You are on page 1of 2

NAME: Jotino D.

Guila
GRADE & SECTION: 8-Alcala
DATE: 1/15/22
TIME STARTED: 10:53 AM

Week 5
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan
(hal.: pagpapatawad) EsP8PIId-6.4
A. Panuto: Hindi laging madali maging isang mabuting kaibigan, ngunit makikita mo ang
lahat ng iyong mga pagsisikap kung maglalaan ka ng oras upang mapalago at mapatagal
ang pagkakaibigan. Gamit ang iyong mga sariling karanasan sa pakikipagkaibigan,
paano mo ito maipapamalas sa ilang sitwasyon? Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Pag-iingat sa lihim na ipinagkatiwala ng kaibigan


Ang pag-iingat sa lihim na ipinagkatiwala sa akin ng aking kaibigan ay isang paraan upang
masubok ang aking pagiging tapat sa kaniya. Hindi ko bubuksan at babasahin ang liham na
ipinagkatiwala sa akin sapagkat kailangan kong pahalagahan ang kaniyang privacy.

2. Pagpapatawad sa isang kaibigang nagkamali


Lahat ng tao dito sa mundo ay nagkakamali paminsan-minsan. Papatawarin ko ang aking
kaibigan kung nagkamali man siya. Gaano pa man kalaki o kaliit ang kaniyang nagawa ay
susubukan ko siyang patawarin sapagkat gagaan ang aking pakiramdam kung ako ay
nagpatawad ng taong nagkaroon ng pagkakamali sa akin.

3. Pagiging totoo at maasahang kaibigan


Hindi ko iiwanan ang aking kaibigan sa oras ng kagipitan. Lagi ko siyang dadamayan at
tutulungan sa oras ng kaniyang pangangailangan. Hindi rin ako magsisinungaling sa aking
kaibigan sapagkat maaaring ito ang maging dahilan upang magkaroon kami ng hindi
pagkakaunawaan.
B. Mga hakbang tungo sa tunay na pagpapatawad.
Panuto: Pagnilayan kung ano ang mga maaari mong gawin upang maisagawa ang
pagpapatawad. Gumawa ng mga tiyak at tuwirang hakbang tungo sa tunay na
pagpapatawad. Gamiting gabay ang talahanayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Mga Hakbang Tungo sa Tunay na Pagpapatawad

Ang pagpapatawad ay hindi madaling gawin lalo na kung malaki ang nagawang
pagkakamali ng kapwa mo sa iyo, ngunit kapag pinatawad natin ang ating kapwa ay
maaaring makabawas ito sa problemang dinadala natin. Mayroong mga hakbang na
makatutulong sa atin upang patawarin natin ang ating kapwa nang buong puso. Una,
isipin natin kung gaano kalaki o kaliit ang nagawang pagkakamali ng ating kapwa at
kung sinasadya niya ito o hindi. Kung nalaman na natin iyon, hilingin natin sa taong
nagkasala sa atin upang makipag-usap sa atin. Kung naging maayos ang pag-uusap at
siya ay humingi ng tawad, patawarin natin siya at sabihing huwag na sana itong
maulit. Sunod, magdasal tayo nang taimtim at kausapin natin ang Panginoon. Hilingin
natin na bumuti na ang relasyon natin sa taong nagkasala sa atin upang hindi na
lumaki ang problema.

MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Pamantayan 5 puntos 3 puntos 1 puntos


Mga tiyak na Nagpakita ng iba’t iba Nagpakita ng Nagpakita ng isang
hakbang tungo sa at tiyak na hakbang mangilan-ngilang tiyak na hakbang
pagpapatawad tungo sa tiyak na hakbang tungo sa
pagpapatawad tungo sa pagpapatawad
pagpapatawad
Mga tamang Nagpakita ng iba’t iba Nagpakita ng Nagpakita ng isang
hakbang tungo sa at tamang hakbang mangilan-ngilang tamang hakbang
pagpapatawad tungo sa tamang hakbang tungo sa
pagpapatawad tungo sa pagpapatawad
pagpapatawad
Kabuoang puntos = 10 puntos

You might also like