You are on page 1of 5

“Community Pantry”: Pagsusuri sa Makabagong

Konsepto ng Bayanihan
Konseptong Papel

Jonie V. Robles

SALIGANG KATWIRAN

Ang bayanihan ay isang kaugalian na nakaakibat na sa tradisyon ng mga Filipino, ito rin
ay sumisimbulo sa pagkakaisa bilang isang pamayanan. Ito ay parte ng pagkakakilanlan ng mga
kasapi ng bayan bilang isang mamayang Filipino.

Ayon sa artikulong “Bayanihan (1972),” ng website na Color in History

“Ang Bayanihan ay isang ugaling Pilipino na nagmula sa salitang ‘bayan’ na ang literal na ibig
sabihin ay ‘maging kasapi sa iisang pamayanan,’ na tumutukoy sa diwa ng pakikipag-isa sa
komunal, trabaho at pakikipagtulungan upang makamit ang isang partikular na layunin sa
komunidad.” (2016) batay din sa nasabing artikulo, ang konsepto ng Bayanihan ay tradisyonal na
ginagawa sa mga kanayunang lugar. Isinasagawa ang kaugaliang ito sa paraang kung paanong
pinakikiusapan ang mga kalalakihan sa nayon upang tumulong na buhatin ang “bahay kubo,” ito
ay ang tradisyonal na bahay ng mga Filipino, para ilipat sa ibang lugar o bayan. Paglilinaw pa sa
artikulo, ang paglilipat ay hindi lang tumutukoy sa mga personal na gamit ng pamilya, kung hindi
ang paglilipat mismo ng buong bahay.

Makikita sa pagsasagawa ng kaugaliang ito ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa ng


mga Filipino bilang isang bayan, pakikiisa bilang kasapi ng isang pamayanan, at sama-samang
pagkilos ng bayan para makamit ang isang layunin. Sa tradisyonal na pananaw, ito ay ang
paglilipat ng buong bahay-kubo patungo sa ibang lugar. Ngunit dahil sa pagbabago ng panahon,
ang konsepto ng pagsasagawa ng Bayanihan ay nagbago na rin, maipapakita ang diwa nito hindi
lamang sa pamamagitan ng sama-samang pagbuhat ng isang bahay, kung hindi pati sa iba pang
gawain.

Ayon naman “Perception, Resiliency and Coping Strategies of Filipinos amidst Disasters,”
isang papananaliksikna isinagawa ng mga mag-aaral mula sa Bulacan State University, isa ang
bayanihan sa paraan ng mga Filipino para makayanan ang mga sakuna, ginamit din sa nasabing
pag-aaral ang ang pananaw mula sa “Categorization of Filipino Coping Mechanism” ni Dr. Felipe
Landa Jocano, isang Antropologo, ito ay ang “Bahala na”, “Humor”, at “Bayanihan.” Ayon pa sa
mga mananaliksik, “Bayanihan on the other hand is building and participating in a social support
system founded on Filipino values of pakikisama and pakikisalamuha.” (Ang & Diaz, walang taong
nabangit)
Kaugnay nito sa konteksto ng makabagong panahon, kasalukuyang humaharap ang
bayan ngayon sa isang pandemya. Maraming tao ang napalayo sa kanilang pamilya dahil sa
pinapatupad na batas upang labanan ang pagkalat ng pandemya, may mga nagdurusa naman
dahil sa sakit, at nawalan ng kaanib ng pamilya sanhi ng pesteng virus. At dahil sa pagsasara ng
mga negosyo at opisina, marami mga mamamayan ang kasalukuyang walang hanabuhay at
mapagkakakitan. Bukod pa dito ang kakulangan sa pangangailangang medikal at mga nauna ng
panlipunang suliranin. Kaya naman, sa panahong ito ng Pandemya lalong higit na kailangan ang
diwa ng pagtutulungan sa paraan ng bayanihan, kailangan ngayon ang pagkakaisa ng bayan
hindi lamang para wakasan ang paglaganap ng Pandemya, ngunit lalong higit para tulungan ang
bawat isa sa kani-kanilang pangangailngan.

Isang makabagong kilos ngayon ng Bayanihan ang siyang lumalaganap sa bansa. Ito ang
tinatawag na “Community Pantry” kung paano inaanyayahan ang bawat nais makibahagi na
kumuha ng “ayuda” ayon sa kanilang pangangailngan, at ganoon din, magbigay ayon sa kanilang
kakayahan. Isang pagkilos na naglalayong paigtingin ang kaugalian ng kumyunal na
pagtutulungan.

Ayon sa artikulong “Community Pantry: Bayanihan, Filipinos for Filipinos,” si Ana Patricia
Non, o mas kilala sa tawag na “Patreng”, ay ang mukha sa sa likod ng paglulungsad ng
Community Pantry. Si Patreng, tulad ng nakakaraming Filipino, ay mayroon din pagbabahagi ng
kanyang pakikibaka sa panahon ng pandemya. Bagaman panatag na alam niyang mayroon siya
ng mga maari niyang kailanganin upang makaligtas sa krisis dulot ng pandemya, ngunit nabaling
ang kanyang isip sa ibang hindi lubos maisip na nagdurusa. Nakapaskil sa karton (Pantry) ni
Patreng ang pilosopiya ng community pantry: “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa
pangangailangan.” Ang pagkukusang ito ay gumagana bilang dalawang paraan ng pag-umunlad,
at umunlad naman ang gawaing ito sa buong bansa. Bumaha ang mga donasyon sa mga pantries
tulad ng mga taong nangangailangan nito. Nasabi din sa artikulo na ang pantry ay para sa lahat
ng nangangailangan ng tulong at mga gustong tumulong. Ito ay ang sagisag ng diwa ng
bayanihan at tayo, bilang mga Filipino, hindi nabigong ipakita ito sa ano mang oras. (Calejesan,
2021)

Bilang isang lingkod ng simbahan, nagingsaksi at naranasan ko rin na magingkaisa ng


gawain sa Community Pantry, naranasan ko ito noong bakasyon namin sa seminaryo at
pansamantalang tumutulong sa isang mission station sa aming parokya. Dito ako namulat kung
paano kumikilos ang diwa ng Bayanihan sa konteksto ng Community pantry.

Ang konsepto sa likod ng community pantry ay hindi na bago sa larangan ng


pagkakawang, may mga imiiral na rin ang ganitong kilos sa labas ng bansa, tulad na lamang ng
“Food Pantry” ng isang grupo sa Amerika. Ngunit ang community pantry sa Filipinas ay may
natatanging katangian dahil sa kaisipan nito. Layunin ng community pantry, na batay sa
pilosopiya nito, na ang mga tao ay makakuha ng ayuda sa abot ng kanilang pangangailangan, at
magbigay ayon sa kanilang kakayahan. Ang ganitong konsepto ng pagdadamayan ay siyang
nnagpapalutang sa konsepto ng bayanihan sa ating bansa.

Ang kaayusang Agustino ay mayroon ring sinusunod na natatanging konsepto ng


pagdadamayan na nagpapakita ng filipinong bayanihan, ito ang tinawag na Augustinian pantry.
Ngunit hindi lamang ito limitado sa pagbibigay ayon ng naayon sa kakayahan, taliwas sa
kaisipang umiiral sa likod ng community pantry sa Filipinas, dahil ito ay ang pagbabahagi ng lahat
ng kanilang pag-aari para sa lahat. Nakabatay ang kaisipang ito sa alituntunin ni San Agustin,
nakasaad sa alituntuning ito na “Call nothing your own, but let everything be yours in common.
Food and clothing shall be distributed to each of you by your superior, not equally to all, for all do
not enjoy equal health, but rather according to each one's need.” (San Agustin, walang taon na
nabangit) Dahil dito, walang itinuturing na sariling pag-aari ang mga Agustino, dahil ang lahat ng
kanilang kakayahan ay nakalaan para sa komunidad, maging ang kanilang sarili. Kaya naman
mas mainam na pagbatayan ang ganitong konsepto ng community pantry at diwa ng bayanihan.

Mula sa mga kaisipang aking ibinahagi tungkol sa diwa ng bayanihan mula sa tradisyonal
paraan, paglalatag ng pagbabago ng konsepto nito, pagsasakonteksto ng diwa nito sa community
pantry sa kasalukyan nating panahon, at pag-uugnay sa maka-Agustinong pananaw, nais kong
suriin at palutangin sa pananaliksik na ito ang konsepto ng bayanihan sa na umiiral sa
makabagong panahon.

LAYUNIN

Nais pag-aralan ng panaliksik na ito na alamin ang konsepto ng bayanihan sa konteksto ng


community pantry at Augustinian pantry. Ito ay nakabatay sa tatlong layunin.

1. Alamin ang kahalagahan ng konsepto ng bayanihan sa Pilosopiyang Filipino,


2. Suriin ang konsepto ng bayanihan sa kilos ng community pantry at maka-Agustinong
pananaw,
3. At ipahayag ang bagong konsepto ng bayanihan mula sa kilos ng community pantry at
konseptong Augustinian pantry.
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

BAYANIHAN

AGUSTINONG TRADISYON COMMUNITY


PANTRY PANTRY

HALAGAHAN KAUGALIAN PILOSOPIYA

PAGBABAHAGI PAGTUTULUNGAN PAGBIBIGAY


NG LAHAT AT PAGKUHA

BAYANIHAN

MAKABAGONG KONSEPTO NG
BAYANIHAN SA KONTEKSTO NG
KASALUKYANG PANAHON

PAMAMARAAN

Gagamit ang pananaliksik na ito ng pag-uugnay ng pilosopiya ng Community Pantry sa


konsepto ng bayanihan. Sa una, aalamin ng mananaliksik ang kahalagahan ng konsepto ng
bayanihan sa pamumuhay ng mga Filipino, sunod na susuriin ng mananaliksik ang konsepto ng
Bayanihan sa konteksto ng Community Pantry at Agustinian Pantry, sa huli, ipahayag ng
mananaliksik ang nabuong bagong konsepto ng bayanihan sa konteksto ng Community Pantry
at Augustinian Pantry.

Aalamin ng mananaliksik ang kahalagahan ng konsepto ng Bayanihan sa buhay ng mga


Filipino batay sa ilang pamamaraan. Una, pag-aaralan ng mananaliksik ang kahulugan at
tradisyonal na saligan ng Bayahinan mula sa iba’t ibang sanguniang online, gagamitin din ng
mananaliksik ang pananaw tungkol sa “Categorization of Filipino Coping Mechanism” mula sa
kaisipan ni Dr. Jocano bilang batayang pananaw sa pag-aaral, at ipapahayag ang suliraning
kinahaharap ng bayan sa kasalukuyang panahon para sa pagsasakonteksto ng kahalagahan ng
diwa ng bayanihan sa kasalukuyan.

Para naman sa pagsusuri ng konsepto ng bayanihan sa konteksto ng dalawang batayang


pantry, upang alamin kalikasan sa likod ng mga kaisipang ito, unang sasaliksikin ng mananaliksik
ang historikal na batayan, layunin, at pilosopiya sa likod ng kilos community pantry. Mula sa
pilosopiyang pinakikilos sa community pantry, sunod na susuriin ng mananaliksik ang konseptong
umiiral sa konseptong Augustinian pantry, at ihahambing ito sa kaisipan ng community pantry.
Sa huli, mula sa mga kaisipang pinag-aralan at ipinahayag sa pananaliksik tungkol sa
diwa ng Bayanihan, pagsusuri at paghahambing ng mga kalikasan at kaisipang umiiral sa kilos
community pantry at konseptong Augustinian pantry, palulutangin at pagtitibayin ng mananaliksik
ang mabubuong bagong konsepto ng bayanihan sa konteksto ng kasaluyang panahon.

Inaasahang Resulta

Mula sa pagsusuri ng mananaliksik sa mga kaisipang ibinahagi tungkol sa konsepto ng


Bayanihan mula sa tradisyonal paraan, paglalatag ng pagbabago ng konsepto at diwa nito,
pagsasakonteksto nito sa Community Pantry sa kasalukuyang panahon, at sa diwa ng Agustinian
Pantry. inaasahan na lumutang sa pananaliksik na ito ang mas mabuting konsepto ng bayanihan
sa kasalukyang panahon.

Sumusuportang Literatura
(2016). Bayanihan (1972). Nakuha noong Setyembre 21, 2021. Mula sa Color in History

http://www.philhistoryincolor.com/portfolio/bayanihan-1972/

Ang, M & Diaz, LB. Perception. Resiliency and Coping Strategies of Filipinos amidst Disasters,
Di nalathalang tesis, Bulacan State University, Malolos, Bulacan.

https://www.bulsu.edu.ph/resources/research/publications/perception-resiliency-and-
coping-strategies-of-filipinos-amidst-disasters.pdf.

Calejesan, H (2021) Community Pantry: Bayanihan, Filipinos for Filipinos. Nakuha noong
Sityembre 21,2021 mula sa www.2ndopinion.ph.

https://2ndopinion.ph/community-pantry-bayanihan-filipinos-for-filipinos/

San Agustin, Rule of Saint Augustine. (chap. 1, no. 4)

You might also like