simple lang
pamumuhay at masayahin halos lahat ng nakatira doon.bago kami umuwi pabalik sa aming
lugar, hinigip ko muna ang napakapreskong hangin pati ang simoy ng dagat.
BIONOTE

Si Doruthie Y. Custodio 23 taong gulang. Siya ay nakatira at ipinanganak sa Sitio Pantalan,


Brgy. San Jose, Toboso, Negros Occidental. Siya ay nakapagtapos ng kanyang elemetarya sa
Labilabi Elementary School at nakapagtapos din ng kanyang sekondarya sa Labilabi National
High School. Siya ay nakapagtapos sa Northen Negros State College of Science and Technology.
Siya ay nag-aaral sa kursong Bachelor of Arts in English. Siya ay mahilig magbasa at gumuhit
pero ang kanyang mas kinahihiligan ay ang tumugtug ng guitara. Siya ay nagpupursiging maka
tapos ng pag-aaral upang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya.
Kahit na mahirap lang sila pinipilit niyang hindi ito maging balakid upang tuparin ang kanyang
mga pangarap sa buhay. Siya ay masipag na anak at mapagmahal na anak.
Panukalang Proyekto

I. Pamagat: Panuklang proyekto sa pagkakaroon ng maayos na hardin sa LNHS

II. Proponent ng Proyekto: Alisha Ruth Y. Custodio

III. Kategorya: Ang proyektong pag sasaayos ng hardin ay pangangalap ng ponding


galling sa gagawinng fund raising upang makakulikta ng sapat na pera para sa
proyektong ito kasama ang tulong ng mga guro, magulang at punong guro ng LNHS.

IV. Petsa: Ang mga sumusunod na araw ang itinakda at hakbangin upang masimulan at
matapos ang pag sasaayos ng hardin at pagdadagdag ng mga tanim para sa vertical na
garden na ilalahad sa ibaba.

Petsa Mga gawain Lokasypn


Pebrero 24-28,2021 Pag aaproba ng punong guro LNHS

Marso 03-24,2021 Paghahanap ng murang tanim DEF plant


para sa hardin supplies
Marso 26- April 05 ,2021 Inaasahang pagsisimula ng LNHS
proyekto sa pag sasaayos ng
lagayan ng mga tanim.
Abril 07-26,2021 Pagtapos ng proyekto LNHS
Abril 28- Mayo 01,2021 Pormal na pagbukas ng LNHS LNHS
hardin

V. Rasyunal

Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbibigay ng pakinabang sa pagkakaroon


ng maayos at organisadong hardin sa LNHS.
VI. Deskripsyon ng proyekto

Ang proyektong ito ay maabutang ng mahigit limang buwan upang ang matamong pag
papaganda sa hardin ay maitutupad.

VII. Badget

Bilang ng Aytem Pagsasalarawan ng Aytem Presyo


Pangangalap ng donasyong tanim Base sa sinumetang presyo ng 0
DEF Plant Supplies
Pagbili ng mga dagdag na tanim Base sa sinumetang presyo ng 500 pesos
DEF Plant Supplies
Pagpapagawa ng mga bagong Base sa sinumetang presyo ng 2500 pesos
lagayan ng mga tanim sa vertical DEF Plant Supplies
garden
Kabuuang gastusin 3000 pesos

VIII. Pakinabang

Ang mga mag-aaaral ng LNHS ang makikinabang sa proyektong ito dahil matuturuan
ang mga bata sa kahalagahan ng pagtalim at pag-alaga ng isang hardin. Sa paraang ito,
matutunan rin ang mga bata ng ‘hands-on’ na paraan.
Guro

Ako si Alisha Ruth Y. Custodio. Labing-walong taong gulang at pangarap ko ay makapag


tapos ng pagaaral ng Senior High at ng Koleheyo at maging isang guro. Gusto ko kasing
makatulong sa mga kabataan at mga magulang na hindi nakapagtapos ng pagaaral dahil sa
kahirapan. Nasa kung ganon maibsan ang kanilang hiya sa mga nanglalait sa kanila dahil wala
silang mga kakayahan sa ibang bagay. Makakatulong din ako sa ganitong kalagayagan ng ating
bansa sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na walang kapalit na bayad.
TAKBO NG AKING BUHAY

Taong 2012-2013 ako ay


“Halo! Ako si Alisha Ruth Y. Custodio. nakapag tapos sa elementarya.

Ipinanganak noong Disyembre8,2002”.

Taong 2016-2017 ako ay Sa larawang ito, ako ay


nakapag tapos sa makapag tapos sa
Secondarya kolehiyo

Sa larawang ito ako ay Sa larawang ito ako ay


nagtatrabaho bilang nakapagipon at nagkaroon ng
guro. sariling bahay

Ang pagkakaroon ng sariling pamilya ay isang napaka da best na biyaya ng


Diyos para sa akin.

You might also like