You are on page 1of 9

ISKRIP NG KALYESERYE (Kalyeserye 368: Heart Locket)

EDISYON – NOV. 10, 2016


Tagpuan:
Mga Tauhan:
Maine Mendoza bilang Maine
Alden Richards bilang Alden
Jose Manalo bilang Lola Tinidora
Wally Bayola bilang Lola Nidora

Eksena I

Maine: Hayan! Sabi ko naman sayo okay lang ako diba? (hawak hawak
yung kamay ni Alden) sabi ng doctor wala na tayong masyadong ipag-
alala.
Alden: Hindi kasi baka mahilo ka na naman eh! (sabay hawak sa likod
ni Maine)
Maine: (psshh!) Okay na ako Alden, okay na ako, medyo sumasakit yung
ulo ko ng konti tsaka konting hilo pero okay na ako.
Alden: (inaalalayan) si Maine na umupo Sure ka? Upo ka muna.
Maine: (nakaupo) Thank you! Salamat! Ba’t ba tayo nandito Alden?
(sabay tingin kay Alden)
Alden: Hayan oh! (tinuturo yung pagkain sa lamesa)
Maine: Wala ba tayong pagkain sa bahay? Bakit?
Alden: Hindi! Ano ka ba! Naisip ko lang kasi na ilabas ka muna kasi
masyado ka ng nasu-suffocate naiilang sa bahay natin. Hindi ibig
sabihin na mag asawa na diba hindi na pwedeng lumabas sabay upo
hindi na pwedeng suyu-suyuin diba? (sabay tulak kay Maine sa
balikat)
Maine: Oo naman! Talagang naisip mo pa yan, may pasurprise surprise
ka ha.
Alden: Surprise!!! taran!!!
Maine: Wow! (sabay hawak sa dibdib) omg!
Alden: Surprise! taran!
Maine: Thank you! Salamat Alden! (hawak hawak yung kamay ni Alden)
Alden: You’re welcome walang ano man

1
Maine: Sweet! sweet mo naman. Sweet! sweet naman ni Mr. Richards
pero alam ba nila Lola ‘to (sabay tatayo si Alden papuntang sa
kaniyang upuan)
Alden: Huwag kang mag alala, nagpaalam ako. Nasabi ko naman sa
kanila eh.
Maine: Baka mamaya hindi na naman nila alam (sabay kamot sa leeg)
Alden: (paupo) Syempre baka magfreak out matatakot na naman yun oh
ha!
Maine: Wow ha! Ano ‘to?
Alden: Sandali! May naalala pala ako
Maine: Ano iyon?
Alden: May papasuot ako sa iyo. Naalala mo eto yung, naglilinis kasi
ako sa bahay tapos nakita ko ‘to.
Maine: Oh!
Alden: Naalala ko eto yung niregalo ko sa iyo noong second monthsary
natin, (tumayo at pumunta kay Maine.)
Maine: Second monthsary? Naalala mo pa iyon?
Alden: Heto siya.
Maine: (hinahawakan yung regalo)
Alden: (nagdu-dubmash)
Maine: Ano ‘yon?
Alden: Heto oh! Ha!
Maine: Ayyy! Hoy! (sabay hawak yung kwintas)
Alden: (lumayo) Naalala mo ‘yan?
Maine: Oo naman. (habang tinitignan ‘yong kwintas)
Alden: Pero!
Maine: (tinuturo si Alden) buti nakita mo pa.
Alden: Pero! May binago akong konti kasi naalala mo diba yung
picture *larawan* nating dalawa ito.
Maine: Uhm!
Alden: Na magkahiwalay.
Maine: (tumango) oo!
Alden: Tignan mo ginawa ko habang binubuksan yung (kwintas na may
larawan) parang nagsplits-screen nasira dati. Ngayon!
Maine: Wow! (nakabukas na yung kwintas na may larawan silang dalawa)
ang sweet mo naman.

2
Alden: Together eternally tayo hanggang dulo nagtititigan sila ni
Maine.
Maine: (tumatawa) Don’t push yet! ’wag pa munang pilitin!
Alden: Don’t push yet! ’wag pa munang pilitin! (tumawatawa)
Maine: Thank you! Salamat! ang sweet mo naman.
Alden: Heto! Suot mo ha. Heto heto ‘to.
Maine: Ikaw na magsuot sa akin Alden, (sabay talikod)
Alden: Okay! Okay! (inaayos yung kwintas)
Maine: Salamat. Naku! buti nakita mo iyan sa mga gamit natin sa
bahay.
Alden: Oo, sa dami kasi diba yung nakukuha natin, isinegregate
pinaghiwahiwalay ko (inaayos yung kwintas)
Maine: Uhm!
Alden: (nilalagay yung kwintas sa leeg kay Maine)
Maine: Aray! (hinawakan yung tenga)
Alden: So-sorry! Sorry! Patawad! sumabit
Maine: (tumingin kay Alden) sumabit sa hikaw.
Alden: (inaayos yung buhok ni Maine)
Maine: (tumatawa)
Alden: Si lola naalala mo dati, galit nag alit ‘pag nagliligawan
tayo.
Maine: Tama, pero. (sabay tingin kay Alden)
Alden: (pumuntang upuan) ang init ng dugo ni lola sa akin noon eh.
Maine: Teka lang Alden, nakit mo naman love na love *mahal na mahal*
ka na niya.
Alden: (nakaupo) Sobra, ramdam na ramdam ko naman yun tsaka ang
swerte ko kasi tinanggap ako ng pamilya mo. (nagtitinginan sila ni
Maine)
Maine: Oo naman, Alden. Ay! Si lola ng pala dapat sabihin natin na
nandito tayo, sinabi mo ba?
Alden: Ay! Hindi nagpaalam ako, don’t worry wag kang mag alala.
Maine: Sure sigurado ka ha?
Alden: Oo, alam mo naman ‘iyong si lola magagalit na naman ‘yon.
Maine: Baka magalit si lola.
Alden: (nakatingin kay Maine)

3
Maine: ‘Pag nagalit iyon sa atin. Ay naku, Alden! Ikaw bahala (sabay
kinuha yung sabaw)
Alden: Hindi! Hindi! Hindi! Nagpaalam ako.
Maine: Nasaan? Kain na nga tayo.
Alden: (inaayos ‘yong pagkain) Kain na tayo iyong mga favorite
*paborito* pinag… hinahanap mo palagi iyan, sinigang at mangga.
Maine at Alden: Ay! Si lola.

Eksena II

Lola Nidora: (pinapatulog ‘yong bata)


Maine: Ayan na si lola.
Alden: Lola!
Maine: Lola! Lola! Ano po ‘yong
Lola Nidora: Ay! Apo! Kumusta na pakiramdam mo?
Alden: Lola!
Maine: Lola! Lola okay ayos na po ako, medyo konting sakit nalang po
sa ulo (hinahawakan ‘yong ulo) pero ayos na po ako.
Alden: Opo! Sabi lang po ng doctor manggagamot lola kailangan lang
po ni Maine ng pahinga po.
Lola Nidora: Maine! (habang pinapatulog ‘yong bata)
Maine: Lola.
Lola Nidora: Gusto mo pa ba ng manggang hilaw at bagoong?
Maine: Lola meron po kami dito ngayon (sabay turo sa nasa lamesa
nila Maine) naghanda po si Alden po.
Alden: (itinaas ‘yung pinggan)
Lola Nidora: naghanda pa talaga yang ano mo! Alam niyo maganda iyang
ideya ninyo na nagdate lumabas kayo.
Lola Tidora: Alden, pakainin mo muna yang asawa mo! (nakaupo na
pinapa-alalahanan si Alden)
Alden: Sige po, opo lola.
Lola Tidora: Eh, maaga kayong umalis kanina baka mamaya nagugutom
yan. Hay naku! Alam mo naman ‘yang babae na iyan sa kaligayahan
niyan. Maine dapat hindi ka malipasan ng gutom.
Maine: Opo lola, heto na po! Si Alden naman po eh alagang alaga
naman po ako dito.

4
Alden: (binibigay yung mangkok)
Lola Nidora: May makakain pa ba kayo diyan?
Alden: Meron po lola, may sinigang po, may manggang hilaw, may asin
tsaka bagoong po.
Maine: Asin, asin talaga (inaayos yung pagkain) asin ulam natin
Alden: Lola! Ay lola! Literal talaga. Kayo po lola kumain na?
Maine: (kinakamot yung leeg)
Lola Tidora: Kami pa tatanongin niyo? Chineck *siniyasat* naming
iyong ref ninyo, (sabay tawa) walang laman.
Alden: Lola, pasensya na po kasi hindi po.
Lola Tidora: Pero may tubig, kaya lang hindi nakasaksak yung ref so
*kaya* mainit pa rin.
Alden: Sorry patawad po lola, hindi na po nakapamalengke eh (sabay
kamot yung ulo)
Maine: Alden naman eh!
Lola Tinidora: Okay ayos lang, sanay kami na palipat lipat kayo ng
bahay eh.
Alden: Oo nga po lola eh, everyday araw-araw po ‘yun.
Lola Nidora: Tidora! ‘wag na mainit yung ulo mo diyan (habang
pinapatulog yung bata) mamaya kakain tayo sa labas, gusto mo isama
natin itong si baby santa (itinaas yung sanggol habang tinititigan)
Maine: (nakasimangot na nagtataka)
Lola Nidora: (hinagis pataas si baby santa)
Lola Tinidora: Alden!
Lola Nidora: Ano?! (sabay hagis si baby santa)
Maine: Lola!
Lola Tinidora: Wala ang mga Inday Henyo ngayon.
Lola Nidora: (umupo sa upuan) ewan ko ba sa mga ‘yon pero dibale
meron naman tayong parating na aplikante.
Lola Tinidora: Ate! Baka hindi naman marunong magluto ‘yan.
Lola Nidora: Anong hindi? Maganda at Beauty Queen.
Maine at Alden: (tinitignan sina Lola Nidora at Lola Tidora na nag
uusap)
Lola Tinidora: Ate, baka hindi marunong magluto ‘yan.
Lola Nidora: Hindi naman siya mag-aaply kung hindi siya marunong
tinidora.

5
Lola Tinidora: Eh! Baka naman, sabi mo Beauty Queen eh.
Alden: (tahimik)
Lola Nidora: Eh! Beauty Queen nga, bakit? pwede rin naman maging
Inday Henyo ang isang Beauty Queen.
Lola Tinidora: Hay naku! baka magselos ‘yong apo natin
Alden: (hindi umiimik)
Lola Tidora: Sabi mo Beauty Queen, magaling. Eh! Yung apo natin
Beauty lang.
Maine: Hindi lola.
Lola Nidora: No *hindi* aray! (sabay palo si baby santa) kumakagat
ka ah.
Maine: tumatawa Hindi naman po lola tsaka alam ko naman po na…
(tumatawa)
Lola Tinidora: (pinalo yung balikat ni lola nidora) Baka hindi
mabigay yung wish *kagustuhan* mo (tumatawa)
Lola Nidora: Kumakagat eh, nagulat lang ako (sabay halik kay baby
santa)
Maine: Hindi lola wala pong selos na mangyayari. Alam ko nman na
love na love *mahal na mahal* ako neto eh!(sabay hawak sa kamay ni
Alden) si Alden pero lola, ah gaano po ba kaganda ‘yong aplikante?
Lola?
Lola Nidora: Isa na yata sa pinakamagandang babae sa mundo.
Lola Tinidora: (kinakamot yung hita ni Lola Tinidora)
Maine: Ganun lola? (nakasimangot)
Alden: Naku! Lola, imposible po yang sinasabi niyo lola. Napaka-
imposible po dahil yung misis ko po ang pinakamagandang babae sa
mundo (sabay hawak sa kamay ni Maine)
Maine: (kinikilig)
Alden: (nagdudubmash) (you’re beautiful maganda ka)
Maine: Grabe!
Alden: (nagdudubmash) (you’re beautiful, it’s true maganda ka, totoo
‘yon)
Maine at Alden: (magkahawak kamay)
Maine: Hihihi! Thank you! salamat! (sabay ngiti na nakikilig)
Lola Tinidora: Ate!
Lola Nidora: Ano ba! (sabay tawa) Ano?
Lola Tinidora: Kailan ba darating ang mga aplikante mo?

6
Lola Nidora: Ano?!
Lola Tidora: Kailan darating ang mga aplikante?
Lola Nidora: Ano bang arawa ngayon?
Lola Tinidora: Webes
Lola Nidora: Webes?!
Lola Tinidora: Hindi Thursday webes
Lola Nidora: Ah! Hindi pa, sa sabado pa. Sa sabado pa darating ‘yong
mga ano, aplikante na Inday Henyo.
Lola Tinidora: Okay sige ate.
Lola Nidora: Sige, ikaw na nga ang mag alaga nito.
Lola Tinidora; Ha?!
Lola Nidora: Ikaw naman mag alaga.
Lola Tinidora: Kahit hindi mo alagaan (kinuha at hinagis si baby
santa) naglalakad nga mag isa at tumatalon pa nga.
Alden: Hoy! Hoy! Lola!
Maine: Lola naman, ingat kay santa.
Alden: Bakit? Ginawa mo?
Maine: Ay! Teka lang Alden, pwede ba akong magrequest humiling
Alden: Ng?
Maine: Gusto ko kasi ng bagoong na isda na may kaliskis.
Alden: Teka! Sandali! may kaliskis?
Maine: Oo, yung bagoong na may kaliskis.
Alden: Hindi ba masama, baka makasama sayo yan.
Maine: Hindi Alden, hanap ka!
Lola Tinidora: Meron yan.
Maine: Sa palengke.
Lola Tinidora: Pambihira yang ganyan, bagoong na may kaliskis.
Alden: Bagoong na may kaliskis.
Maine: Opo! (nagpapaawa kay Alden)
Lola Tinidora: Mahirap hanapin pero madaling hanapin yung bagoong na
may ano, kati-kati. Ayan, marami yan.
Maine: Eh!
Lola Nidora: Teka nga pala.
Maine: (inaayos yung buhok)

7
Lola Nidora: Ano bang sabi ng doctor manggagamot bakit daw bigla
kang hinimatay?
Lola Tinidora: Positive positibo ka na ba?
Lola Nidora: Anong positive positibo? (Tumayo at gulat na gulat)
Maine: Lola! Lola positive positibo nga po.
Lola Tinidora: (nagulat pero masaya)
Lola Nidora: nagulat at natameme
Alden: (nakangiti)
Lola Tinidora: Yehey! (tinaas ‘yong kanyang kamay)
Maine: Lola! Lola! Lola! (habang hinahawakan yung pisngi)
Lola Tinidora: Hindi na ‘yan ang hahawakan mo (sabay turo kay baby
santa na hawak hawak ni Lola Nidora)
Maine: Lola, positive positibo po na anemic po ako lola.
Lola Tinidora: Yeh! oo!
Maine: Dahil po kasi sa puyat po kasi si Alden kasi hilik ng hilik
(sabay kamot sa ulo)
Alden: Sorry! Sorry! patawad! patawad!
Maine: Hindi po ako makatulog lola
Lola Nidora: Ano? Ano? Pakiulit? (tumayo)
Maine: Positive positibo po na anemic po ako lola.
Lola Nidora: Ano?! gulat na gulat hindi pa ako magkaka-apo sa tuhod?
ha? (nahimatay)
Maine: Lola! hindi lola!
Maine: Lola, gising na! lola huwag po huwag na kayong malungkot lola
kasi may surpresa kami sa inyo ni Alden. Surpresa!
Lola Nidora: (nagising) Ano? Ano ang surpresa?!

(TOOT TOOT TOOT TOOOOOOOOOTT)

https://www.youtube.com/watch?v=7QeP5BSFJ8s

8
9

You might also like