You are on page 1of 2

Hello!!! magandang umaga, magandang hapon at magandang gabi sa inyon lahat!!!!

ang kwentong ating babasahin ay pinamagatang ang alamat ng pinya

ito ay kwento at akda ni Rotero G. Arderoloson

May mag-inang Rosa at Pinang na nakatira sa liblib na lugar. Dahil mag-isang anak
lang si Pinang, lumaki siyang sunod ang layaw sa ina. Ang katwiran ni Aling Rosa ay
maliit pa naman si Pinang at matututo rin ang kanyang anak ng mga gawaing bahay
kapag nagdalaga na subalit nagkamali siya.

Hindi natuto ang kanyang anak. Bagkus, naging tamad ang dalagita. Ang alam lang
gawin ni Pinang ay kumain, mamintana, maglaro, maligo, at matulog.

Lagi pang nangangatwiran na pagod sa paglalaro kapag inuutusan ng ina o kaya hindi
mahanap ang dapat hanapin. Mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak kaya naman siya na
lamang ang gumawa ng mga gawaing bahay.

Isang araw, nagkasakit si Aling Rosa at inutusan niya ang kanyang anak na ipagluto
siya ng lugaw. Sumunod naman si Pinang ngunit nakalimutan niyang may niluluto siya.
Kaya naman, nasunog ang lugaw. Gayunpaman, inihain pa rin ito ni Pinang.

Gusto mang magreklamo ni Aling Rosa ay hindi na niya ginawa dahil kahit paano
pinagsisilbihan siya ng anak.

Minsang nagluto si Pinang ay umiral ang kanyang katamaran. Bawat bagay na hanapin
ay itinatanong niya sa kanyang ina.

Hanggang sa nainis si Aling Rosa at pasigaw niyang sinabi,

Halos dinig ng mga kapitbahay ang malakas na sigaw niya.

Tumahimik si Pinang at padabog na bumaba ng bahay upang hanapin ang sandok.

Lumipas ang mga oras hanggang sa nalipasan si Aling Rosa ng gutom. Nakatulugan niya
ang paghihintay. Nagising siya nang dapithapon na.

Malapit nang gumabi ngunit hindi na narinig ni Aling Rosa ang kaluskos sa kusina.
Wala rin siyang narinig na bubulong-bulong o pagdadabog. Nabahala siya kaya kahit
may sakit ay pinilit niyang tumayo upang hanapin ang anak.

Ni isa man sa kapitbahay ay walang nakakita kay Pinang mula pa kaninang umaga.
Hindi nawalan ng pag-asa si Aling Rosa. Marahil, nandiyan lang sa tabi-tabi ang
kanyang anak.

Naisip niya marahil nagtatampo lamang si Pinang dahil sa huling sinabi niya.
Nagpagaling siya at nagpalakas upang mahanap niya ang anak ngunit naging bigo siya.
Hindi na niya makita si Pinang.

"Hindi kaya't lumayas na si Pinang dahil hindi na niya ito naasikaso? O, kaya
naman, nagsawa na ang kanyang dalagita sa pag-aaruga sa kanya?" Ang mga katanungang
ito ay nagsasalimbayan sa kanyang utak. Lumipas ang mga araw at laging niyang
hinihiling na sana ay bumalik na ang kanyang dalagita.

Hanggang isang araw, napansin ni Aling Rosa ang tumubong halaman sa bakuran ng
bahay. Dahil likas siyang maaruga, araw-araw ay diniligan niya ito hanggang sa
namunga ang halaman.

Laking gulat niya nang makita ang bunga, hugis ulo ng tao at maraming mga mata.
Bigla siyang nalungkot nang maalala ang sinabi niya sa anak. Nagkatotoo ang mga
sinabi niya.

Napansin ng mga kapitbahay ang espesyal na pag-aaruga ni Aling Rosa sa halaman. Ang
mga kapitbahay na nakarinig ng sagutan nilang mag-ina nang araw na mawala si Pinang
ay madalas sabihin, "Pinang niya iyan".

Bilang pag-alala sa anak, pinadami ni Aling Rosa ang tanim at pinamigay ang iba.
Bawat pinyang pinamimigay niya, ikinukwento niya kung paano siya nagkaroon ng
kakaibang halamang tanim. Mula noon, tinawag na pinya ang halamang may bunga na
hugis ulo ng tao at maraming mata.

At dito nagtatapos ang aking kwento. a

ang aral sa kwentong ito ay tungkol sa

You might also like