You are on page 1of 2

PANUKALA PARA SA PAGBIBIGAY NG LIBRENG GAMOT SA MGA SENIOR

CITIZEN NG DAMAYAN, BARANGAY SAN JUAN, TAYTAY RIZAL

Mga Kagamitan/Kasangkapan Presyo Kabuuang Presy

Mga Gamot (Iba-iba) ₱200 x 75 ₱15,000

Bayad sa serbisyo ng Doctor/Nurse ₱15,000 ₱15,000

TOTAL NA GASTUSIN ₱30,000

Ika- 6 ng Oktubre 2021

Haba ng panahon na gugugulin: Isang linggo

Kabuuang pondo – (₱30,000)

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Ito ay isang proposal tungkol sa pagbibigay ng libreng gamot sa mga senior citizen ng barangay
san juan. Mahalaga ang proposal na ito upang mabigyan ng libreng gamot ang mga matatanda na
wala ng hanap buhay. Lalo na ngayong pandemya ang iba sa mga senior citizen ay walang badyet
para makabili ng gamot.

LAYUNIN

Maipanukala ang pagbibigay ng libreng gamot sa mga senior citizen upang mabigyan sila ng
kanilang kinakailangan na gamot.

PLANO NA DAPAT GAWIN:

A. Pag-apruba sa panukalang proyekto.


B. Pagbili ng mga gamot para sa mga senior citizen. (Isa – Dalawang araw)
C. Paghahanap ng mga Doctor/Nurse upang maibigay ang kanilang kinakailangan na gamot.
(Isang Linggo)
D. Paghahanap ng lugar kung saan gaganapin ang pagbibigay ng gamot. (Dalawa – Tatlong
araw)
E. Makapagbigay ng gamot sa mga senior citizen. (Isang Linggo)

BADYET
PAANO MAPAPAKINABANGAN NG AKING PAMAYANAN ANG PANUKALANG ITO

Ang pagbibigay ng libreng gamot ay kapaki-pakinabang lalo na sa mga senior citizen ng


mamamayan ng Baranggay san juan. Simula ng magkaroon ng pandemya marami sa atin ang
nawalan ng trabaho, nawalan din ng badyet ang mga pamilyang nagtatrabaho para sa pagbibigay
ng gamot sa kanilang kasamang senior citizen.

Upang masolusyunan ito gumawa ako ng panukalang proyekto na magbibigay ng libreng gamot
para sa mga senior citizen, upang hindi na mamroblema ang kanilang pamilya kung saan kukuha
ng pambili ng gamot. Mabigyan ng tamang gamot ang mga senior citizen ng sa ganon maiwasan
ang mga sakit na kanilang nararamdaman.

You might also like