You are on page 1of 4

FILIPINO 7

Week 7-8_3rd Quarter


Pangalan: ________________________ Puntos: ____________________
Baitang/Pangkat: _________________ Petsa: ____________________

Panimula(Susing Konsepto)
(Brief discussion of the lesson)
ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON
Rene O. Villanueva
Noong unang panahon sa bayan ng Ibalon ay may nakatirang isang kabigha-bighaning
dalagang nagngangalang Daragang Magayon. Anak siya nina Rajah Makusog ng Rawis at
Darawi, ngunit namatay ang kanyang ina matapos siyang isilang.
Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming manliligaw mula sa
iba’t iobang tribo. Isa sa kanila ang mapagmataas at palalong si Pagtuga, isang magaling na
mangangaso at malakas na pinuno ng Iriga, nagpapakita ng panliligaw sa pamamagitan ng mga
mamahaling regalo sa ama ni Magayon.
Ngunit hindi iniibig ni Daragang Magayon si Pagtuga. Ang puso niy ay pag-aari na ni
Panganoron, ang matapang na anak ni Rajah Karilaya ng Katagalugan. Iniligtas siya nito sa
bingit ng kamatayan nang isang umagang maligo siya sa Ilog Yawa. Habang binabalanse ang
sarili sa isang bati, siya’y napadulas at nahulog sa ilog. Hindi siya marunong lumangoy kaya’t
tinangay siya ng agos. Tiyempo namang nagdaan si Panganoron. Sinaklolohan siya nito. nang
marinig siyang sumisigaw, tumalon sa ilog at sa isang sandal, naroon na siya sa tabi ng dalaga.
Maingat niyang dinala ang takot na dalaga sa pampang. kalaunan, nagtapat siya ng pag-ibig sa
dalaga. Nahihiyang aminin ni Daragang Magayon na nahuhulog din ang loob niya sa binata.
Ang kanilang pag—ibigan ay nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang makatuntong sa bahay
ni Rajah Makusog.
Napagtanto ni Rajah makusog nba mahal ng kanyang anak ang binata at hangad din niya
ang kaligayahan ng kangyang anak. sa gayon ay binigyan niya ng basbas ang magsing-irog.
Dala ng matinding kasiyahan, nagpunta si Panganoron sa kanila upang paghandaan ang
nalalapit nilang kasal.
Ang balitang ikakasal ang dalaga ay nakaabot sa pandinig ni Pagtuga. Lubos siyang nagalit at
gumawa siya ng paraan upang mapigilan ang nalalapit na kasal nina Panganoron at Magayon.
Isang araw, nang pumunta sa bundok si Rajah Makusog upang mangaso, hinarangan siya ni
Pagtuga at dinala sa kanila upang gawing bihag.
“Palalayain kita kung ibibigay mo sa akin si Magayon para maging asawa ko,” sabi ni Pagtuga
kay Rajah Makusog.
“Ang kasagutan ay wala sa akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo malalaman ang
sagot,” sabi ni Rajah Makusog.
At dinala si Daragang Magayon sa harap ni Pagtuga. Sinabi ni Pagtuga na papatayin ang ama
ng dalaga kung hindi papayag magpakasal sa kanya. Umiiyak siyang sumang-ayon sa gusto ng
binata
“Magaganap ang ating kasal sa loob ng pitong araw,” sabi ni Pagtuga. Dali-dali niyang inutusan
ang kanyang mga tauhan na paghandaan ang darating na kasalan.

Telephone No: (046)529-5905 / 0917 505 5186


E-mail: ict.gtmnhs@gmail.com
Facebook: gentomasmascardonhs
Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda sa kasal nila ni
Magayon, nagmamadali itong nagtungo sa Rawis dala ang kanyang mga mandirigma. Mabilis
ang sumunod na mga pangyayari. Napatay ni Panganoron si Pagtuga sa gitna ng kanilang
labanan. Natuwa si Magayon sa pagkakita kay Panganoron. Dali-dali itong tumakbo palapit sa
kasintahan, subalit isang ligaw na sibat ang tumarak sa likod ng dalaga na naging sanhi ng
kanyang kamatayan. Nang sasaluhin ni Panganoron ang minamahal sa kanyang bisig, isa ring
sibat ang tumama sa binata galin sa kanang kamay ni Pagtuga na si Linog. Sa pagkakita ni Rajah
Makusog, dali-dali siyang lumapit kay Linog at pinatay ito sa kanyang “Minasbad.” Ang dapat na
kasayahang magaganap ay nauwi sa isang malungkot na pangyayari habang inililibing ang
magsing-irog. Naghukay si Rajah Makusog upang doon ilibing ang dalawa.
Sa mga lumipas na araw, nakita ng mga tao na ang puntod ng dalawa ay tumataas. At nang
ito ay mabuo, isang walang kasinggang tatsulok nanaglalabas ng nagbabagang bato sa
bunganga. Kahit hanggang ngayon ay nangyayari pa ito. Naniniwala ang mga ninuno na ito raw
ay mga palatandaan na kinukuha ni Pagtuga ang mga regalong ibinigay nito kay Magayon
katulong si Linog.
Sa mga pangkaraniwang araw, kapag ang tuktok ng bulkan ay napapalibutan daw ng mga
hamog at ulap, sinasabi nilang hinahagkan daw ni Panganoron si Magayon. At kapag naman
daw umuulan at bumubuhos ito pababa ng bundok, palatandaan dawn a umiiyak si Panganoron
dahil sa pagkawala ng kanyang minamahal.
Mula noon, ang bulkan ay tinawag sa pinaiksing pangalan ni Magayon, tinawag nila itong
“Mayon.” Ang magandang hugis nito ang siyang nagpatanyag sa bayan ng Albay.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayari sa tekstong napakinggan
(F7PN-IIId-e-14)
Pamamaraan:

(Gawain 1)
Natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayari sa tekstong napakinggan

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari mula sa binasang alamat. Lagyan ng bilang
1-10 ang mga patlang.

________ Sumang-ayon si Daragang Magayon na magpakasal kay Pagtuga alang-alang sa


kanyang ama.
________Binigyan ni Rajah Makusog ang magkasing-irog ng pahintulot sa plano
nilang pagpapakasal
________ Napatay ni Panganoron si Pagtuga sa gitna ng kanilang labanan
________ Nagtapat ng pag-ibig si Panganoron kay Daragang Magayon
________ Tinamaan ng sibat ang magsing-irog na naging dahilan ng kanilang pagkasawi
________ Iniligtas ni Panganoron si Daragang Magayon sa bingit ng kanatayan nang siya’y
mahulog sa ilog at muntik nang malunod

Telephone No: (046)529-5905 / 0917 505 5186


E-mail: ict.gtmnhs@gmail.com
Facebook: gentomasmascardonhs
________Nakita ng mga tao na ang puntod ng magsing-irog ay tumataas at nang kalaunan ay
naging isang bulkan
________Nabighani ang mga kalalakihan mula sa iba’t ibang tribo sa kaganadahan ni Daragang
Magayon
________Tinawag na Magayon mula sa pangalang Magayon ang bulking nabuo mula sa puntod
ng magising-irog
________Binihag ni Pagtuiga si Rajah Makusog

(Gawain 2)
Nasusuri ang kawastuhan ng mga detalye sa kuwento

Panuto: Suriin kung tama o mali ang isinasaad ng mga nasa bawat bilang ayon sa binasang
alamat. Gawing batayan ang sumusunod na pagpipilian. Titik lamang ang isulat sa patlang.

A- ang A ay tama
B- ang B ay tama
C- parehong tama ang A at B
d- parehong mali ang A at B

________1. A. Ang tao, gaanuman siya kasama, ay mayroon pa ring kabutihang nakatagto
sa kanyang puso
B. Sa binasang alamat, ipinakitang higit na pinahalagahan ng dalagang si Magayon
ang mabuting kalooban kaysa sa kapangyarihan at kayamanan
________2. A. Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming
lalaki mula sa iba’t ibang tribo
B. Si Pagtuga ay masugid na manliligaw ni Daragang Magayon na nagkakaloob
ng mamahaling regalo sa ama ng dalaga
________3. A. Napatunayan ni Daragang Magayon ang kadilasayan ng puso ni Pagtuga kung
kaya ito ang pinili niyang pakasalan
B. Sumang-ayon ang ama sa planong pagpapakasal nina Magayon at Pagtuga
________4. A. Masakit man sa kalooban ni Daragang Magayon, tinanggap niya ang alok
ni Pagtuga na magpakasal sa kanya alang-alang sa kanyang ama.
B. Dahil sa matinding takot, hindi na nagawa ni Panganoron na iligtas ang
kanyang iniirog sa kamay ni Pagtuga
________5. A. Ang magsing-irog na sina Daragang Magayon at Panganoron ay kapwa
nasawi dahil sa kanilang paglaban kay Pagtuga
B. Ang puntod ng magkasintahan ay pinaniniwalaang pinagmulan ng Bulkang Mayon

Telephone No: (046)529-5905 / 0917 505 5186


E-mail: ict.gtmnhs@gmail.com
Facebook: gentomasmascardonhs
(Gawain 3)
Nailalarawan ang mga tauhan sa kuwento

Panuto: Ilarawan ang katangian ng mga pangunahing tauhan sa alamat. Isulat ang iyong sagot
sa nakalaang linya. (20 puntos)
1. Daragang Magayon
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
2. Panganoron
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
3. Rajah Makusog
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
4. Pagtuga
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Pangwakas
Punan ang patlang upang mabuo ang iyong natutunan at nalaman sa araw na ito

Nalaman ko na ang mga alamat ay ___________________________ at ito ay nagbibigay at nag-iiwan


ng _____________________. Kaya naman sa susunod ay ___________________________.

Inihanda ni :
Gng. Edlyn D. Aguirre
Pangalan ng May Akda

Telephone No: (046)529-5905 / 0917 505 5186


E-mail: ict.gtmnhs@gmail.com
Facebook: gentomasmascardonhs

You might also like