You are on page 1of 4

Learning Area Filipino 8

Paaralan Rizal College of Taal Baitang 8


Lesson
Exemplar Guro Marielle P. Tenorio Asignatura Filipino
Petsa Markahan Ikatlong Markahan
Oras Bilang ng Araw 1Araw

I. LAYUNIN Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng napanood sa telebisyon.


Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa
itinakdang mga pamantayan.
Naipapahayag sa lohikal na pamamaraan ang mga pananaw at
katuwiran.
II. NILALAMAN Aralin 1 & 2
Programang Pantelebisyon/Paksa at Layon
Ekapresyong Nagpapahayag ng Kaugnayang Lohikal
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian My Desk Learning Reimagined Filipino Quarter 3 Modyul 3; Ang
Programang Pantelebisyon
a. Mga Pahina sa Gabay ng My Desk Learning Reimagined Filipino Quarter 3 Modyul 3; Ang
Guro Programang Pantelebisyon 8 p. 3-12
b. Mga Pahina sa Kagamitang My Desk Learning Reimagined Filipino Quarter 3 Modyul 3; Ang
Pang Mag-aaral Programang Pantelebisyon 8 p. 3-12
c. Mga Pahina sa Teksbuk My Desk Learning Reimagined Filipino Quarter 3 Modyul 3; Ang
Programang Pantelebisyon 8 p. 3-12
B. Listahan ng mga Kagamitang Koneksyon ng internet,cellphone,papel, ballpen, lapis at notebook
Panturo para sa mga
Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULA 1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
B. PAGGANYAK “TAGLINE MO ‘TO

Alamin kung anong programa o patalastas sa telebisyon na


nagpasikat sa sumusunod na linya.
C. PAGLALAHAD NG ARALIN
AT LAYUNIN Ilalahad ng guro ang aralin. Ipababasa naman sa mga mag-aaral ang
layunin.

1. Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng napanood sa telebisyon.


2. Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa
itinakdang mga pamantayan.
3. Naipapahayag sa lohikal na pamamaraan ang mga pananaw at
katuwiran.

D. AKTIBITI “PROGRAMANG BIDABEST”

Sa tulong ng mga larawan at letra, alaim kung anong programa sa telebisyon


ang ipinapakita.

4pics one word

E. ANALISIS
1. Batay sa mga larawan, saan ito madalas natin nakikita?
2. Ano ang iba’t ibang pamamaraan para maintindihan mo ang iyong
pinapanood?
3. Ano ang iba’t ibang pamantayan kung tayo ay manonood ng isang
palabas?
4. Bakit mahalagang malaman natin ang iba’t ibang pangangtuwiran
sa paglalahad ng sarili nating pananaw sa ating pinanood?

F. APLIKASYON “HALINA’T MANOOD”


Manood ng isang programang pantelebisyon sa kasalukuyan. Mamili
sa mga programang ipinalalabas sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-10
ng gabi, simula Lunes hanggang sa Biyernes. Alamin kung ano
annong paksa at layon ng palabas at suriin ang pinanood na palabas
gamit ang pamantayan sa ibaba.
Katangian Oo Hindi Hindi Matutukoy
Interesante
ang paksang
tinalakay.
Kilala ang mga
artista/host sa
palabas.
Nalalaman ng
ibang kakilala
ang pinanood
na programa.
Pinag-uusapan
ang naturang
programa sa
online platform
man o
personal na
usapan.
G. ABSTRAKSYON
Upang mabuod ang ating talakayan, halina’t balikan natin ang
ating layunin ng aralin kung naisagawa natin ito.

1. Ano ang paksa, layon at tono sa isang programa ng telebisyon?


2. Ano ang iba’t ibang pamantayan kung tayo ay manonood ng isang
palabas?
3. Bakit mahalagang malaman natin ang iba’t ibang pangangtuwiran
sa paglalahad ng sarili nating pananaw sa ating pinanood?
H. PAGTATAYA Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung tama ang nilalaman
ng pahayag at MALI kung hindi.

1. Naging popular na libangan ng mga Pilipino ang panonood g


telebisyon._____
2. Hindi maituturing na panitikan ang mga palabas sa
telebisyon._____
3. Sa telebisyon unang nabalitaan ng mga Pilipino ang mga
nangyayari sa ibang bansa._____
4. Ang panonood ng telebisyon ay isang gawing sosyal._____
5. Sa simula, ang telebisyon ay para sa mga mayayamang pamilya
lamang._____

Panuto: Isulat ang TAMA kung lohikal ang pangangatuwiran sa bawat


bilang at MALI kung hindi.

6.Kailangan ko nang nagsubscribe sa Netflix dahil wala na akong


mapanood sa TV.
7. Iinom na rin ako ng Centrum para siguradong maging malusog.
Napanood ko kasi sa TV na umiinom nito si Jericho Rosales, sikat
siya kaya siguradong epektibo ang iniindorso niya.
8. Nakakabagot manood ng TV, hindi na kasi nakakalibang.
9. Siguradong sila na naman ang magkapareha na susunod nilang
mga palabas. Sila kasi ang magkapareha sa katatapos na programa.
10. Hindi sisikat ang isang tao, hindi kasi maganda at seksi. Kailangan
sa artista ay maganda at seksi.

I. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kalahalagan ng


telebisyon sapang araw-araw na pamumuhay.

Inihanda:
Marielle P. Tenorio

You might also like