You are on page 1of 2

FIL11B - PAGBASA AT PAGSURI NG IBAT IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

TAJ MAHAL
Sa Feminismong Perspektibo

Ang Taj Mahal ay isang sikat na istruktura sa buong mundo na matatagpuan sa


bansang India. Ang puti at magandang istruktura na ito ay kilala sa buong daigdig
bilang isang simbolo ng wagas nap ag-ibig ng isang lalaki para sa kanyang minamahal.
Ngunit pagmamahal nga ba o pagbabayadsala?

Ayon sa Wikipedia, ang Taj Mahal daw ay isang libingan na ipinagawa ng Mughal
emperor na si Shah Jahan para sa ala-ala ng kanyang paboritong asawa na si Mumtaz
Mahal. Ibig sabihin ay may iba pang asawa si Shah Jahan. At ayon nga sa
thoughtco.com/the-taj-mahal, si Shah Jahan ay mayroon nang naunang tatlong asawa
nang makilala niya si Mumtaz Mahal. Di nagtagal ay ikinasal sila at ang dating
prinsipe noon na si Shah Jahan ay ipinangalanan siyang Mumtaz Mahal.

Makikita dito kung gaano kalakas ang impluwensya ng patriarka sa kababaihan – mula
sa pagnanais sa babae hanggang sa pagbibigay ng pangalan, lahat ay kontrolado ng
lalaki. Nasa kultura man ng muslim ang pagkakaroon ng marmaing asawa ngunit
pinupunto lamang ng pagsusuring ito kung gaanong inimpluwensyahan ng mga
tagasulat ng kasaysayan ang takbo ng kuwento kung saan natabunan na ang posibleng
mga nangyaring opresyon sa kababaihan.
AUGUST 2019 VOL. 29

Ayon pa sa artikulong The


awfully unromantic Taj Mahal
sa huffpost.com, Si Mumtaz
Mahal ay katorse anyos pa
lamang nang siya ay ikasal
kay Shah Jahan. Sa kanilang
pagsasamsa bilang magasawa,
nagkaroon na sila ng 14 na
anak at pito lamang dito ang
nabuhay at sa ika-14 na anak
PHOTO BY MARTIN R. SMITH
namatay si Mumtaz Mahal.

Ibig sabihin ay maaring tinitiis lamang ni Mumtaz


Mahal ang kaniyang pagbubuntis sa bawat taon,
dagdag pa dito na siya ay napakabata pa. Siya ay tila
tinuturing lamang na isang bagay na ginagamit ni
Shah Jahan para sa kanyang makamundong
pangangailangan. Pagmamahal man ito para kay
Shah Jahan ngunit paghihirap ito para kay Mumtaz
Mahal. At kung minahal nga niya si Mumtaz Mahal,
marahil ay napansin niya ang unti-unting paghina
ng katawan dahil sa sunod-sunod na pagbubuntis.

Ayon pa sa blog post na Taj Mahal: Nothing About


Love sa spekaingtree.in, maliban sa marmaing
asawa ng emperador ay mayroon din syang libu-
libong mga babae na tinatago nya naman sa
tinatawag niyang harem. Pinapatibay lamang nito
ang objectified na pananaw sa babae.

Ito naman ang ideyal at nararapat na pagtanaw sa babae – hindi isang kabiyak
kundi isang malayang nilalang na mayroong pantay na karapatan sa kahit na
anong bagay. Mahalaga rin na kung paano idinidiwang ang mga magagandang
istruktura tulad ng Taj Mahal ay dapat ring alalahanin ang kasaysayan nito at
kung ano rin ang kahalagahan nito sa kasalukuyan at hinaharap.

You might also like