You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

I. Layunin
Pagkaapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga pang-uring ginamit sa loob ng pangungusap.
2. Nagagamit ang mga pang-uri sa pangungusap, at
3.Nabibigyang halaga ang paggamit ng mga salitang pang-uri sa
paglalarawan .

II. Paksang Aralin


Mga Salitang Naglalarawan o Pang-uri
Sanggunian: Internet, Bagong Filipino, Batayang Aklat sa Filipino 7
Kagamitan: Larawan, cut-outs, biswal eyds, laptop, projector
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagbati
- pagpulot ng mga kalat
- Pagtala ng Liban
- Pagbabalik-aral

B. Pagganyak
a. Panuto: Ang klase ay hahatiin sa limang pangkat upang laruin ang larong
pinamagatan o tinatawag na 4 pic 1 word. Ang unang pangkat na
makakasagot ay magkakaroon ng karagdagang limang puntos.

1. = Mabango

2. = Masaya

3. = Masikip

4. = Mabilis

5. = Maganda
b. Panuto: Magbigay ng salita na may kaugnayan sa iba’t ibang pandama na
makikita sa bawat talulot ng bulaklak at gamitin ito sa
pangungusap.
C. Pangkatang Gawain
1. Pangkatang Gawain
Panuto: Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay may kaniya-
kaniyang gawain.
Unang Pangkat – Ilarawan ninyo ang inyong mga magulang batay sa kanilang mga
katangian sa pamamagitan ng pagsasadula.
Tanong: Ano ang inyong naramdaman habang isinasadula ang katangiang
mayroon ang inyong mga magulang?
Pangalawang Pangkat – (Sampayan ng kaalaman) Isulat ang mga salitang
naglalarawan sa naging epekto ng pandemya sa sangkatauhan.
Tanong: Mula sa mga paglalarawang ibinahagi ninyo, lahat ba ay lubos na
naapektuhan sa kasalukuyang sitwasyon?
Pangatlong Pangkat – Gumawa ng patalastas tungkol sa mga pasyalan na
makikita
sa inyong lugar?
Tanong: Paano nakatutulong ang paggamit ng mga salitang pang-uri para
makilala ang natatanging pasyalan o ganda ng inyong lugar?
Pang-apat na Pangkat – Gumuhit ng larawan na naglalarawan o nagpapakita na
naging epekto ng sunog sa mga nasunugan.
Tanong: Paano mo mailalarawan ang isang pamilya na nasunugan?
2. Analisis
Tanong:
- Paano nakakatulong ang mga salitang pang-uri upang mas lalo natin
maintindihan o mabigyang linaw ang bawat sitwasyong inilahad?

3. Abstraksiyon

Ang pang-uri o salitang naglalarawan ay isang bahagi ng


pananalita na nagbibigay turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang
mga pinakakilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng
Malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga
lugar, o mga bagay.
4. Paglalapat
Gabay na tanong:
1. Bilang mag-aaral, gaano kahalaga sa iyo ang tamang paggamit ng
mga pang-uri ?
2. Saan o kailan natin dapat gamitin ang mga salitang pang-uri?
D. Paglalahat
Itanong:
- Ano ang iyong natutunan patungkol sa pang-uri?
- Paano nakakatulong ang pang-uri sa pang-araw-araw natin na
pamumuhay?
IV. Ebalwasyon
Panuto: Basahin ang pangungusap. Bilugan ang mga salitang pang-uri sa
loob nito.
1. Ang aking ina ay nagmamadaling umalis kanina, kaya hindi ko na siya
naabutan pa.
2. Si Lola Basyang ay nahihirapan nang lumakad.
3. Mainit ang kape na natapon sa akin kaninang umaga.
4. Ayokong makipagkaibigan sa kaniya, dahil sa napakasamang ugali
niya.
5. Si Riza ang pinakamaganda sa kanilang lima.
6. Ang malamig na hangin ay dumampi sa aking pisngi.
7. Ang kaniyang pusong mamon ang nagpatigil sa kaniya.
8. Pinagpala talaga ang mga kapus-palad na tulad ni Zien.
9. Maiingay ang aming mga kapitbahay.
10. Napaka-asim ng mangang nabili ko kanina sa tindahan.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Magsaliksik hinggil sa kayarian ng pang-uri at bumuo ng tig-
dadalawang pangungusap gamit ang kayariang ito. (Payak, Maylapi,
Inuulit, Tambalan). Isulat sa isang kalahating papel.

Inihanda ni: Ipinasa kay:


RAZEL C. PAJARILLO RECHILINA V. QUINTOS, ED.d
Guro sa Filipino VII Grade 7 level Chair/MT-II

You might also like