You are on page 1of 1

Jerhyl Keith Francisco BSCE-2A

Independent Learning
Salawikain/Sawikain
“Huwag mong ulit-ulitin kung ayaw mong maging alipin”
Ang kahulugan nito ay tungkol sa kasalanan o pagkalulong sa masamang bisyo o gawain.
Sa buhay natin, minsan mayroong mga bagay na nakakagawa tayo ng maling desisyon o
gawain at iniisip natin na hindi ito mahalaga dahil ito ay maliit na bagay lamang ngunit
kapag pinagpatuloy natin ay minsan hindi na natin namamalayan na tayo ay nagiging
alipin na ng ating sariling maling desisyon at maaaring magdulot ito ng sariling
kapahamakan. Kapag ipinagpatuloy natin ang maling bagay o desisyon, hindi na natin
namamalayan na ang ginagawa natin ay isa na palang kasalanan at napapasailalim na
tayo sa kasamahan.
Kasabihan
“Ang tuluyang paglisan ang pinakamasakit na katotohanan”
Ang kasabihang ito ay nangangahulugan ng tuluyan pagliban o ang pagkamatay ng isang
mahal natin sa buhay. Isa ito sa katotohanang hindi matanggap ng mga tao sapagkat hindi
naman natin gusto na mawala ang mga mahal natinsa buhay. Isang halimbawa nito ay
ang pagkamatay ni Kobe Bryant na isang magaling na basketbol player, at dahil nga sa
aksidenting na nagdulot ng pagkamatay niya at ng kanyang isang anak ay marami ang
hindi makapaniwala at naapektohan lalo na ang mundo ng basketbol at marami ang nag-
iisip na sana ito ay isang panaginip lamang. Mahirap tanggapin ang pagkawala ng mga
tao na malapit sa atin sapagkat sila ang nagbibigay ng inspirasyon, lakas at nagpapasaya
sa atin ngunit ang kamatayan ang isa sa katotohanang hindi matatakasan.
Idyoma
“Makuha sa tingin”
Sariling pagpapakahulugan:
Ang kahulugan ng idyomang ito ay makumbinsi o kumbinsihin ang isang tao.

You might also like