You are on page 1of 1

“Bistida”

By: Earl Gem Llesis

Sa kalye ng divisoria, matatagpuan ang masayahing si Nena na ubod ng ganda. Ang mga kalalakihan ay
nagkakagusto sa kanya at ang mga kababaihan ay naiingit sa kanya.

Makinis na balat at mapungay na mata, ganito makikita ang katawan ni Nena.

Sumapit ang gabi at aking nakita, si Nena na naglalakad sa kalye ng divisoria.

Aking tinanong kung sya'y kamusta na, ang sagot nya ay may halong takot at pangamba.

Ramdam ko ang lumbay sa boses ni Nena na pinipigil ang luha sa bawat salita. Ako ay nagtataka kung
napano siya, ngunit sya'y dali-daling umalis papuntang eskinita.

Gusto kong abutin ang mga kamay ni Nena, ngunit dumating ang kanyang relihiyosong ama na tila ay may
galit sa mga mata.

Ako'y lumisan habang nagtataka kung bakit malumbay ang masiyahing Nena.

Kinabukasan ay may nagsigawang mga ale malapit sa ilog ng divisoria. Kapulisan ay nagtataka at ang mga
tao ay may pangamba. Ako ay may nakita, sa ilog ng divisoria, katawan ng lalaki puno ng sugat at dugo
katabi ng bistida na madami ang nakakakilala.

Mula noon ay di na nasilayan ang ganda na nagpapasaya sa kalye ng divisoria, dahil kumupas na ang mga
ligaya sa mga ngiti ng masayahing Nena.

You might also like