You are on page 1of 2

Banyo

Ikaw ay papasok ng may pagmamadali,

Uupo sa trono ng walang pasintabi.

Sabay hihinga ng malalim

Sapagkat ilalabas ang maruming damdamin.

Sanay na ako sa inyong pagpapabalik-balik,

Minsan nga’y nagtataka sa inyo mga kilos.

Ang iba’y tatambay sa akin at uupo sa trono habang hawak ang telepono.

At ang iba ay may hawak na upos na sigarilyo.

Nakatutuwa ang inyong mga luho,

nakakawala ng aking pagkaburyo.

Kung minsan ay gagamitin akong panlabas ng libido,

at kung minsan din ay labasan ng baho.

Ngunit ako’y hindi nagagalit

sapagkat ito ang aking gamit.

Ang inyong labasan ng galit.

Karamay sa mundong malupit.

Magsisilbi bilang iyong unan at kumot sa kwarto.

Bubuksan ang katabing gripo,

At sasabayan kang humagugol sa mga masasakit na salitang natamo.

Nandito akong pinagtatakpan ang iyong hagulgol at nagpaparamdam na tumahan ka na.

You might also like