You are on page 1of 130
One I**t Night (R18) Complete & ADOR 2.2K 14.1K FOLLOW READ Why am | always drawn to weird men? Why do I need a man in the first place? Is it because of security, stability or LOVE? All| know is that I'm tired of being LONELY and ALONE. | want someone who | can call my OWN. My life isn't easy, it never was. It was never been this complicated and everything went out of proportion all because of ONE |**t NIGHT Prologue 1/5 Prologue "It's over!" that was the last thing | said before | left him and went back to Manila. It was the hardest and most painful decision | had to make. But at the back of my head, somehow | felt relieved. | know in my heart that he's not really meant for me and I'm just looking for an excuse to tell him that it is over. At bakit panay ang English ko? Dinudugo tuloy ang ilong ko. Ganito talaga 'pag nakakainom. Pinapatay ng alak ang weak brain cells kaya feeling ko ay ang talino ko. Paglapag ng sinasakyan kong eroplano sa airport from Palawan to Manila ay napag-isipan ko munang dumaan sa paborito kong tambayan bago umuwi. Sixteen years old pa lang ako ay madalas na akong pumupunta sa casino sa loob ng Hotel Le Madrigal. Noong last year ko sa high school ay dito ako nag-part-time as a waitress. Badly needed ang money for tuition at graduation fee kaya napilitan akong mamasukan. Mabuti na lang at dito rin nagwo-work ang friend ko na si Dynamite na college student naman noong time na iyon kaya madali niya akong naipasok kahit minor pa ako. Nakaupo ako sa may bar at umiinom ng second cocktail ko nang makita ko si Don Paks—short for Pacundo—na nagpo-poker sa kabilang lamesa. Kanina pa pala niya ako tinitingnan. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay kinawayan niya ako at inalok na sumali. Si Don Pacundo—pangalan pa lang ay dating DOM (Dirty Old Manyak) na. Nakilala ko siya noong seventeen pa lang ako. Kinailangan ko ng pera pang-enroll sa college at nagkataon na nagpapautang siya ng 5/6 katulad ng sa Bombay. Siya rin ang lagi kong pinupuntahan ‘pag need ko ng instant cash. To be fair with him, mabait naman siya. Mahalay nga lang. Madaling magpautang basta on time ka magbayad. Pinuntahan ko siya at naglaro kami ng poker. | needed a distraction from my break up kaya pumayag akong maglaro kahit hindi naman ako marunong. He lent me some money para may panglaro ako. At sa kasamaang palad ay natalo ako. Sa pag-ibig nga talunan na, pati ba naman sa sugal ay talo pa rin? Sa Prologue 2/5 kagustuhan kong makabawi ay lumaki nang lumaki ang utang ko sa kanya—hanggang sa hindi ko na namalayan na umabot na pala sa one hundred thousand pesos ang utang ko. "Paksyet!" hindi ko napigilan ang sarili ko nang makita kong talo na naman ako nang buksan ko ang nakataob na baraha. "Ano? Gusto mo pa bang bumawi? Pahihiramin kita ulit." ngiting tagumpay ang manyak. Palibhasa’y nakita niya ang talunan kong cards. "No, thanks. Malaki na ang utang ko sa ‘yo. Babayaran kita ng installment tulad ng dati. Tuwing kinsenas at katapusan," tugon ko sa kanya sabay tayo mula sa kinauupuan ko. "Wait a minute, young lady!" sabay hawak sa kamay ko pakabig sa kanya. "Sino’ng may sabi sa 'yo na pera ang gusto kong ipambayad mo?" sabay himas niya sa braso ko. Nakakadiri talaga ‘tong matandang ‘to. "A-ano’ng ibig mong sabihin?" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Twenty-one ka na ngayon. Hindi ka na menor de edad. Matagal kong hinintay ang pagkakataon naito!” iniabot niya sa ‘kin ang keycard ng isang room sa hotel. "Pumunta ka sa room na ‘yan. Mamaya at d'yan ko sisingilin ang utang mo sa'‘kin." "Hindi ako tulad nang inaakala mo!" mariin kong sabi sa kanya. "Magbabayad ako sa 'yo tulad nang dati. May interest pa. Pero hindi ako makapapayag sa kung ano man ang gusto mo!" nangingilid ang luha kong sabi sa kanya. "Kung wala kang maibabayad ngayon sa akin ay pumunta ka riyan sa kwarto na 'yan. Huwag mo akong gagalitin! Kilala mo ako. Masama akong magalit!" nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa 'kin sabay talikod para lumipat ng ibang table. Wala akong magawa kung hindi ay umiyak pabalik ng bar. Sobrang malas ko naman ngayong araw na ‘to. Broken hearted na nga at pagkatapos ay baon pa sa utang. Ano ba’ng gagawin ko? Baka kung ano’ng gawin niya sa akin. Hindi ko kayang tanggapin na ang matandang iyon ang makakauna sa akin. Yuck! Aaminin ko. Marami na akong naging boyfriend pero kahit isa sa kanila ay hindi naka-first base sa akin. Kahit ang tamis nang Prologue 3/5 unang halik ay hindi ko pa nararanasan. Palibhasa ay wala namang nagtagal sa kanila. Pinakamatagal na ‘ata na naging karelasyon ko ay tatlong linggo. Nahalikan nga ako pero smack lang. Dadaanin ko na lang sa pag-inom ang lahat ng sama ng loob ko. Baka sakaling makakuha pa ako ng lakas ng loob. Mabait naman si Don Paks. Baka naman mali ang iniisip ko at wala naman siyang masamang intensyon sa akin. Nakakalimang baso na ‘ata ako ng cocktail drinks. May tama na talaga ako. Patayo na ako para pumunta sa room ng hotel na ibinigay ni Don Paks nang may lumapit sa akin na isang waiter. "Miss, ‘eto po ang drinks n’yo." Kumunot ang noo ko. Eh, wala naman akong in-order na alak at paalis na ako. Isa pa ay limited lang ang pera ko. Pamasahe na lang pauwi ang natitira. "Hindi sa akin ‘yan. Wala akong in-order." "Galing po ‘yan sa lalaking nasa kabilang table." itinuro niya sa ‘kin ang taong nakaupo sa hindi kalayuan sa kinauupuan ko. "Ah, gano’n ba? Sige, salamat." Since libre naman kaya tinanggap ko na. Sayang din. Mahal kaya drinks dito. Pinilit kong kilalanin ang lalaking itinuro ng waiter pero sa sobrang tipsy ko ay hindi ko siya mamukhaan. Isa lang ang masasabi ko. Pinagmamasdan niya ako habang iniinom ko ang cocktail na ibinigay niya sa akin. Kasalukuyang inuubos ko ‘yong drinks nang may isang lalaki ang tumabi sa akin. At ‘yung lalaking nagbigay sa akin ng drinks ay patuloy pa rin akong pinapanood sa kinaroonan niya. "Miss, is this seat taken?" isang baritonong boses ang nagtanong sabay upo sa tabi ko. "Nagtanong ka pa. E nakaupo ka na!" sarkastiko kong sagot habang patuloy pa rin ang pag-inom ko. "Sorry. You look like you had too much to drink. Are you alright?" "Why do you care?" sagot ko habang patuloy pa rin sa pag-inom ko. Hindi ko na pinag-aksayahan na harapin pa siya at nagmadali na akong ubusin ang iniinom ko nang makaalis na. "It's not safe to drink on your own. Wala ka bang ibang kasama? Do you want me to call somebody to pick you up? Or do Prologue 4/5 you want me to take you home?" Sa totoo lang ay na-nosebleed na ako sa kasasalita niya ng English. Pero in fairness, ang sweet niya. Na-curious ako sa kanya kaya hinarap ko na rin siya. At bago pa ako makapagsalita ay naramdaman kong bumibigat ang aking pakiramdam at nanlalabo ang aking paningin. llang saglit pa ay bigla na lang akong nanghina at nawalan nang malay. Tanghali na nang magising ako. Ang sakit ng ulo ko at buong katawan. "Tanghali na?" bulalas ko. Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan at laking gulat ko nang matagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang malambot at malaking kama. "Paksyet! Nasaan ako? Hindi ko kuwarto ‘to. Masyado itong maganda para maging kuwarto ko!" sa tingin ko ay isa 'tong room sa hotel. Naisip ko na baka ito rin ‘yong room na ibinigay sa akin ni Don Paks. Pabangon na ako ng kama nang mapansin ko na wala akong suot na damit sa katawan. "Hindeee! Na-r**e ba ako?" iniikot ko ang aking mga mata sa paligid pero walang ibang tao na naroon kung hindi ay ako lang. Magulo ang kama. Parang may wrestling na naganap. May mantsa na pula ang bed sheet. Dugo ba ito? Or wine na natapon sa kopita? Bumangon ako sa kama. Nang patayo na ako ay halos mawalan ako ng balanse dahil pinanghinaan ako ng tuhod. Magkahalong sakit ng katawan at panghihina ang nararamdaman ko habang isa-isa kong pinupulot ang damit ko na nagkalat sa sahig. Hindi ko na mapigilan ang aking luha. Magkahalong takot at kaba ang aking nararamdaman habang dali-dali kong isinusuot ang aking damit. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito bago pa bumalik ang taong bumaboy sa akin. Habang isinusuot ko ang damit ko ay bigla kong napansin ang isang bagay na kumikinang sa aking daliri. "Singsing? Saan galing ang singsing na suot ko?" white gold na napalilibutan ng dyamante ang singsing na nakasuot sa aking kaliwang kamay. Bigla akong natigilan. Paano napunta ang singsing na ito sa Prologue 5/5 akin? May high tolerance ako sa alcohol kaya imposible na malasing ako nang gano’n kadali. Isa lang ang ibig sabihin no’n. May halong gamot ang huling cocktail na nainom ko. Pero sino ang lalaking nagbigay sa akin nginumin naiyon? Posible rin kaya na ang lalaking umupo sa tabi ko ang may kakagawan ng lahat ng ito? O si Don Paks? At tuluyan na niyang napagsamantalahan ang kahinaan at pagkababae ko? Bakit hirap akong alalahanin ang lahat ng nangyari? Kailangang malaman ko ang katotohanan. Napatingin akong bigla sa wall clock. Syet! Anong oras na? Ang tagal ko na palang nagmumuni-muni. Binilisan ko na ang pag-aayos ko bago pa mahuli ang lahat. Kailangan kong magmadali bago pa magsara ang Cebuana Lhuillier! Kailangan kong malaman kung ang singsing na ‘to ay puwedeng maisangla! Chapter 1: Where it all Begins V/7 Chapter 1: Where it all Begins Twenty-four hours earlier... Sa pagkatagal-tagal ng panahon ay ngayon lang ulit kami nakalabas ng boyfriend kong si Dexter. Lagi kasing busy ang mga schedule namin pareho—sa work at sa family—kaya walang time para mag-date. Pero this time ay inimbitahan niya akong mag-out of town. May research kasi siya na ginagawa para sa isa niyang project kaya kami pumunta rito sa Palawan. "Baby, halika rito. Mag-selfie tayo," excited kong sabi habang hawak ko ang selfie stick at humahanap nang magandang anggulo. Gusto ko kasing ma-capture ang waterfalls na nasa likuran ko. "Turn your camera more to the left side. The success rate of the image is higher than the ones that were taken from the right or center. 92% of the sample showed an overall posing bias with 41% favoring their left cheek, 31.5% preferring their right cheek, and 19.5% repeatedly posting midline selfies," tugon niya sa akin. Bahagyang tumulo ang dugo sa ilong ko habang pinakikinggan ko iyon. "Ah, baby. Ganito ba? Gusto ko kasing makuhanan din 'yong waterfalls sa likuran natin." pilit kong sinunod ang turo niya. Sa totoo lang, ang naintindihan ko lang sa lahat ng sinabi niya ay ‘yong mga salitang left side. "As per my calculation, there are about 2000 gallons of water falling from the waterfalls every 60 seconds and it produces 50 small waves every 30 seconds. So if you want to take the perfect selfie, better do it before the waves reach to—" Tinakpan ko ang kanyang bibig bago pa niya natapos magsalita. "Enough, Dexter! Gusto ko lang naman ng isang simpleng selfie. Bakit kailangan nating gawing komplikado ang lahat?" Bigla siyang natigilan at tumingin na lamang sa aking mga mata. Medyo nasilaw ako nang bahagya nang tumapat ang sinag ng araw sa kaniyang malapad na noo. Gustuhin ko mang mag-seryoso ngunit nakakailang talaga ang kanyang malagong Chapter 1: Where it all Begins 2/7 kilay na magkadikit sa isa’t isa. Ako ang naiinitan sa suot niyang long sleeves na bakas na bakas ang pagkabaskil, short for basang kili-kili, na nagmamantsa na sa damit niya. Turn off! Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na sabihin sa kaniya ang nasa loob-loob ko. "| don't think this is going to work." nangingilid ang aking mga luha nang sinabi ko sa kanya. "| will make it work. Let's use tripod instead," sabay tugon niya sa akin. "I'm not talking about the selfie. This is about you and me. Our relationship. | don't think it's going to work," sabay sabi ko sa kanya habang tuluyan nang pumatak ang aking mga luha. "Is it because I'm too smart for your puny little mind?" Wow! Nang-insulto pa ang gago! "It's not you, Dexter. The problem is me," nagtitimpi kong sabi habang mariing nakasara ang mga kamao ko sa gigil. “Of course, the problem is you! If you're worried because I'm too smart for you, then | will adjust myself to the level of your intelligence." Deym! Gano'n ba talaga ako katanga sa paningin niya? "It's not that! I'm not that stupid you know!" sabay hirit ko sa kanya. Nag-English na rin ako para maka-level kami kahit papaano. "| highly doubt that!" pailing-iling pa siya nang sinabi niya ‘yon. Nampowtah! Gusto ‘ata masaktan ng isang 'to! "| can't be with you anymore." ubusan ng English ‘to, ma-low blood man ako dahil sa nosebleed bahala na. "There is 10% chance of a stupid and smart couple ending up together. It's like one out of ten if you based it on statistics. We can be that one." Bahagyang nahilo ako sa explanation niya pero sige pa rin siya. "There are 106,647,487 people in the Philippines and out of the—" Pinigilan ko na siyang magsalita at feeling ko ay magko-collapse na ako sa dami ng numbers na naririnig ko. "Lcan't be with you dahil ayaw ko pang mamatay!" mariin kong sambit sa kanya. Chapter 1: Where it all Begins 3/7 "Tell me. What is the real reason why you want to break up with me?" seryosong tanong niya. "Allergic ako sa Math!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinutok ko ang camera sa mukha ko at solo akong nag-selfie. Sayang naman ang view kung hindi ako makapagpa-picture. Nag-post ako sa social media na may caption na #waterfallsinpalawan #brokenheartedgirl. After ko mag-selfie ay nagwalk out ako. He was calling my name but I never looked back. The last thing | said to him was... "It's over!" Present time. Sariwa pa sa aking alaala ang lahat nang nangyari. “Bakit ba kasi ang bilis kong sumuko? Tinadtad lang ako ng Math at English ay umayaw na ako agad.” pigil ang luha ko habang nakatayo sa labas ng mall sa Cubao at namimigay ng flyers. “Beshie, bakit kasi pinatulan mo si Dexter? Marami namang iba d’yan,” tanong ng best friend ko na si Paloma. College pa lang kami ay magkaibigan na kami ni Paloma. Siya rin ang tumulong sa akin para makapasok sa pinagtatrabahuhan ko ngayong agency as promo girl simula nang mahinto ako sa pag-aaral. Nawalan kasi ng trabaho si Tatay kaya napilitan akong mag-stop sa college at nag-decide na magtrabaho na lang muna para mapag-aral ko ang kapatid ko nasi Elly at para may pambayad na rin sa mga gastusin sa bahay. Si Paloma ay maganda at kutis labanos. Palibhasa ay may lahing Kastila kaya mestiza. Kung anong laki ng boobs niya ay siyang liit naman ng utak niya. Sayang ang ganda niya. Kinulang lang sa talino. Pero kahit na ganoon ay super bait niya sa akin. Samantalang ako... hindi naman ako pangit. Sakto lang. Maganda naman ako. Depende nga lang sa anggulo. Hindi rin ako maputi. Pero ang maipagmamalaki ko ay pantay naman ang kulay ng singit, tuhod, siko, batok, at kuyukot ko. Hindi ako matangkad pero hindi rin pandak. Hindi payat or mataba. Well-proportioned din ang pangangatawan. Isa lang din siguro ang pinagkaiba ko sa ibang mga babae. Malakas ang aking kompiyansa sa sarili. Kung sa mayaman, ang tawag nila ay confidence. Sa aming mga dukha, ang tawag dito ay kapal ng mukha. Sadya lang sigurong malakas ang dating ko lalo nasa mga weirdong lalaki na parang may kung anong magnet na mabilis Chapter 1: Where it all Begins 4/7 silang ma-attract sa akin. Kaya siguro lahat ng relasyon ko ay hindi tumatagal lalo na ‘pag lumabas na ang tunay nilang sapak. May kanya-kanyang saltik sa ulo ang mga lalaking nagdaan sa aking buhay. “Hindi ko alam, Beshie, kung bakit sinagot ko si Dexter. Matalino kasi siya noong una kaming nagkakilala kaya masyado akong na-impress sa kanya.” “Beshie naman. Buti sana kung guwapo, eh. Muntik ko nang mapagkamalang airport ang noo no’n sa lapad,” nangingiting sambit ni Paloma. Halatang pinagagaan niya ang loob ko. “Matalino kasi siya kaya malapad noo niya. Ano ka ba? Isa pa, naisip ko kasi na if ever magkatuluyan kami ay gusto ko sanang magmana ang magiging anak namin sa katalinuhan niya. Para ‘di sila matulad sa akin na ganito, undergrad kasi walang pang tuition at hindi rin makakuha ng scholarship kasi hindi masyadong matalino.” “Ay, basta, Beshie. Sa susunod na mag-boyfriend ka ay do’n nasa pogi para naman manghinayang ka makipag-break kahit may sapak pa sa utak.” In fairness, may point ang Beshie ko. “Basta, ako kay Dynamite lang ang puso ko,’ kinikilig na sabi ni Paloma. Si Dynamite, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang tunay niyang name. Palibhasa’y iyon ang tawag ng lahat ng mga babae sa kanya. Siya ang nagpasok kay Paloma sa agency noong college pa kami. Dito rin kasi siya nagtatrabaho as promo boy, simula nang umalis siya sa Casino as bar tender. Mabait si Dynamite, guwapo at matipuno ang pangangatawan. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit Dynamite ang nickname niya. May kinakalaman ba ito sa kanyang ano? Kuwan ‘yong ano? Kung ano man iyon ay si Paloma na ang bahalang tumuklas at hindi kami talo. “Beshie, need ko ng pera para makaipon ng pambayad kay Don Paks. Ang laki kasi ng utang ko sa kanya. Baka kung ano’ng gawin sa akin no’n ‘pag hindi ako makabayad. Wala ka na bang alam na puwede pagkakitaan aside dito? Liit kasi ng kita sa pag-promo girl, eh.” Sa totoo lang, hindi ako sure if si Don Paks nga ang responsible sa nangyari sa akin sa hotel. Kaya hindi ko puwedeng Chapter 1: Where it all Begins 5/7 talikuran ang pagkakautang ko sa kanya. About sa singsing, balak ko sana isangla iyon pero sa sobrang trapik that time ay hindi na ako umabot sa sanglaan. Isa pa, nagdadalawang-isip din akong isangla iyon. Ang singsing lang ang clue ko para malaman ang nangyari sa akin ng gabing iyon at para matuklasan kung sino ang totoong nagmamay-ari noon. “Beshie, sorry. Pero sa ngayon, wala pa akong alam na ibang puwede pasukan. Tatanungin ko si Dynamite ‘pag nagkita kami. Malamang busy na naman iyon sa mga chicks niya,” may halong pagseselos na sinabi ni Paloma. Hapon na at paubos na ang flyers na pinamimigay namin sa mga nagdadaan na tao sa Cubao nang may lumapit sa amin na isang babaeng naka-corporate attire. Sa tingin ko ay halos kasing-edad ko lang siya, maamo at wala kahit isang pores ang makikita sa kaniyang mukha. Sa kanyang tayo at kilos, halatang sosyal at may pinag-aralan. Umaalingasaw rin siya sa bango. “Miss, matagal na ba kayong nagpo-promo girl?” tanong niya sa amin ni Paloma. “Ay, opo. Mag-iisang taon na rin po,” magalang kong tugon. “May bagong product kasi kaming ilo-launch at need namin ng mga modelo. Interesado ba kayo mag-apply?” nakangiting sabi ng babae. “Ay, opo naman. Kahit ano pa ‘yang produkto n’yo ay interesado po kami!” masayang tugon ko, ‘pag nga naman sinusuwerte ka. Inabot niya sa amin ang business card at sinabi na may screening at interview kami bukas ng umaga. Hindi naman ako nag-alinlangan pa at kinuha ko agad ang business card. Madrigal Group of Companies” ang nakalagay sa business card. Nagpaalam na ako kay Paloma na uuwi nang maaga para paghandaan ang interview ko kinabukasan. Kinabukasan... Early birds eat early breakfast. Maaga pa lang 'andoon na ako sa location kung saan ang interview. Kasama ko sana si Paloma na mag-apply kaya lang bigla siyang nag-back out. Ayaw niyang mahiwalay sa crush niyang si Dynamite. "Paksyet! Napaaga ‘ata ako nang sobra. Bakit wala kahit isang aplikante ang nandito?" Nilibot ko ang buong floor ng Chapter 1: Where it all Begins 6/7 building, pero wala masyadong tao except 'yong mga empleyado na postura kung manamit. Sinuri ko nang mabuti ang address sa business card at tama naman ito kaya dumiretso na ako sa reception para sa interview ko. "Good morning! How can | help you?" tanong ng receptionist. In fairness, maganda siya at may pagkasosyal. "Good morning! I'm looking for Mr. Corpse!" malugod kong tugon sa kanya. Kumunot ang noo ng babae sabay sabi." Mr. Corpus, you mean?" Nanlaki ang mga mata ko at binasa ulit ang nakalagay sa business card. Ay, 00 nga. Mali ang basa ko. "Y-yes. Mr. Corpus." deym wrong move ako. Baka ma-bad shot agad ako nito hindi pa man nagsisimula ang interview. "Right this way, Miss...?" sabay tingin niya sa akin. "Perpetua Balentina Cagatin po! PB na lang po for short," nakangiti kong tugon. Napangiwi naman siya. Tinungo na namin ang mahabang hallway papunta sa opisina ni Mr. Corpus. Nang matunton namin iyon ay pinapasok na ako ng receptionist sa loob. Nandoon naghihintay ang taong mag-iinterview sa ‘kin, nakaupo sa swivel chair na nakatalikod sa akin. Mistulang pinanonood niya ang magandang tanawin mula sa malaking glass window at nang humarap siya sa akin ay... Paksyet! Bangkay nga! Matanda na at payat si Mr. Corpus. Parang naagnas na rin ang balat niya. Siguro ay dahil sa sobrang dry ng skin niya at mukhang ang isang paa nito ay nasa hukay na. "G-good morning, Sir!" bati ko sa kanya. "Ms. Cagatin, do you have your resume with you?" wala siyang sinayang na sandali. Mukhang nagmamadali siya na matapos ang interview. Hindi kaya dahil papanaw na siya? Huwag naman sana. "Ito po, Sir." agad kong iniabot sa kanya ang resume ko. "Gaano ka na katagal na promo girl?" tanong niya sa akin. "Mag-iisang taon na po, Sir." mabilis kong sagot. "Ano naman ang mga nai-promo mo na?" tanong niya ulit sa ‘kin sabay ubo nang malakas. Chapter 1: Where it all Begins T/T Sa gulat ko ay bigla akong napasagot. "Kabaong po! Kung gusto niyo ay ako na rin ang magmi-makeup sa inyo." Yay! Bakit ko ba nasabi iyon? Napakunot-noo ang matanda. "May promo po kasi kami dati na kabaong. Buy one take one. May libreng makeup na rin po noong time na ‘yon. Kung bibili ka ng para sa 'yo, may libreng isa. Puwede ka pa magsama ng ka-berks mo." pilit akong ngumiti sa kanya at napangiwi naman siya. "Ano pa ang mga nai-promo mo?" seryoso niya ulit na tanong. "Arinola po!" mabilis kong sagot. "Ano pa?" mabilis niyang tanong. "Kaserola po!" "Ano pa?" "Thumb tax po!" "Ano pa?" "Bakya po!" "Ano pa?" "Hanger po!" "Ano pa?" "Uling po!" Tumagal ang Q &A namin nang fifteen minutes hanggang sa napagod na rin ‘ata siyang magtanong at medyo hinihingal pa niyang sinabi na... "Okay, you're hired!" ang sabi ni Mr. Corpus pagkatapos nang mahabang interview. "Talaga po? Maraming salamat po!" excited kong sagot. "Ano nga po pala ang product na imo-model ko?" curious kong tanong. Nake DS I € m. Chapter 2: A New Beginning 1/4 Chapter 2: A New Beginning Ang buong akala ko ay children's toy ang product ng company na inaplayan ko. Nakasulat kasi sa reception area na nasa signage na "Happy Meal" kaya akala ko ay pambata ang mga produkto. Pero nang balikan ko ulit iyon at alisin ang halaman na nakatakip sa dulo ng signage ay ‘Happy Men’ pala ang pangalan ng company. s*x toys pala ang kadalasan na produkto nila. Ayos lang. Malaki naman ang offer nila. Saktong-sakto at may pambayad na ako kay Don Paks. Wala akong gagawin kung hindi magpakuha ng larawan hawak ang iba't ibang klase ng c****m In fairness ay ngayon ko lang natuklasan ang iba't ibang klase ng c****m. May glow in the dark, may neon colors, may spikes, may super thin, may fit all sizes at may iba't ibang klaseng flavor din. Napag-isip-isip ko tuloy kung nalalasahan ba ng keps iyon? Bakit kailangang may flavor pa? Wala akong masyadong alam dito since wala naman akong karanasan sa mga ganitong bagay. Ang mahalaga ay ang sahod na makukuha ko. Bukod sa may pambayad na ako sa utang at expenses sa bahay ay may pang tuition na rin ang bunso kong kapatid na si Elly, short for Eliseo. First day ng work ko ngayon at siyempre ay ready na ako para sa photo shoot ka. Agad akong nagtungo sa dressing room para magpa-makeup. Feeling bigatin ang lola mo. May sarili akong makeup artist at sariling dressing room. Sobrang feel na feel ko ang moment na ito. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang maging importanteng tao. After kong magpa-makeup ay dumating naman ang hair stylist ko at ang designer ng damit. Sobrang sexy at kipot ng damit na gusto nilang ipasuot sa akin pero hindi naman malaswa. Bahagyang humubog ang aking katawan sa black dress na suot ko na three inches below the knee. May slit ito na hanggang itaas ng hita na halos umabot na sa baywang. Nagtataka naman ako. Bakit kailangang ganoon pa ang suot ko, eh half body lang naman ang kukuhanan sa ‘kin. Backless pa Chapter 2: A New Beginning 2/4 ito, eh hindi naman ako nakatalikod sa picture. Anyway, hinayaan ko na lang at bagay naman sa akin ang sleeveless na plunging black dress na suot ko. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mag-selfie. Sabay nag-post ako sa social media na may caption na #imsexyandiknowit #feelingblessed #firstdayofwork. Habang nagse-selfie ako ay naalala ko na naman ang ex-bf ko nasi Dexter kung paano niya tinuro sa akin ang proper way ng pagse-selfie. Kahit papaano ay may natutunan ako sa lalaking iyon. Sa kalagitnaan ng photo shoot namin ay biglang tumigil ang lahat at napatayo ang mga nakaupo. Pati ako ay napatayo na rin kahit hindi ko alam ang dahilan. Biglang bumulong ang photographer at sinabi na dumating ang CEO at may-ari ng company na Happy Men. Kaya pala bigla silang huminto sa kung ano man ang ginagawa nila at sabay-sabay silang bumati sa lalaking paparating. Ang lahat ay nakaantabay sa pagdating ng CEO. Mabigat ang mga yapak ng paa na papalapit sa kinaroroonan ko na animo’y slow motion kung maglakad. Naalala ko tuloy ang palabas na Baywatch dahil habang naglalakad siya ay hinahangin pa ang kanyang malago at malambot na buhok. Hindi ko akalain na bata pa pala ang boss namin. Ang nasa isip ko ay katulad din siya ni Mr. Corpus na matanda na at mukhang manyakis. Pero ang isang 'to, mukhang dalawa hanggang tatlong taon lang ang tanda sa akin. May pagka-mestizo siya. Mamula-mula ang kaniyang pisngi. At kahit na kaswal lang ang suot niyang damit ay halata naman itong mamahalin. Dumiretso siya sa photographer at tiningnan ang mga larawan na kinunan nito habang ako ay tulala pa ring nakatingin sa kanyang matipunong pangangatawan. Guwapo ang kanyang mukha, matangos ang ilong, mapupula ang kanyang labi at higit sa lahat ay matambok ang puwet. Matambok ang puwet? Syet! Bahagya kasi siyang tumuwad nang tiningnan niya ang larawan mula sa camera ng photographer. Biglang nag-init ang aking mukha at namula ang mga pisngi nang mapansin kong nakatingin na pala siya sa akin habang pinagmamasdan ko ang kanyang likuran. Bakit kasi ang bilog ng kanyang puwet? Lumapit siya sa akin. At habang nakatitig sa Chapter 2: A New Beginning 3/4 aking mga mata ay halos matunaw ako sa kanyang mga titig. Ang ganda kasi ng mga mata niya lalo na ang mahabang pilik-mata. Hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala niya sa akin ay halos magdikit na ang aming mga mukha. Sa gulat ko ay bigla akong napaatras palayo sa kanya at hindi inaasahang mawalan ng balanse ang aking katawan. Pero bago pa ako tuluyang mahulog ay nahawakan na niya agad ang aking baywang sabay nagsalita sa akin. "Sa susunod ay tingnan mo ang inaapakan mo para hindi ka mahulog." Paksyet. Suplado pala ito. Ano’ng magagawa ko? 'Eto na nga at nahulog na ako sa kanya. Ayiiieee! Landi much! Pero siyempre hindi ako nagpahalata at bumuwelta naman agad ako. "Sa susunod ay huwag kang masyado lumapit kung hindi ka naman hahalik." Ay! Bakit ba iyon ang nasabi ko? Biglang kumunot ang noo niya. "Excuse me? What did you just say?" Guwapo ka sana, bingi nga lang. "Ang ibig kong sabihin, Sir. Huwag po kayong masyadong lumapit. Shy type po talaga ako." "| see." sabay bitaw niya sa baywang ko. "I'm Bernard Madrigal, the CEO and owner of this company," pakilala niya sa akin. "I'm PB Cagatin," tugon ko sa kanya. "So, you're the model of our new product?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Y-yes, Sir," tumango ako sa kanya. Tumalikod na siya sa akin at muling tumambad na naman sa aking harapan ang kanyang matambok na puwet. Hindi ko namalayan na natapik ko pala iyon na parang may sariling buhay ang aking mga kamay na kahit ako ay nagulat sa nagawa ko. Bigla siyang lumingon sa akin na may halong pagtataka. "M-may dumi po sa pantalon ninyo, Sir. Metikulosa lang po ako kaya bigla kong tinanggal." kung gaano kabilis ang aking kamay ay ganoon din kabilis ang utak kong gumawa nang palusot. Sa totoo lang, sa lahat ng inexperienced ay ako ang maharot! Bago pa siya tuluyang umalis ng studio ay muli niya akong Chapter 2: A New Beginning 4/4 binalikan at sinabi na. "Miss Cagatin, as our model, | need you to come with me tomorrow at the launching of our new product," seryoso niyang sabi sa akin. "Yes, Sir!" mabilis kong sagot. "Sir, saan po pala tayo pupunta bukas?" bigla kong tanong para mapaghandaan ko. Baka kasi malayo. "Hotel Le Madrigal." pagkasabi nito ay bigla siyang tumalikod at naglakad papalayo. "Paksyet! Of all places, bakit doon pa?" Chapter 3: Status: Complicated 1/6 Chapter 3: Status: Complicated Kinabukasan ay parang sinisilihan ang puwet ko. Pabalik-balik ako nang lakad at hindi mapakali habang nasa harap ako ng hotel. Bakit ba kasi dito pa gaganapin ang launching ng product namin? Puwede namang sa ibang hotel. Marami namang hotel sa Pilipinas pero bakit dito? Kung saan naganap ang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala? Siguro nga ay kapalaran ko talaga na bumalik dito para once and for all ay matuklasan ko na kung ano talaga ang nangyari sa gabing iyon. Papasok na sana ako ng Hotel Le Madrigal nang bigla kong nakita si Mr. Bernard na lumabas sa kanyang Bently GT. Biglang kumabog ang aking dibdib nang makita ko siya kaya naman nagmadali akong pumasok sa hotel para hindi niya ako mapansin. Pero huli na ang lahat dahil bigla niya akong tinawag. "Miss Cagatin!" lumingon ako sa kanya at ngumiti nang bahagya. "Good morning, Sir!" tumungo ako, pagbati ko. "Where is your luggage?" sabay tingin niya sa akin. "Luggage?" pagtataka kong tanong. "Did | not tell you that we will be staying here for three days?" nanlaki ang mga mata ko. Wala akong ma-recall na may nabanggit siya na tatlong araw kaming mag-stay sa hotel. "Sir, wala po. Kung gusto mo ay uuwi ako para mag-impake?" paalis na sana ako nang bigla niya hinawakan ang braso ko. "No need." kinuha niya ang kanyang cellphone at itinapat sa akin para kuhanan ako ng larawan. Nag-dial siya ng number at may kinausap sa kabilang linya. "| need you to bring clothes for her. | will send you her picture." ibinaba niya ang kanyang telepono at ibinalik sa bulsa ng kanyang pantalon. "Let’s get inside, shall we?" "Y-yes, Sir!" bigla akong na-impress sa kanya. Ganoon lang niya kabilis sulusyonan ang problema. Iba talaga ‘pag mapera. Patawag-tawag na lang. Pumasok na kami sa loob ng hotel. Naka-reserved pala ang Chapter 3: Status: Complicated 2/6 buong floor para sa event. Sobrang dami ng guests na nanggaling pasa iba't ibang parte ng mundo. May iba't ibang lahi na nandoon na patunay lang na maraming manyak talaga sa mundo. Akalain mo na ganoon kabigat ang event para lang sa launching ng ct? "Miss Cagatin, here is the keycard to your room. Get yourself ready for the event and | will meet you at the hall later this afternoon." pagkaabot niya sa akin ng card ay umalis na siya patungo sa sarili niyang kuwarto. Ako naman ay pumunta na sa aking hotel room. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang napakalaki at napakagandang kuwarto. Halatang sosyalin ang laki ng kama. Mayroon pang malaking balcony na may napakagandang view. Matatanaw ang isang malawak na hardin mula sa bintana na punong-puno ng iba’t ibang klase ng bulaklak. Masakit lang sa mata ang mga magkasintahan na naghaharutan at naglalampungan sa mga benches sa gitna ng hardin. Ang sarap pagtitiradurin. Bitter ba? Hindi naman, slight lang. Balik tayo sa kuwarto ko. May sarili rin itong entertainment area na may malaking flat screen TV at sound system. Mayroon ding living room at mini bar. Higit sa lahat, ang banyo ay may Jacuzzi at steam sa loob ng shower. Oh ‘di ba bongga? Doble ang laki nito sa buong bahay namin. Mayamaya pa ay may biglang nag-doorbell. Pagbukas ko ay may isang babaeng nagpasok ng iba't ibang damit. May sapatos, bag at accessories din na ka-partner ang bawat dress. Ganito pala ang feeling ng mayayaman. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang na-experience ang marangyang buhay. Excited kong isinukat ang bawat damit, sapatos at accessories. Sakto sa ‘kin ang lahat ng damit. Ang ganda ring tingnan sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isusuot ko sa event. Pero ang napili ko sa lahat ng damit ay iyong color white, sheer dress. Feeling dyosa lang at medyo pa-innocent look. Like a virgin pero sexy pa rin ang dating kasi mababakas ang hubog ng katawan sa bagsak nang lapat ng damit. See-through ito kaya kita pati kaluluwa ko sa damit na ito. Buti na lang at maganda ang underwear na gamit ko. Bagong bili ko talaga para lang sa event naito. As usual, 'andoon ang make-up artist at hair stylist ko para ayusan ako. Nang matapos na ay bumaba na ako sa hall kung Chapter 3: Status: Complicated 3/6 saan 'andoon lahat ng panauhin ng event. Nakakapagtaka. Bakit kaya wala roon si Mr. Bernard? Bumulong sa akin ang event organizer at sinabi na hindi pa rin dumarating ang CEO. "Alam mo ba kung nasaan ang CEO? Kasi kanina pa namin siya hinahanap. Hindi rin siya sumasagot sa tawag," pag-aalalang sabi ng event organizer. Basang-basa siya ng pawis. Halatang kanina pa siya nag-iikot sa buong hall para asikasuhin ang mga panauhin. Halos matunaw na lahat ng taba niya sa katawan sa sobrang pagmamantika. Palibhasa’y may katabaan ang kanyang pangangatawan. Sigurado ako na bago matapos ang event ay seksi na siya. "Huh? Hindi, eh. Kararating ko lang. Usapan namin magkikita na lang dito sa hall. Baka nasa room pa siya nag-aayos," mahinahon kong tugon. "Miss Cagatin, puwede mo bang alamin kung ‘andoon pa siya sa kuwarto niya?" "Teka... Ako? Bakit ako?" "Medyo mainitin kasi ang ulo niya. Baka biglang magalit?" "Eh, paano kung sa akin naman magalit?" "Sa tingin ko ay mas okay kung ikaw," at saka sinabi kung nasaan ang CEQ. Nasa penthouse pala siya. Wala na akong nagawa kung hindi ay sundin siya. Habang papalapit ako sa kuwarto sa loob ng bonggang penthouse ng CEO ay mas lalo akong kinakabahan. Grabe, parang art gallery ang mga dingding sa hallway na may mga nakasabit na paintings na ang gaganda at for sure ay mamahalin. Napakaaliwalas at napakalinis. Mabango pa ito na parang may hint ng jasmine. Buhay mayayaman nga naman. Huminga muna ako nang malalim bago nag-doorbell pero walang sumagot. Paalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Bahagya akong sumilip sa pinto at bigla kong narinig ang boses niya. "Miss Cagatin, you may enter." Nagulat ako pero agad pa rin akong sumunod at mabilis na pumasok sa kuwarto. "Sir, kanina pa kayo hinahanap ng event organizer. Magsisimula na raw ang event," kinakabahan kong sabi. "Do you know how to put this on?" nakatingin siya sa ‘kin

You might also like