You are on page 1of 2

Jessy Bañaga Setyembre 25, 2018

12 STEM B Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Buod ng “Sa Bagong Paraiso”


ni Efren Reyes Abueg

Napapanahon ang tatak ng kuwentong ito dahil tungkol ito sa mga pinagdadaanan ng mga
kabataan ng kasalukuyang lipunan. Tanging sa mga kaniya-kaniyang tahanan na tinuturing
nilang paggabay at patnubay ng mga magulang ng mga kabataan. Umuusbong ang pagiging
tigasin, kapusukan, makasariling ugali ng mga kabataan sa edad ng pag-usbong ng kanilang
pagiging buo. Ditto mailalathala ang mga kuwento nilang, di kanais nais o maski sila’y di nila
inaasahan. Bagama’t ang dami ng mga taong ibababa sila, ganoon din ang mga taong tutulong sa
kanila.
Ang kuwentong ito ay tungkol sa dalawang bata sina Ariel at Cleofe na nagsimula sa pagiging
walong taong gulang na ang persepyon sa mga paborito nilang mga lugar na puntahan ay
mundong matatawag nilang paraiso. Sa kanilang edad, maituturing itong pag-usbong ng makulay
at unang tapak nila sa mundo ng pagiging masaya at bata.
Kung merong pagbuo ng sarili, may aasahang pagbabago. Ang dalawa’y tatapak sa susunod na
yugto ng kanilang pagbibinata at pagdadalaga. Kasabay ng pagbabago ng kanilang kapaligiran,
sasabay na rin ang kanilang mga sariling desisyon at itsura. Kalaonan, lumayo ang kanilang
distansya sa isa’t isa, nagging mahirap na para sa kanila ang pumagitan sa pader na nabuo.
Nakitaan ng kanilang mga magulang na magbubunga ng kapahamakan ang kanilang koneksyon.
Kaya nila binigyang aksyon ang paglayuin ang dalawa. Tanging kinabukasan ng dalawa ang
pinapahalagahan ng kanilang mga magulang, hindi man lang malaman ng dalawa ang tunay na
hangarin nila sa kung bakit nila gustong maghiwalay silang dalawa.
Ang pagpapa-aral nila kay Cleofe sa siyudad ay ditto namuo ang hangarin nilang ipaglaban ang
kanilsng pagmamahalan. Nais nilang magkasama, binubulong sa tadhana na sana’y mapaglapit
sila at maging isa.
Ang minsang paraiso nilang itinuring, siya ring kulungan na nagtraydor sa kanilang hiram na
sandal, ninais sna nilang magkita ngunit ditto rin nila nasaksihan ang pagkawasak ng pader na
kanilang hindi ninais mabuo. Ang lupa kung saan nakatirik ang Malaya nilang paglalaro, puno
ng lamig ang sumalobong sa kanilang mga katawan.
Ngunit patuloy nilang sinunod ang tibok ng damdamin. Patuloy nila dinama ang isa’t isa.
Pinagtanto nilang sila’y Malaya na. Nagbunga ang kanilang pagsuway ng isang pang
pagkakamali.

You might also like