You are on page 1of 1

TALUMPATI

TAMANG PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA


Sa panahon ngayon, ang social media ay napakahalaga, mapabata man o matanda, walang pinipiling
edad o kasarian. Bakit nga ba ito’y kinahuhumalingan? Ngunit lingid sa ating kaalaman na ang labis na
paggamit ng social media ay maaring may masamang epekto sa atin. Ayon nga sa isang kasabihan “lahat ng
sobra ay nakakasama” kaya tayoý makinig at unawain ng mabuti kung papaano nga ba ng tamang paggamit
nito at kung ano-ano ang mga paraan upang maibalik ang katiwasayan at kaayusan sa internet o social media.
Ang unang paraan at dapat tandaan sa paggamit ng social media ay ang social media at ang internet ay
isang publikong lugar. Anumang bagay na i-post natin sa social media at sa internet ay maaring maisapubliko.
Ang isang post natin ay maaring mabasa ng daan-daan nating mga kaibigan. Maari din itong ma-ishare at
umabot sa libu-libo o milyun-milyong nakakonekta sa internet. Kaya dapat tayong maging maingat sa bawat
pananalita, mga litrato at maging ekspresyon natin sa isang bagay. Tandaan! na maaring mabasa ito ng samut-
saring uri ng tao--- mga kamaganak natin, mga kaibigan at maging buong mundo. Tandaan kung anong asal o
ugali natin online, ganun din ang kanilang pagkilala sa atin sa tunay na buhay. Kaya hangga’t maari, iwasan
nating magpost ng nakakasakit o nakakasira ng reputasyon ng tao lalo na ang patungkol sa kasarian, relihiyon
at pulitika. Ang pangalawang paraan naman ay ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at
pagkakaunawaan. Ang social media ay nilikha upang paigtingin ang ating koneksyon sa ating mga mahal sa
buhay, kaibigan, sa pamayanan at maging kabuoan ng lipunan. Ang Facebook, Twitter, Instagram at iba pa ay
lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan. Maaring dumating minsan sa punto na magkasalungat ang
ating pananaw sa ibang tao ukol sa isang bagay subalit tandaan natin na karapatan pa rin ng bawat isa sa atin
na magpahayag ng kanilang sariling paniniwala at saloobin. Hindi ito masama, bagkus mas mainam nga na
nakikipagkuro-kuro tayo sa ibang tao. Dahil dito mas mahuhubog natin ang pakikipaghalobilo o pakikisama
natin sa ibang tao. Importante rin na manaig ang respeto natin sa ibang tao sa kabila ng mga pagkakaiba-iba
natin sa kanila.
Inyo nang napakinggan at naunawaan kung ano-ano nga ba ang tamang paraan at ang mga dapat
tandaan sa paggamit ng social media. Nasa inyo na ang pagpapasya kung ito ba ay inyong susundin o
ipagsasawalang bahala na lamang. Oras na para tayo naman ang kumilos upang maibalik ang kaayusan at
katiwasayan sa social media. Tayoý maging alerto, responsable, at maging mapanuri sa ating mundong
ginagalawan dahil hindi lahat ng tao ay kaya nating saklawan. Dapat din tayong maging matalino sa
pagpapahayag at maging isang perpektong halimbawa sa mga kabataan. Gamitin natin ang social media ng
tama. Gamitin natin ito upang linangin ang ating pakikipag-kapwa-tao. Gamitin ito upang tayo ay matuto.
Gamitin natin ang Facebook, Twitter at Instagram upang mas mapabuti pa ang ating pamumuhay. Ako po si
Hannah Grace Labor na nagsasabing “think before you click”, Marami pong salamat at magandang umaga sa
ating lahat.

You might also like