You are on page 1of 1

Makapangyarihan ang ideya dahil maaari nitong baguhin ang

kasaysayan, maari din nitong gabayan at baguhin ang kapalaran


ng isang tao.

Upang mas maging makapangyarihan ang ideya, kailangan nito


ng kapangyarihan ng komunikasyon. Ang kounikasyon ang akto
ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasulat o pasalita.

Mahalaga ang pagkakaroon ng reaksyon sa komunikasyon kahit


sa tahimik na paraan.

Kung walang metod ng komunikasyon, hindi magiging possible


ang pagkakaroon ng institusyong pantao katulad ng relihiyon,
edukasyon, industriya at gobyerno. Maari ring walang
sangkatauhan.

Sa komunikasyon, maari ring magkaroon ng miskomunikasyon o


ang disaster at kaguluhan. Maari itong mag resulta sa hindi
pagkakaintindihan at makakasira ito ng ugnayang pang pamilya
o pangkalahatan.

Patuloy paring pinapaunlad ang teknolohiya sa larangan ng


komunikasyon. Nagiging mas mabilis at ginagawang episyente ang
pakikipag komunika natin. Makakapag communicate na
tayo gamit ang ibat ibang midyum katulad ng cellphone, email,
video call at iba pa.

Malawak ang saklaw ng kominikasyon. Mabilis na tayong


nakakakuha ng impormasyon mula sa telebisyon, radio, balita at
maging sa ating social media. Bunga nito, mas mabilis na
naiimpluwensyahan ang ating pagpapasya at opinion. Katulad ng
mga damit na isusuot, mga sabon o tootpaste, at maging ang
political na preperensya

You might also like