You are on page 1of 13

ANG EPEKTO NG COVID-19 PANDEMIC SA PINASYAL NA ASPETO

NG MGA MAG-AARAL NA KUMUKUHA NG KURSONG BS


ARCHITECTURE NA NASA IKATLONG TAON SA PAARALANG
UNIVERSITY OF LA SALETTE, SANTIAGO CITY, ISABELA, SA
TAONG 2020-2021

ALONZO, JHAROLD MOISES

(Pangalan ng mananaliksik)

ALONZO, JHAROLD MOISES

(Pangalan ng Nagsuri at nagsaayos/Mag-aaral)

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang pinansyal na


estado ng mga mag-aaral sa kalagitnaan ng umiiral na pandemya sa kasalukuyan.
Ang nasabing pananaliksik ay tumutugon sa mga mag-aaral ng BS-Architecture na
nasa ikatlong taon ng pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay sumasailalim sa
quantitative method at ginamitan ng non-random sampling at binubuo ng
dalawampu (20) na respondante.
Introduksyon

Ang pandemya na ating kinakaharap ngayon ay maraming kaakibat na


pagbabago, tulad nang pansamantalang pagsara ng face to face classes, travel ban,
quaratine, social distancing, mandatory wearing of face shield & face mask, at
pagsara ng ilang mga establishimento na siya namang dahilan ng pagbaba ng ating
ekonomik status sa ating bansa.

Marami ding indibidwal ang nawaalan ng trabaho na kinakaharap ng ilang


empleyado na siyang nakaka apekto sa kanilang pinansyal na estado na kung kayat
marami sa atin ang nag nag- aadjust sa new normal na pamumuhay.

Ang pananaliksik na pinansyal sa mga mag-aaral ay makakatulong upang


mabatid ang iba’t ibang epekto sa kanilang sikolohikal na pamumuhay. Isang pang
layunin nito ay ang upang malaman ang kanilang estado ng pamumuhay sa
kalagitnaan ng Covid-19 Pandemic.

Metodolohiya

Para sa pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay gumamit ng quantitative


approach para sa pagkalap ng mga impormasyon hingil sa epekto ng pandemya sa
mga mag-aaral ng Bs Architecture-3 ng Unibersidad ng La Salette.

Ang pananaliksik ay isinakatuparan sa paraang pag gamit ng mga social


platforms tulad ng Messenger at Instagram upang maisagawa at maipasa ang mga
katanungan sa mga respondante nang hindi lumalabas sa kani-kanialang bahay,
para na rin sa seguridad ng bawat indibidwal.

Ang mga respondante ng isinagawang pananaliksik ay linahukan ng mga Bs


Architecture sa ikatlong taon sa paaralang Unibersidad ng La Salette, Santiago
City. Ang mga respondante ay binubuo ng sampung (10) lalaki at sampung (10)
babae, sa kabuuan naman ay dalawampung (20) respondante.

Para sa kinakailangan mga datos sa pananaliksik na ito ay kinakailanagan


gumawa ng mga katanungan na siyang magiging instrumento upang makamit ang
layunin ng pananaliksik ito. Ang mga ginawang katanungan ng mananaliksik para
sa mga nasabing respondante ay layuning malaman ang kanilang estado sa
pinansiyal na aspeto. Ang mga katanungan ay ginawang mas madaling sagutan
upang masagutan nila nang mas mabilis. Para naman makuha ang mga datos at
kabuuan ng survey ay kailangan I tally, tabulate, compute, analyse at I interpret.

Resulta

TALAHANAYAN 1

Mayroong sapat na kagamitang teknolohiya ang mag-aaral ngayong


pandemya para sa Online Distance Learning.
TANONG BILANG NG PERCENT
SUMAGOT
Mayroon 18 90%
Wala 2 10%

Ipinapakita sa Talahanayan 1 na halos lahat ng mag-aaral ay may kagamitang


teknolohiya para sa kanilang online learning mode. Ito ay may bilang na
dalawampu (20) o isang daang bahagdan 100%.

TALAHANAYAN 2
Mayroong trabaho ang mga magulang.
TANONG BILANG NG PERCENT
SUMAGOT
Mayroon 20 100%
Wala 0 0%

Ipinapakita sa Talahanayan 2 na halos lahat ng mag-aaral ay may trabaho ang kani-


kanilang mga magulang. Ito ay may bilang na dalawampu (20) o isang daang
bahagdan 100%.

TALAHANAYAN 3

Nagtatrabaho ngayong Pandemya bilang isang Working Student.


TANONG BILANG NG PERCENT
SUMAGOT
Oo 8 40%
Hindi 12 60%

Sa Talahanayan 3 lumabas na mas madami ang nagta-trabaho o working student na


mga estudyante ng Bs Architecture 3 sa paaralan ng University of La Salette
Santiago ngayong pandemic kaysa sa hindi. Binubuo ito ng 40% para sa mga
estudyanteng mayroong trabaho at 60% naman ang mga walang trabaho.

TALAHANAYAN 4

Mayroong sapat na income para mabayaran ang mga pinansiyal na obligsyon


ngayong pandemya.
TANONG BILANG NG PERCENT
SUMAGOT
Mayroon 5 25%
Wala 15 75%

Sa talahanayan 4 ay ipinapakita sa table na ito na may 25% (dalawamput lima) na


estudyante na mayroong sapat na income at kakayahan upang mabayaran ang
ibang mg pinansyal na gastusin ngayong pandemya. Samantala mas madami ang
walang sapat na income upang matustusan ang ibang pinansyal na obligasyon, ito
ay binubuo ng 75% o pitongput lima.

TALAHANAYAN 5

Epekto ng “Covid-19 Pandemic” sa pinansyal na Aspekto ng Mag-Aaral.


TANONG BILANG NG PERCENT
SUMAGOT
Negatibo 18 90%
Positibo 2 10%

Ipinapakita sa Talahanayan 5 na karamihan sa mga mag-aaral sa bilang na Labing


pito (18) o walumput limang bahagdan (90%) ang nagsasabing negatibo ang
epekto ng Covid;19 Pandemic sa pinansiyal na aspeto ngt mag- aaral. Tatlo (2) o
katumbas ng labing limang bahagdan (10%) ang nagsasabing positibo ang epekto
nito. Sa kabuuan ay may dalawampu (20) na respondante katumbas na ng
isandaang bahagan (100%).

Diskusyon

Buod, Konklusyon, Rekomendasyon

Sa kabanatang ito inilalahad ng mananaliksik ang lagom ng pag-aaral, konklusyon


na nabuo batay sa mga datos na nakalap at ang mga rekomendasyon ng
mananaliksik upang maging kapakipakinabang ito sa mga susunod na henerasyon
o indibidwal particular na sa mga mag-aaral upang makatulong sa pag-alam
tungkol sa epekto ng online learning mode sa sikolohikal na aspeto ng mag-aaral.

Buod

Ang napiling paksa ng mananaliksik ay pinamagatang “ANG EPEKTO NG


COVID-19 PANDEMIC SA PINASYAL NA ASPETO NG MGA MAG-AARAL
NA KUMUKUHA NG KURSONG BS ARCHITECTURE NA NASA
IKATLONG TAON SA PAARALANG UNIVERSITY OF LA SALETTE,
SANTIAGO CITY, ISABELA, SA TAONG 2020-2021”.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang maintindihan ang mga pananaw ng


mga mag-aaral ng Bs Architecture 3 sa Univesrity of La Salette Santiago, ukol sa
mga negatibong epekto ng Covid-19 sa kanilang pag-aaral sa gitna ng pandemyang
ating kinakaharap at upang maintindihan ang kanilang mga sitwasyon ngayon
lalong-lalo na sa pinansyal na aspeto.

Napili ang nasabing paksa ng mananaliksik upang alamin kung mayroon o walang
negatibong epekto ang online learning mode sa pinansyal na aspekto ng mag-aaral
at upang maipaabot sa mga nakakataas at magawan ng paraan para matulungan ang
mga mag-aaral kung paano malulutas ang mga pinansyal na pangangailangan at
upang mabigyang kaalaman ang iba pa. Ang talatanungan na ginawa ng mga
mananaliksik ay ipinamahagi sa mga piling respondante upang makakalap ng datos
na kinilitis para sa matukoy ang resulta ng pag-aaral

Konklusyon

Ayon sa mga datos na nakalap ukol sa Epekto ng Covid-19 sa Pinansyal na Aspeto


ng mga Mag-aaral sa Kursong BS Architecture ng University of La Salette ng
Dubinan East, Santiago City Isabela ay lumalabas na may negatibo itong epekto sa
mga mag-aaral lalong lalo na sa kanilang pinansyal na aspeto. Samakatuwid, ang
pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang tesis ng pangungusap:
1. Ano ang estado ng mga mag-aaral sa ngayong Covid-19 Pandemic?

- Batay sa mga datos na nakalap, maraming sa kanila ang nag-aadjust sa new mode
of learning na tinatawag at mayroong ilan na wala pang kagamitang pang
teknolohiya. Halos lahat ay lumalabas na mayroong trabaho ang kani-kanilang mga
magulang ngunit hindi ito sapat sa sitwasyon na ito.

2. Ano ang epekto ng Covid 19- Pandemic sa pinansyal na aspeto ng mga mag-
aaral?

- Ayon sa mga nakalap na datos, karamihan ng mga mag-aaral ay lubhang


naapektuhan sa Pinansyal na aspeto sa kadahilanang mas bumigat ang mga bayarin
ng kanilang mga magulang at nadagdagan ang kanilang pasanin ngayong may
pandemya kumpara noon.

3. Ano ang opinyon ng mga respondante ukol sa epekto ng Covid-19 sa pinansyal


na aspeto ng kanilang buhay?

Dahil sa new normal living na tinatawag ay maraming nagbago at patuloy na nag-


aadjust sa pandemyang ito kabilang na dito ang mga estudyante. Karamihan sa
kanila ay naapektuhan at nakakaranas ng negatibong epekto tulad ng financial
insecurity o kawalang seguridad sa pinansyal kung kaya’t ilan sa kanila’y kumuha
ng sideline o nagtrabaho habang nasa kalagitnaan ng pag-aaral para matustusan
ang ibang pinansyal na pangangailangan.

Rekomendasyon

1. Sa mga mag-aaral:

Makiramdam sa mga magulang kung may sapat pa na pera sa pamilya. Ugaliing


magtabi ng pera mula sa allowance upang may madampot sa oras ng
pangangailangan. Makakatulong ang pagtitipid lalo na sa sitwasyon ngayon at
bilhin lamang ang mga gamit na talagang kailangan at iwasang gumastos sa mga
walang kabuluhang bagay.

2. Sa Paaralan:
Habaan ang deadline ng pagbayad ng matrikula at ugaliing magbigay ng extension
upang nang sa ganoon ay makakuha ng sapat na pambayad ang ibang estudyanteng
working student o self support lamang. Magbawas ng sa mga bayarin sa matrikula
na hindi naman nagagamit o napapakinabangan ng mga estudyante upang
mabawasan ang bigat ng pasanin ng mga estudyante.

3. Sa Magulang:

Dalasan ang pagtabi ng perang pang matrikula isa hanggang dalawang buwan
bago ang deadline ng bayaran upang hindi magka problema sa darating na bayaran.
Turuan ang anak na magtipid lalo na kung hindi sapat ang kinikita.

4. Sa kapwa mananaliksik:

Mas pagbutihin o pagibayuhin ang pangagalap ng datos nang sa ganoon ay


malaman ang iba’t ibang sitwasyon ng mga partikular na paksa. Ito ay
makakatulong sa lipunan upang magpalawak pa ang ideya ng mga mananaliksik at
maresolba ang naturang problema.

Sanggunian

https://news.abs-cbn.com/news/09/20/20/mga-pamilyang-pinoy-malubhang-
naapektuhan-ng-pandemic-sa-asean-survey

https://news.abs-cbn.com/news/01/25/21/edukasyon-dapat-ilagay-sa-sentro-
ng-covid-19-recovery-unesco

https://cnnphilippines.com/videos/2020/7/21/SONA-2020--Mga-problema-sa-
edukasyon-sa-gitna-ng-pandemya.html
https://www.sbs.com.au/language/filipino/audio/paano-umangkop-ang-mag-
aaral-na-ito-sa-pagbabagong-dala-ng-pandemya

https://libcom.org/blog/ang-covid19-isang-pahayag-mula-sa-local-
autonomous-network-13042020

https://philnews.ph/2020/12/15/epekto-ng-pandemya-sa-pamilya-halimbawa-
at-kahulugan/

https://www.abante.com.ph/epekto-ng-covid-19-sa-pag-iisip-at-emosyon/

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2021/05/10/2097085/
epekto-ng-pandemya-sa-kinabukasan-ng-bata

https://tnt.abante.com.ph/epekto-ng-covid-sa-edukasyon-sa-ph-
pinaiimbestigahan/

QUESTIONAIRE;

Optional) Name:

Age:

Way of living: (Check ✓ your choice)

With parents __

Boarding __

Talahanayan 1
Mayroong sapat na kagamitang teknolohiya ang mag-aaral ngayong
pandemya para sa Online Distance Learning (Check ✓ your choice)

Mayroon __

Wala __

Talahanayan 2

Mayroong trabaho ang mga magulang. (Check ✓ your choice)

Mayroon __

Wala __

Talahanayan 3

Nagtatrabaho ngayong Pandemya bilang isang Working Student. (Check ✓


your choice)

Oo___

Hindi ___

Talahanayan 4

Mayroong sapat na income para mabayaran ang mga pinansiyal na obligsyon


ngayong pandemya. (Check ✓ your choice)

Mayroon___

Wala___
Talahanayan 5

Epekto ng “Covid-19 Pandemic” sa pinansyal na Aspekto ng Mag-Aaral.


(Check ✓ your choice)

Negatibo ___

Positibo __
Rubrik sa Gawaing Pagsasaayos ng Pananaliksik:

Pamantayan Puntos Aktuwa


Binigyan ng Tuon
l
 Naisakatuparan ang 10
mahahalagang bahagi ng
introduksyon
 Maayos at magkakaugnay ang 5
pagkakasunod-sunod ng mga
INRODUKSYON ideya
 May sapat at wastong citations
ang mga bahaging 5
nangangailangan ng
pagpapatibay
 Malinaw at angkop na nailahad
ang mga mahahalagang bahagi
15
ng metodolohiya tulad ng
disenyo, pamamaraan,
METODOLOHIYA kaligiran, tagatugon at iba pang
bahagi
 Maayos at magkakaugnay ang
5
paglalahad ng mga bahagi
 Nailalahad ang mga resulta 10
ayon sa pagkakasunod-sunod
RESULTA
ng suliranin
 Natalakay ang resulta ng
pananaliksik 10
 May paghahambing,
pagpapatibay at angkop na
citations ang mga 10
pagpapaliwanag

 Angkop ang pagbubuod, 15


konklusyon at rekomendasyon
 Nagtataglay ng sapat na
DISKUSYON kaisipan at mga implikasyon 15
para sa susunod pang
pananaliksik
KABUUAN 100

You might also like