You are on page 1of 5

FLOW (MEETING)

*Call to Order*

Kristine (CEO): Magandang umaga sa lahat ng naririto. Ako si Bb. Silarde, ang pangunahing
nammumuno sa Kompanyang Lakapati. Ngayong araw, Nobyembre 30, ating tatalakayin ang
magiging preparasyon at layunin ng Kompanya ng Lakapati sa paggawa ng mga produktong
kakailanganin ngayong mayroon tayong kinahaharap na pandemya. Ang pagpupulong na ito ay
makatutulong upang maging handa ang lahat at manatiling ligtas sa panahong ito. Sa araw na
ito, mayroon tayong walong kasama upang matalakay ang nasabing layunin ng pulong. Ito ay
sina G. Sajol, ang pangalawang namumuno sa Kompanyang Lakapati, ang kalihim na si G.
Regodon, at ang mga pangunahing namumuno sa bawat departamento na sina Bb.Runez, Bb.
Tablada, Bb. Tenebro, G. Reyes at si G. Vega. Sa oras na ito, ating sisimulang ang pulong sa isang
panalangin na pangungunahan ni Bb. Tablada.

*Prayer – Crystelle*

*Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong – Krishaine*

*Pagsisimula ng Pagtalakay sa Agenda ng Pulong*

1. Mga produktong gagawin

Sajol (COO): Maganda umaga sa lahat, ako si G. Sajol, sa oras na ito aking sisimulan ang
pagpupulong sa pagtalakay ng mga produktong gagawin. Sa unang paksa na ito, aking
makakasama si Bb. Krishaine, ang pangunahing namumuno sa Departamento ng marketing
upang mas magkaroon ng kalinawan ang nasabing paksa.

Sajol: Ang mga produktong gagawin ngayong mayroon tayong kinahaharap na pandemya ay ang
sumusunod:

 FACE MASK
Sa kadahilanang ito ang pangunahing kailangan sa panahong ito. Dahil nga sa mga
protocol na ipinatupad ng ating gobyerno, hindi makakalabas ang isang indibidwal ng
kanilang bahay ng wala ito.
b
Krishaine (Marketing Dept): Ang pangalawang produkto naman ay ang:

 FACE SHIELD
Ito ang pangalawang gagawing produkto dahil hindi maaaring makapasok sa isang
establisyementoang isang indibidwal ng wala ang mga ito.

 Personal Protective Equipment (PPE)


Ito naman ang ikatlong ilalabas na produkto dahil may ibang kompanya lalo na sa mga
ospital na nanagagailangan na magsuot o gumamit nito. Ito ang ilan sa mga kailangan
ngayong pandemya. Isa rin itong paraan upang maiwasang kumalat pa ang virus.

*Discussion, Questions, Other Ideas (Adlib)*


*Pag-uusapan kung sino ang taong magsasagawa*

Sajol: Ayon sa napag-usapan, ang taong magsasagawa ay sina G. Vega at G. Reyes.

2. Mga kagamitang kakailanganin sa paggawa

Kharylle (Sponsorship Dept): Magandang umaga sa lahat. Ako ang namumuno sa departamento
ng sponsor at ang pangalawang paksang tatalakayin ay patungkol sa mga kagamitang
kakailanganin sa paggawa ng mga nasabing produkto. Sa pangalawang paksang ito, aking
makakasama si Bb. Silarde upang mabigyang linaw ang nasabing paksa.

Kharylle: Ang unang produkto ay ang: facemask. Ang uri ng mask na gagawin ng linyang
produksyon na ito ay three-ply surgical mask. Ang mga surgical mask ay gawa sa isang
nonwoven fabric na nilikha gamit ang isang proseso ng melt blowing. Ang mga produktong
kailangan ay mga high elastic band at tatlong mga layer: Skin Friendly Contact Layer, High
Density Filter Layer at Leak-Proof nonwoven fabric. Ito ang mga ginamit na mga produkto
upang masiguro ang kaligtasan ng mga konsumer at ang pangalawang produkto naman ay ang
Face Shield. Ang mga kakailanganin na produkto rito ay ang Forehead band Visor na kalimitang
gawa sa plastic.

Kristine: Ang pangatlong produkto naman ay ang iba;t ibang klase ng Personal Protective
Equipment (PPE). Ang tela ay binubuo ng non-woven lining at PTFE membrane. Sa Surgical
Gown, ang tela ay gawa sa SMMS Nonwoven fabric na polypropylene and polyester, sa Shoe
Cover ay gagamitan ng LDPE Material, ang Head Cover naman ay gawa sa gamit na
Polypropylene Spun bond Nonwoven fabric na mayroong double-stitched elastic band.
*Discussion, Questions, Other Ideas (Adlib)*
*Pag-uusapan kung sino ang taong magsasagawa*

Kristine: Ayon sa napag-usapan, ang taong magsasagawa ay si G. Sajol

3. Badyet na kakailanganin para sa paggawa ng mga produkto.

Sajol: bilang isang (COO) ng aming companya para sakin kakailanganin ng malaking budget
upang maisagawa ang proceso ng isa sa aming mga producto. Tulad na lamang ng facemask
kakailangan namin ng mga supplier ng mga parts ng pag gawa ng facemask tulad ng Tela para sa
base at mga elastic cord para naman makakabit sa ating mga tenga at ibat iba pang parte ng
material sa pag gawa ng facemask at iba pa namin na producto na ipapaliwanag ni G. Vega.

Vega:

*Discussion, Questions, Other Ideas (Adlib)*


*Pag-uusapan kung sino ang taong magsasagawa*

Sajol: Ayon sa napag-usapan, ang taong magsasagawa ay si G. Tablada.

4. Presyo ng bawat nagawang produkto.

Crystelle (Finance Dept): Sa ikaapat na paksa ng pulong na ito, aking tatalakayin ang presyo ng
bawat nagawang produkto. Sa talakayan na ito, aking makakasama ang pangunahing
namumuno sa kompanya na si Bb. Silarde upang aming maipaliwanag ng mabuti ang paksang
inilahad.

Kristine: Sa nagdaang mga buwan hanggang sa kasalukuyan, tayo ay nakararanas ng pandemya.


Isang uri ng sakit na maaaring maipasa sa pamamagitan pagkakaroon ng pisikal na kontak sa
mga tao. Kung kaya naman, kagaya ng nasabi kanina nila G. Sajol at Bb. Krishaine, ating napag-
isipan na gumawa ng mga facemask, face shield, at PPE na magagamit panlaban sa sakit. Ang
ating kompanya ay naglalayon na magkaroon ng mga produktong nasisiguro ang kaligtasan ng
mga indibidwal.

Crystelle: Nagkalat din ang mga taong mapagsamantala, pilit na tinataasan ang presyo upang
sila’y kumita. Kung kaya;t, gagawing mas abot kaya ang mga produktong nasabi dahil parte na
ito ng pang-araw-araw na pangangailangan ng tao lalo na sa mga frontliners. Isang kahon ng 50
facemask ay maaaring ibenta ng isaang daang piso; ang mga face shield ay maibebenta ng
dalawampung piso bawat isa; at ang mga Personal Protective Equipment o PPE ay
nagkakahalagang tatlong daang piso. Siniguro namin na ang mga produkto ay abot kaya at
kalidad dahil proteksyon ito sa pangkalusugan ng mga tao.

*Discussion, Questions, Other Ideas (Adlib)*


*Pag-uusapan kung sino ang taong magsasagawa*

Kristine: Ayon sa napag-usapan, ang taong magsasagawa ay si G. Tenebro.

5. Paano ipakikilala at iaalok sa masa.

Krishaine: Bilang ako ang namumuno sa departamento ng marketing, sa panghuling paksang ito,
aking tatalakayin ang paraan kung paano ipakikilala at iaalok sa masa ang mga nabanggit na
produkto. Makakasama ko sa pagtalakay ang namumuno sa depatamento ng IT na si G. Reyes
upang mas mapalawak pa ang ideya sa paksang nabanggit. Ipapakilala at iaalok ito sa masa sa
pamamagitan ng pag post nito sa social media dahil halos lahat naman na ng tao gumagamit nito.

Reyes: Maaari rin tayong magkaroon ng wholesale na pagbili sa ating kompanya upang lumawak
ang ating market at hindi mahirapan sa pagbili ang mga konsumer. Maaari din tayong mag bigay
ng promo sa paraang ito upang mas magiging intresado ang mga mamimili. Matapos mamili ng
mga consumer, maaaari tayong humingi ng komento upang sa paraang iyon, mapaganda pa
natin ang mga produktong inaalok dahil nalaman na natin ang mga maaaring komento ng iba
pang konsumer na darating sa ibang araw.

*Discussion, Questions, Other Ideas (Adlib)*


*Pag-uusapan kung sino ang taong magsasagawa*

Krishaine: Ayon sa napag-usapan, ang taong magsasagawa ay sina G. Silarde at G. Runez


Krishaine: Kung wala ng katanungan at maaaring linawin sa isat isa, aking wawakasin ang
pagpupulong na ito. Hinahangad kong magiging maganda ang daloy ng ating paggawa ng mga
nasabing produkto upang masiguro ang kaligtasan ng ating kapwa sa panahong mayroon
tayong kinahaharap na pandemya. Manatiling ligtas at sumunod sa protocol nang sa ganoon ay
hindi na kumalat pa ang sakit na ito. Maraming salamat sa inyong presensya at kooperasyon at
magandang araw.

You might also like